Share

Chapter 2

Kunot na kunot ang noo ni Steven habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao as he walked towards the train station.

Ramdam niya ang presensiyang sumusunod sa kanya mula nang lumabas siya sa kanyang apartment. And he knew who it was.

With his teeth gritting in annoyance, he faced the guy who has been following him.

He gave him his deadliest stare ngunit ngiti lamang ang isinukli sa kanya ng binata.

"Good morning, Steven!" He greeted cheerfully.

"Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Pagpapatuloy nito habang unti-unti itong humahakbang patungo sa kanya.

Ngunit bago pa man ito tuluyang makapalapit sa kanya ay itinaas na niya ang kanyang kaliwang kamay saka dinuro ito dahilan para matigil ito sa paglapit sa kanya.

"Pwede bang tigilan mo na ang kakasunod sa akin?" Steven said habang pilit na pinapahupa ang inis na nararamdaman niya para sa binata.

Ayaw niyang gumawa ng eksena sa isang pampublikong lugar kaya't pinapakalma niya ang sarili. Mukhang mapapaki-usapan naman ito ng maayos.

Kumunot ang noo nito na tila ba hindi nito naintindihan ang kanyang sinabi. Hanggang sa umiling-iling ito habang nangingiti.

"Wait, iniisip mo bang sinusundan kita?" He asked with an amused smile on his lips.

He tsked habang umiling-iling. "Napaka-assuming mo naman, babe."

Halos malaglag ang panga ni Steven at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Babe?!" He shouted dahilan upang makuha nila ang atensiyon ng mga tao.

Napangiwi siya ng pagtinginan sila ng mga tao, especially him.

He cursed inside his head.

Binigyan niya ng isang matalim na tingin ang lalaki na ngayon ay nakangisi na.

"What the fuck do you want from me? Kulang pa ba ang suntok na ibinigay ko sa'yo kagabi?" Aniya sa mahina ngunit naiinis na tinig.

Kitang-kita niya ang pasang natamo nito sa kanang pisngi nito nang suntukin niya ito kagabi dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya before he stormed out of the guy's unit.

Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit ginagawa ito ng lalaki. Is he bored? At siya ang nakita nitong pag-aksayahan ng oras? But what he's doing is too much. It's way beyond his limit and it's pissing him off.

After giving him a punch last night, akala niya ay titigilan na siya nito ngunit heto at sinusundan pa rin siya nito.

"Kulang pa ba ang suntok na ibinigay ko sa'yo, ha? Gusto mong makatikim ulit?" He said through gritted teeth.

Mas lalo namang lumawak ang ngiti nito na mas lalo niyang ikinainis.

Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Are you seducing me, babe? Let me just tell you, I am not that patient. Baka MATIKMAN ULIT talaga kita. Dito mismo."

Tila siya nakakita ng multo dahil sa biglaang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa katawan.

What the guy said gave him chills.

He can't believe na ganoon lamang kadali na sabihin ng lalaki ang mga ganoong bagay. Lalo na at nasa pampublikong lugar pa sila.

Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Mapupusok?

Nakapikit ang mga mata na hinilot niya ang sintido. He needs to calm down. Wala din namang mangyayari kapag pinatulan niya ang binata.

Nang ibukas niyang muli ang mga mata ay sinalubong niya ang mga titig nito.

"Umuwi ka nalang bata at wag mo na akong pag-aksayahan pa ng oras. Kung gusto mo lang naman mang-trip, spare me. Dahil wala akong oras para sa mga ganitong bagay." Seryoso niyang saad saka tinalikuran ang binata.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli na naman niyang naramdaman ang pagsunod nito sa kanya.

Muli niya itong hinarap habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao. Inuubos talaga nito ang pasensya niya.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan---"

"Wait! Wait! Hold up!" Anito habang nakataas ang dalawang mga kamay dahilan para hindi niya matapos ang sana'y kanyang sasabihin.

"You've got it all wrong." Patuloy nito saka ibinaba ang mga kamay.

"Hindi kita sinusundan, okay? I am heading towards the university na pinapasukan ko. It just happened that we're both heading the same way. I am guessing that you're gonna ride a jeep and so am I." Paliwanag nito.

Pakiramdam ni Steven ay pati talampakan niya ay namumula dahil sa kahihiyan.

He wanted to speak ngunit hindi siya makabuo ng salita.

He then cursed inside his head again.

Bakit ba kasi napaka-assuming niya?

Ngunit paano kung ginagawa lang iyong excuse ng binata? Paano kung sinusundan talaga siya nito?

Tama! Ginagawa lang nitong excuse ang pagpasok nito but the truth is, sinasadya talaga nitong sumabay sa kanya.

Umiling-iling ang binata habang nangingiti. Tila alam na nito ang iniisip niya.

"I am telling the truth, okay?" Saad nito na tila kinukumbinse siya.

Ngunit diskumpiyado pa rin siya. After everything that the kid has done to him, nahihirapan na siyang paniwalaan ito. Who knows kung ano na naman ang balak nitong gawin sa kanya.

