JOHNNY was on a mission—a mission to make her fall deeper into love with him. And Riri isn’t sure how to deal with this side of Johnny. He was acting like a besotted suitor who’s out to win the heart of his lady love. Araw-araw ay may pasalubong itong isang dosena ng iba’t ibang klase ng bulaklak na sinamahan pa nito ng chocolates. Nag-iiwan ito ng mga love poems sa ibabaw ng side drawer niya, sa loob ng medicine cabinet sa bathroom and even inside her closet, kahit saang sigurado nitong makikita niya agad first thing in the morning pagkagising niya.
To my Dorinda darling, Araw-araw ko inaabangan ang mga liham mo. Huwag ka nang mangamba, hindi na ako nagtatampo sa iyo. Aaminin ko, nagalit ako nang sumira ka sa pangako mo na patuloy mo akong susulatan para maibsan man lang ang pangungulila natin sa isa’t isa. Subalit napagtanto ko rin na hindi ako dapat magalit. Bagkus dapat ay unawain ko na mahirap din para sa iyo ang kalagayan natin. Labis ang aking kagalakan nang matanggap ko ang liham mo. Naibsan ang aking pangungulila sa iyo. Ang tanging hiling ko na lamang ay sa susunod na buhay natin, hindi na natin ulitin ang mga pagkakamaling nagpahiwalay sa mga landas natin. Sa susunod na buhay natin, ikaw at tanging ikaw na lamang ang aking pipiliin. Maghihintay ako hanggang mabura ang hinanakit mo sa akin at muli kitang aalukin ng kasal. Hanggang sa aking huling hininga, pagsisisihan ko ang aking karupukan at kahinaan. &n
NATUKLASAN ni Doreen na ang isang karelasyon ni Marlon ay isang matrona na nakabase sa Japan. May-ari ng isang restaurant at may asawa. Iyong isa namang matrona ay nakatira sa Davao City. Asawa ng isang retired Army general at may-ari ng jewelry shop at bridal boutique. At iyong gay naman ay taga-Guam, isang sikat na fashion designer. Kaya pala sa tuwing mawawala ng ilang araw at ilang linggo si Marlon para sa diumano ay business deals nito, laging may pasalubong ito na galing ng Japan, Davao o Guam. Doon pala sa bahay ng mga sugar mommies at sugar daddy ng lalaki nagpupunta ito. Natuklasan lang niya ang lahat ng iyon nang mapilitan si Marlon na umamin. Iyon ay matapos niya itong komprontahin nang makatanggap siya ng pictures nito at ng sugar
KAUSAP ni Doreen ang pinsan na si Riri sa cellphone habang papasok siya sa Aseron Tower Three, ang building na kinaroroonan ng condominium niya. Kababalik lang sa bansa ni Riri kasama ang asawa nito na si Johnny. The two were back from their honeymoon. Kung honeymoon nga ba na matatwag ang trip ng dalawa sa Italy dahil kasama ng mga ito ang mga magulang at ang six-months-old baby ng mga ito. They postponed their honeymoon before because Riri was already pregnant when they got married. “Pero sa totoo lang, natatakot na talaga ako,” frustrated na sambit ni Doreen. Isinuklay niyang muli sa buhok ang mga daliri saka pinindot ang button sa elevator. Nasa tenth floor ang unit nila ng isa pa niyang pinsan na si Nicole. “Bakit? Akala ko ba sabi mo wala naman siyang ginagawang nakakatakot o pagbabanta sa iyo?” takang tanong ni Riri. Tungkol kasi kay Marlon ang pinag-uusapan
“Ang problema, hindi naman nila pwedeng basta arestuhin na lang si Marlon kung wala naman siyang masamang ginagawa. Mamaya ay ma-viral na naman ang pamilya natin at sabihin ulit ng mga trolls na porket senator na si Lolo Donato ay ginagawa nating private army ang mga pulis,” ani Doreen. Lola Donato Aseron was not really her grandfather. Tiyuhin ng dad niya si Lolo Donato. “Ugh! I hate those trolls!” bulalas ni Riri. “Me too. At hindi rin ako sigurado na si Marlon nga iyong nananakot sa akin sa phone or if he knows that strange man na nakita ni Nicole. Marlon’s a lying cheat but I don’t believe he wants to harm me. Pero sobrang nai-stress na talaga ako,” wika ni Doreen. “Sana lang mabilis na mahanap nina Dad ang nanggugulo na iyon para makabalik agad ako dito.” “Yes, I hope so too. If you need
