Share

CHAPTER TWO

Dave POV:

Nasa opisina na ako ng mall kung saan may kakatagpuin akong kliyente sa araw na ito. Hindi ko inaasahang makikita ko rito sa mall na ito ang isang taong kailan man ay hindi ko ini-expect na makikita ko. Si Annie, the girl I see last year in the school of my nephew. At ngayon ay sweet sixteen na siya, sa mga susunod na buwan ay mag lalabing pitong taon gulang na siya.

Napabuga ako ng hangin sa isiping napaka bata pa rin pala ng babaeng iniisip ko.

Isang bagay na matagal ko nang pinipigilan. Sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makita pa ang taong hindi ko dapat makita.

Kaya naman ginawa ko na ang lahat para lang hindi na magtagpo pa ang aming mga landas pero pilit padin kaming pinagtatagpo ng tadhana. Sa lahat naman ng kumpanyang makakapasa sa  bidding ay Buenaventura pa ang  nakapasok para mag provide ng mga bago kong bodyguards. 

Sadyang mapaglaro ang tadhana, yung mga taong pinipigilan mong makita ay siya namang inilalapit sa iyo. 

"Da**! Bakit naman ngayon ko pa siya nakita kung kailan nag-deside na akong kalimutan siya at mag-move on na sa isang bawal na damdaming nararamdaman ko."

"Sir," tawag ni Leo sa akin na siyang nakapukaw ng aking malalim na pag-iisip.

"Come in," maiksi kong sabi at tuluyan na nga siyang pumasok.

"Sir, mamayang gabi po nag-invite ng dinner si Mr. Ramon Buenaventura sa bahay po nila," sabi ni Leo.

Bigla naman akong kinabahan ng marinig ko ang pangalang binanggit nito.

What the hell! Hindi yata matatapos ang araw na ito at eto na naman, lagi kaming pinagkikita ni Annie.

 "Am, Sir, ano po mag ko-confirm po ba ako sa paanyayang ito ni Mr. Buenaventura?" tanong muli ni Leo.

"Okay," nasabi ko na lamang sa secretary ko. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung papaano ko pakikitunguhan ang pamilyang iyon. Lalo na't anak nito ang babaeng ayaw ko sanang makita.

**************************

Annie's POV:

Pasado alas-siyete na ng gabi ng maka uwi ako sa bahay namin. Paunti-unti pa akong lumalakad papasok sa bahay namin. Napansin ko namang wala pang kakaiba sa kanila. Dahan dahan akong tumungo kaagad sa hagdan at sinadya kong hindi dumaan sa kitchen para mag kiss kay Mama. Kunwari ay nakalimutan ko lang. Well, alam ko namang mahahalata ni Mama iyon. Dahil kilala na nila ako, alam na alam ni Mama kung may ginawa akong kakaiba o kasalanan.

Hindi ako kumi-kiss sa kanila. Alam kong sa mga oras na iyon ay pauwi na rin si Kuya Edmon. Kaya nagmamadali akong tumungo sa kwarto ko dahil magdadahilan akong may sakit ako.

Alam ko ring hindi sila maniniwala, pero bahala na. Naiinis akong mapapagalitan ako nang dahil sa hambog na matandang lalaking iyon! 

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong inilapag sa kama ang mga dala kong gamit at mga bagay na binili ko sa mall kanina. Binilan ko na rin ang dalawa kong kaibigan ng mga gamit na gusto nila at pinakain ko sila sa isa sa mga restaurant doon. Dahil sa inis na inis ako sa lalaking hambog na iyon na VIP nina Papa. Napa gastos tuloy ako ng mga napaka mamahal na gamit.

Ako 'yong tipong kahit mayaman kami ay hindi mahilig bumili ng kung ano-ano. Pero dahil sa nakakainis na lalaking iyon ay napabili ako. Ayaw ko pa naman sanang gumastos sa mga buwang ito dahil may pinaglalaanan ako ng pera na binibigay nila sa akin.

Naisipan ko ka'gad na maghubad ng uniform ko at magsuot muna ng bathrobe dahil magbabad ako sa bathtub ko sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo ay sinindihan ko muna ang mga scented candles na nakapatong sa bathtub ko. Sinamyo ang amoy noon bago ako  lulusong.

Hinubad ko ang bathrobe na suot ko at saka ako tuluyang lumusong sa bathtub ko. Habang nakahiga ako roon at nababad sa mainit-init na tubig ang katawan ko ay talaga namang narererlax ako.

