Share

CHAPTER 1

AN: Hello po sa inyong lahat at sa lahat ng mga magbabasa nito maraming salamat po.

----------

7 years later....

"Nako wala na ho dito sila sir at Ma'am Melinda nasa states na po sila simula ng mamayapa ang asawa ni Ma'am Melinda."

"Babalik pa po ba sila? Kailangan ko makita ang anak ko." Naiiyak na wika ko sa guard pero umiling lang ito.

"Carmela, hoy!"

"Ha? B-Bakit?" Nagulantang na sagot ko at takang-takang napatingin kay Joselyn.

"Bakit? Eh kanina ka pa tulala diyan eh. Huwag mo sabihin na iniisip mo na naman si Gregory?" Nakataas ang kilay na wika ni, Joselyn.

"H-Hindi, ang anak ko ang naalala ko. Kaarawana niya ngayon at malaki na siya dahil pitong taon na simula magkahiwalay kami. Ganon ko na rin katagal na hindi nakikita ang anak ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng puso ko ang mga nangyari." Naiiyak na sabi ko dahil walang araw o gabi na hindi ko naiisip ang anak ko.

"Alam ko naman eh, pero wala ka namang magagawa dahil sabi mo nga mayaman sila at kahit ipagpilit mo pa wala ring mangyayari dahil sila pa rin ang mananalo."

"Pero sana gumawa ako ng paraan, ang problema ko ng mga araw na 'yon wala rin akong malapitan at wala akong pera. Hindi ko alam kung sino ang tutulong sa akin o kung kanino ako lalapit." Malungkot na sagot ko.

"Bakit kasi hindi ka magmahal ng iba para sa ganon ay magkaanak ka, hindi ka na bata nasa trenta ka na hindi ba? Si Michael, hindi mo ba siya talaga magugustuhan?"

Napailing ako sa sinabi ni Joselyn doon sa manliligaw ko na manager namin dito sa isang shop. Magkasama kami sa trabaho ni Joselyn, cashier kami pareho.

"Hindi ko alam pero talagang hindi ko siya magawang magustuhan kahit pa alam ko naman na pursigido naman siya sa panliligaw sa akin. Pero talagang..."

"Dahil si Gregory pa rin? Sabi mo nga diba hindi ka niya pinakinggan at dahil sa ganon bagay ay biglang naglaho ang pagmamahal niya sa'yo." Naiinis na wika ni Joselyn.

"Huwag mo naman masiyadong laksan nakakahiya, pero nasaktan ko siya at kahit sino siguro hindi matatanggap ang nakita niya kahit pa hindi naman 'yon totoo." Malungkot na sabi ko at naalala ang nangyari na habang inaayusan ako ay may pinainom na tubig sa akin at yon na ang huling tanda ko dahil nawalan na ako ng malay, nagising na lang ako dahil nagkakagulo na.

Hindi ko na halos makain ang pagkain ko nawalan ako ng gana bigla dahil sa mga naiisip ko.

"Pero nasaan na kaya sila? Nasa ibang bansa pa rin kaya sila?" Tanong ni Joselyn habang kumakain.

"Hindi ko alam dahil huling punta ko sa dating bahay nila binenta na raw 'yon. Wala na talagang pag-asa na makita ko ang anak ko, kahit ang anak ko na lang ipakita naman nila sa akin. At ang masakit hindi na ako kilala ng anak ko dahil baby pa siya no'n ng mawala na ako sa tabi niya"

"Hay nako friend, tigilan na nga natin 'yan. Malay mo dumating ang araw na magkikita kayong muli at sa araw na 'yon maaari mo ipaliwanag sa kaniya na demonyita talaga ang lola niya." Natatawang sabi ni Joselyn dahil naikuwento ko sa kaniya ang ugali ng mama ni Gregory.

Alam ko na simula ng malaman nila na magkasintahan kami ay ramdam ko na hindi ako gusto ng mama niya. Alam ko rin naman na isang malaking pagkakamali ang makilala ko si Gregory Alarcon, pero isa siya sa napakagandang nangyari sa buhay ko kahit talaga namang langit at lupa ang agwat naming dalawa.

Sabay na pumasok na kami ni Joselyn after ng breaktime namin at nagsimula na kaming mag-trabaho na dalawa.

-------

"Ang sakit ng likod ko iba na talaga kapag nagkakaedad na dati disi-otso lang ako ngayon trentay dos na."

Napangiti ako kay Josely habang palabas na kami ng shop, matanda siya sa akin ng dalawang taon. Pero super close naming dalawa. Alas nuebe na ng gabi at wala ng gaanong tao sa labas. Pero naagaw ng atensyon ko ang batang nakaupo sa may gilid dito sa store.

