Matapos ang ilang minutong paglagi nila sa Paraiso, nilisan na nila ang lugar. Magkagayunman, hindi makalimutan ni Jehanne ang ganda ng Paraiso kaya nakiusap siya kay Andrei na bumalik sila roon. Hindi naman siya binigo ni Andrei at sinabing babalik sila kung pagbubutihin ni Jehanne ang mga gagawing pagsasanay sa hinaharap.
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, nagbalik sina Andrei at Jehanne sa mundo ng mga tao. Hindi tulad ng nauna nilang pagsasanay, maliwanag ang mundong ibabaw nang puntahan nila. Nasa isang kalye sila. Maraming estudyanteng nakasuot ng uniporme ang dumaraan. Inabot ni Andrei kay Jehanne ang nakatiklop na itim na papel na paniguradong galing kay Cadis.
"Narito ang pangalan ng sunod na biktima, tama?" tanong ni Jehanne.
"Ganoon na nga," sagot ni Andrei.Binuksan ni Jehann
Umulan noong araw na iyon. Hindi nagsabay sina Laura at Thea noong uwian dahil sabi ni Laura, makikipagkita siya kay Raizen. Hindi na sumama si Thea dahil pinakiusapan siya ng kaibigan at pakiramdam niya hindi rin naman siya makatutulong. Ayaw niya ring makagulo sa kung anumang magiging usapan ng dalawa. Bago pa maghiwalay, niyakap ni Thea si Laura at sinabihan ng, "Good luck! Balitaan mo ako ha!" Tumango ang kaibigan at ngumiti nang bahagya. Dali-daling itong sumakay nang dumaan ang isang pampasaherong jeep na siyang magdadala sa pupuntahan nito. Kasabay ng pagbiyahe ni Laura lulan ng pampasaherong jeep ay ang paglalakbay ng isip niya. Katatagpuin niya si Raizen, ang dati niyang kasintahan. Mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Marami itong pera dahil may magandang trabaho. Hindi naman iyon ang nakasilaw sa kanya. Sadyang minahal niya ito dahil marami silang pag
Pag-uwi sa bahay, dali-daling dumiretso si Laura sa silid niya. Agad siyang sumalampak sa kama at umiyak nang umiyak. Kinuha ni Andrei ang pagkakataon at gumawa ng isang teritoryo. Nagmasid lang si Jehanne kasi hanggang ngayon hindi pa siya handa sa trabaho. Sinimulan nang bulungan ni Andrei si Laura. Malinaw na malinaw na naririnig ni Jehanne ang mga nasa isip ni Laura. Iyak pa rin ito nang iyak habang nakahiga sa kama. Inisip ni Laura na napakamalas ng buhay niya dahil sa batang nasa sinapupunan niya. "Sabi niya mahal ka niya, 'di ba?" "Sabi niya mahal niya ako." "Sabi niya aalagaan ka niya." "Sabi niya aalagaan niya ako." "Pero ano'ng gina
Hawak-hawak ni Fame ang pisnging sinampal ni Andrei habang humahangos na tumatakbo (kahit wala naman siyang hininga) papunta sa isang silid na madalas niyang puntahan tuwing masama ang loob niya. Narating niya ang pinto ng silid na may nakasulat na mga simbolong imposibleng maintindihan ng pangkaraniwang tao. Nakasulat dito ang mga numerong 80 - 800514 at sa ibaba nito, naroon din ang pangalan ng may-ari ng silid, si Hogan. Sa paligid ng pinto may mga simbolong nakaukit na iba't iba ang anyo at hugis na siyang nagsisilbing daluyan ng liwanag galing sa bato. Itinapat ni Fame ang bato niya at lumabas dito ang puting liwanag, na siyang tanda ng pagiging isang taga-bantay. Nang bumukas ang pinto, agad siyang pumasok sa silid at tinawag niya ang pangalan ng may-ari nito. Agad din namang sumara ang pinto pagpasok niya. Nakadisenyo iyon sa ganoong paraan.  
