Share

3

“Pasensya na talaga Lorena.” Nahihiyang sabi ni Loreta sa kapatid. Dalawang araw na silang nakatira rito, hindi rin makapasok sa school ang magkakapatid dahil natupok nang apoy ang mga gamit nila.

“Wala iyon ate. Nasabi mo na ba sa anak mo?” Tanong ni Lorena.

Umiling si Loreta. “H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin.”

Ikinwento nya rito ang nangyaring pagpunta nang mag-asawang Santillan sa kanila, at ang mga pinag-usapan nila. Sabi ni Lorena ay iyon na lamang ang tanging solusyon sa nangyari sa kanila.

Malaki ang maitutulong nang mga ito. Sa katunayan ay tinawagan sya nang umagang iyon ni Donya Lyn, offering help. Pero hindi nya ito kinausap nang matagal. Hindi nya pa nakakausap si Sandy at natatakot sya na magalit sa kanya ang anak.

---------------------------------------------------------

“W-what? Okay ka lang ba ma?” Napatayo sa kinauupuang sofa si Sandy nang kausapin sya nang mama nya at nang tita Lorena nya. “No way!”

“A-anak, hindi naman sa pinipilit kita, pag-isipan mo muna..” Sabi ni Loreta. Ito na ang nakikiusap sa anak. “Were broke. Nasunog ang bahay at mga gamit natin. Pati ang pera na iniwan nang papa mo, naging abo. I don’t know where to start..” Garalgal na sabi ni Loreta sa anak. This time ay umiiyak na ito.

Yumuko si Sandy. Hindi nya kayang makitang umiiyak ang mama nya, at tama ito. Walang wala talaga sila. Hindi sila pwedeng umasa sa tita Lorena nya dahil tumutulong na rin ito sa pag-aaral nya at magkakapamilya na ito.

Kinabukasan ay pumasok si Sandy dahil biyernes naman at pwedeng magsuot nang civilian. Agad nyang sinabi sa mga professor nya at nagpaalam sya sa mga ito na baka hindi makapasok nang ilang araw. Naiintindihan sya nang mga ito.

Hindi sya agad umuwi nang araw na iyon. Tumambay pa sya sa university at nakipagkwentuha kay Renz.

“Grabe girl. Young wife ang drama mo kapag nagkataon.” Komento nito. Kumakain sila nang ice cream sa paborito nilang spot, sa ilalim nang puno.

Sumimangot sya. “Nang-aasar ka pa dyan. Ni hindi ko pa nga nakikita yung mapapangasawa ko kung sakaling pumayag ako. Ang awkward naman.”

“Bakit, hindi ka ba papayag? Paano ang mama at mga kapatid mo? This time, literal na bread winner ka nang pamilya mo  Sandy. Don’t let them suffer.” Naiiling na sabi ni Renz.

“Ah! Ano ba to? Ayoko nang ganito.” Halos maiyak na sabi ni Sandy.

“Kaya mo yan girl. Isipin mo na lang na para sa pamilya mo ang pagsasakripisyo mo, and I’m sure naman ay pwede mapa-annul ang kasal nyo kung hindi na kayo masaya.” Sabi pa ni Renz.

“S-sa tingin mo, dapat akong pumayag?”

Tumango si Renz. “Kung ako nasa kalagayan mo, which is impossible, malamang iko-consider ko talaga ang pagpapakasal sa lalaking iyon. Siguro naman hindi yon panget.” Nakangiwing sabi ni Renz.

Natawa sya dito. “Ikaw talaga.”

Alas singko nang hapon umuwi si Aled nang araw na iyon. Katulad nang nakagawian ay dumidiretso ito nang uwi. Tuloy-tuloy itong bumaba sa sasakyan nang pagbuksan na ito nang mga bodyguards nito.

Nang makita ito ni Donya Lyn ay agad nya itong hinarang. “Anak, can I talk to you for a minute?” She asked.

