Share

DW - X.I

          Nasa ikatlong araw na ng pagsasanay sina Andrei at Jehanne. Tinipon muli sila ni Cadis sa Bulwagan ng mga Namayapa. Matapos maibigay sa mga taga-bantay ang itim na papel kung saan naroon ang pangalan ng magiging "biktima" nila, nagpunta na sila sa kanya-kanyang silid. Narating na nina Jehanne at Andrei ang silid, pero bago sumalang sa panibagong pagsasanay, nagpaalam si Andrei kay Jehanne at sinabing mahuhuli sila sa nakatakdang oras dahil may mahalagang iniuutos si Cadis sa kanya. Ayos lang naman iyon para kay Jehanne. Hindi rin naman kasi niya gusto ang trabaho nila.

          Paglabas ni Andrei ng silid ni Jehanne, nakasalubong niya si Hogan. Binati niya ito.

          "Uy Hogan! Bakit pagala-gala ka pa? Hindi pa ba kayo nagsisimulang magsanay?"

          "Hmm. Maya-maya. Nagpaalam naman ako kay Cadis e!"

          "May pup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status