Share

KABANATA 6

JOSEN

Kung may pinakaayaw man si Josen De Leon, iyon ay ang salitang 'abala'. Abala ang ginawang pagnanakaw ni Miranda Isle sa kanilang mansyon—ni hindi ito naisalba ang sarili palabas. Napakahinang nilalang. Abala rin ang pinsan nitong si David Isle na ngayo'y posibleng nabuko na ni Matteo.

Josen did a brief check about Miranda and what he found out about her screams red flags for him. The woman was terrific. Hindi niya inasahan ang kahindik-hindik na nakaraan ng dalaga. The report doesn't contain anything to ruin her reputation as a woman but her record of being an opportunist and mild sadism was worthy of surprise.

Inilabas ni Josen ang telepono at mabilis na tinawagan ang numero ng kapatid. Sa unang ring pa lamang ay tinanggap na nito ang tawag. Kaagad na nanlamig ang kaniyang mga kamay. Matt wasn't the type of person who brings his personal phone anywhere. Oftentimes, Josen had to contact his secretary. "Matteo, may nangyari ba?"

"I should be the one asking you that. Tunog aligaga ka. Anong mayro'n?"

Matteo sounded okay. Josen was instantly relieved. Ibig sabihin ay hindi pa nito nabibisto si David. Mabilis na umikot ang isang pasya sa utak ni Josen. "Wala. Ganito, pabalikin mo ang yate, ibalik mo rito si Miranda Isle."

"What?" bulalas ng kaniyang kapatid, "Uh, bakit? May kinalaman ba siya sa naging problema mo sa bahay kanina?"

Napapikit si Josen. Hinilot niya ang sintido bago nagpumilit. "Hindi. It's not about her. Just—just bring that woman here, okay?"

"Pinapabalik ba kami ni Aman?" urirat nito na mabilis na hinindian ni Josen. Noong malamang hindi ay huminga ito nang maluwag. "Hindi naman pala. I agreed to his suggestions kaya hindi na dapat tayo nag-uusap ngayon. Listen, three months. Kikilalanin ko siya tapos... tapos bahala na. It's just for three months anyway."

Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Matteo is workaholic, all of the De Leon were glued to their work. Ngayon lang siya nakarinig na nagkakaganito ito.

"What?" blankong tanong ni Josen. 'What?' Tumingala siya sa kisame at muling ibinulong iyon sa isip. "Teka, paano na si Steff? Akala ko ba—"

"I know, Aya! I talked to Steff and we had a fight. That led me to meet Mira, and I am very thankful for this. She helped me escape the embarrassing woman. May iba na pala si Steff but the man left her noong malamang nabuntis siya. She wants to pass the kid as mine pero hindi ko siya ginalaw nitong nakaraang limang buwan. She's two months pregnant. No, I'm not wearing a green hat for that woman, and I'd like to know Miranda more—don't take her away from me, please."

Naumid si Josen at wala sa sariling ibinaba ang tingin sa telepono. Nagkakamali yata siya ng dinig. "Ano nga ulit iyon?"

Matteo surely had 'drama' as his nickname. Napuno ng arte ang bawat minuto ng buhay nito.

"Aya, I want to know Miranda more," sabi nito, "she's beautiful."

If the man beside Matteo right now really looked like Miranda, Josen will definitely agree. Ipinilig ni Josen ang ulo at umiling. "Shit..." Ibinaba niya ang telepono nang walang paalam.

Nilingon niya ang babaeng nakatanaw sa dagat na nasa likurang bahagi ng De Leon mansyon. Umirap siya sa direksyon nito. "Kung plano mong tumalon d'yan para makatakas, think again, woman," nagmamaldito niyang usal, "iisipin kong walang utak na laman 'yang bungo mo."

Miranda huffed. "Nahuli ako, `di ba? Ibig sabihin, wala ngang utak."

Josen stood still, blinking at the empty hallway. "Ganito ba kayo pinapalaki sa Isle Jia?" maarte niyang tanong. Ngayon lamang sjya na-speechless nang ganito sa kaniyang buhay.

It was like the Isle family treats this kind of stuff a hobby for them.

"Hey, don't insult my Jia, Mister Josen," palaban nitong sabi, "kapatid mo nga hindi alam kung anong kaibahan ng babae at lalaki! Ganito ba kayo pinalaki sa De Leon Jia?"

Napangiwi si Josen. Iiling-iling na lumabas siya ng silid upang makalayo sa nag-aapoy na inis na dalaga. Nawala ang takot nito sa kaniya noong malamang kasama ni Matteo ang pinsang lalaki. Kaya ganito nalang kung sumagot. Fortunately, Josen didn't like defending himself in front of someone who were born to hate his family.

