Share

CHAPTER 4

"Gabriel, nag-away ba kayo ni Trixie?"

Napaangat ang mukha ko dahil sa tanong ni lola, kasalukuyang kumakain ako ng breakfast. Binaba ko ang hawak ko na tinidor at tiningnan si Lola.

"Hindi kami nag-away ni Trixie, misunderstanding lang po. But don't worry, aayusin ko po ito." Sagot ko at sinabayan ko ng pagtayo dahil nawalan ako ng ganang kumain.

"Tama lang 'yang gagawin mo, Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal at kilala mo na siya dahil sabay kayong lumaki simula bata pa. Siya lang ang babae na gusto ko para sa'yo."

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Lola nagpatuloy na ako palabas ng pinto papunta sa parking area. Alam ko naman 'yon simula nagkaisip ako na si Trixie lang ang para sa akin at 'yon ang ilalagay ko sa isip ko lagi, kailangan kong alisin sa isip ko ang babae na 'yun.

Seryosong nagmamaneho ako at malapit na rin ako makarating sa University. Mabilis na nai-park ko ang kotse, lumabas ako agad matapos ko mai-park ang sasakyan ko. Nagsimula na akong maglakad ng makita ko ang likod ng babae na kilalang-kilala ko. Mabilis na naglakad ako upang abutan ito, napatingin siya sa akin at huminto sa paglalakad.

"Trixie." Sambit ko sa pangalan niya at tiningnan niya lang ako at muling nagpatuloy siya sa paglalakad at binalewala ako.

Napabuntong hininga ako at napapikit ang matang muling hinabol ito. Humarang ako sa daraanan niya para agawin ang atensiyon niya.

"Gab, ayoko munang kausapin ka." Walang ganang sabi nito at muling nilagpasan ako.

"Come on, Trixie. I'm so sorry, hindi ko sinasadiyang masaktan kita kaya sana'y mapatawad mo ako." Totoo at seryosong wika ko  sa kaniya at tinitigan niya ako.

"Do you really love me, Gabriel?"

Natigilan ako sa tanong niya dahil bakit naman ganon ang tanong niya sa akin? Alam naman niya kung gaano ko siya kamahal.

Napatawa ako at napatingala. "I love you, alam mo 'yan. Alam kong nagkamali ako pero hindi ibig sabihin no'n hindi kita totoong mahal, come on." Paliwanag ko sa kaniya.

"Then show me, i want to feel. Gabriel, ignore that girl!"

"Yeah, i will. Can you forgive me?" Ngumiti ako sa kaniya 'yung tipong mapapangiti na rin siya at hindi nga ako nagkamali dahil ngumiti na rin siya sa akin.

"I'm sorry rin dahil masiyado akong nagpadala sa emosyon ko." Wika nito sa akin.

"No, don't say sorry ok?" Wika ko at hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi. Mabilis na dinampian ko ng halik ang labi niya.

"I love you, Gab." Sambit nito.

"I love you too." Nakangiting sagot ko at inakbayan ko na siya para sabay na kaming maglakad.

Habang naglalakad kami ni Trixie 'ay sabay na napahinto kami sa paglalakad dahil nasa harapan namin ngayon itong babae. Napatitig ako sa kaniya dahil bakas sa mata niya ang pag-iyak.

"Let's go."

Narinig ko na aya ni Trixie, naglakad na kami ulit at bago kami lumagpas doon sa babae 'ay nakita ko na yumuko siya siguro para itago ang mukha niya.

Shit! Gabriel, nangako ka. Bakit ba nag-alala ka na naman sa babae na 'yon.

"Gab, malapit na pala ang birthday mo anong plano mo?"

"Ha? Plano?" Takang tanong ko dahil hindi ko masiyadong narinig ang sinabi niya.

"Are you listening?"

"Yeah, i'm sorry. May naalala lang ako bigla, ano ba ang tanong mo. Anong plano ang sinasabi mo?" Sabi ko at napansin ko na tiningnan akong mabuti ni, Trixie.

"Forget it, let's go na baka mahuli tayo sa klase." Sabi niya lang.

Napatango na lang ako at palihim na napamura dahil baka mamaya ano na naman ang isipin niya sa akin. Bakit ba kapag nakikita ko ang babae na 'yun para bang wala na akong pakialam sa ibang tao. Shit!