"You can't fool me, young man---"

"Yuki."

Kumunot ang noo ni Steven.

"What?" He asked.

Ngumiti ang binata.

"Yuki. Yuki ang pangalan ko." Sagot naman nito.

Yuki. Tunog hapon ang pangalan nito. And it sounds cute. Hindi nga lang bagay sa nagmamay-ari ng pangalan. Because the young man was too far from being cute.

He moved his messenger bag to his side saka pinag-ekis niya ang kanyang mga braso sa kanyang d****b.

"I am not asking for your name. What I'm asking you is to stay away from me. Can't you see? You're being a nuisance. So please, leave me alone."

Nakikiusap na siya rito. At ipinapanalangin niya na sana ay makinig na ito sa kanya.

Ngunit wala ata sa bokabularyo ng binata ang salitang "intindi". Dahil ngumisi lamang ito at muling lumapit sa kanya.

"No can do." The young man named Yuki said.

"You know, I am a loyal and good kind of boyfriend. But I can also be a possessive type if I have to. And trust me, you won't like it when I became possessive. Isa pa, kapag ginusto ko, kini-claim ko, so you better stop avoiding me and just accept me."

Tila may bara sa lalamunan ni Steven at hindi siya makapagsalita. Nanatili lamang siya na nakatayo at kahit tuluyan ng nakalapit sa kanya si Yuki at halos ilang dangkal na lamang ang layo ng kanilang mukha ay hindi pa rin siya makapagsalita. He can't even move.

Nagkasalubong ang mga mata nila ni Yuki at bigla siyang napalunok dahil sa matinding emosyon na nakikita niya sa mga mata nito.

"The moment you fucked me, you are already bound to me. At wala akong plano na pakawalan ka pa." Buong kaseryosohan na saad nito.

Muli itong ngumisi sa kanya then moved a little away from him. Inayas nito ang bag nitong nakasukbit sa balikat nito then he started walking. Ngunit bago pa siya nito tuluyang malampasan ay tinapik muna nito ang kanyang balikat then whispered.

"At bago ko makalimutan, iyong lalaki na naghatid sa'yo, don't get too close to him. Madali pa naman akong magselos." Anito bago tuluyan ng umalis leaving Steven, dumbfounded.

Halos isang minuto din siya na nakatayo lamang roon at ng lingunin niya ang binata ay hindi na niya ito makita.

He took a deep breath. Mukhang wala talaga itong plano na tigilan siya.

"Don't tell me may plano ka na namang late na umuwi ngayon."

Bahagyang nagulat si Steven sa biglaang pagsulpot ni Ronald sa kanyang likuran.

"Wag ka ngang nanggugulat!" Reklamo ni Steven na ikinailing lamang ni Ronald.

"Tara na. Bukas mo na tapusin iyan." Panghihikayat ni Ronald ngunit umiling lamang si Steven.

"Mauna ka na. Tatapusin ko lang ito." Ani Steven at muling tumipa sa keyboard ng kanyang computer.

Imbes na umalis ay kumuha si Ronald ng isang upuan saka pumuwesto sa tabi ni Steven na abala sa paggawa ng report.

"Umamin ka nga sa akin, Pare. Maliban sa pambabasted sa'yo ni Shaina, may iba ka pa bang problema na pinagdadaanan?" Biglang tanong ni Ronald habang nakatitig sa kanya.

"Paano mo naman nasabi iyan?" Hindi lumilingon na tanong pabalik ni Steven.

"Pare, halos lahat kami napapansin na iyang madalas na pag-uwi mo ng late. Alam naming lahat na masipag ka at kung gaano ka ka-dedicated sa trabaho mo pero nasobrahan ka naman ata sa pagiging dedicated at kahit iyong mga trabaho na next month pa ang deadline ay tinatapos mo na. Kulang na lang pati ang mga report na gagawin namin, kunin mo na, may mapaglibangan ka lang." Mahabang paliwanag ni Ronald.

Tumigil sa pagtipa sa keyboard ng kanyang computer si Steven, inalis ang kanyang eyeglasses, isinandal ang kanyang nanakit na likod sa sandalan ng upuan at bumuga ng marahas na hininga.

Ipinikit niya ang kanyang kumikirot na mga mata dahil sa buong araw na pagtitig niya sa computer. "Wala akong problema. Gusto ko lang tapusin ang lahat ng trabaho ko hanggang maaga pa para hindi na ako maghabol pag dumating na ang deadline." Pagrarason niya sa kaibigan habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Naramdaman niya ang bahagyang pagkilos ng upuan na kinauupuan ni Ronald.

"Iyon lang ba talaga?" Nagdududa na tanong ni Ronald.

Steven opened his eyes at binigyan ng matalim na tingin ang kaibigan.

"Hindi ba talaga ako kapani-paniwala?"

Tumawa lamang si Ronald bago ito tumayo saka siya tinapik sa balikat.

"Sige na. Mukhang ayaw mo talagang pakawalan iyang report mo. Hindi na ako magtataka kung isang araw eh, ang trabaho na din natin ang pakasalan mo." Umiiling na saad nito.

