Share

02

"What do you think would be our punishment?" I asked to Gina. While scribbling nonsense on my notes.

"I don't have any idea. Pero light punishment lang siguro. Late lang naman kayo, e."

I nod slowly.

"Dapat nga wala ng punishment, e. He should have just scold you. O ganon nga ang gagawin niya pero sa office niya kayo papagalitan dalawa."

I nod again and played with my ballpen. Kinagat ko ang dulo 'nun habang nag-iisip kung ano nga ba ang gagawin ni prof mamaya.

First day, first meeting namin mapapagalitan kaagad ako sa kanya.  E'to kasing si Will atat na atat. Sabi ko ng mamaya na kami mag-usap. Kung hindi niya siguro ako nilapitan baka hindi naman ako napansin ni prof. Baka hindi niya nahalata na late ako.

Saka bakit parang galit na galit siya na nalate kami? E, hindi naman kami kaagad nasabihan na may papalit na teacher sa sub naming ito. Alam namin ay wala kaming pasok.

"That's all for today." Sambit niya at iniligpit na ang mga gamit. Nagligpit narin ako ng gamit.

"Mr. Orosa and Ms. Aves. Come with me in my office." Matigas niyang sabi at tumitig ng matalim sa'kin bago isinukbit ang shoulder bag sa balikat at naglakad palabas sa room.

Bumuntong hininga ako at tamad na tumayo. Kaagad na sumabay sa lakad ko si Will. Kinantyawan pa kami ng iba naming kaklasi. Kinawayan ko lang sila.

"Ikaw kasi, e!" Bahagyang naiinis kong sabi kay Will habang naglalakad kami, nasa unahan namin si prof.

"Why me?" Natatawang sabi ni Will. Inirapan ko siya, hindi naman talaga ako naiinis sa kanya.

"You gave me a hickey kase." Malanding sabi niya, bumulong pa sa tenga ko.

"You gave me one too!" Nangigigil kong sabi saka itinuro ang leeg ko na may namumulang marka. He laughed at me.

"Hindi ko namalayan. Nanggigigil kasi ako sa'yo." Inirapan ko siya, nangingisi. Napakalandi!

Tumikhim ang lalaki sa harapan namin. Tumigil na pala siya sa paglalakad. He pointed the door beside us. Suplado ang mukha.

Binuksan niya iyon, pinauna akong pinapasok ni Will, naramdaman ko pa ang kamay niyang umaalalay sa likod ko. Kunwari gentleman pero kanina gusto na akong kainin.

Inilibot ko ang tingin ko sa opisina niya. The walls are painted in the shade of black, white and red. Kapansin pansin ang malaking itim na sofa sa gilid. Pagkapasok sa loob ay bubungad ang malaking desk na may dalawang armchair na kulay black sa harap at isang mamahaling swivel chair. Hmm. I think he likes color black.

Nabasa ko ang glass stone kung saan nakasulat ang pangalan niya.

Mr. Nicholas C. Morton

May mga maliliit na details pa doon gaya ng title na natapos niya.

"Sit." Utos niya at kaagad na umupo sa swivel chair niya. Sumunod kami sa utos niya at umupo doon sa harap niya.

Umupo ako sa bandang kanan at si Will naman ay sa kaliwa.

"I guess you two know why you're both here." Aniya, suplado, walang ngiti sa labi at nakapalamig ng mukha. Gwapo siya, kaso suplado. Etong si Will ay napakafriendly ng mukha, hindi naman nakangiti pero parang nakangiti.

"We we're late, Sir." Sabi ko at pinagkrus ang paa. Sumulyap siya saglit sa akin tapos kay Will. Si Will naman ay kanina pa nakatitig sa akin. Akala niya yata mawawala ako kapag inalis niya ang tingin sa akin.

"You we're late because of what?" He asked coldly. 

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"We weren't informed na may papalit kay Mrs. Mason. Ang alam namin ay wala kaming pasok 'cause she's on leave." I answered casually while playing with my nails. Not looking at him, I'm afraid with his stares. Nalulunod ako sa mata niya.

"Where were you before you entered my class?" He asked suddenly. 

Napataas ang kilay kong bumaling sa kanya. Why is he asking about this? Hindi niya naman kailangan malaman iyon.

"Restroom." Tipid kong sagot, pinagmamasdan ang mukha niya dahil nagtataka ako sa tanong niya.

"You?" He asked to Will.

"Restroom." Sagot din ni Will. Pinanlakihan ko ng mata si Will. Mahuhuli kami ne'to sa ginagawa niya.

"Hmm." Our prof hissed and leaned back on his chair. A smirk is plastered on his lips.

"You did it in the restroom?" He asked. I know what he's referring to. May ibang tono ang pananalita niya nang sabihin niya iyon. Nakaramdam ako ng inis. Bago pa sumagot si Will ay ako na ang sumagot.