Dagdagan pa ng amoy ng vanilla essence at bamboo scent na nasa kandila ay talagang napakasarap sa pakiramdam ko.

Mga kalahating oras pa ang lumipas na ako'y nakababad sa bathtub ko nang bigla namang pumasok sa isipan ko ang mukha nang mayabang na lalaking nakangisi kanina.

At agad naman akong nakadama ng inis!

"Shocks! bakit ko kaya siya naiisip?" pagulat kong natanong sa sarili ko. At nagulat din ako sa malakas na katok mula sa labas ng aking banyo.

"Senyorita!" tawag sa akin ni Nanay Martha habang kumakatok sa pintuan ng banyo ko.

"Bakit po!" sigaw ko rin para marinig nito.

Hinaluan ko pa ng pagkainis at yamot ang tinig ko para maisip nito na hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Senyorita, kailangan na ninyong bumaba para sa hapunan," sabi uli ni Nanay Martha.

"Paki sabi po, hindi ako maghahapunan!" dahilan ko upang hindi ako mapagalitan ni Papa.

Tiyak na si Papa ang unang magagalit sa akin dahil alam kong Vip client nila ang naka bangga ko kanina.

"Naku, Senyorita! Hindi raw pwede dahil may panauhin ang Papa ninyo ngayon at nais ng inyong Papa na ipakilala ang bawat myembro ng pamilya!" sabi nito sa akin.

Na i-imagine ko tuloy ang itsura ni Nanay Martha sa twing nagtatangka akong hindi sumunod sa mga magulang ko.

Bata pa lang kasi ako ay ito na ang kasa-kasama ko hanggang ngayon na mag di-disisyete na ako. Nakikita kong sa darating kong kaarawan ay mas bumabaha pa ang mga luha nito kaysa sa aking Mama.

"Bakit po? Sino po ba iyon at kailangan pa po talaga akong bumaba?" tanong ko kay Nanay Martha.

"Hindi ko alam Senyurita, basta't itatakwil na raw ang hindi sasabay sa hapunan ngayong gabi," sabi nito. At huminto na sa pagkatok sa pintuan ng aking banyo.

"Sige napo, bababa na po ako pagkabihis ko," magalang ko nang sabi sa matanda.

Naisip ko lang kung sino ba itong importanteng bisita ni Papa na kailangan pang may pagbabanta na itatakwil ang sinumang susuway.

"Grabe naman ang Papa! Pagtatakwil talaga ang ipinanakot sa akin!" bulalas ko sa aking sarili na talaga namang sinambit ko ng malakas.

Mga sampung minuto pa ang itinagal ko sa banyo.Ayaw ko nga kasi talagang bumaba. Pero si Nanay Martha ay naka ilang ulit nang bumalik para tawagin ako.

Yellow dress na may maliliit na daisy flower design ang sinuot ko ng mga oras na iyon. Para naman magmukha akong kiming dalaga na kunwari ay hindi makabasag ng pinggan sa kahinhinan! Charot!

Kasi naman 'yon lang ang mga damit na inihahanda sa akin ni Nanay Martha sa twing mag di-dinner kami at may bisita. Hindi ko na pinapalitan ang mga ihihahanda niya dahil tinatamad akong magpili-pili sa napakalaki kong closet at napaka rami kong damit.

Idi-nonate ko na nga sa mga nasunugan ang ibang mga damit ko, pero ang dami paring natitira. Paano'y binibilhan na naman ako ni Mama. Kaya naman hindi na ako nag-aabala pang mamili ng mga isusuot ko.

Tinernohan ko lang iyong ng yellow doll shoes na inihanda rin ni Nanay Martha.

Maya maya pa ay pababa na ako sa aming living room. Dahan-dahan pa ako dahil wala nga akong ganang kumain,siguro dahil sa alam kong may nagawa akong kasalanan.

Speaking of kasalanan! 

"Inay Ko po!" nasabi ko sa isip ko nang malakas ng mapag sino ko ang lalaking sitting pretty na naka upo sa sofa namin.

Tila gusto ko nang umurong. Bahagya kong inihinto ang paghakbang ng mga paa ko upang hindi nila marinig ang paatras kong pag-akyat sana uli. 

"Yari na ako!" Sabi ko sa isip kong dahan dahan talaga ngunit kung mamalasin ka nga naman oh!

