Share

CHAPTER 14

AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang sa story na ito at sa mga comments niyo. Love you all guys! 😘

------------

Habang nakahiga hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil para sa akin ito ang pinakamasayang birthday na nangyari. Nakangiti lang ako habang yakap ang maliit na unan at nakatingin sa kisame.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga pasok mo bukas, sandali bakit parang ang saya mo ata?" Mapanuksong sabi ni mama Carmela na hinawi ng kaunti ang kurtina na nagsisilbing takip dito sa pinto ko sa kuwarto.

Napabangon ako at hiyang-hiya dahil sa nakita ni mama na nakangiti ako na parang timang.

"Hindi lang po ako makatulog agad, kasi..." Bitin ko sa sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung dahil saan at hindi pa ako makatulog.

"Si, Gabriel ba?"

Namilog ang mata ko at paiwas na yumuko ako dahil naginit ang m

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status