"Not yet." I said lazily and brush my hair up. I heard him repeat what I said and let out a small laugh.

"If I didn't attend your class, you'll do it?" He said while leaning on his desk, clasping both of his hands.

"Probably." I answered honestly. Totoo naman, e. Baka nagsex na kami ni Will kung hindi ako tinawagan ni Gina. I saw Will licked his lips and brushed his hair. Mukhang nag-iinit nanaman dahil lang sa sagot ko.

He probably wished we have done it.

But I'm not sure kung matutuloy nga kami doon. I only make out with guys but don't have sex with them. They don't turned me on that well. Not to that point.

They can't even touch me down there. Iniiwan ko na sila kapag init na init na at hindi na mapirmi ang kamay.

"You both know that sex is forbidden inside the school." He said cooly, hindi man lang nagalinlangan banggitin ang salitang 'sex'.

"I know." Sagot ko, naiinip na dahil alam kong sesermonan na niya kami.

"Hindi naman namin iyon ginawa, Sir." Ani Will.

Sinulyapan niya lang si Will at ibinalik ang atensyon sa'kin.

"But she said you we're about to have sex." He said emphasising the word 'sex'. Ngumisi ako, amused by him.

Hindi siya pangkaraniwang prof, ha? Why does he sound like he wants us to tell the whole thing that we did earlier? Parang interesadong intresado siya, ha?

"Why do you sound so interested, Sir?" I asked smirking.

He looked at me while leaning his back against the chair. He tapped his fingers on the desk.

"I'm not interested. I just want to know some details so that I can know what I should report to the deans office." He said coldly.

I got pissed a bit. So, he have a plan to report us, huh? Ang init yata ng ulo niya samin at hindi mapalampas ang ginawa namin. Nalate lang naman kami sa kanya. Hindi naman siya ang binastos ko, hindi naman niya kami nakita sa restroom at hindi naman siya naabala sa ginawa namin ni Will.

"Isn't that too much, Sir? Nalate lang naman kami sa sub mo. Hindi ka naman naabala sa ginawa namin sa loob ng banyo." I said bravely. Naiinis ng bahagya.

Pakialamero na, sumbungero pa.

"Kailangan maabala muna ako bago ko kayo ireport, ganon ba ang ibig mong sabihin Ms.Aves?" A amused smile is plastered on his face. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Baka minamaliit ako ng isang 'to o pinag-iisipan ng bastos.

"Intimacy is forbidden inside school, specially having sex. Weren't you informed that you will be expelled if you were caught having sex?"

Umirap ako.

"Well, we didn't really had sex. At kung nagsex man kami wala ka ng pakialam don, Sir." I said straight.

Ngumisi siya sa sinabi ko at mukhang natutuwa sa attitude na pinapakita ko.

"I have a say with that because I am your teacher." Aniya, he lick his lower lip. Napunta doon ang atensyon ko. He's f*cking hot, more hotter than Will.

"But I will not report you two today." He said it like he's doing us a favor.

"Di mo naman talaga kailangan magreport, Sir. You don't have a proof that we did it and you didn't caught us in the act. At nalate lang naman kami ng ilang minuto sa subject mo. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang papuntahin mo kami dito, Sir. I little scold will do. Or just write late on our attendance." Malumanay kong sabi at nginitian siya pagkatapos magsalita. 

"Next time I caught you doing intimacy Ms. Aves and Mr. Orosa, I will not hesitate to report you to the deans office." He said coldly. Tinitignan ako sa mga matalim niyang mata at mukhang seryoso sa sinasabi niya.

Kinabahan ako ng bahagya. Ayoko ma report, baka magasgasan ang records ko at hindi makagraduate. Isang taon nalang at makakaalis na'ko sa school na'to kaya hanggat maari ay ayokong magkaroon ng record. Although I know, gumagawa ako ng kalokohan. But this is the first time na pinagalitan kami ng ganito ng isang prof at sineryoso ang ginagawa kong kalokohan.

Hindi ko alam kung sanay na ang ibang teacher na nakikita at nalalaman nila na nakikipag-make out ako sa loob ng school dahil hindi naman nila ako pinapagalitan kapag nahuhuli o sinusubukan i report sa deans office dahil hindi naman nila iyon ginagawang big deal.

Itong si Sir, Nicholas lang ang nagalit ng ganito at nagbanta sa akin. Masyado yata siyang conservative at sobrang concern sa mga studyante niya kaya big deal sa kanya ang ginawa namin ni Will. E, hickey lang naman ang nakita niya at hindi niya naman kami nakitang naghahalikan sa akto.

Naiinis tuloy ako sa kanya, gwapo sana kaso sobrang strikto at kumukulo yata ang dugo sa akin. Pinag-initan kaagad ako ng ulo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status