Annie POV:
Year: 2010
Nandito kami ngayon nina Joan at Shiela sa isang kilalang mall. Sabi nga nila sa akin ay sikat na sikat daw ang mall na ito, isang dating action star daw ang may-ari ng mall na ito at nang magsawa sa pag-aartista ay naisipang mag negosyo at ngayon, isa na siya sa pinaka mayamang negosyante sa bansa.
In other words bilyonaryo!
Well, alam ko naman ang lahat ng iyon, hindi kasi nila alam na ang taong sinasabi nila ay isa lang naman sa mga very important client ng mga magulang ko.
Ang pamilya namin ay nagmamay-ari ng isang malaking security company na nag-e-escort sa mga mayayamang tao, katulad ng artista, negosyante, politiko at iba pang may kakayahang magkaroon ng mga profesional personal body guards.
Noong umpisa ay sila Kuya lang naman sa miyembro ng pamilya namin ang unang tauhan ng business namin, kaya nga kaming magkakapatid ay pinag-aral ng martial arts.
Importante raw kasing marunong kami ng self defense upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili at ang mga VIP client nang kumpanya namin.
Pero excemted pala ako!
Pero kahit na tutol sina Mama at Papa na mag-aral din ako ng martial arts ay wala silang nagawa; gusto ko ring matutong ipagtanggol ang sarili ko.
Kaya nga ngayon kampante silang hayaan akong pumasok sa school mag-isa, nang hindi ko na kailangang magkaroon ng sariling body guards.
Aba! Hindi yata biro ang magtanggol ng mga mayayamang negosyante at mga politiko. Pero ang masaya rito nakikita ko namang nag-e-enjoy ang mga kuya ko.
Lima kaming magkakapatid. Si Kuya Edmon, si Kuya Salmon, si Kuya Shiemen, at si Kuya Dhino at siyempre ako.
Ako nga pala si Annielynda Buenaventura!
Maganda, sexy, maa-appeal! Syempre kailangan kong sabihing ma-appeal ako! Hindi kasi sapat na maganda lang ang isang babae, dapat may sex appeal ka rin dahil iyan ang unang magiging aset mo bilang isang babae.
Hindi naman ako 'yong tipong kire! Simple pero ma-asset! Iyan lang naman ako. Kung physical naman ang titingnan simple lang pero maganda.
Kung anong klaseng babae naman ako? Bukod sa ganda! Meron akong katangi-tangi at matalinong isipan. Meaning beauty and brain!
Kaya nga ako pinangalanan ng mahaba ng Mama, para raw maging lalo pa akong maging matalino. Hindi lang daw ganda ang kailangan ko kundi pati talino.
Habang naglalakad kami sa loob ng mall ay biglang bumida itong si Shiela.
"Alam niyo ba na napaka pogi ng may-ari ng mall na ito?" sabi nito na kinilig-kilig pa habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Hello! Shiela, alam mo gas-gas na yang mga info. mo! Alam na namin yan!" sagot naman ni Joan sa kaibigan naming si Shiela na umirap-irap sa isa.
May pag ka-exaggerated din na sagot ni Joan. Ewan ko ba kung bakit masyadong ma-awra ang pagkukwentohan nila tungkol sa may-ari nitong mall na kinaroroonan namin.
Sa nakikita ko naman ay mukhang sikat nga ang mall na ito, dahil sa napakaraming tao rito at napansin ko ring lahat ng mga store rito ay puros kilalang brand ang tinda.
Wala kang makikitang lokal tyange rito na may mga cheap na presyo tulad ng ibang mall.
"Alam n'yo girls! Mukhang mali tayo ng pinuntahang mall," sabi ko sa mga ito. At nakita ko namang napatigil sila at lumingon sa akin.
"Bakit naman Annie?" sabay pa nilang tanong sa akin. Saka lumapit sa akin ang dalawa.
"Eh paano naman! Ang mahal-mahal dito, may mga pera ba kayo pambili ng Gucci, Channel, Prada, CK at 'yang mga iyan pa na nakikita niyo?"
Tinuro-turo ko pa ang mga iba pang store na nakikita ko sa aming paligid. Napailing-iling naman ang dalawa habang naka busangot ang mga mukha nila.
Hindi naman kasi sila mayaman, nasa middle lang ang antas ng kanilang mga pamilya.
Kaya sila nakapag-aral sa private school na pinapasukan ko ay dahil sa nakakuha ang pamilya nila ng sponsorship na siyang sumasagot sa mga matrikula nila sa aming school.