---------

Pagtapos ng klase 'ay nauna ng umuwi si Trixie dahil may family dinner raw sila. Kaya mag-isa ako ngayon uuwi, 'yung dalawa naman na gagong kong kaibigan 'ay may pupuntahan naman. Ayokong sumama sa kanila dahil puro kalokohan lang ang ginagawa nila.

Nakalabas na ako ng gate at mabilis na pinaandar ko ang kotse ko at natigilan ako sa nakita ko. Dahan-dahan ang naging patakbo ko dahil sa babaeng naglalakad lang sa gilid ng kalsada.

Wala ba siyang sundo o maaaring sakyan? Masiyadong mahaba pa ang lalakarin niya para makarating sa labas na kung saan may mga masasakyan siyang pampasahero na jeep. Gabriel, huwag mo sabihin na nag-alala ka sa kaniya? Nangako ka na kay Trixie.

Napansin ko na napatingin siya sa akin kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. Binilisan ko na ang patakbo ko. Nakikita ko pa siya sa side mirror ko habang naglalakad siya at ewan ko ba parang gusto kong balikan siya.

F*ck! What happend to me? Ngayon lang kita nakita bakit ganito ang epekto mo sa akin?

Malayo na ako pero bigla kong inukot ang kotse ko pabalik kung saan naroon siya. Hindi naman siguro malalaman ni Trixie ito, ngayon lang ito at ito na ang huli. Huminto ako agad sa kaniya at kitang-kita ko ang gulat sa mata niya.

"Sumakay ka na." Seryoso na wika ko at hindi ko man lang siya tinitingnan sa mata.

"Ha? Nako, hindi na. Ayos lang ako, salamat na lang." Wika niya.

Tiningnan ko siya dahil bigla akong nakaramdam ng inis dahil tatanggihan niya ako matapos magtalo ang isip ko dahil sa kaniya.

"Sumakay ka na." May diin na sabi ko at pinakita ko na naasar ako ngayon sa hindi malaman na dahilan.

"Pero--"

"Bingi ka ba? Sabi ko sumakay ka na ang dami mo namang arte!" Malakas sabi ko dahil naaasar na talaga ako. Umikot naman siya sa kabila, binuksan ko naman para makapasok siya. "Mag seatbelt ka." Wika ko pa at ginawa naman niya.

Pinaharurot ko naman ang kotse ko sa daan na walang ibang sasakyan dahil bihira lang may nakakasabay dito. Napatingin naman ako sa kaniya at napansin ko na nakahawak siya ng mahigpit sa gilid.

"I'm sorry." Sambit ko at nilingon niya ako. Medyo bumagal naman ang patakbo ko dahil baka natakot siya sa mabilis na pagpapatakbo ko. "Saan ka nakatira?" Maya'y tanong ko.

"Nakatira? H-huwag na, kahit sa sakayan na lang ng jeep. Ok na ako doon salamat, hindi rin kasi makakapasok ang kotse mo sa amin maliit ang mga daanan doon."

Napatingin lang ako sa kaniya at hindi na ako sumagot. Pinaandar ko na ang kotse at seryosong nakatingin lang ako sa daan habang malalim na napapaisip.

Bakit ko ba ito ginagawa? Ano bang nangyayari sa akin?

---------

"Dito na lang ako salamat." Sambit ko ng makita ko na ang pila ng mga jeep kung saan ang daan pauwi sa amin. Naiilang na lingunin ko siya dahil hindi siya nagsasalita.

Hindi ko talaga inaasahan na isasakay ako ni Gabriel sa kotse, lagi naman akong naglalakad kanina pero natiyempo na dahan-dahan lang akong naglalakad dahil sa may iniisip ako. Hindi ko akalain na makikita ko siya habang naglalakad ako.

"Sa-Salamat ulit." Sabi ko pa ulit at binuksan ko na ang pinto.

"Bakit sa Monroie ka pa nag-transfer?"

Natigilan ako sa paglabas ko dahil sa sinabi niya at nilingon ko siya na may pagtataka.

"Nevermind."

Hindi ko na natuloy ang gusto kong isagot dahil pinutol na niya agad, tumango na lang ako sa kaniya at tuluyan na akong lumabas ng kotse. Hatid tanaw ko na lang ang sasakyan niyang papalayo mula dito sa kinatatayuan ko.

Hayys, bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nagsasalubong ang landas namin? Kinakabahan ako lagi.

