Share

Chapter 4: Welcome

Nagising ako sa isang madilim na lugar, pero this time alam ko kung nasaan ako. Nasa isang galaxy ako. Lumulutang ako ngayon, pero ang bigat ng pakiramdam ko.

"Charm!"

May narinig akong boses, boses ng isang lalaki.

Maya-maya pa may narinig akong nakabibinging ingay, sobrang tinis. Parang kalansing ng isang perang barya. Tinakpan ko ang tenga ako at tumakbo. Wala ako sa sarili ko habang tumatakbo, nakakarindi sa pakiramdam. Basta ang gusto ko lang mawala yung naririnig ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo. Pero bigla na lang nawala yung ingay. Huminto ako at paghinto ko saktong nasa harapan ako ng isang kulay gintong pinto.

Katulad ito ng mga pinto sa mga panaginip ko. Biglang lumiwanag ang paligid at pagtalikod ko nakita ko pa na may 12 pintong kulay ginto. May mga sign ito sa taas na kulay ginto rin. Biglang bumukas isa isa ang mga pinto. Nakakatakot. Yung langitngit pa lang ng bawat pinto sobrang kinikilabutan na ako.

Pagharap ko sa pintong kinahaharapan ko ngayon, bigla kong nakita si Papa. Nakita ko siyang nakangiti at yung isang kamay ay nakalahad sa sakin, Tinatawag niya ako, gusto kong sumama dahil namimiss ko na si Papa. Pero hindi ako makagalaw.

"Ahhhhhhhhh!"

Nagising ako sa aking pagkakahimbing na sobrang pawis. Hinahabol ko rin yung hinga ko. Para akong galing sa isang bangungot.

"Mam, andito na po tayo Academy." sabi ni maning driver

Inayos ko yung sarili ko kahit di pa ako handa sa pagpasok sa eskwelahang ito. Tumayo ko ng buong lakas kahit na medyo nanghihina pa ako. Kinuha ko na yung bag ko at naglakad papunta sa pintuan ng bus.

"Iha ingatan niyo po ang susi na mayroon kayo. 'Yan po ang magiging access niyo sa lahat ng bagay dito sa Academy"

Haynako, susi nanaman ang usapan. Bakit ba ganun kahalaga yung susi na yun dito? Simpleng Susi lang naman yun ah? Kahit na kulay Gold yun, simple pa din yun para sa akin.

Pagkababa ko sa bus, nagulat ako da nakita ko. Gate ba to? Sobrang taas ng gate na to. Sobrang taas talaga kaya di talaga makakapasok ang sinuman dito. Kulay gold yung gate tapos may mga vines na kulay green. May 13 na constellation din na design. Triny kong itulak yung pinto pero ayaw talaga. Paulit-ulit kong itinutulak yung pinto pero ayaw talaga huhuhuhu. Pawis pawisan na ako.

Maya maya pa ay may narinig akong tumawa ng mahina. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sin manong driver. Lumapit siya sakin, at may pinindot.

"Iha, di mo talaga mabubuksan yan. Gamitin mo ang susi mo. Asan ba ang susi mo?"

Nilabas ko ang susi ko at nagulat siya. Ilang segundo siyang nakatitig sa susi na hawak ko.

"Kanino mo nakuha ang susi na iyan iha?"

"Bibigay po ito ng Papa ko"

"Ah, eh wala naman. Ngayon ko na lang kase ulit nakita ang susing iya" sabi ni manong

Matapos ng sinabi niyang iyon ay humarap siya sa gate at itinapat ang palad niya dito. Nagulat ako dahil may biglang lumabas na image mula dun sa gate, parang may hologram. Tapos may nakalagay na PLEASE ENTER YOUR KEY.

"Ilagay mo dito yung susi mo iha."

Nilagay ko ang susi ko sa tapat ng hologram at ilang saglit pa ay biglang bumulas ang gate unti-unti itong bumukas at nakita ko ang kabuuan ng school. May isang malaking fountain sa gitna ng school na aakalain mong simple pero kapag nilapitan mo kulay ginto yung tubig. Ang daming estudyante dito. Tumigil ako sandali dahil kinausap ako ni manong driver.

