Share

Chapter 2: Prove

Charm's POV

Dalawang minuto na lang at late na ako. Pagkababa ko sa tricycle, tumakbo agad ako. Ano ba yan, pagtakabo na lang ba ang lagi ko gagawin? Sa panaginip tumatakbo ako, pati ba naman sa totoong buhay?

Isang minuto na lang, hanep! Nasa Third floor pa yung room namin. Dali dali akong tumakbo. Walang elevator yung building namin pero 6 floors to.

1st floor....

2nd floor....

3rd floor...

Tatlong rooms pa bago yung room namin at nakita ko si Sir Galvez sa kabilang side. Kahit pawisan na ako tumakbo pa din ako. Wala na akong pakialam kung makita niya akong ganito basta ang importante di ako late. Nakita ko siyang biglang may kinausap sa labas ng katabing room namin. Ginamit ko yun para mas bilisan pa. Pagdating ko sa pinto ng room namin pinagtinginn ako ng mga classmate ko dahil sa itsura ko. Di ko sila pinansin basta dumiretso ako sa upuan ko. Inayos ko yung sarili ko na para bang walang nangyari. Naramdaman ko yung vibrations sa sahig ng bawat pagtapak ni Sir. Kaya nalaman kong malapit na siya. Ang weird nga eh.

Pumasok si Sir Galvez sa room at biglang tumahimik ang lahat. Nilabas niya yung isang human statue na may parang detachable na parts like heart, lungs and iba pang organs.

"Okay class, Human anatomy ang topic natin for today" Sabi ni sir.

Bigla akong naexcite sa topic, ewan ko ba hilig ko talaga ang science eh. Palabasa ako dati ng mga science books specifically sa mga medical books ganun. Di naman talaga ako ganito sa mga subjects eh sa science lang talaga ako ganito.

"Could someone tell me what are the systems thay you can see in this?" Sabi ni Sir.

May mangilan ngilan na magtaas ng kamay at isa na ako doon.

"Sir, respiratory, nervous, digestive, urinary, reproductive and skeletal po" Sabi nung kaklase kong Rank 1 sa klase.

"Okay, pumunta muna tayo sa nervous system"

Nagdiscuss si Sir about sa nervous system at lahat talaga kami ay nakikinig. Nakakaenjoy talaga lalo na at pogi si Sir kahit na strikto.

"Ngayon naman could someone tell me what is this part of the brain?"

Nagtanong ulit si Sir, may pinakita siyang maliit na part sa brain. Kung kanina halos marami ang nagtataas ng kamay, ngayon ako na lang ata. Naghanap pa si Sir ng tatawagin pwera sakin pero wala talaga.

"Yes Ms. Athenson?"

"Sir that is the Hypothalamus"

Saktong pag upo ko. Nagtanong ulit si Sir.

"And what is the function of this?"

Biglang nagsalita yung kaklase kong Rank 1, pabibo talaga tong babae na to eh.

"Sir may kwenta na ba yan? Ang liit liit naman niyan! HAHAHAHA Parang yung kay....."

Nagtawanan lahat maliban sakin kase wala namang makakatawa dun. Joke ba yun? Naiinis na talaga ako dito ko sarap upakan. Porket matalino eh sumusobra na.

"Stop that thing, Ms. Arcid. Hindi nakakatawa. Andito tayo para matuto at hindi maglokohan. Kung gusto mo ng lokohan lumabas ka na"

Biglang tumahimik ang klase, napahiya si ateng na pabibo, buti na lang hahahaha. Hindi ko napansin na napangiti ako ng bahagya at nakita ni Sir yun. Kase naman ehhhhh.

"Yes Ms. Athenson masaya ka ata at napahiya si Ms. Arcid? Gusto mo bang sumunod sa kanya?"

"Sir hindi po....."

Bago ko pa tapusin ang sasabihin ko sana, bigla siyang nagsalita.

"Kung ayaw mo, sagutin mo yung tanong ko kanina."

Kung lang talaga pogi si Sir eh ....

"Sir Hypothalamus is a gland wherein it produces a hormone for us to like someone or for us to be in what they call in love with another person and that hormone is called dopamine, the happy hormone. It is also responsible for regulating emotions, sleep, other hormones, physical expression ng ating mga emotions."

Bigla akong may narinig na sumigaw.

"Sir, I insist. Heart po ang organ na gumagana kapag naiinlove tayo sa isang tao!" Sabi ni Arcid.

