Fight For Love (Gabriel & Jenny)
Fight For Love (Gabriel & Jenny)
Author: BM_BLACK301
PROLOGUE

AN: Hello po sa inyong lahat 😍 unpublish ko pala ang ibang on-going story ko. Dahil hindi ko siya kayang i-continue, nahihirapan na akong balikan lahat. Pasensya na po sa inyong lahat, siguro ibabalik ko siya at i-publish ng kumpleto na. So, ito para gumana ang utak ko i made again ng isang story. Hope you like it guys!

--------------

"Ma, Pa. Gusto ko na po siyang pakasalan."

Napatayo sa kinauupuan ang nasabing magulang dahil sa sinabi at hindi makapaniwala ang itsura ng mga ito.

"Anak, baka naman nagpapadalos-dalos ka lang ng desisyon mo?"

"Ma, bente singko na ako at alam ko na ang ginagawa ko. At isa pa anim na buwan na siyang buntis, alam niyo na naman na nagmamahalan kami kahit alam kong tutol kayo sa relasyon namin. Ma, pa. Mahal na mahal ko po si, Carmela."

Hindi nagsalita ang ginang at nanatiling nakatingin na tila ba may iniisip ito.

"Bueno, sige papayag kami ng ama mo. Pero saka na 'yang kasal na 'yan kapag nakapanganak na siya. Mas magandang magpakasal kung hindi malaki ang tiyan ng babae na 'yan."

"Ma, Carmela ang pangalan niya."

"Ok, Carmela. Naiintindihan mo ba ako? Saka na kayo magpapakasal maliwanag ba?" Seryosong wika nito sa anak.

"Bakit kailangan pa na manganak siya at doon pa kami magpapakasal? Maaari na naman ngayon at--"

"Sinabi ko na at kung mapilit ka baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko, alam mo na hindi ko siya gusto para sa'yo. Ngayon dahil sa binuntis mo na ang babae na 'yan, wala na akong magagawa. Kaya sundin mo ang gusto ko, saka na kayo magpapakasal. Maliwanag?"

"Naunawaan ko." Mahinang sabi ni Gregory sa Ina at lumabas na ito ng pinto.

----------

"Hindi ako makakapayag na pakasalan niya ang hampaslupang babae na 'yon. Pinaiikot lang niya ang anak natin at ayan nagpabuntis pa ang walanghiya!"

"Bakit ba galit na galit ka sa mapapangasawa ng anak mo? Mukha namang mabait ang bata na 'yon at kahit ginawa mo na ang lahat para paglayuin sila. Magkasama pa rin sila, bakit hindi mo na lang hayaan na lumigaya ang anak natin?"

"Lumigaya? Nakita mo ba nangyayari sa anak natin? Dahil sa pesting pag-ibig na 'yan. Hindi niya nagagampanan ng maayos ang posisyon na binigay natin sa kanya sa kompanya natin na siya rin namang magmamana pagdating ng araw. Hindi ako papayag na ang babae na 'yon ang mapangasawa ng anak natin at lalong hindi ako papayag na pakasalan siya ng anak natin, naintindihan mo!?" Halos manginig na buong katawan ng ginang dahil sa sobrang galit nito.

"Hindi na kita talaga maunawaan, bakit pati sa ganyang sitwasyon ay kailangan mo panghimasukan ang buhay ng anak natin."

"Dahil iniingatan ko lang siya at ayokong mawala ang lahat sa kanya dahil lang sa kung sino-sinong babae na aasawahin niya. Hindi ako papayag!"

Naiiling na lumabas ng pinto ang asawa ng ginang dahil sa mga sinasabi nito.

"Gagawa ako ng paraan para paglayuin kayo, oras na maipanganak mo na ang bata 'ay mawawala ka na sa landas namin." Mahinang wika nito at maraming nabuong maitim na plano sa kanyang isipan.

----------

"Pagpasensyahan mo na si mama, pero sinabi naman niya na magpapakasal tayo kapag nanganak ka na." Masayang niyakap Gregory si Carmela habang nakatalikod dito sa loob ng silid.

"Ok lang naman saka hindi naman kita minamadali rin, ang importante kahit alam kong ayaw niya sa akin 'ay pumayag na siya. Ang dami na rin nating pinagdaanan at dahil 'yon sa matibay nating pagmamahal sa isa't isa at lalo na dito sa anak natin." Nakangiting wika ni Carmela.

"Tama ka, pangako. Magiging isang mabuting ama ako at asawa na rin sa'yo Mrs. Carmela Alarcon." Masayang bigkas ni Gregory at hinagkan ang pisngi ni Carmela.