Hindi niya puwedeng pakawalan ang babae. Makapapatay si Matteo oras na matuklasan ang lihim ng Mirandang kasama nito. Alam ng lahat na hindi kasali si David Isle sa mga kasamaan ng Isle Jia. Nakalista ito halos bilang isang taong komon. Ginto ang trato sa isang tao lalo na kapag walang dumi ang record nito. Hindi nakatutulong na nagpasa ng aplikasyon sa Murdoc si David. Ibig sabihin may potensyal ito. Inililista lagi ang mga may Earthen core na pambihira upang ilagay sa prayoridad.

Sa madaling salita, hindi dapat magalaw si David Isle.

Hindi lamang ang Isle Jia ang magwawala. Makahahanap sa wakas ng panlaban ang ibang pamilya upang ipatumba sila. Iyon ay kung masasaktan si David.

Isa pa, mukhang may gusto si Matteo kay Miranda. Ang sagot ay dapat ipagpalit ang dalawa hanggang maaga pa. Elegante si Matteo pero lalaki parin ito. Darating ang araw na nanaisin nitong makipaglapit sa babae higit pa sa simpleng yakap.

Iniisip ni Josen na hindi mailulunok ni David Isle ang anumang iumang ni Matteo.

Ito ang pinakamainam na plano. Kalmado man sa panlabas na anyo, De Leon pa rin si Matteo. Magiging marahas ito kapag inagrabyado. Aakto na lamang sila nang mabilisan at patago.

"Maghanda ng masasakyan. Pupuntahan natin kung nasa'n  si Matteo. Alamin ang lokasyon niya ngayon din," utos niya sa mga lalaking tahimik na nakamasid sa tensyunado niyang balikat. Sumunod ang mga ito. Mayamaya pa ay dumating sa kaniya ang isang masaklap na balita.

"Ayaw sabihin ng Don kung saan ipinadala si Mister Matteo at Miss Miranda, Ginoong Josen."

Nagpupuyos na ibinalibag ni Josen ang telepono. Tumilapon iyon sa malayo. Sunud-sunod ang paghingang inabot ni Josen upang pakalmahin ang sarili. Lumabas ng silid si Miranda dahil sa ingay na narinig. May pagkaalarma sa mukha nito. Mas lalong nag-init ang ulo ni Josen sa suot nitong amerikana.

'She wasn't even changing that outfit! As if she liked it dearly and having to part with it will be a heartache!'

"Magbihis ka. Bigyan ng pamalit ang babaeng `yan."

Kaswal siyang tinitigan ni Miranda. Tumango ito na para bang nakikisimpatya sa kaniya. Nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan. Kaagad na sinaway ni Josen ang sarili. 'Kapayapaan sa isang Isle? Malaking biro!'

"Anong problema?" tanong nito sa mababang boses. Tuluyang nawala ang inis ni Josen. Pinangunutan niya ito ng noo bago galit na sinabi, "Hindi matukoy ang lokasyon ni Matteo. Kung hindi kita maipagpapalit sa posisyon ng pinsan mo, baka hindi siya abutan ng bukas—"

"Pahiram ng telepono," mabilis nitong sabi, "hindi kita niloloko. May tatawagan lang ako. Kailangan mo `kong pagkatiwalaan."

"Isa kang Isle, babae—" Isang kalokohan ang sabihin nito ang salitang 'tiwala'. Pinagtangkaan nitong looban ang bahay nila!

"Ano ngayon?" masungit nitong tanong. "Kailangan ko ng telepono mo. Hindi pang-iinsulto mo sa pamilya ko."

Iniwas ni Joson ang tingin at binalingan ang lugar kung saan bumagsak ang sira-sirang telepono. Hindi na ito maisasaayos pa. Bahagya siyang nainis sa ginawang pagngiwi ni Miranda sa kaniyang direksyon. Tila ba nasasayangan ito sa gamit. "Maglabas ng telepono!"

Ibinigay ni Birham ang isang telepono kay Miranda. Sumandal si Josen sa pader at tinitigan itong magmadali sa pagpindot. "Sinong tatawagan mo?" tanong niya.

"Ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko sa Isle Jia," simple nitong sagot.

'May mapagkakatiwalaan ba sa bahay na 'yon?' Suminghal si Josen ngunit mas piniling itanong. "Sino naman `yon?"

Mayabang na ngumiti ang babae. Ipinagmamalaki nitong binigkas ang pangalan ng lalaking hindi niya nakita sa background checking na kaniyang ginawa sa Isle Jia. "Si Karlos Isle."

Umiling si Josen at ipinagsawalang bahala iyon. Umismid siya at mas piniling makinig sa magiging usapan ng dalawa.

"Karlo?" masayang tawag ni Miranda, "Insan!"

"Masiyado ng gabi, Miranda. Narinig ko ikaw daw ang pinili ni Matteo De Leon." Humalakhak ang isang lalaki sa kabilang linya. Nakaramdam ng pagkailang si Josen dito. "Maghanda ka ng maraming pasensya. Maarte ang lalaking `yon."

"Ah!" Nabura ang ngiti ni Miranda. "Iyon na nga, Aya."

Natahimik ang lalaki ng iilang saglit. "May ginawa ba siyang masama sa `yo?"

