Share

I Married The Ice King
I Married The Ice King
Author: ScarletteQueen

PREMISE

Unang araw nang klase. Bagamat tinatamad si Sandy ay pinilit nya pa ring bumangon. Sa totoo lang ay tinatamad sya dahil bagong school ang kanyang papasukan. Mula nang mamatay sa aksidente ang papa nya ay lumipat sila nang mama nya at nang dalawa nyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa Pasay.

Pumasok bilang isang accountant sa isang kumpanya ang mama nya upang may maipantustos sila. Ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon at may kalakihan ang kita nito bilang isang chief sa isang cruise ship na nagtatravel sa buong mundo kaya buwanan ito kung umuwi.

Bagamat may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaang mamatay ay itinabi pa rin ito nang mama nya. Mag-iipon daw ito upang makapagpatayo nang isang restaurant. Magaling din kasi ito magluto kagaya nang papa nya.

Naiinis lang sya sa mama nya kung bakit pinipilit sya nitong mag-aral sa St. Bernard University dahil bukod sa private ang nasabing unibersidad ay may kalayuan ito sa bago nilang tinitirahan kumpara sa isang branch nang unibersidad na pinapasukan nya noong nasa Laguna pa sila.

Hati ang mama nya at ang Tita Lorena nya, na kapatid nito, sa tuition nya, kaya siguro naisip na lang nang mama nya sa nasabing unibersidad na lamang sya mag-aaral. Pero naiinis sya.  Ayaw nya nang pahirapan ito kaya nais nya na sa public na unibersidad na lamang sya mag-aral ngunit nagtatalo lamang sila.

Mas maganda daw na doon nya ipagpatuloy ang pagkuha nya nang Journalism. Second year college na sya nang araw na iyon, at na mimiss nya ang mga kaklase nya sa dati nyang pinapasukan. Nagpasya kasi ang mama nya na lumipat sila dahil sa mga social climber na kapatid nang papa nya. Inangkin nang mga ito ang bahay at lupa nila.

Bumuntong hininga sya bago bumangon nang kanyang kama. Dahil maliit na lamang ang inuupahan nilang bahay ay agad na tatambad ang sala at kusina sa oras na lumabas sya nang mga kwarto.

“Sandy, dalian mo ang pagkilos. Baka ma-late ka.” Utos ni Loreta sa anak. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok nang sumunod kay Sandy na si Carina. Second year highschool na ito ngunit dependent pa rin ito sa mama nila. Sa tabi naman nito ay ang bunso na si Chloe, grade five.

Naka simangot sya nang umupo sa hapag-kainan. Nakapag bihis na ang tatlo at handa nang umalis ang mga ito dahil alas syete ang pasok nang mga ito. Malapit lang sa kanila ang papasukan nang mga kapatid nya at idadaan na lamang nang mama nya ang dalawa.

“Sandy, mauuna na kami ha. Iniwan ko ang baon at pamasahe mo sa tabi nang telepono.” Sabi ni Loreta sa anak.

Tumango lamang sya sa mga ito at pinagmasdan hanggang sa maisara na ang pinto nang makaalis na ang mama at mga kapatid nya. Agad syang nagluwag nang kakainin nya. Adobo ang ulam, tiyak na sinadya iyon nang mama nya bilang pampalubag loob sa pagpilit sa kanya na mag-aral sa private university na iyon.

Agad syang naligo matapos kumain. Plantsadong plantsado na ang bagong uniform nya. Napatango sya nang makita ang disenyo nang uniform. Mabuti at may taste ang nagdisenyo nang uniform nang mga Journalism student sa private university na iyon.

Alas otso y media ang naka schedule na pasok nya pero alas syete y media pa lamang ay naroon na sya sa tapat nang gate. Mataas ang bakod nito at kulay itim ang kulay nang gate. Isinuot nya sa tenga ang headphones na naka sukbit sa leeg nya at ini-on ang kanyang mp3 player.

Diretso syang naglakad papasok. Nalula sya sa ganda at ayos nang mga buildings and establishment nang maka pasok na sya. Ang mama nya lang kasi ang nag-enrol sa kanya. Bago nya pa malaman ay naka-enrol na pala sya.

Tumigil sya sa paglalakad at inilibot nya ang paningin. Madaming puno at may malaking fountain sa bandang kaliwa pagkapasok nang gate. Malawak ang kabuuan at malinis. Ibang iba ang university na ito sa dating pinapasukan nya.