Blanko ang mukha na tiningnan lang ni Aled ang ina. Inakay ito ni Lyn sa tabi nang pool at doon kinausap.

“Ahm, anak.. naaalala mo pa ba yung last will and testament nang lolo mo?”

Tumango ito, blangko pa rin sa reaksyon ang mukha.

“In two months time, twentieth birthday mo na. We found the girl that papa wants you to marry para sa Clandestine.” Dahan-dahan na paliwanag ni Lyn.

“Okay. When is the wedding?” Tanong ni Aled.

Napanganga si Lyn sa tanong nang anak. “W-what? Y-you mean to say, payag ka?”

“You never ask.” Sagot nito. Tumayo ito at inayos ang nagusot na damit, tila naiinip.

Tumayo rin ang Donya. “Ah, s-sige anak. I’ll tell your dad that you said yes.” Excited na sabi nang Donya.

Dumiretso ito sa library kung saan gumagawa nang ilang paper works ang Don. Agad nyang sinabi rito ang pagpayag nang anak nila.

“That’s good. Hindi na tayo nahirapan kumbinsihin si Aled, sweetheart. Kailangan na lang natin malaman ang desisyon nang apo ni Lucio Ronquillo.”

“Yes, and kailangan na rin nating iplano ang kasal. Dalawang buwan na lang at birthday na ni Aled, we need to move fast.” Sabi naman nang Donya.

---------------------------------------------------

Kinakabahan na pinihit ni Sandy ang doorknob nang pinto nang library room sa mansion nang mga Santillan. Her soon to be husband is there. Nag-uusap sa ibang detalye ang mama nya at ang mag-asawang Santillan about sa details nang magiging kasal nila.

Pinapunta sya nang mga ito sa library upang makilala nya na ang anak nang mga ito, si Alejandro. Parang tatalon sa dibdib nya ang puso nya sa kaba. Masyadong kakaiba ang nangyayari.

Nang makapasok sya ay nakita nya ng bulto nang lalaki na nakatalikod, naghahanap nang libro sa mga estante. Nakasuot ito nang isang checkered polo at slacks. Tumikhim sya upang ipaalam ang presensya nya.

“I-ikaw?” Gulat na tanong nya. Ang lalaking humarap sa kanya ay walang iba kundi si Aled, ang heartthrob nang St.Bernard, at ang lalaking walang manners na nakadagan sa kanya.

Tumiim ang tingin nito sa babae. Ibinaba nito sa lamesa ang hawak na libro at unti-unting lumpit sa babae. “You?” Nagsalubong ang mga kilay nito.

“Hoy, wag mo akong ma you you ha! Ikaw ang biglang nandagan at sa akin ka pa nagalit.” Muling bumangon ang inis na nararamdama ni Sandy sa lalaking ito. Bagamat naiintimidate sya sa pagkakalapit nito sa kanya ay mas nangibabaw ang inis nya.

Nangunot lang ang noo nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa bago muling tumigil sa mukha nya ang tingin nito.

Nainsulto si Sandy sa ipinakita nitong paghagod nang tingin sa kanya. “Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan.” Saway nya at tiningnan nya ito nang masama.

“Why not? In a few days ay magiging mag-asawa na tayo.” He mocked bago tumalikod at muling bumalik sa paghahanap nang libro.

Napasimangot na naman si Sandy. “Ganyan ka ba? Napaka obedient mo namang anak.” Out of the blue ay tanong nang dalaga.

“May sarili akong isip, nagkataon lang na kagustuhan ko rin na pumayag sa ganitong set-up.” Matigas na sagot ni Aled, na nasa binabasa pa rin ang atensyon.

Umirap sya dito bagamat hindi ito nakatingin. Nagbabasa pa rin ito nang libro. Ni hindi man lang sya tiningnan nito. Lalo syang naasar dito. “Wala ka talagang manners! Nakakinis ka! I hate you!” Tila bata na sabi nya rito. Pumadyak sya nang dalawang beses.

