Share

CHAPTER 2

AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito alam ko na magugustuhan at paiiyakin ko kayo sa story na 'to. At magmamahal kayong muli😍

-----------

11 years later....

"Anak pasensya ka na ah kung kinakailangan nating lumipat agad-agad, pati school na papasukan mo 'ay bago ulit."

"Ma, ok lang sa akin. Saka wala naman pong problema ang dali lang maghanap ng bagong University. Maghahanap rin po ako ng bagong scholar ship na rin para makapagpatuloy sa pag-aaral." Nakangiting sabi ko kay mama at niyakap niya ako.

"Salamat anak, hayaan mo tutulungan kita sa lahat."

"Naglalambingan na naman kayo diyan sama naman ako."

Tumawa kami ni mama pagpasok ni Tita Joselyn at sumama na yumakap sa amin ni mama. Sobrang saya ko dahil sa kanila nagkaroon ako ng totoong pamilya, kahit pa alam ko naman na hindi ako tunay na anak ni Mama Carmela ay pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako bilang anak niya na.

"Alam mo Jenny, kailangan asikasuhin mo na agad ang pagpasok para naman hindi ka malate. At tungkol naman sa scholar ship mo huwag ka na mag-alala baby ko dahil may alam na si Tita mo."

Napabitaw ako kay mama dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tita Joselyn.

"T-Talaga po Tita?" Nanlalaki ang matang tanong ko at napatingin ako kay mama na nakangiti.

"Oo naman syempre hindi ata ako papayag na matagalan ka pa, kailangan makapag-transfer ka na ngayon. At alam mo ang good news? Ang University na ito ang isa sa mga sikat na University dito sa Manila. Kaya sigurado ako na magiging masaya at memorable ang bawat araw mo dito baby ko."

"Pero Tita, baka naman po hindi ako bagay diyan." Malungkot na sagot ko.

"Anong hindi bagay? Huwag mo isipin 'yon at isa pa matalino ka kaya deserve na dito ka mag-aral, basta siguraduhin mo lang na ma-maintain mo ang grades mo para hindi mawala ang scholar ship mo."

"Oo nga anak para naman ma-expirience mo rin na mag-aral sa ganyan. Basta narito kami ng Tita mo sa likod mo lang lagi, pagkakataon mo na ito anak."

Lumapit ako kay mama at Tita Joselyn sabay na niyakap ko sila pareho at naiiyak dahil napaka-swerte ko sa kanila.

"Oh, tama na ang drama dahil mamaya pupuntahan natin ang sinasabi ko. Kakilala ko kasi yung isa sa mga head na humahawak ng mga scholar kaya naman sabi ko baka puwede ka doon. Kaya pagbutihin mo ah?"

"Oo naman po Tita salamat po sa inyo ni mama, pero kinakabahan pa rin po ako. Ano nga pala ang name ng school na 'yon?" Curious na tanong ko.

"Monroie University." Nakangiting sagot ni Tita.

"Ah, Monroie University. Kakaiba ang pangalan at ngayon ko lang narinig, hindi kasi ako mahilig sa mga social media, 'yung f******k ko nga po tagal ko na hindi nabubuksan." Natatawang sabi ko at sabay na nagkatawanan silang dalawa.

"Anak, huwag kasi puro aral lang at pagsama sa amin sa palingke. Kaya wala kang alam kasi lagi kang sumama sa amin kapag wala kang pasok." Wika ni mama.

"Hindi kasi po kasi ako mahilig sa ganyan, siya nga po pala ngayon wala na tayong puwesto sa palingke. Ano po hanap buhay natin?" Tanong ko kay mama at parehong nakangiti sila.

"Hindi na ako magtitinda sa palingke anak, yung naipon ko na pera na dinagdagan ni Tita Joselyn mo. Nag-franchise kami ng sisigan at dito lang sa harap ng bahay natin 'yon naka-puwesto." Nakangiting wika ni mama.

"Talaga po? Excited na akong makita ang sisigan natin at para ma-try ko rin magtinda." Sagot ko at nagkatinginan silang dalawa.