Nang magsawa ang mga mata ay muli syang naglakad nang may makabangga sa kanya. Naka uniform din ang babae, ngunit malamang na iba ang course nito. Muntik na syang matumba, mabuti at nakapag balance sya.

“Oh my. I’m sorry. May hinahabol lang kasi ako.” Paghingi nito nang paumanhin sa kanya. Umalis rin ito agad matapos magsalita.

Kinurap na lamang nya ang kanyang mga mata at nagpasyang maglakad na muli. Hinanap nya ang Departmen building na kinabibilangan nya at nakita nya naman agad iyon. Nagulat din sya nang makita ang bilang nang mga kotse sa parking lot na halos katabi lang nang building nila.

Napa-iling sya. Masyadong mapepera ang mga tao sa university na ito. Mangilan ngilan pa lamang ang tao sa klase na iyon nang pumasok sya, karamihan pa nang mga naroon ay lalaki. Matapos maibaba ang gamit nya sa napili nyang upuan, nagpasya syang sumilip sa bintana.

Nangunot ang noo nya nang makita na may kumpol nang mga babae sa isang particular na lugar sa parking lot. Ang iba naman ay nasa labas nang kanya-kanyang mga kotse nang mga ito at nagre-re-touch. Napangiwi sya. Nawiwirduhan sya sa mga iniaasta nito.

Ilang sandali pa ay may dalawang itim na kotse ang dumating. Agad na nabaling roon ang atensyon nang mga babaeng nagkumpulan at tila natutuwa ang mga ito. Naunang bumaba ang mga lalaki sa unang kotse. Pulos naka itim ang mga ito.

Lumapit ang isang unipormadong lalaki sa isang kotse na kasunod at binuksan nito ang isang pintuan. Mula roon ay may bumabang  matangkad na lalaki. Naka uniform ito kaya nalaman nya na estudyante rin ito. Masyadong malayo ang kinalalagyan nya kaya hindi nya makita ang itsura nito.

“Ano ba yan. Kailangan talagang may taga bukas pa nang pinto nang kotse para sa kanya?” Naka ngiwi at naiiling na bulong nya. Minabuti nya na lamang na maupo at making sa mp3 player nya habang naghihintay sa pagsisimula nang klase.

Ikatlong araw na nang klase ngunit wala pa ring nagiging kaibigan si Sandy sa mga kaklase nya. Ang nakakasama nya tuwing lunch break ay si Renz, ang baklang MassCom student na kaklase nya noong highschool sa Laguna. May kaya ang pamilya nito kaya hindi na sya nagtataka kung afford nitong mag-aral doon.

Nagkita sila noong unang araw nang klase sa canteen at doon sila nagkwentuhan. Bagamat MassCom student ito ay pareho ang kanilang schedule kaya nagpasya sila na sila na lamang ang magkasamang kakain tuwing lunch.

“Girl, wala ka pa rin bang friendship sa mga classmates mo?” Minsan ay tanong ni Renz. Kasalukuyan silang kumakain nang ice cream sa isang bench na nasa ilalim nang isang puno na malapit sa parking lot.

Umiling sya. “Wala pa nga eh. Dati na kasing magkaka klase yung mga yun. Block section sila. Okay lang naman.” Kibit balikat na sagot nya.

“Kaloka ka naman. Dapat mag effort ka naman para magka friendship ka na sa mga classmates mo. Hindi ka normal kapag sa lingo na ito eh wala ka pa ring nakakausap.” Sabi pa ni Renz.

Ngumiwi si Sandy. “Ah ewan. Ang kulit naman kasi ni mama eh. Sinabi ko nang ayoko mag-aral dito. Pinilit pa rin ako. Bago ko nga malaman na dito na ako mag-aaral, naka enroll na pala ako. Mas nakakaloka yun, di’ba?” Kwento nya sa kasama. Tinititigan nya ang hawak nyang notebook.

“Nakakaloka nga girl.” Umiiling na sabi ni renz. “Pero alam mo, hindi ko rin masisisi ang madires mo kung dito ka nya gusto mag-aral. Kagaya nang madires at padires ko, they want the best for me, and they think na ito ang school na best para sa akin.” Sabi naman ni Renz.