Kung ako naman, ay ayos lang dahil may mga credit card ako na pinapagamit sa akin nina Mama at Papa, pati nga ang credit cards ng apat kong Kuya ay palagi rin nilang pinapahiram sa akin.
Ang bababait talaga ng mga Kuya ko! Lalo na si Kuya Edmon. Sa lahat ng mga Kuya ko siya ang pinaka ka-close ko.
"Hala, eh alam mo naman na ikaw lang inaasaan namin Annie!" sabi ng dalawa sa akin at kumapit pa ang mga ito sa mga braso ko.
"Alam naman namin na hindi mo kami matitiis Annie!" sabi pa uli ni Joan. Habang hinila-hila ng mga ito ang manggas ng suot kong uniform.
"Ano ba!" Bawi ko sa braso ko at inayos ko ang nagusot kong uniform.
"Ano ba naman kayo? Alam niyo namang wala tayong malaking halaga sa mga bulsa natin ah, dito pa kayo nag-aya, eh alam niyo namang mahal dito! Oh tinggnan niyo nga ni wala ngang fast food dito!" sabi ko pa. Habang kinukumpas sa hangin ng mga kamay ko.
Nag-stop kami sa harap ng escalator na umaandar paakyat samantalang nag-uusap. Nang bigla akong mapatingin sa grupo ng mga lalaking nakasakay sa escalator. Agad kong napansing isa sa kanila ang Kuya Edmon ko. At napatingin din ako sa lalaking nauuna sa kanila.
Medyo matured ang lalake pero makikita sa pigura nito ang kagwapuhan, matipunong pangangatawan. Na alam ng lahat na nasa trentay anyos na ito o higit pa.
Alam kong nasa trenta anyos na ito. Pero hindi ko maiwasang humanga sa pisikal na anyo nito dahil mukha pa siyang bata. Dala marahil ng pagiging mayaman, sabi nga ng iba kapag mapera ka magagawamong pabatain ang mukha mo.
"Mr.Edmon Buenaventura!" sigaw ko sa kuya ko, ngunit hindi ito sumagot.
Napatingin lang sa akin at palihim akong sinamaan ng tingin. Alam ko na mang hindi ko siya dapat sinigawan nang ganoon dahil nasa duty siya at kasalukuyang kasama nila ang VIP.
Hindi ko namalayan na paparating na ang mga ito at kami naman ay nakaharang sa daraanan nila. Napa urong ako ng kaunti ngunit nabangga pa rin ako ng lalaking unang dumaan, ang VIP.
At sa pag-iwas ko ay natabig ko naman si Shiela na siyang na-out balance at natumba.
"Aray!" sigaw ni Shiela dahil sa natumba siya at bumagsak ang kanyang puwit sa sahig.
Ngunit nakita kong tuloy-tuloy lang silang lumalakad na para bang walang nabanggang mga tao.
"Sandali lang kuya Edmon! Wala man lang bang sasabihin sa amin ang VIP niyo!?"sigaw ko sa kuya ko upang mapansin nila ang pagtawag ko.
Huminto naman sa paglalakad ang VIP at ang mga lalaking nakaharang sa kanya ay parang zipper na bumuka at nahawi upang bigyang daan ang VIP.
Lumakad ang lalaki palapit sa amin. At tinungo mismo si Shiela at inilahad ang isang kamay nito sa aking kaibigang nang hindi manlang ako tiningnan.
Inabot naman ni Shiela ang kamay nito at marahan siyang tumayo.
"Miss, okay ka lang ba?" mahinahon ang pagtatanong nito kay Shiela.
Noon lang ako nakarinig ng ganoong boses, malamig at may pagka husky ang boses nito.
"O-okay lang naman po ako." sagot ni Shiela sa lalaking VIP.
Ngunit taliwas sa inaasahan kong sasabihin nito, ay may kinuha ito sa bulsa ng kanyang suot na suit.
Isang calling card at iniabot iyon sa dalawa kong kaibigan. Talagang sila lang ang binigyan, ako hindi manlang pinansin na para bang walang isang tulad kong nag-e-exist sa mundong ito!
"Well, if there is anything bad happen, you can call me in my office and my secretary will talk to you.But for now you can used that to buy any where here in my mall," sabi nito sa kanila at sabay tumalikod na sa amin.
Isang bagay na hindi ko nagustuhan kaya naman sinigawan ko siya uli.
"Sandali nga lang!" sabi ko sa lalaki, bago pa ito makahakbang ng dalawang hakbang. Napatigil naman ito pero hindi agad lumingon sa akin.