"Ikaw talaga baby ko, huwag mo na muna isipin 'yang tinda-tinda ok? Isipin mo ang pag-aaral mo doon sa magandang school." Masayang sabi ni Tita Joselyn.

Napangiti na lang ako dahil parang sila pa ang excited na pumasok ako doon. Masayang nagtulong-tulong kami sa pag-aayos ng mga gamit namin dahil kakalipat lang namin dahil nga sa nagkagulo doon sa dati naming tinitirahan, pinaalis na ang lahat ng mga tao doon sa lugar kung saan ako nagkaisip at lumaki na rin syempre. Ayaw na ni mama sumali sa gulo kaya tinaggap nila ang pera na alok ng tunay na may-ari ng lupang tinitirikan ng mga bahay namin doon, kaya ako rin ito lilipat ng bagong school.

--------

"Ano excited ka na ba magpunta sa Monroie University?"

Napatingin naman ako tita dahil kakalabas lang namin sa opisina ng Fontanilla Corporation, binigay namin ang lahat ng mga requirementa na kailangan nila. Nagbibigay sila ng scholar ship para sa mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ang mga gastusin tulad ng tuision fee. Lalo pa sa school na talaga namang hindi aford ng ibang mga studyante.

"Opo pero nandoon 'yung kaba kasi hindi po basta-basta ang University na papasukan ko. At hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa laki ng tuision fee doon. Two hundred eighty thousands pesos, grabe ang mahal per sem pa 'yon." Hindi makapaniwalang wika ko habang naglalakad kami ni Tita sa hallway.

"Alam mo ayos lang 'yan anak kasi nga sagot naman lahat 'yan ng Fontanilla Corporation. Basta kailangan huwag mo sila bibiguin at ipakita mo na karapat-dapat ka sa binigay na oportunidad nila." Nakangiting sabi ni Tita Joselyn.

"Salamat po Tita, dahil po sa inyo ni mama meron ako ng lahat na ito." Nakangiting wika ko kay Tita at inakbyan niya ako.

"Lahat 'yan ay ginawa namin para sa'yo bilang pangalawang magulang mo na."

Tumango ako at masayang lumabas na kami ng building upang makauwi na sa bahay.

-----------

"Good morning, Gabriel."

"Morning." Sagot ko ng maabutan sa dining si Lola Melinda na nag-aalmusal, pansin ko na may isang plato na mukhang kakatapos lang kumain.

"Maupo ka na apo at kumain bago ka pumasok, kakaalis lang rin ng papa mo."

Wika ni Lola at tumango lang ako dahil kahit na kailan hindi ko nakakasabay kumain si papa at sa loob ng maraming taon 'ay nasanay na ako at wala na akong pakialam sa kanya.

"Kamusta kayo ni, Trixie?"

Napaangat ako ng mukha sa tanong ni Lola dahil tahimik na kumakain ako, nakangiti siya.

"Still good." Maikling sagot ko lang at nagpatuloy sa pagkain, binilasan ko na ang pagkain ko para makaalis na agad.

"Mabuti naman, pero Gabriel. Hanggang doon lang muna dahil mga bata pa kayo."

"Yeah, i know." Sagot ko at humalik na ako sa pisngi niya para magpaalam.

"Mag-iingat at dahan-dahan sa pag-drive, Gabriel."

Narinig ko pa na paalala ni Lola, ito ang naging libangan ko ang mangolekta ng mga mamahalin na kotse na lahat naman 'ay binibigay ni Lola sa akin. Kahit anong hilingin ko 'ay agad niyang binibigay. Wala man akong matuturing na ina nandiyan siya na tumayong ina para sa akin, kahit minsan 'ay masiyado siyang matatakutin sa mga bagay na ayaw niya.

Paglabas ko 'ay agad akong nagtungo sa parking at kinuha ko agad ang kotse ko na Chevrolet Corvette Stingray, ito ang napili kong gamitin ngayon. Meron akong twelve na kotse katulad ng Ferrari, lemousine, jaguar, sports car. Marami pang iba, ito lang ang kasiyahan ko.