“What’s so great with this school?” Inilibot nya ang kanyang paningin. “The scenery and the ambience, maybe. Pero kung ang pagbabasehan ay ang pagtutro, ewan ko. Parang pumapasok lang ang mga estudyante dito upang magpasikat o makita ang mga kaibigan nila dito.”

“ Pareho lang ang pagtutoro nang mga professor dito at nang sa public. Ah basta.” Sabi ni Sandy. Nilingon nito si Renz. “Oops, no offence meant Renz. Hindi ka naman ganon eh.” Sabi nya rito.

Tumawa ang bakla bago nagsalita. “Ayos lang, ano ka ba. Aminado naman ako doon, pero may impact ang pangalan nang university na ito kapag nakapag graduate ka na. Mas maraming opportunities sa bawat magtatapos sa St.Bernard.” Paliwanag ni Renz. Pumipilantik pa ang mga daliri nito.

Yumuko lang si Sandy, hindi na nagkomento.

“And oh, by the way. About sa pagtuturo naman nang mga professor, depende kasi sa prof yun, Girl.” Habol ni Renz, still smiling.

Malungkot na tumango na lamang si Sandy. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Renz dahil may tatapusin pa raw syang project. Isang oras pa bago ang kanyang susunod na klase. Nagpasya syang libutin na lamang ang university.

Una nyang pinuntahan ang field. Sa tabi noon ay may mga kumpol nang halaman at mayayabong na puno. Maraming naglalaro nang iba’t ibang sports sa field kaya dumiretso sya sa tila mini forest na iyon. Napangiti sya sa nakita. The place is perfect for her.

Pasalampak na naupo sya sa lilim nang isang puno at agad na isinuot ang kanyang headphones. Itinodo nya ang lakas nang kanyang mp3 at pumikit. Ganoon sya kapag nagrerelax.

Napadilat sya nang may tumalon na grasshopper sa kanyang binti. Sa gulat nya ay napatili sya nang malakas. Agad syang napatayo. Narinig nyang tila kumaluskos ang mga dahon sa puno na sinilungan nya kaya tumingala sya. Nanlaki ang mga mata nya nang may bulto nang tao ang pabagsak sa kanya. Bago nya pa mamalayan ay nadaganan na sya nang taong iyon.

“A-aray..” Mahinang sabi nya. Agad syang dumilat at lalong nanlaki ang mga mata nya nang makita na maraming kapwa studyante na rin ang naroroon at nakapalibot pa ito sa kanila. Agad nyang itinulak ang lalaking nakadagan sa kanya. Dagli naman itong tumayo.

Nagbulungan ang mga studyante na naroroon. Ang lalaki naming nakadagan sa kanya ay nagpapagpag nang suot nito. Nakayuko ang lalaki kaya hindi nya ito makita.

Matapos magpagpag ay tiningnan sya nang lalaki. “Watch your mouth next time. Nakakaistorbo ka.” Sabi nito bago tumalikod at agad na naglakad palayo. Sinundan ito nang ibang babaeng studyante.

Napanganga sya sa inasal nito. “Aba! Hoy! Ikaw na nga itong nakadagan eh! Pwede ka naman sigurong mag sorry!” Pahabol na sigaw nya rito. Nagpagpag din sya nang damit at dinampot nya ang kanyang mp3 player.

“Miss, okay ka lang?” Tanong nang isang babaeng studyante. Nakilala nya ito, Isa ito sa mga kakalase nya. Ang iba naman ay umalis na nang makitang okay naman sya.

Nginitian nya ito. “Oo,” Sabi nya matapos tumango.

“Ako nga pala si Judy. Classmates tayo.” Naglahad ito nang palad. She wore a bright smile.

Tinangap nya ang pakikipag-kamay nito.”I’m Cassandra. Just call me Sandy.”

“Nagulat kaming lahat sa field nang marinig namin na may tumili. My God, si Aled na pala ang nakapatong sayo.” Sabi nito, pagkatapos ay humagikhik.

Ngumiwi si Sandy. “Ah, Aled ba ang pangalan no’n? Ang rude. Hindi man lang nag sorry, sya na nga itong nakadagan sa akin.” Inis na sabi nya.

Muling humagikhik si Judy. “Gano’n talaga yun. Numero unong isnabero. Pero ang pogi no? Hay. Sya ang pinapangarap nang halos na lahat nang women population dito sa St.Bernard.” Sabi nito na tila nangangarap.

