Share

DW - VI

          Bago pa man sila magpunta sa mundo ng mga tao para simulan ang pagsasanay, ipinatawag ang mga taga-bantay at kanilang binabantayan para sa isang pagpupulong sa lugar na sa pagkakalarawan ni Jehanne ay "maraming lamesa at kandila." Saka lang niya nalamang ang tawag pala sa lugar na iyon ay "Bulwagan ng mga Namayapa," nang sabihin sa kanya ni Andrei.

          Pinagmasdan ni Jehanne ang mga kasama niya. Pansin niyang may pagkakapareho ang mga binabantayan sa kulay ng mga mata at balat. Inisip niyang dahil siguro iyon sa seremonyang pinagdaanan nila. Ipinagtataka naman niya kung bakit halos hindi nila kawangis ang mga taga-bantay. Ilan sa kanila ay iba ang kulay ng mga mata. Mapapansin ding mas marangya ang bihis ng mga taga-bantay kaysa sa kanila at napakaraming palamuti sa katawan ng mga iyon, maliban na nga lang siguro kay Andrei dahil simple lang ang ayos nito. Inisip niyang maganda siguro kung magiging taga-bantay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status