Paglabas ko ng gate 'ay kinabit ko na ang headset ko at nakinig ng mga kantang mga paborito ko. Hindi naman kalayuan ang University na pinapasukan ko at ilang minuto lang 'ay nakakarating na ako agad doon dahil sa mabilis na takbo ng kotse ko.

Pagdating sa University 'ay agad na binati ako ng mga guard, kilala nila ako kaya talagang gumagalang sila sa akin. Kilala nila na isa sa mga pinakayamang studyante na nag-aaral dito sa Monroie University, dahil kilala ang mga Alarcon kahit na saang lugar.

Pinark ko lang ang kotse ko at bumaba na, habang naglalakad ako ay inayos ko ang suot ko. Wala namang uniform dito dahil nakasibilyan lang ang lahat ng mga studyante rito at pabor naman sa akin dahil ayoko talagang naka-uniform kapag pumapasok.

"Good morning!"

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod at umikot ito papunta sa harap ko, inalis ko ang isang earphone at nakangiting tiningnan ko ang magandang babae na isa sa nagpapasaya sa akin.

"Bakit nakangiti ka?" Nakaangat ang kilay na tanong nito.

"Nothing, nakita lang kita." Sagot ko na kinangiti niya at muli siyang yumakap sa akin na ginantihan ko naman.

"Tama na 'yan may klase pa tayo."

Napalingon ako sa likod ko sa nagsalita at walang iba kung hindi ang dalawang tropa kong mga gago. Si Arthur at Akihiro na may lahing hapon.

"Inggit lang kayo." Natatawang sabi ni Trixie.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at inakay na maglakad.

"Huwag tayong makikipag-usap sa mga gago na 'yan." Nangingiting wika ko at natawa si, Trixie.

"Banatan ka namin, Gabriel Alarcon!"

Malakas na wika ni Arthur na iniwan namin, nangingiting nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

"Kumain ka ba bago ka umalis?" Maya'y tanong ni, Trixie.

"Yes." Sagot ko lang at tiningnan siya, marami ang napapatingin sa amin kapag magkasama kaming naglalakad ni Trixie.

"Mabuti naman at isa pa iwasan mo ang ma-late ah."

"Opo." Sagot ko at mas hinatak ko pa ang kamay niya para bumilis ang lakad namin.

"Teka Gab, dahan-dahan lang naka-heels ako." Reklamo niya.

Tumigil ako sa paglakad at binitawan ang kamay niya, ito ang ayaw ko talaga sa babae ang nakasuot ng ganito. Pero dahil sa girlfriend ko si Trixie 'ay binalewala ko na lang, ako ang nahihirapan kapag nakikitang naglalakad ito.

"Galit ka ba?"

Tinitigan ko naman ang maliit at magandang mukha ni Trixie, pinindot ko ang maliit na matangos na ilong nito at napangiti.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Wika ko at inakbayan siya. "Tara na pasok na tayo baka umuusok na naman ang ilong ni, Mrs. Pilar kapag na-late tayo." Nakangiting sabi ko.

"Ikaw lang naman lagi late eh, kaya ka pinag-initan no'n." Nakatawang sabi ni Trixie.

Tumawa lang ako at pumasok na nga kami sa building kung saan doon ang aming klase. Gamit ang elevator ay nagtungo kami sa 5th floor, ilan lang ang nakasakay dito dahil hindi rin ako sumasakay kapag sobrang dami ang kasabay. Naghihintay ako kung kailan konti lang ang nakasakay.

Pagdating sa mismong room ay pinauna ko ng pumasok si Trixie at kasunod ako.

"Mr. Alarcon, so glad na maaga kang pumasok." Nakangiting nakakainsulto na bati sa kanya ni, Mrs. Pilar.

"Good morning." Wika ko lang at nagtuloy-tuloy na ako habang tahimik ang mga kaklase ko dito. Naupo ako malapit sa tabi ni Trixie, kasunod naman na nagdatingan si Arthur at Akihiro.