Nagulat ako dahil sa sagot niya. Talaga bang Top 1 to? Alam ba niya yung mga pinagsasabi niya? Gusto ko na lang tumawa kung joke talaga yun. Kumunot yung mukha ni Sir. At nakita ko na medyo inis ma din siya.

"Ms. Arcid and Ms. Athenson please come here in front."

Mygashhhh, ano nanaman to. Kinakabahan na ako. Alam kong may mangyayaring hindi maganda. Huhuhu.

"Now Ms. Arcid ang Ms. Athenson prove the class your stands. After nun mamimili ang class sa inyong dalawa kung sino ang nagsasabi ng totoo. The winner will have a sure 95+ grades sa card. And the losser will get 85 directly sa card."

Naiinis na nga yata si Sir, pero bakit ganito? Paano ko ipoprove na tama ako?

"Lets start with you Ms. Arcid," sabi ni Sir.

Nung una seryoso pa ako, pero jusko day! Matatawa ka na lang sa mga sinasabi niya. Na heart daw talaga yung dahilan kung bakit tayo nagmamahal and walang substance na involve dun. Dinamay pa niya yung mga may jowa sa room namin. Tinanong pa niya kung bakit daw niya minahal yung jowa niya. Tapos ito naman lalaking aning sinagot na di daw niya alam. Halos lahat ng may jowa sa room ganun yung sagot. Sabi pa niya na kapag nagmamahal daw walang dahilan. At walang eksaktong rason. Diba kapag nakikita daw natin yung crush natin eh bumibilis tibok ng puso natin? Hahahaha ang sarap upakan nito eh, kung di lang talaga sa mabait ako.

Palakpakan ang buong klase pwera sakin at kay Sir.

"Okay Ms. Athenson it is your turn"

Sinimulan ko yung paliwanag ko kung ano talaga yung Hypothalamus. Tapos kung ano yung hormones na nilalabas nun kapag naiinlove tayo. After nun yung pinaka masayang part kase binasag ko na yung trip ni Arcid HAHAHA. Sinabi ko na kapag nagmamahal ba tayo eh utak ang ginagamit especifically yung hypothalamus kase mas mataas yung utak kesa puso. Tsaka iba yung crush sa love, iba ang infatuation sa love. Utak din ang ginagamit kapag iniisip mo yung special someone mo. Tumahimik talaga yung klase habang nagsasalita ako at halatang inis na inis na sa akin si Arcid dahil lukot na yung mukha niya.

After ko magsalita, nakita ko si Sir na medyo nakangiti pero di niya pinapahalata.

"Class it is your time to decide. Choose wisely, nakasalalay dito ang grades niyo."

Unang tinawag ni Sir si Arcid at lahat ng mga kaklase ko eh nagtaas ng kamay. Talagang naniniwala sila aa babaeng to? Eh gawa gawa niya lang lahat ng sinabi niya eh. Tsk. Sabagay Rank 2 and Pabibo rules the room.

Sunod akong tinawag ni Sir and as expected walang nagtaas ng kamay para sa akin.

Nakita kong tuwang tuwa si bruha na sa kanya pabor lahat ng classmates namin pero tingnan natin kung sino ang panalo mamaya.

"Okay class, ito ay di paramihan ng vote."

Tumahimik ang buong klase pagkatapos sabihin yun ni Sir.

"And si Ms. Athenson ang tama"

Umingay buong klase dahil sa sinabi ni Sir. May mga nakita kong naluluha na. May naiinis din sakin kay Arcid. Teka kasalanan ko ba? Eh sila tong nagpapaniwala eh.

"Nakalimutan niyo ata class na ito ay isang science class? Meron tayong mag scientific explnation sa mga certain na bagay at sa case na ito meron nga. Tama si Ms. Athenson na Hypothalamus nga ang ginagamit natin kapag naiinlove tayo.

"Pero Sir...."

Sasagot pa sana si Arcid pero tinapos na ni Sir ang discussion.

"Okay class, all of you will get exactly 85 on your grades in today, and that is your quiz. Syempre maliban kay Ms. Athenson. Good bye class!"

Bago pa man makalabas si Sir sa room eh tinawag niya muna ako.

"Ms. Athenson, please go to the principal's office right now"

Sobrang ingay ng klase, anggulo nilang lahat pero ako masaya dahil alam kong 90 na ang grades ko sa Science.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status