"Gago."

Muling tumawa si Ronald saka tuluyan ng tumalikod.

"Mauna na ako." Paalam nito.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas. Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kanilang opisina.

Alas-diyes pa lamang ng gabi at mahaba-haba pa ang kanyang gagawin. Mukhang matatagalan talaga siya. Just like what he wanted to happen.

Kung kailangang araw-araw niya itong gawin para lamang hindi magtagpo ang landas nila ng kanyang kapitbahay ay gagawin niya.

Dahil mukhang wala sa dictionary nito ang salitang "pagsuko", ay siya na ang gagawa ng paraan para tuluyan na itong sumuko.

Hindi niya pa rin kayang paniwalaan ang sinabi nito. Imposibleng may nangyari sa kanila. The last time he checked, straight pa rin siya kahit na sinaktan at tinapak-tapakan ni Shaina ang p*********i niya. Oo nga at lasing siya, oo at wala siyang maalala, ngunit hindi pa rin sapat iyon upang mapaniwala siya nito sa lahat ng mga sinabi nito. Paano kung gawa-gawa lang nito ang mga sinabi nito at gusto lamang siya nitong pagtripan. Ganoon naman ang mga kabataan ngayon, masyadong nahilig sa panti-trip.

And he is a virgin for goodness sake! Ni wala nga siyang karanasan sa pakikipagtalik sa babae, sa pareho pa niya kaya ng kasarian? He's not even that good in kissing compared to Yuki.

Yuki is so good in kissing that it makes Steven wonder kung gaano ito ka-eksperto sa pakikipagtalik. And does he always swing that way?

Gwapo ito. Ito ang tipo ng lalaki na sikat sa buong unibersidad at pinapangarap ng mga kakaibahan. Kaya bakit siya pa ang napili nitong pag-aksayahan ng oras?

Isa pa ay hindi pa siya sigurado sa tunay na kasarian nito.

Is he gay? Bisexual? O baka curious lang ito at pinage-ekspirimetuhan lamang siya nito.

Muling naipikit ni Steven ang mga mata dahil sa sari-saring isipin na bumabagabag sa kanya.

Masyado na siyang naapektuhan sa mga ginagawa ng lalaki dahilan para ito na ang laging laman ng kanyang isipan.

He shook his head. Ayaw niyang magpatalo rito. He needs to get him out his mind.

Muli niyang isinuot ang kanyang eyeglasses, umayos ng upo at muling bumalik sa kanyang trabaho.

"Focus on your job, Steven. Focus." Steven thought.

Steven got so engrossed with what he was doing na hindi na niya napansin ang oras.

Muli siyang tumingin sa wall clock. Ala-una na ng madaling-araw. Tuluyan na rin siyang nakaramdam ng gutom.

Naririnig na niya ang pag-alboroto ng kanyang tiyan dahil sa gutom.

He stretched his arms and hands first bago niya inayos ang kanyang lamesa then he went out of the office habang nakasukbit ang kanyang bag sa kanyang balikat.

Laking pasasalamat niya na kaagad siyang nakapagpara ng taxi sa ganoong oras. Bente-singko minuto lamang ang ibinyahe ng taxi bago niya narating ang building ng kanyang apartment.

Sumakay siya sa elevator habang hinihilot ang kanyang sintido na bahagyang kumikirot dahil sa ilang oras na pagyuko.

Mabilis siyang lumabas ng elevator when he finally reached his floor. Halos nakapikit na ang kanyang mga mata habang naglalakad. Hindi rin siya nag-alala na baka may makasalubong siya o may mabangga sapagkat madaling-araw na.

He continued walking towards his apartment. Kabisado na rin naman niya ang kinaroroonan ng kanyang apartment.

Steven stopped when he finally reached his destination. Nakapikit pa rin ang mga mata na hinugot niya mula sa bulsa ng kanyang slacks na suot ang susi ng kanyang apartment.

He was too sleepy that he didn't even bother to open his eyes at kinapa na lamang ang kinaroroonan ng doorknob.

Kumunot ang kanyang noo ng imbes na malamig at matigas na bagay ang kanyang makapa ay iba ang kanyang nadama.

Matigas rin ito ngunit tila may kagaspangan. Patuloy nito itong kinapa sa pag-aakala that it was the wall.

Nang tuluyan ng mawalan ng pasensya ay binuksan na niya ang kanyang mga mata.

"Ah shit! Asan ba ang letseng doorknob na iyon!" Inis na saad niya.

Ngunit ganoon na lamang ang pagkakabukas ng kanyang bibig ng imbes na ang pinto ng kanyang apartment ang kanyang mabungaran ay ang taong pinaka-ayaw pa niyang makita at pinakainiiwasan niya ang kanyang nakita.

"Good morning, Steven. Mukhang nagiging malikot ata ang kamay mo." Yuki said saka bahagyang tumungo.

Sinundan niya ang tinitingnan nito at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita kung saan nakapwesto ang kanyang kamay.

It's on Yuki's dick!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status