"So, magkakasunod talaga kayong dumating?" Nakangiting nakakalokong wika pa ni Mrs. Pilar. Nagtawanan naman ng mahina ang ibang studyante.

"Good morning, Mrs. Pilay. Este! Pilar po. Sorry." Kamot sa ulong bati ni Arthur at nagtawanan ang mga kaklase namin dito.

Pigil rin ang tawa ko pati na rin si Trixie dahil ang sama ng tingin sa amin ni Mrs. Pilar.

"You may take your seat now!" Malakas ang boses na sabi nito at nagmamadali na pumasok ang dalawa, natahimik naman na kami.

Umayos naman ako ng upo dahil nagsimula na itong magbuklat ng attendance record. Isa-isa na nitong tinawag ang mga pangalan.

"Gabriel Alarcon."

Hindi ako nagtaas ng kamay dahil alam naman niyang nandito ako.

"Nakakatamad bang itaas ang kamay mo, Mr. Alarcon?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

Balak ko sanag sumagot pero hindi ko na 'yon nagawa dahil sa babae na nasa pinto at patingin-tingin dito sa loob. Naagaw naman ni Mrs. Pilar ang atensyon ko at lumingon doon sa pinto, lumapit siya at pinuntahan ang babae.

"Yes?"

Umayos ako ng upo at nakinig sa usapan ng dalawa, pansin ko na mukhang bago lang siya dito dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Transferee?" Wika ng iba habang nakatingin doon.

"Ah, ma'am. Excuse me lang po, ito na po ba ang AB-1?"

Nagulat ang mga studyante dahil sa tanong ng babae dahil hindi sila makapaniwala na nasa highest section ito.

"Oh my gosh, hindi halata sa kanya." Mahinang wika ni Stephanie na malapit sa akin.

"Are you a new student?" Tanong ni Mrs. Pilar. Tumango naman ang babae at halatang may kaba ito dahil sa itsura, sabagay kahit sino kakabahan kapag nagsasalita si Mrs. Pilar, pero hindi ako kabilang doon.

"Ok, dahil new student ka 'ay palalagpasin ko. Next time alamin mo ng mabuti kung saan ka talaga pupunta, dahil mali ang pinuntahan mo. AB-2 ito." Mataray na sagot ni, Mrs. Pilar. "Ayan ang hinahanap mo, tingin-tingin rin." Muling sabi ni, Mrs. Pilar.

"So-Sorry po." Nakayukong nauutal na sagot ng babae.

Umalis na ang babae pero hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang simpleng itsura nito. Maganda rin naman siya ngunit napaka-simple lang niya at higit na nakaagaw ng pansin sa akin ay ang flat na sandals na suot nito. Ang hanggang balikat na buhok nito na mukhang natural lang na tuwid at ilong nito niya na hindi katangusan ngunit bumagay ito sa magandang hugis ng mukha nito.

Hindi rin mawaglit sa isip ko ang magandang pares ng mata niya, ang labi niya na manipis na hindi ganon kapula.

"Gab?"

"Gabriel? Are you ok?"

Napatingin ako kay Trixie na parang nagulat at napansin ko na kami na lang pala ang nandito. Tumayo ako bigla na pinagtaka ni, Trixie.

"Hey." Humarang si Trixie sa harapan ko at kinapa ang noo ko. "Ok ka naman pero bakit parang lutang ka, Gab?" Tanong nito.

"Nothing. Come on, nasaan na ang dalawa?" Hanap ko kila Arthur at Akihiro.

"Nauna na sila." Sagot lang ni Trixie.

Naglakad na kami at nakalimutan ko na hawakan ang kamay niya pero naramdaman ko ang kamay niya palad ko. Naglakad na kami na hanggang ngayon 'ay nasa isipan ko pa rin ang babae na 'yon.

----------------

Note: Lahat ng mga mababasa niyo dito ay pawang walang katotohanan, ito ay gawa-gawa ko lamang. All names, place, events are fiction.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status