Nasa ikatlong araw na ng pagsasanay sina Andrei at Jehanne. Tinipon muli sila ni Cadis sa Bulwagan ng mga Namayapa. Matapos maibigay sa mga taga-bantay ang itim na papel kung saan naroon ang pangalan ng magiging "biktima" nila, nagpunta na sila sa kanya-kanyang silid. Narating na nina Jehanne at Andrei ang silid, pero bago sumalang sa panibagong pagsasanay, nagpaalam si Andrei kay Jehanne at sinabing mahuhuli sila sa nakatakdang oras dahil may mahalagang iniuutos si Cadis sa kanya. Ayos lang naman iyon para kay Jehanne. Hindi rin naman kasi niya gusto ang trabaho nila. Paglabas ni Andrei ng silid ni Jehanne, nakasalubong niya si Hogan. Binati niya ito. "Uy Hogan! Bakit pagala-gala ka pa? Hindi pa ba kayo nagsisimulang magsanay?" "Hmm. Maya-maya. Nagpaalam naman ako kay Cadis e!" "May pup
Manghang-mangha si Jehanne sa pinasukan nilang aklatan. Malawak ito at napakalinis tingnan. Nakahilera ang daan-daang estanteng gawa sa salamin; ang iba ay mas mataas sa kanya, ang iba naman ay kaya niyang abutin. Nakasalansan dito nang maayos ang mga aklat na iba't iba ang laki. Mayroong mga aklat na sobrang kapal. Mayroon ding kayang basahin sa isang upuan. Mayroong mga luma na ang pabalat. Mayroon namang napalalamutian ng maliliit at kumikinang na bato. Naisip ni Jehanne na mukhang magandang basahin ang mga aklat na kumikinang. Nakaaakit kasi ang mga iyon sa mga mata. Sobrang tahimik sa loob ng aklatan. Bilang na bilang lang kasi sa daliri ang mga nasa loob nito. Iilan lang talaga sa mga kaluluwa ang nahilig na magbasa. Sobrang liwanag din dito dahil sa magkakatabing sulong daan-daan ang bilang na nakakabit sa pader. Kahit na lumiliwanag ang mga iyon, pakiwari ni Jehanne hindi iyon nagbibigay
Nahintakutan si Jehanne sa huling sinabi ni Hogan. "Maglaho?" kanyang naitanong. "Maglahong parang isang bula..." "Paano iyon?" "Hindi mo na gugustuhing malaman pa." "Nangyari na ba ang ganoon dati?" "Wala pa akong nasaksihan, pero nakasulat sa aklat na ito kung sinu-sino ang mga naparusahan. Sadyang isinulat iyon para hindi sila pamarisan ng iba, pero ang problema kasi, hindi naman sila nagbabasa ng mga aklat dito kaya hindi rin nila alam." "Puwede ko bang hiramin ang aklat na iyan?" pagbabaka-sakali ni Jehanne. Sa palagay niya kasi, interesante ang aklat na iyon, pero mabilis din niyang binawi ang sinabi. "A hindi, baka basahin mo pa. Kaya mo nga pala kinuha. Hindi ta
"Subukan mong basahin ang aklat na ito," alok ni Hogan at nag-abot na naman siya ng isang aklat kay Jehanne. Agad na nahumaling si Jehanne sa ibinigay na aklat ni Hogan na may kulay pulang pabalat na dinisenyuhan din ng maliliit at pira-pirasong batong kumikinang. Ngunit bago pa mabuklat ni Jehanne ang aklat, ginulat siya ng isang pamilyar na boses, "Nandito ka lang pala." Napabalikwas si Jehanne sa kinauupuan nang makitang nasa likuran nila si Andrei. Walang ekspresyon ang mukha nito. "A-Andrei, kanina ka pa ba riyan?" "Mga isang segundo," kalmadong sagot ni Andrei. Tumayo si Jehanne at inayos ang sarili. "Pasensya na. Medyo nainip kasi ako kahihintay kaya nagpunta ako rito." Magpapaliwanag pa sana siy
Madilim sa loob ng silid, pero nakikita nang malinaw nina Andrei at Jehanne ang paligid dahil sa kapangyarihan ng mga bato nila. Sa loob, nakita ni Jehanne ang isang babae at isang lalaki. Nakahiga ang lalaki sa malambot na kama. Nakaupo ang isang babae sa ibabaw niya, si Nathalia Fortes, base na rin sa pangalang nasa ulunan nito. Maganda siyang babae. Maputi ang balat niya. Alon-alon ang itim niyang buhok na hanggang baywang. Nakabibighani ang mga mata niya. Mayroon siyang matangos na ilong at mapupulang labi. Kapansin-pansin din ang malulusog niyang dibdib na higit na humahalina sa lalaking kasama niya. "Sigurado kang walang ibang tao rito? Baka mamaya biglang dumating yung asawa mo," pangamba ng lalaki. "Magtatanong ka pa ng ganyan? Thirty minutes na nga akong nakaibabaw sa iyo. Walang ibang tao rito. Tayong dalawa lang," a