Halos mapairap si Josen. 'Kung alam mo lang ang totoong nangyari!'

"Hindi..." malungkot na anang babae sa lalaki, "Aya, si David ang kasama ngayon ni Matteo. Nag-Nagkapalit kami, Karlos."

Humaba ang katahimikan matapos 'yon. Mas lalong lumubha ang pag-aalala sa mukha ng babae. Pati si Josen ay kinakabahan dito.

"Anong ginawa mo, Miranda?" anang lalaki sa maawtoridad na boses. Instantly, Josen approved of him.

Napangisi siya dahil sa tonong iyon. Gusto niya ang ugali ng lalaking ito. Nilapitan niya ang babae at inagaw ang telepono mula rito.

"Magandang gabi. Ako si Josen De Leon. Nagtangka ang pinsan mong si Miranda Isle na nakawan ang De Leon Jia..." Ipinaliwanag ni Josen ang nangyari. Mabilis na masosolusyunan ng kaniyang Aman ang problemang ito subalit ayaw niya itong ipaalam. Ayaw niya na madismaya ito. Isa pa ay tila pamilyar sa kaniya ang Karlo na siyang kinakausap niya. "...may maliit lamang na problema."

"Hindi niyo alam kung nasaan sila ngayon?" tanong ng lalaki sa dismayadong boses. Yumuko si Miranda. Saglit itong sinilip ni Josen bago iniwas ang mga mata. "Oo," tugon niya.

Huminga nang malalim ang lalaki sa kabilang linya bago ito nagsalita. "Ipadadala ko ang lokasyon mayamaya. Miranda, kung nakikinig ka man, ayusin mo ang ginawa mong ito. Naiintindihan mo?"

"Opo, Aya."

Ibinaba ni Karlos ang tawag. Tumikhim si Josen at ibinulsa ang telepono. Balak niyang i-trace up ang may-ari ng numerong iyon. The man piqued his interest. "Alam mo kung anong ibig sabihin nito?"

Tumango si Miranda. Ngumisi si Josen. "Bakit handa kang makipagpalit sa pinsan mo? Hindi ka gugustuhin ni Matteo. Maghihintay ako ng ilang linggo bago sasabihin sa kaniya ang ginawa mo."

"Alam ko na mapaparusahan ako alinman ang piliin ko. Ako na ang bahala sa sarili ko pero huwag si David. Iba siya. Hindi dapat siya kasali sa gulong ito pero pinilit ko siya."

Josen snorted. "Kung alam mong inosente siya, hindi mo dapat siya pinilit isama sa kasamaan mo."

Umirap si Miranda at tinanggap ang damit na ibinigay ng mga tagapagsilbi ni Josen. Damit iyon nahawig sa tradisyunal na roba ng mga Isle. Iniwas ni Josen ang tingin mula sa mga pula nitong laso.

"Magbihis ka. Oras na maipadala ang address, kaagad tayong aalis."

Dumating muli si Birham sa kaniyang tabi. Ibinulong nito sa kaniya ang isang hindi nakakatuwang biro mula kay Don Franco.

Pinipilit siya nitong makahanap ng mapapakasalan sa loob ng isang linggo. Marahas na hinila ni Josen ang kwelyo ng kaniyang suot na damit, pinaluluwag ang pakiramdam niya naninikip na leeg.

Ngayon lamang siya naipit sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Isang desperadong sitwasyon. Isang maling galaw ay baka malaking giyera ng mga pamilya ang kaniyang masimulan. Hindi biro ang kaniyang sinabi kay Miranda noong akala niya lalaki ito. Nawalan siya ng ina dahil sa wais na desisyon ng Don.

Hindi niya kayang isipin na makakaya niyang sundin ang ganoong pagpapasya. Iniisip niya pa lamang na mawalan ay hindi na siya makahinga.

Galit na binalingan ni Josen ang direksyon kung saan nagbihihis si Miranda. Ito ang nagdala ng sunod-sunod na malas at problema sa kaniya. Ito at wala ng iba pa!

Kung alam niya lang ay sana hindi na niya pinapasok ang mga Isle sa gate pa lamang ng kanilang teritoryo. Perwisyo ang dala ng mga ito. Ngayon hindi lang siya ang namomroblema. Kapag natuklasan ng Don ang pangyayaring ito, hindi siya sigurado kung makakakuha pa siya ng respeto sa kahit sino kung ang Aman niya mismo ay dismayadong lubos sa kaniya.

Kailangang maipagpalit ang magpinsan. Pagkatapos noon ay magpapanggap siya na ayos lamang ang lahat. Kung nagagandahan man si Matteo sa mga Isle ay siya lamang iyon! Hindi aamin si Josen na si Miranda ang pinakamagandang babae na kaniyang nasilayan kahit pa hindi niya ito tipo.

Ang mga Isle ay rosas. Maganda ang bulaklak ngunit puno ng tinik. Ayaw niyang mapabilang sa mga taong nalason na ng magaganda nilang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status