“TINAMBANGAN ng mga terorista ang platoon nila sa Cagayan habang naghahatid sila ng relief goods sa isang baryo. Tatlong buwan siyang hostage ng mga terorista. They knew he was a Winter and they wanted our family to pay twenty-five million pesos for his release but the military was strictly against it. Their policy was never to deal with terrorists.” “Oh, my god!” hindik na hindik na sambit ni Doreen. Parang nauupos na kandilang bumagsak siya sa sahig. Tears filled her eyes and she covered her face with her two hands as she sobbed. It felt like her whole body was shattered in a million pieces. “He’s alive, Doreen. He’s still alive. They got him out. He’s physically okay now,” ang maagap na pah
WALA sa log cabin si Jim nang dumating doon kagabi sina Doreen at ang bago niyang bodyguard na si Carmela. Ayon kay Jannica ay ngayong araw pa lang daw ang balik ni Jim sa cabin. Karaniwan ay sa condo nito sa Manila daw ito nagpapalipas ng gabi sa tuwing nagpupunta ito sa monthly therapy session nito sa isang psychiatric clinic sa Manila. Nag-inat si Doreen at wala sa loob na napasulyap sa suot na wristwatch. Napabulalas siya nang makita ang oras. Lampas alas-otso na. Sa sobrang pagkawili niya sa pinanonood na zombie series sa Netflix ay nawala na sa isip niya ang plano niyang pagluluto ng hapunan nila. Napatili siya sa inis sa sarili. Ano na ang kakainin nila ng binata? Paano na ang plano niyang pagpapasikat dito? Paborito ni Jim ang luto niya ng sinigang na baka at pesang lapu-lapu. Kaya nga kaninang umaga ay pinilit niya si Carmela na bumili sila ng mga ingredients na gagamitin niya. Kasehodang magsuot pa sila ng dis
“Pero, Jim---“ “Insulto para sa akin kung babayaran ninyo ako para protektahan ka, Doreen. We may not be together anymore but you’ll always be important to me.” Nahigit ni Doreen ang hininga. Sa nakita niya na sinseridad sa asul na asul na mga mata ng lalaki ay hinayaan na niya ang sariling tangayin ng kasabikan niyang mayakap ito. She tightly hugged him. She basked in the familiar warm feel of his hard chest and shoulders. Dumoble pa ang katuwaan niya nang maramdaman niya ang alanganing paglapat ng mga braso nito sa likod niya. Ramdam niya ang inisyal na pagka-asiwa at tensyon nito pero unti-unti rin iyong naglaho kaya hindi na niya iyon binigyang pansin. Labis-labis ang pangungulila niya rito. Pangungulilang itinago niya sa pinakasulok ng dibdib niya para hindi siya lumpuhin ng lungkot sa pagkawala nito sa buhay niya. Tila siya electronic device na nasaksak
“DOREEN! Nasaan ka na?!” ang pabulyaw na bungad ni Indy sa tainga niya nang sagutin ni Doreen ang tawag ng pinsan. “Um, I really can’t say, Indy! Gustuhin ko man, hindi pwede,” napangiwing sagot niya. Nawala sa isip niya na sabihin sa pinsan ang tungkol sa pansamantalang pagtatago niya. At dahil alam din nito ang tungkol sa stalker at death threats na natatanggap niya, malamang hindi ito magkandaugaga sa pag-aalala sa biglang pagkawala niya. “Is someone holding you hostage?! My god! I’m calling the police. Don’t put down the phone. Mati-trace nila ang GPS---“ “Calm down, Indy. Hindi ako hostage. I’m with my bodyguard at pansamantala kaming nagtatago habang iniimbestigahan kun