Nangunot ang noo nya. “Talaga ha?”

Tumango si Judy. “Oo naman. Ay teka, upo tayo. Magkwentuhan tayo. And since bagong transfer ka lang dito, itu-tour kita gamit ang kwento ko.” Nakangiting sabi nito.

Sabay silang naupo sa lilim nang puno kung saan nahulog ang lalaki.

“So, balik tayo kay Aled. He’s not just good looks. Sila rin ang may-ari nang pinaka malaking shares nang St.Bernard, so technically, parang sila na ang may-ari nang school. Mabuti ka pa, parang nayakap mo na rin sya.” Kinikilig na sabi nito.

“Crush mo yun? Ni wala ngang manners eh.” Naiiling na sabi nya.

“Nagkataon lang yun. May sariling mundo yun, at tahimik. Nagising mo ata sya nang tumili ka kaya nahulog sya sa puno.” Natatawang sabi nito.

“Natutulog sya sa taas nang puno?” Namilog ang mga mata nya sa sinabi nang kausap.

Tumango ito. “But not exactly natutulog talaga. You know, umiidlip pag walang klase. Nakakapag-relax sya dito.”

“Mukhang crush mo nga sya. Ang dami mong alam sa kanya eh.” Sabi nya rito.

Ngumiti ito at nagkwento pa nang kung anu-ano.

Nakikinig lang si Sandy sa mga kwento ni Judy. Masayahin ito kaya sa tingin nya ay makakasundo nya ito. Sabay silang pumasok sa susunod na subject nang mamalayan nila ang oras.

Hindi mapigilan ni Sandy ang isipin si Aled nang gabi’ng iyon. Kahit na naiinis sya sa ugali nito ay aminado syang gwapo talaga ito. Halatang mayaman at alaga ang makinis nitong kutis. May kahabaan ang buhok nito, at halatang may lahi. May pagka singkit ang mga mata nito at matangos ang ilong na tila nililok.

Bagamat sandali nya lang nakita ang kabuuan nito ay aminado sya na may karapatan nga itong maging pantasya nang mga studyante sa St.Bernard. Pero hindi sya. Sobrang naiinis sya sa ginawa nito. Hindi na nga sya tinulungan tumayo, sya pa ang sinisi. Tama ba naman kasi na umidlip o umakyat sa puno sa eskwelahan?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi na namalayan ni Sandy na nakatulog na sya. Napuyat sya kakaisip kay Aled kaya may kalakihan ang eye bug nya na agad napansin ni Judy.

“Ang laki nang eyebug mo ngayon, Sandy. Mukhang nagpuyat ka.” Puna nito.

Nginitian nya na lang ito. “Oo eh.”

Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. “Ay sya nga pala, pwede mo ba akong samahan sa parking lot? Naiwan ko kasi yung wallet ko sa kotse ko eh. Do you mind?”

“Ah, hindi. Ayos lang.” Sabi nya at agad na tumayo.

Sabay silang naglakad nito. Nang malapit na sila ay napansin nya na naman ang mga babaeng nagkakalat sa parking lot kagaya nang nakita nya noong unang araw nang klase.

“Judy, pwede ba magtanong?” Agad na tanong nya sa kasama.

Binubuksan na nito ang pinto nang kotse nito.

Tumango ito. “Ano yon?”

“Yang mga babae na yan,” Tinuro nya ang mga ito. “Bakit parati ata silang nakatambay dito? i mean..” Nagkibit balikat sya, hoping na magegets nito.

Tumawa si Judy. “Yeah, I know. Hinihintay nang mga yan na dumating si Aled. Hindi ata nakukumpleto ang araw nila kapag hindi nila nakikita si Aled sa umaga.” Paliwanag ni Judy.

Nanlaki ang mata ni Sandy. “Seryoso? Hinihintay talaga nila yung suplado at walang manners na yon?”

“Ssh!” Saway ni Judy dito. “Huwag mong ipaparinig sa iba yang asar mo na yan kay Aled. You’ll gain haters, I’m telling you.” Sabi pa nito.

Ngumuso na lamang si Sandy. Hanggang makarating na sila sa classroom nila ay hindi pa rin maka get-over sa mga nalaman nya si Sandy. Bakit sa dinami dami nang lalaki sa campus ay ito pa ang tila heartthrob sa university? Bakit sa kabila nang kagaspangan nang ugali nito ay madami pa rin ang nagkakagusto dito to the point na inaabangan pa ito nang iba sa parking lot?