Dumaan ang araw at linggo pati na ang buwan, masaya sila sa araw-araw na 'yon lalo na ng iluwal na ni Carmela ang anak nilang lalaki ni Gregory. Sobrang saya nilang dalawa dahil sa nakita at nahawakan na nila ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

"Gabriel Alarcon, maganda ba para sa kanya? Ang gwapo ng anak natin mana sa'yo." Masayang sabi ni Carmela dito sa loob ng pribadong silid sa hospital.

"Maganda at bagay na bagay ang pangalan sa kanya at hindi ka nagkamali dahil mana talaga siya sa akin napakagwapo." Mayabang na sagot naman ni Gregory habang nakatitig sa natutulog na sanggol.

"Sobrang saya ko Greg, may pamilya na ako." Naiiyak na wika ni Carmela dahil wala na siyang mga magulang nag-iisa na lamang siya buhay.

"Mas masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko lalo na ang anak natin, gagawa tayo ulit para naman masa masaya." Natatawang tiningnan ni Carmela si Gregory dahil sa kalokohan na sinabi nito.

Maligayang-maligaya ang puso nila dahil sa nangyari at sa mga susunod pa na mangyayari.

----------

"Ma, dalawang buwan na ang nagdaan simula ng ipanganak ni Carmela ang anak namin, gusto ko na siyang pakasalan para maging ganap ko na siyang asawa."

Natigil sa pagbabasa ng mga dukomento si Melinda na ina ni Gregory.

"Yes i know at hindi ko 'yan nakakalimutan. Kailan mo ba balak siyang pakasalan? Para maipayos ko na ang lahat." Seryosong sagot nito kay Gregory.

Napangiti naman ng malawak si Gregory dahil sa sagot ng ina.

"Salamat, gusto ko po sa lalong madaling panahon." Masayang sagot nito sa ina.

"Well, ayaw mo talaga magpaawat. Bukas na bukas ipapaayos ko na ang lahat." Sagot nito sa anak na walang pagsidlan ng tuwa dahil sa sinabi.

"Salamat ma, alam kong darating ang araw na matatanggap mo rin si Carmela bilang anak mo na rin." Nakangiting sabi ni Gregory.

"I don't think so. Sige na Hijo marami pa akong ginagawa." Paalam na nito sa anak at masayang lumabas ito sa kanyang opisina.

------------

"Alam mo na ang gagawi mo? Huwag na huwag kang papalpak dito, baka ipalibing kita ng buhay."

"Yes, Ma'am Melinda. Makakaasa po kayo gagawin ko ng maayos ang trabaho ko."

"Siya sige, ito ang unang bayad. Makinig ka, mag-ingat ka na walang makakita sa'yo sa gagawin mo at siguraduhin mo na sakto ang pagpapainom mo ng pangpatulog kay Carmela." Paalala nito sa isa sa mga boy dito sa kanilang mansyon.

"At oras na mangyari na 'yon aalis ka rin dito dahil kailangan na palayasin rin kita. At huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin o sa kahit kanino sa pamilya ko. At isa pa dadalhi ko sa ibang bansa si Gregory." Nakangiting wika ni Melinda dahil sa kaniyang mga plano.

--------

"Ma, bagay ba sa akin ang tuxedo ko?" Masayang tanong ni Greg sa kanyang ina.

"Oo naman anak, napakagwapo mo diyan." Matamis ang ngiting sagot ni Melinda at lumapit sa anak upang ayusin ang kuwelyo nito.

"Ma, salamat. Alam kong hanggang ngayon hindi pa rin ok sa'yo ito, pero ito kasama kita ngayon sa araw ng aking kasal." Nakangiting saad ni Gregory.

"Anak kita kaya kahit alam kong tutol ako ay wala naman na akong magagawa at isa pa may apo na ako na sobrang gwapo." Masayang sagot ni Melinda.

Niyakap naman ni Gregory ang ina at maluha-luha habang maghigpit na yakap ito.

"Halika na at baka ma-late pa tayo." Aya na nito sa ina.

"Sige ma pero silipin ko muna si Carmela sa kabilang kuwarto gusto kong makita siya." Wika ni Gregory at naalarma naman si Melinda.

"No, i mean. Huwag kasi masama 'yon anak, sabi ng matatanda bawal makita ng groom ang bride dahil baka  hindi matuloy ang kasal."

Natigilan naman si Gregory pero sa huli ay tumango siya.

---------

Kumpleto na ang lahat at naroon na rin sa harap ng altar si Gregory at naghihintay na sa pagdating ni Carmela. Ang anak nila na karga ng yaya nito na nasa unahan ay gwapo rin sa suot.

Halata namang hindi mapakali si Greg dahil ilang minuto na rin at wala pa rin si Carmela. Marami ang naiinip na hanggang sa lumapit ang ina ni Gregory sa kanya.