Muli syang nilingon ni Aled ngunit wala na naman itong reaksyon. Sa inis nya ay agad nya itong iniwan at bumalik kung nasaan nag-uusap ang mga magulang nila. Bahala na!

“Oh, hija. Nagkakilala na ba kayo ni Aled?” Nakangiting tanong ni Lyn.

Tumabi si Sandy sa mama nya na kaharap naman nang mga Santillan. Tumango sya. “Actually, nakita ko na ho sya sa St.Bernard, wer’e schoolmates.”

Nagkatinginan sila Renato at Lyn. “That’s good, sa St.Bernard ka din pala nag-aaral. Maaari kayong pumasok nang sabay ni Aled.” Sabi ni Aled.

“Yes, and hija, don’t worry dahil kahit na kasal na kayo ay ang pag-aaral nyo pa rin ang una nyong priority. Graduating ngayong taon si Aled, and we were looking forward to that.” Sabi pa ni Renato.

Natuwa sya sa sinabi nang mga ito. Magiging normal pa rin naman pala ang buhay nya, magkakaroon nga lamang sya nang asawa na kinaiinisan nya.

Nang gabing iyon ay napag-usapan din nila na araw-araw nang susunduin o dadaanan ni Aled si Sandy dahil kailangan daw na ma-established ang kanilang relationship bago sila ikasal.

Nais sanang tumutol ni Sandy, dahil alam nyang halos araw-araw din ay may mga babaeng nag-aabang kay Aled sa parking lot, plus, may mga bodyguards pa sila.

“Anak, mas mabuti na nga ang suggestion nila Renato at Lyn. Mas panatag pa ako sa pagpasok mo, dahil may kalayuan din sa atin ang St.Bernard.” Sabi ni Loreta sa anak.

Past ten o’clock nang gabi na sila nakauwing mag-ina. Pansamantala ay ipinahiram nang asawa ni Lorena ang dating bachelor’s pad nito sa mag-iina sa Makati. Ipinahatid sila sa driver nang mga-asawa matapos nilang mapag-usapan ang lahat.

Hanggang ngayon ay hindi lubos maisip ni Sandy kung bakit naging ganoon ang takbo nang buhay nila.

“Ate, I can’t believe it. Magpapakasal ka na. Magkakaroon na rin ako nang pamangkin.” Natatawa at tila excited na sabi ni Carina.

“Tumigil ka nga dyan. Wala pa akong balak magkaanak. Tsaka wala sa plano at usapan yan. Priority pa rin naming nang Alejandro na yun ang pag-aaral.”

Ngumiwi si Carina. “Alejandro? Eew. Pangmatanda ang pangalan. Baka mukha ring matanda.” Sabi ni Carina.

“No comment.” Pasalampak na nahiga si Sandy sa higaan nya. Nasa kwarto na sila nang kapatid nya at nag-uusisa ito.

“No comment ka dyan. Ano ba ang itsura ate?” Nag Indian sit ito sa kama nito at humarap kay Sandy.

“Okay naman. Matangkad, maputi at singkit.” Sabi nya. Hindi nya masabi rito na gwapo ito at malakas ang sex appeal, ayaw nyang puriin ang lalaki.

Tumango-tango si Carina. “Sabagay, hindi ba, Koreana yung mama noon?”

“Oo, kaya singkit sya.”

“Nakausap mo ba yung future husband mo?” Usisa pa ni Carina.

Naupo na rin si Sandy at hinarap ang kapatid. “Oo.” Walang gana na sagot nya.

“Ano naman napag-usapan nyo?”

“Hay, ano ka ba Carina. Wag ka nang tanong nang tanong.” Sabi nya rito.

“Nagtatanong lang eh. Syempre curious ako. Dapat maganda o gwapo ang magiging pamangkin namin ni Chloe.” Sabi nito sabay hagikhik.

Sa inis ay binato ito nang unan ni Sandy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status