Share

KABANATA 12

MIRANDA

Hindi pa man nakapagsisimula sa nais nilang gawin ay may dumating uling panggulo sa kanilang usapan. Sa pagkakataong ito, hindi kilala ni Miranda kung sino ang babaeng nagmamataas kung umasta na pumasok sa rest house. Ang alam lamang ni Miranda, nais niyang bangasan ang babae.

Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang narinig sa tanggapan ng bahay. Manipis ang bawat dingding kung kaya madali niyang nahagilap lahat ng sinabi ng panauhin nila ni Josen sa araw na iyon. Wala siyang nagustuhan sa mga sinabi nito.

Nang malaman niyang ex-girlfriend iyon ni Josen, halos mapamura siya sa taste nito. Paano nito nagustuhan ang isang eskandalosa at napakaingay na babae? Mabuti na lamang at minsan lang mag-ingay si Mira at never, never siyang naging eskandalosa. Hindi niya aaminin iyon.

"...you brought that bitch here? In your Aman's place? The insult, Josen! This is downright insulting me as your ex!" tili ng babae, "Alam mo ba 'yon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status