"Sa tingin mo wala kaming pambili rito sa mall mo? Kaya naman sa halip na mag sorry ka! Binigyan mo ng calling card mo itong mga kaibigan ko, tapos sasabihin mong you can buy anywhere!" sabi ko sa lalaki na ipinahiwatig ko sa tinig ko na hindi ko nagustuhan ang ginawa nito.
Lumingon naman siya sa akin. Pero bago pa siya makasagot sa akin ay mabilis nang nakalapit sa akin si kuya Edmond.
"Annie, ano ka ba! Can you stop!" Matalim ang tingin sa akin ni Kuya Edmond at saka muling bumalik sa kanyang mga ka grupo.
"Im sorry for that girl sir, she so annoying please forgive me for that. I will talk to her later." Napapa iling na sabi ni Kuya Edmond sa VIP, na rinig na rinig ko.
"Its okay Edmond, hindi ko akalaing matapang pala ang kapatid mo," sabi nito kay Edmond at tiningnan lang ako at saka ngumisi. Tapos ay aakma na namang tatalikod ito.
"Kuya! You know I'm not annoying person!" sigaw ko sa Kuya ko at hindi ko pinansin ang sinabi nito sa akin kanina.
Nagulat naman sila sa akin at nanlaki lalo ang mga mata ni Kuya sa akin upang patigilin ako.
Ang kaso nga lang ay hindi niya ako kayang makuha sa tingin lang.
"Mag sorry ka! Yun lang naman ang gusto ko! Mahirap bang sabihin iyon sa amin!?" Baling ko sa VIP nila na may-ari raw ng mall na iyon.
Pero wala na akong pakialam pa. Basta gusto kong marinig ang sorry niya!
"Girl, tama na nga, siya yung may-ari ng buong mall," sabi ni Joan sa akin.
At pilit na nila akong hinihila palayo sa kinaroroonan namin. Ngunit hindi ako nagpatinag.
"Alam mo! Naiinis ako sa'yo! Hindi ko makakalimutan ang araw na'to! Magkikita pa tayo uli tandaan mo yan!"
Iyon lang ang nasabi ko habang patuloy akong hinihila ng dalawa kong kasama.
Nanggagalaiti akong lumalakad nang paatras at nakatingin parin sa kanila.
Nakita ko naman siyang nakatingin parin sa akin kaya mas sinamaan ko pa siya nang tingin. Yung tingin na kung makakapatay lang sana ay napatay na siya.
Pero ang old man na iyon ay ngumisi lang na parang nang-aasar pa talaga.
"May araw ka rin sa akin!" sabi ko sa isip ko na may pagbabanta sa hambog na lalaking iyon.
Dave POV: Nasa opisina na ako ng mall kung saan may kakatagpuin akong kliyente sa araw na ito. Hindi ko inaasahang makikita ko rito sa mall na ito ang isang taong kailan man ay hindi ko ini-expect na makikita ko. Si Annie, the girl I see last year in the school of my nephew. At ngayon ay sweet sixteen na siya, sa mga susunod na buwan ay mag lalabing pitong taon gulang na siya. Napabuga ako ng hangin sa isiping napaka bata pa rin pala ng babaeng iniisip ko. Isang bagay na matagal ko nang pinipigilan. Sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makita pa ang taong hindi ko dapat makita. Kaya naman ginawa ko na ang lahat para lang hindi na magtagpo pa ang aming mga landas pero pilit padin kaming pinagtatagpo ng tadhana. Sa lahat naman ng kumpanyang makakapasa sa bidding ay Buenaventura pa ang nakapasok para mag provide ng mga bago kong bodyguards. Sadyang mapaglaro ang tadhana, yung mga taong pinipi
Simula ng gabing iyon ay hindi na naging maayos pa ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero may kung anong naging dahilan at bigla na lamang akong nagkasakit at hindi na nakapasok sa school ng mga sumunod na araw. May tatlong araw yata akong nakaratay sa aking kama at inaapoy ng lagnat. At nakita nga sa aking katawan ang mga butlig-butlig na napaka kati. "Hala! bulutong lang pala, akala namin ng Papa mo ay kung ano na ang nangyayari sa aming bunso," sabi ni Mama nang dalawin niya ako sa aking kwarto. "Ha! Mama, you mean I have a chicken fox!?" tanong ko sa kanila dahil hindi ako makapaiwala na nagkaroon ako nang ganoong sakit. Nahawakan ko pa nang dalawa kong kamay ang aking mga pisngi. "Siya nga pala anak, ililipat ka namin sa hospital," sabi ni Mama na ikinagulat ko naman. "Bakit po!?" pabigla kong nasabi. At bigla ring napabangon sa pagkakahiga. "Ano bang nangyayari sa'yo anak? Humiga ka nga muna uli," ta
