Share

DW - VII

          Nagsimula na ang pagsasanay. Nasa taas ng gusali sina Andrei at Jehanne. Kasama nila rito ang ilang manggagawa ng itinatayong gusali. Ilegal ang pananatili ng mga iyon sa palapag na ito, pero wala namang nagbabantay kaya wala na ring pumigil sa mga iyon.

          Mahimbing na natutulog ang lahat kahit na sa tabla lang nakahiga ang karamihan sa kanila. Hindi na sila naghangad ng maayos na tulugan dahil presko naman ang hangin sa itaas ng gusali. Habang naghihilik ang lahat, mayroong isang gising at nakatayo sa dulo ng palapag ng gusali. Pinagmamasdan noon ang tanawin sa ibaba. Iyon ang biktima sa gabing ito.

          May inilabas na itim na papel si Andrei mula sa bulsa niya. Galing ito kay Cadis. Binasa niya ang nakasulat. Mayroong pangalan: Greg Macasaet. Ipinakita niya kay Jehanne ang papel.

          "Nababasa mo?" tanong niya.

   

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status