"Sandali lang." Wika ko at nilapitan ko ang bata na nakayuko. "Gabi na bakit nasa labas ka pa?" Nakangiting sabi ko at umangat ang mukha nito, medyo marusing na ang pisngi nito at sa tingin ko halos magkasing edad lang sila ng anak ko.

"Carmela, sino ba yan?"

Nilingon ko si Joselyn na papalapit na sa akin, binaling ko ulit ang atensyon ko dito sa batang babae.

"Wala na po akong mama at papa." Malungkot na sagot nito.

Naawa naman ako dahil sa sinagot niya at nagkatinginan kaming dalawa ni Joselyn.

"Bakit nasaan na?" Curious na tanong ko at napansin ko na kumikibot-kibot ang labi nito kaya napangiti ako dahil sa nunal nito sa malapit sa nguso.

"Kinulong si papa si mama naman sumama sa ibang lalaki, sabi ng kapitbahay namin makati raw si mama. Ano po ibig sabihin no'n?"

Napatawa naman si Joselyn at nginitian ko siya.

"Bata ka pa huwag mo ng alamin 'yon, may kapatid ka ba?" Umiling ito kaya naman nalungkot ako sa bata na 'to dahil parang ako wala na ring mga magulang.

"Kumain ka na ba?" Muling tanong ko at mabilis na umiling siya. "Kung ganon halika pakakainin ka namin ni Ate Joselyn mo." Nakangiting wika ko sa kaniya. "Ako naman si Ate Carmela mo." Masayang sabi ko at inayos ko ang bangs na humaharang sa mata niya at napansin ko na magandang bata siya.

"Talaga po? Ate Carmela, Ate Joselyn? Yeheey! Salamat po, birthday ko po ngayon." Napatayong sabi niya na masaya.

"Talaga? Birthday mo ngayon?" Hindi makapaniwalang sabi ko at nagkatinginan kami ni, Joselyn.

"Hndi po ba kayo naniniwala sa akin?" Malungkot na sabi niya at muling naupo sa semento.

"Hindi naman halika na." Aya ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko na nakangiti.

----------

"Carmela, sigurado ka ba diyan sa balak mo? Baka mamaya masamang bata 'yan." Mahinang bulong ni Joselyn.

Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto ko ampunin ito.

"Ano ka ba mukha naman siyang mabait na bata at isa pa baka siya na ang magpapasaya sa akin." Masayang sagot ko habang nakatingin dito sa batang babae na sarap na sarap sa pagkain ng spaghetti.

"Ano ba ang pangalan mo?" Maya'y tanong ko dahil nakalimutan ko itanong kanina.

"Jenny po ang pangalan ko, bagay po ba sa akin?" Nakangiting sagot niya na nagkalat sa gilid ng bibig ang sauce ng spaghetti.

Natawa naman kami ni Joselyn sa itsura niya.

"Bagay sa'yo ang Jenny. Sige na kumain ka na, gusto mo ba sa akin ka na lang?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Talaga po?" Nanlalaki ang itim na bilugan na mata nito.

"Oo naman kung gusto mo." Masayang sabi ko at biglang nangilid ang luha sa mga mata niya.

"Oh, huwag ka umiyak papanget ka." Natatawang sabi ni Joselyn. "Mabait yan si Ate Carmela mo lalo na ako." Sabi pa ni Joselyn.

"Masayaa lang po." Sagot niya at nagpahid ng luha gamit ang likod ng palad nito.

"Puwede po ba na mama na lang kita?"

Nagkatinginan naman kami ni Joselyn dahil sa sinabi ni Jenny.

"Mukhang ito na ang sagot, instant mama ka na agad ngayon. Baka dahil sa bata na yan mabawasan ang pangungulila mo sa anak mo." Wika ni Joselyn.

"May anak po kayo? Baka awayin niya ako." Mabilis na sabi ni Jenny.

"Wala ang anak ko sa akin saka ko na ikukuwento 'yon sa'yo masiyado ka pang bata. Sa ngayon, sige payag na ako na ako na ang mama mo." Nakangiting sabi ko na kinalawak ng ngiti niya, lumabas ang pantay-pantay na ipin nito.

"Salamat po, sobrang salamat po." Masayang sabi nito at uminom ng coke.

"Mukhang magiging masyaa na ang araw mo, pero paano pala sino magbabantay sa kanya kapag papasok ka?" Tanong no Joselyn.