Tumingin pa kasi  ang hambog na iyon sa gawi ko. Kaya sina Papa at ang mga Kuya ko ay nagsilingunan na rin sa akin.

Ngumiti pa talaga ang hambog na'to!

"Oh, Annie! " masayang tawag ni Papa.

Na siya namang ikinabigla ko. Naisip kong marahil ay hindi pa ito nagsusumbong, O baka kaya ito narito upang isumbong na ako sa aking Papa. 

"P-pa," kimi kong sagot sa kanya na hindi ko alam kung naka ngiti ba ako o naka ngiwi!

"Come here! And I want to introduce you to Mr. Dave Santivaniez, our new VIP client!" masaya paring sabi ng aking papa.

Itinuloy ko na lang ang aking paghakbang pababa at tuluyang lumapit sa kanila. Tumayo naman ito at ang aking Papa. Lumapit ako at nagpanggap na para bang ngayon lang kami nagkita. Sa hindi ko naman malamang dahilan kung bakit naka ngiti ito sa akin at titig na titig.

Naka ramdam tuloy ako ng pagka-conscious at pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi sa mga tingin nito sa akin. 

Pilit akong sumeryoso at tipid na ngumiti sa kanya. Sadya kong hindi inilabas ang mga ngipin ko para hindi niya maisip na gusto ko ang kanyang mga tingin.

"Oh, hello,"sabi nito sa akin. Inilahad pa nito ang isa niyang palad sa akin upang makipag kamay.

Tiningnan ko naman ito at nag-aatubiling kunin din iyon. Pero napansin ko naman ang tingin ng aking Papa at mga kapatid na lalaki. Dahil sa ayaw ko silang mag-isip ng masama ay kinuha ko na rin iyon. Nakipag kamay na rin ako kahit na naiilang ako.

Nang mag daop ang aming mga palad ay naramdaman kong pinisil niya iyon ng kaunti at bigla akong napabitiw dahil sa may naramdaman akong parang kuryenteng dumaloy sa aking kamay.

Isang nakakukuryenteng pakiramdam na noon ko lang nadama..

"Anak, sabi ni Mr. Santivaniez, kamusta ka raw?" nagulat pa ako sa sinabi ni Papa sa akin dahil medyo kinalabit ako nito. Doon lang ako nagbalik sa ulirat.

"P-po,o-okay lang po!" nagulat at nautal kong tugon sa kanya kahit na hanggang sa mga oras na iyon ay gulat pa rin ako sa mga nangyayari.

Ang alam ko ay mapapagalitan na ako,pero sa pagtataka ko ay may kakaibang nangyari ng araw na iyon sa akin.

Hanggang sa makaupo na kaming lahat sa malawak at mahabang dining table namin ay nararamdam ko pa rin ang mahiwagang kuryente sa aking mga kamay. Na siyang ipinagtataka ko sa aking sarili.

Hindi kami roon palaging kumakain, ginagamit lamang ang dining room na iyon sa t'wing may mga VIP person na bumibisita sa aming mansion upang maghapunan at pag-usapan ang maraming mga bagay tungkol sa negosyo.

Nagkataon namang napaupo ako sa sitting area na paharap sa kanya. Panaka naka akong mapatingin sa kanya ng hindi sinasadya. At nang masulyapan ko muli siya ay nabigla naman ako nang makita kong nakatitig pala ito sa akin.

Muntik na'kong mabulunan!

Naubo ako at pinukpok pukpok ko pa ang dibdib ko upang bumaba kaagad ang bumarang pagkain sa lalamunan ko.

"Uminom ka muna ng tubig." Mabilis na inabot sa akin ni Kuya Edmon ang basong may tubig na nasa tabi ko lang naman.

At nang maka inom ako ay agad na nahimasmasan ang kalooban ko.

"Anak! dahan dahan kasi," sabi sa akin ni Papa.

At tumango lamang ako at ngumiti sa lahat ngunit nang mabaling ang tingin ko sa mayabang na lalaki sa harap ko ay inirapan ko talaga siya. At palihim na sinamaan nang tingin.

Nakita ko namang nangingiti ito.

Marami pang pinag-uuspan ang mga magulang ko at ang mayabang nilang VIP na hindi ko naman iniintindi.

Sinasabi pa la nito na may pamangkin siyang nag-aaral din sa aking paaralang pinapasukan.

Isang bagay na hinid ko na namalayan pa dahil sa masama na kasi ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joseph Tingco
ganda Ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status