Halos isang linggo akong hindi nakapasok sa school kaya hindi ko namalayang mag ga-graduation na pala. At pagkatapos naman ng graduation ngayong Marso ay papasok naman ang buwan ng Abril at ang kaarawan ko naman ang daraan.Pagpasok ko sa school namin ay wala na pala kaming ginagawa kundi ang mag-practice para sa graduation namin. Mabuti na lang at ginawa ko na ang mga home work at project ko kahit na may bulutong ako. Nawala naman kasi ang lagnat ko at hinintay ko na lang mawala ang mga butlig na tumubo sa aking katawan. Kaya naman hindi ako naghabol ng mga activities pagpasok kong muli sa aming paaralan."Wow! Ilang weeks na lang talaga at makaka-graduate na tayo!" masayang wika ni Carol.Isa sa mga kaibigan namin sa school. Hindi masyadong sumasama sa amin si Carol, pero pagdating dito sa school ay parati itong nakadikit sa amin. Hindi namin alam pero ang sabi niya ay strikto raw kasi ang Tito niya. Ito 'yong maituturing kong palaging tumatalo sa akin pagdati
A few weeks later: April 2,2010: Idinaos ang aming graduation, at gaya nga ng alam ng marami ay nakamit ko ang titulong "Salutatorian" At ang lahat ay masayang-masaya sa kaganapang iyon ng aking buhay. Naroon ang aking Mama, at ang usapan namin ay sama-samang kakain sa isang restaurant kasama ang buong pamilya. Ngunit bago umuwi ay nagpaalamanan na muna kaming magkakaibigan. Uuwi na sana kaming lahat upang makipag bonding sa mga pamilya namin. Nang bigla namang magsalita si Carol at hindi namin inaasahang dadalo si Mr. Santivaniez sa graduation na ito. Noon kasi ay never naming nakita ang guardian ni Carol, kahit na sa anong okasyon sa school. Pero nang araw na iyon ay dumalo ito at nakipagsaya sa marami na para bang simple lang siya tulad ng iba. Sabagay halos lahat rin naman ay mayayaman tulad niya. Ang kaso lang alam nang lahat kung gaano ito kayaman. Inaamin naman naming lahat na wala kami sa kalingkingan nito. "Gusto sana ng Tito ko na im
April 2010 One month later: Natapos na nga ang buwan ng Marso at dumating ang buwan ng Abril, ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko sa aking buhay. Well, sino ba naman ang taong ayaw dumating ang kanyang kaarawan. Hay, ano na kaya ang magaganap sa'king birthday? Sa pagdating ng araw na iyon ay magiging ganap na akong seventeen years old. Pero naisip ko hindi pa iyon sapat para payagan ako nina Mama at Papa na maka punta sa abroad ng mag-isa. Syempre nag-iisa akong babae sa aming pamilya kaya naman sina Papa at Mama ay lubos ang pag-aalala sa akin. Naalala ko nang sabihin ko ang mga plano ko matapos ang graduation namin: "Bakit naman sa America mo pa gustong mag-aral n
Pagkaraan ng limang minuto ay nasa fourth floor na kami ng bahagi ng hotel. Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang bar na iyon. Mayroon palang isang bar na wala namang ibang tao kundi ang isang lalaking bartender. Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, mabilis ngang nakalapit doon ang dalawa upang humingi ng alak. Ako naman ay lulugo lugong napasunod sa kanila. Umupo kami mismong counter kung saan maaari naming maituro ang mga wine na gusto namin. Napakaraming alak sa wine shelf nila. Naalala kong mayroon ding ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay nami
Dave POV: Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito. "Hello," sabi ko na pupungas-pungas pa ako. "Hello sir, may mapunta po diyan sa kwarto niyo," sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ha! bakit daw?" gulat kong sabi sa kausap ko. "sir, may hinahanap po kasi sila, yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel yung nag birthday po___" "Oo nga! Ano nga!" galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko
Annie's POV: Isang agreement ang pinirmahan namin lahat na naroroon. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at kaibigan na si Carol. Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinaka magandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin. Para sa akin ang lahat ng pabor na nakasulat sa papel na pinirmahan namin. Iyon daw ay magiging valid hanggang sa makabalik ako galing America. Siya at ako ay hindi maaring makipag comitmment sa ibang tao liban na lang kung sabihin kong malaya na ang isa sa amin na gawin ang gusto ng bawat isa. Sa araw na makabalik ako.