"Ako na bahala diyan sa ngayon mag-leave mo na ako sa trabaho para maasikaso ko siya at para mabilhan ko siya ng mga damit niya." Sagot ko at masayang pinagmamasdan si Jenny..

"Sige, basta if you need help. Nandito lang ako friend. Pero mabuti na lang rin at kinuha mo siya dahil baka mamaya mapaano pa 'yan marami pa namang masasama ang loob na nagkalat dito."

Napatingin ako kay Joselyn at isa yon sa dahilan kung bakit sinama ko ang bata na 'to dahil baka kung anong mangyari sa kaniya. Baka mapagsamantalahan pa siya ng mga tarantado dito.

"Salamat, Joselyn." Sabi ko at hinawakan siya sa braso, tumango siya sa akin.

Matapos namin kumain 'ay sabay-sabay na kaming umuwi. Magkasama kami ni Joselyn sa bahay at ngayon 'ay tatlo na kami ngayon dito.

--------

"Happy birthday to you."

"Happy birthday to you."

"Happy birthday to you."

"Happy birthday Gabriel." Malakas na sabay-sabay na bati ng mga batang imbitado sa kaarawan ng nag-iisang anak ng Alarcon at apo ng mga Alarcon.

Masayang hinipan ng batang si Gabriel ang animation na cake at masayang nagpalakpakan ang lahat, lahat ay mga nakangiti.

"Happy birthday sa gwapong-gwapo ko na apo."

"Salamat po lola." Masayang sagot niya at hinagkan ang kaniyang lola sa pisngi.

"Where's papa?" Tanong ni Gabriel sa lola niya at hinanap sa paligid ang ama niya.

"Apo, huwag mo na hanapin ang papa mo magpakasaya ka ngayon birthday mo." Nakangiting hinimas ng lola niya ang buhok niya.

"Birthday ko po ngayon wala si papa sana nandito si mama." Malungkot na sabi niya.

"Apo, sinabi ko naman sa'yo huwag na huwag mo na babangitin ang mama mo dahil wala siyang kuwenta iniwan ka niya kasama ang ibang lalaki, iniwan niya ang papa mo. Stop na ok, just enjoy your day, come on. Makipaglaro ka sa mga kaibigan mo."

Malungkot na tumango lang si Gabriel at nakayukong naglakad papunta sa mga batang naglalaro.

"Gab, happy birthday."

Napaangat ang mukha niya at makita ang isang box na nakabalot ng pang regalo.

"Oh, bakit ka nakasimangot? Sige papanget ka. Buksan mo na regalo ko sa'yo."

"Salamat, Trixie." Mahinang sagot niya at kinuha ang regalo sa kaniya at naupo sa mga upuan na semento dito sa malawak na garden nila dito sa mansiyon ng mga Alarcon.

"Wala siguro ang papa mo noh? Kahit naman sa akin lagi rin wala si papa kasi nga busy raw sa trabaho. Kaya si mama na lang lagi ko kasama."

"Mabuti ka pa may mama, pero sabi ni lola bad raw si mama kasi iniwan niya ako kami ni papa." Malungkot na nakayukong wika niya.

Hindi naman nakapagsalita ang kaibigan niyang si Trixie at nakatingin lang kay Gabriel na parang iiyak na.

"Tara maglaro na tayo." Masayang wika ni Trixie at tumayo na, nilahad ang kamay para ayain si Gabriel.

Matapos ang selebrasyon ay nasa silid na si Gabriel, kakatapos lang niya maglinis ng katawan at inayos na sa ibabaw ng higaan niya ang susuotin niya na pantulog.

"Yaya Mercy, dumating na po ba si papa?"

"Ang papa mo oo dumating na siya pero umakyat agad sa kuwarto niya mukhang pagod sa trabaho." Sagot nito at napatingin sa alaga niya na biglang sumigla.

"May pasalubong po ba siya sa akin? Regalo may binigay po ba siya?" Masyaang tanong niya sa Yaya niya.

Nalungkot naman ang mukha ng Yaya niya dahil sa tanong nito.

"Walang dala ang papa mo pero huwag ka mag-alala baka bukas pa 'yon bumili. Ang mabuti pa matulog ka na para maaga magising, malay mo may surprise sayo ang papa mo."

Malungkot na humiga na si Gabriel at kinumutan na siya ng Yaya niya, tumalikod siya.

"Hindi na po ako aasa Yaya Mercy." Garalgal ang boses na sabi niya at nagtalukbong siya ng kumot.

Lumabas na ang Yaya niya at pinatay na ang ilaw. Habang wala naman tigil sa pagpatak ng luha ng batang si Gabriel.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Remelyn Gwapa
wow ang ganda po nito salamat po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status