-----

"Nandiyan ka na pala, tamang-tama lang ang dating mo halika na at sabayan mo kami ng Tita mo." Nakangiting bungad ni Mama Carmela sa akin pagkapasok ko ng pintuan.

Lumapit ako agad dahil hindi naman kalakihan itong inuupuhan namin kaya makikita agad ang hapag kainan namin. Umupo ako agad sa bakante na upuan na plastik.

"Ano kamusta naman ang unang araw mo ngayon doon?"

Napatingin ako kay Tita Jocelyn na nagsisimula ng kumain, pritong isdang tilapia at pakbet na gulay ang niluto ni mama.

"Araw ko ngayon doon?" Sagot ko at napaisip, hindi ko alam pero ang unang pumasok sa isip ko 'ay si Gabriel. "Ok naman po." Maikling sagot ko lang.

Nagkatinginan naman sila na parang hindi sila kuntento sa sinagot ko. Nagsimula naman akong kumain na.

"Nako, Jenny. Huwag na huwag kang maglilihim sa amin ng mama Carmela mo, ayaw namin ng ganon. Kung may nambu-bully sa'yo doon sabihin mo lang sa amin." Seryosong wika ni Tita na may halong galit.

"W-Wala naman po talaga, saka college na kami sa mga high school lang naman may ganon." Sagot ko at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

"Oo nga pala malapit na ang birthday mo anak."

Natigilan ako sa pagsubo at napaangat ang mukha ko sa kanila na parehong nakangiti.

"Oo nga dalaga ka na, dati lang 'ay iyakin at napakadaldal mong bata ngayon tingnan mo naman. Manang-mana ka sa kagandahan namin." Natatawang wika ni, Tita Jocelyn.

Napangiti ako dahil doon. "Ma, Tita. Huwag na po kayo maghanda, kahit magluto na lang si mama ng masarap na ulam ayos na po ako doon." Sabi ko at nagkatinginan lang silang dalawa.

Oo nga hindi ko napapansin na dalaga na pala ako dahil this week 18th birthday ko na.

Isip ko habang kumakain ako at binalewala ko na lang 'yon dahil kailangan ko maghanap ng partime job para sa mga projects namin. Ang mamahal pa naman ng mga bagay na kailangan.

-----

Nakaupo ako dito mag-isa sa ilalim ng mga puno, may upuan naman kaya masarap rin magpalipas ng oras dito habang hinihintay ko ang susunod na klase ko. Hawak ko ang kapiraso na diyaryo para maghanap ng hiring na trabaho, pero puro yaya ang kailangan. Hindi naman ako puwede sa ganon dahil nag-aaral ako, full time pa naman.

"Hayys!" Sambit ko at napatingala ako sa taas, pero nanlaki ang mata ko na may makitang lalaki na nakatingin sa akin at biglang ngumiti.

"Mukhang busy ka diyan sa binabasa mo at hindi mo naramdaman ang prensensiya ko dito." Wika nito at naupo sa tabi ko.

"Sorry, may binabasa kasi ako." Sagot ko naiilang na tiningnan siya, napansin ko sa id niya ang pangalan nito at kurso nito BS major accounting.

"Hindi ko na pala kailangan magpakilala dahil nabasa mo na sa ID ko." Malokong ngiti nito at napasandal.

"Ha? Pasensiya na talaga." Nahihiyang sagot ko.

"Ayos lang, ano ba 'yang binabasa mo sa diyaryo na hawak mo?" Seryosong tanong nito.

"Ah ito ba? Naghahanap lang ako ng partime job." Sagot ko at napatingin sa hawak ko na diyaryo. Napatingin ako muli sa kaniya dahil sa ayos ng pananamit niya mukha siyang mayaman, pati ang relo niya na suot mukhang mamahalin.

"Partime job? Pahiram ako ng phone mo."

"Ha?" Takang sambit ko sa kaniya at tumango lang siya. Mabuti at may cellphone na ako kasi binigay sa akin ni Tita Jocelyn para naman daw may kontak sila sa akin. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko at inabot sa kaniya na may pagtataka.

"I-save ko dito ang number ko, miniscall ko na rin ang number ko para sigurado." Nakangiting sabi nito sabay tayo na.

"Sandali, bakit?" Nagtataka pa rin na tanong ko pero hindi na siya lumingon sa akin sumenyas lang ng paalam.