Sya rin ang sumagot nang mga tanong na iyon. Gwapo si Aled, at isa iyong katotohanan na hindi nya maikakaila. Malakas ang appeal at mayaman. Pero hindi dapat iyon ang basehan.

Ah! Bahala na.Ipinilig nya ang kanyang ulo. Ayaw nya nang mag-aksaya nang oras para sa lalaking iyon.

“Tita Lorena!” Masiglang sinalubong ni Sandy ang butihing tiya nya sa gate nang kanilang bahay. Kinuha nya ang dalang bag nito at inakay papasok.

“Wow, ang cute naman pala nang bagong bahay nyo. Hindi nga lang kasing laki nang bahay nyo dati pero maayos naman.” Sabi naman ni Lorena habang inililibot ang paningin.

“Upo ka tita. Tamang-tama lang sa aming apat itong bahay. Kasama ni mama sa kwarto si Chloe, tapos kami naman ni Carina sa isang kwarto.” Kwento nya rito.

Umupo si Lorena. “Anong oras ba darating ang mama mo?”

Liningon ni Sandy ang orasa. “Pauwi na iyon Tita.” Aniya. Nauuna kasi syang umuwi dahil alas dos ang huling klase nya at bago mag alas kwatro ay nakakauwi na sya. Ang mama nya naman ay alas singko, gayun din ang dalawa.

“Halika ka. Magkwento ka naman about sa bagong school mo. Maganda ba doon? Well, I guess. Hindi piptsuging university ang St.Bernard.” Nakangiting sabi ni Lorena sa paboritong pamangkin.

Umupo si Sandy sa tabi nang tiya nya. “Uhm, okay lang naman sya.” Sagot nya.

Natawa si Lorena. “Parang hindi okay pero ayaw mo lang aminin.” Sabi nya sa pamangkin.

“H-hindi naman sa ganon tita. Kaya lang, hindi pa kasi ako nakakapag adjust. Bagong environment at classmates ang hinaharap ko for one week na and I’m trying my best to fit.” Sabi nya.

“Sabagay. Naiintindihan kita. Kaya lang. doon gusto nang mama mo na mag-aral ka. And I think, maganda naman iyon para sayo..”

Ngumiti si Sandy at tumango. “Yun na nga lang din po ang iniisip ko.”

Just like the old times bago mag-asawa ang tita Lorena nya ay nagkwentuhan sila. Limang taon na itong executive secretary sa isang multi-national company bago nito makilala si Roger, ang asawa nito ngayon.

Limang buwan pa lamang silang kasal at businessman si Roger kaya nang malaman nang mga ito ang nangyari sa papa nya ay nangako ang tita Lorena nya na tutulungan sya sa pag-aaral. Pumayag naman si Roger dahil naging malapit na rin ito sa kanila.

Iyon ang unang beses na pagdalaw nang Tita Lorena nya sa bagong bahay nila dahil naging busy rin ito nang mga nakaraang lingo. Bunsong kapatid nang mama nya si Lorena, pangalawa ang mama nya sa magkakapatid at ang panganay ay nasa ibang bansa kasama ang pamilya nito.

“Lorena, andito ka na pala. Hindi mo ako tinext.” Bungad ni Loreta. Kadarating pa lang nito at kasama na nito sina Carina at Chloe.

Nag mano ang dalawa kay Loreta at dumiretso nang kwarto upang magbihis.

“Napa-aga nga ako ate. Pinag-under time ako nang boss ko dahil may pinuntahan syang business meeting.”

“Anong masasabi mo sa bagong bahay namin?”

“Ang ganda ate. Tamang-tama sa inyong apat. Mabuti nga at hindi kayo masyado nahirapan sa paghahanap nang mauupahan.”

“Sinabi mo pa. Anyway, dala mo ba?” Tanong ni Loreta.

Tumango si Lorena.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sandy. “Ang ano?”

“Ah eh. W-wala anak. May ipinadala akong kwintas sa tita mo. Hiniram nya sa akin last time.” Sabi ni Loreta.

Tumango naman si Lorena.

Nagkibit balikat na lamang sya at nagsaing sa kusina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status