"Anak nasaan na ba si Carmela? Anong oras na, nakakahiya na sa mga bisita natin." Mahinang sabi ni Melinda sa anak.

"Baka natraffic lang ma." Alanganin na sagot ni Gregory at muling bumalik sa pagkakaupo si Melinda. Hanggang sa nagdesisyon na si Gregory na lumabas ng simbahan.

"Greg, anak!" Tawag ni Melinda pero hindi siya nilingon ng anak.

Maraming nagbubulungan na mga bisita sa paglabas ni Greg. Pinuntahan ni Melinda ang asawa niya upang ayain itong sundan ang anak nila.

----------

Naghalo ang kaba at pag-aalala ni Gregory para sa babaeng mahal habang nagmamaneho pabalik ng mansyon.

Nasaan ka na Carmela? Anong nangyari at hindi ka nakarating? Sana naman walang nangyari sa'yong masama.

Piping bulong sa isip ni Gregory, hanggang sa makarating na siya mansyon at nagulat pa ang guard ng makita siya.

"Sir Greg, bakit po bumalik kayo?"

Hindi pinansin ni Gregory ang  sinabi ng guard at nagtuloy-tuloy na pinasok niya ang kotse sa loob ng mansyon at bumaba agad dito. Pagdating sa pinto ay narinig niya ang sasakyan na paparating at walang iba kung hindi ang kotse ng magulang niya.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at pumasok na siya sa loob, malalaki ang hakbang na tinungo ang silid kung saan nag-asikaso si Carmela. Halos magimbal si Gregory sa pagpasok sa pinto at sa kanyang nasaksihan. Halos manlumo sa kinatatayuan dahil sa kanyang nakita.

"Diyos ko po!"

Napalingon pa si Greg sa ina na gulat na gulat sa nasaksihan, nagkalat na bote ng alak at mga damit ng dalawang tao na nagkalat sa sahig. Magkayakap sa higaan na walang pang-itaas, nakakumot ang mga ito.

Pakiramdam ni Greg ay binagsakan siya ng langit at lupa at kasunod ang pagdidilim ng kaniyang paningin. Sinugod ang dalawang tao at hinatak ang lalaki at sinuntok ito.

"G-Greg, G-Gregory?" Hindi makapaniwala si Carmela sa nangyayari at makita ang galit na galit na si Greg. Nanlaki ang mata ng makitang nakatapis siya ng kumot at gulong-gulo sa nangyari.

"Paano mo 'to nagawa sa akin Carmela? Sa mismong araw pa ng kasal natin, ano bang nagawa ko sa'yo?" Puno ng hinanakit na wika ni Gregory at napasandal sa pader.

"Walanghiya ka talagang babae ka! Sinasabi ko na nga ba at wala kang kuwentang babae! Walang utang na loob napakalandi mo!" Malakas na sigaw Melinda at sinabunatan niya si Carmela.

"Melinda tama na 'yan." Awat naman ng asawa niya.

"G-Gregory, pakinggan mo ako. H-Hindi ko talaga alam ang nangyari, hindi ko ito ginagawa sa'yo mahal na mahal kita." Umiiyak na wika ni Carmela na gulo-gulo ang buhok.

Tahimik lang si Gregory at hindi magawang magsalita.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Sa tingin mo maniniwala kami sa'yo? Ayan kitang-kita ang ebendensya ng kalandian mo!"

"Maniwala po kayo wala po akong ginawa." Muling wika ni Carmela na walang tigil sa pagpatak ng luha.

Gumalaw naman si Greg at nagsimulang humakbang papunta sa pintuan at saglit na huminto.

"Ayaw na kitang makita pa, Carmela." Huling sabi ni Gregory at tuluyan na itong lumabas ng pinto.

"At kayo!? Lumayas na kayo dito, ayoko ng makita ang mga pagmumukha niyo. Layas!"

----------

"Ma, kakausapin ko po ulit si Greg. Magpapaliwanag ako." Hilam sa luhang pakiusap pa rin ni Carmela habang na sa labas ng pinto.

"Stop calling me mama. Dahil nandidiri ako sa'yo at sa tingin mo talaga na kakausapin ka pa ng anak ko? Umalis ka na kung ayaw mo ipakaladkad kita sa mga guard." Galit na wika ni, Melinda.

"Nakikiusap po ako at ang anak ko po paano siya?"

"Yon ba? Wala ka ng aasahan pa doon dahil dito lang ang apo ko kasama namin. Kaya makakaalis ka na."

"Pero, anak ko siya anak namin ni Greg." Sagot pa ni Carmela.

Tinalikuran na siya ni Melinda na may ngiti sa mga labi dahil nagtangumpay siya sa kanyang pinlano.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status