Naiwang natitigilan ako habang nakaupo dahil sa lalaki na 'yon dahil sa pag-save niya sa number niya at pagkuha sa number ko.

"Nako, anong oras na pala." Bigla akong napatayo at nagmamadali na naglakad para pumunta sa next subject ko.

May ilan akong nakakasabay maglakad pero kahit ngiti o tango wala akong nakuha sa kanila. Pero ayos lang naman sanay naman akong walang namamansin sa akin. Pagdating ko sa room ko 'ay napansin ko na naglabasan ang mga kaklase ko.

"Sandali wala ba tayong klase ngayon?" Tanong ko sa babae na naabutan ko na palabas. Pero tiningnan lang niya ako at nilagpasan na ako.

"Oh my gosh, ayoko makasama sa isang room ang mga 'yan. Magugulo sila, bakit kasi may mga pangalan talaga natin kung saan tayo pansamantala na papasok muna."

Narinig ko na sabi ng babae na may kasama itong dalawang babae, tiningnan ko naman ang nasa white board na nakapaskil na papel may notice doon.

"Hi, anong meron?" Tanong ko sa lalaki na nagbabasa rin, tiningnan ako nito.

"Inatake si Prof, kaya hinati niya tayo para pansamantalang magklase muna sa iba." Sagot lang nito at iniwan na akong mag-isa.

Hinanap ko naman ang pangalan ko kung saan ako malilipat, madali ko naman nahanap ang pangalan ko dahil start sa letter A ang apelyido ko.

"AB-2?" Wika ko at biglang may naalala. Napakapit ako sa bibig ko dahil naalala ko ang teacher na nakausap ko doon ang sungit pa naman no'n.

"Oh, my gosh! AB-2, makikita ko si, Gabriel."

"Oo nga ang swerte natin."

Napalingon ako sa likod ko dahil sa matinis na boses nila at biglang naalala ang pangalan na binanggit nila. Sandali, iisa lang ba ang Gabriel na sinasabi nila sa naiisip ko?

"AB-2 rin pala kayo, puwedeng sumabay sa inyo?" Nakangiting wika ko at sabay-sabay na tinalikuran nila akong dalawa. "Ok." Wika ko na lang at napabuntong hininga ako.

Papunta na ako sa room na 'yon at bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa hindi ko maintindihan. Mabilis lang ako nakarating dahil malapit lang rin 'yon dito, ilang lakad lang. Balak ko sanang habulin 'yung dalawa na babae na kaklase ko na papasok na sa pinto pero huli na dahil nakapasok na sila sa loob.

Mas tumindi ang kaba ko pagtapak ko sa harap ng pinto at napatingin ang lahat ng nasa loob sa akin. Ito talaga ayoko 'yung magisa lang akong papasok dahil center of attraction talaga ako.

"Jenny Alipio?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin nitong teacher na napagtanungan ko nakaraan.

"Y-Yes po." Kinakabahan na sagot ko at ngumiti lang siya na parang pilit at sumenyas na pumasok na ako.

Nakayukong naglakad ako sa harap at sa gitna ako dumaan, naghanap ang mata ko ng bakante na mauupuan. Nakakita naman ako sa may gitna banda may bakante.

"May nakaupo ba dito?" Tanong ko pero nagulat ako ng mapagsino ang tinanong ko. Titig na titig siya sa akin kaya pakiramdam ko para akong kakapusin ng hininga at hindi ako magalaw.

Gabriel

"So, Mr. Alarcon and Ms. Alipio, magtititigan na lang ba kayo? Huwag kang mahumaling sa itsura ng lalaki na 'yan at maupo ka na."

Napatango ako at hiyang-hiya na umupo bigla at hindi ko magawang kumilos ng maayos dahil sa katabi ko siya ngayon. Binaling ko ang tingin ko sa iba pero hindi ko inaasahan ang makikita ko dahil 'yung babae na kasama ni Gabriel na girlfriend nito ang sama ng tingin sa akin na katabi rin ni Gabriel sa kabila. Na sa pinakagitna si Gabriel kaya para akong napapaso sa mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Bakit kasi dito pa ako nilagay? Parang hindi ako makakapag-isip ng maayos dito.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marivic Rantael
wow nice story
goodnovel comment avatar
Dominga Gallanosa
véry interesting story
goodnovel comment avatar
Dominga Gallanosa
next episode plz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status