"Iha dito ko pumunta para mabilis ka ma-admit dito sa eskwelahan"

May bibigay siyang papel sakin at oarang may address na nakasulat.

"The King's Zone Building, Floor number 4"

Pagkabas ko nun ay nakita ko na lang na pinasok na ni manong driver yung bus. Pagbalik ng paningin ko, nakita ko na lahat ng estudyante ay nakatingin sakin. Ano bang meron sa school na to? Para ba sa mga mayayaman to?

Di ko sila pinansin at nagkakad ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta. Sa paglalakad oo ay may nakita akong lalaki na may dala ring gamit tulad ko. Bago lang siguro siya dito. Tumakbo ako papunta sa kanya kay hingal na hingal ako. Kinalabit ko siya kahit na naghahabol ako ng hininga.

Humarap siya sakin habang nakahawak ako sa tuhod ko. Bigla niya akong inabutan ng bimpo. Pagtingin ko sa kanya nginitian niya ako

"Eto oh," sabi nung lalaki.

Kinuha ko yung bimpo at pinunasan yung pawis ko.

"Bago ka lang dito? Tanong ko sa kanya.

"Oo eh, ikaw ba?

"Bago lang din ako dito, teka san ka pala pupunta?"

"Sa King's Zone Building, Floor number 4"

"Uy parehas tayo, pwede ba makisabay sayo, di ko kasi alam kung saan yun eh"

"Sige ba, tara anong oras na rin eh"

Sabay kaming naglakad papunta sa building na hinahanap namin, bago pa lang siy pero parang alam na niya kung saan ito pupuntahan. Nakarating kami sa King's Zone Building makalipas ng ilang minuto. Pagpasok namin sa first floor ay bumungad agad samin ang lamig. Gumamit kami ng elevator para mas mabilis kaming makarating sa 4th floor. Habang nasa elevator kami, bigla akong tinanong nung lalaki.

"Ako pala si Christian Jay De Chavez, kay Aquarius ang hawak kong susi"

"I'm Sunny Charm Athenson, di ko alam kung ano o sino yung susi ko pero ito yung hawak ko ngayon"

Nilabas ko yung susi ko at ipinakita ko sa kanya.

"Saan mo nakuha yung susi na yan?"

Di ko na siya nasagot dahil bumukas na yung elevator.

Pagbukas ng elevator, bumungad samin ang isang malaking pinto na may carvings. Labindalawa lahat ng carvings pero may kakaiba akong spot na nakita.

"Tara na baka kanina pa tayo hinihintay" sabi niya

Pagtulak ko sa pinto biglang sumalubong samin ang matinding lamig. Di ko maipaliwanag yung feeling, para kami ngayong lumulutang. Pagpasok namin sobrang dilim ng kwarto parang walang tao. Biglang may napindot si Christian tapos may lumabas na hologram tulad nung sa gate.

"PLEASE INSERT YOUR KEY"

Unang itinapat ni Christian yung susing hawak niya. Biglang nag pop-up yung picture ni Christian sa hologram tapos andun din yung name niya pero yung personal data niya nakacensored para siguro sa safety. Biglang napakunot yung uli ko ng mabasa ko yung isang info na di nakacensored.

"Key: AQUARIUS"

"Status: ONE OF THE 12 GATES"

Tapos kay nakalagay pa na sa hili na,

"PLEASE PLACE YOUR THUMB HERE"

After ma-scan yung thumb ni Christian biglang tumunog yung parang hologram sabay paglitaw ng mga salitang "PROCESS COMPLETE".

"Oh ikaw naman" sabi sakin ni Christian.

Biglang tumunog ulit yung hologram tapos may nag pop-up na "PLEASE ENTER YOUR KEY"

Tinapat ko yung susi ko sa hologram tulad ng ginawa ni Christian.

Lumabas din sa hologram yung name ko, parehas nung kay Christian pero censored din yung personal data ko.

"Key: GOLDEN KEY"

"Status: THE 13th SIGN"

Di tulad ng kay Christian, mas matagal yung proseso nung sa akin, ewan ko ba. After 5 minutes natapos na din yung sa akin. Biglang may lumitaw lumitaw na parang bridge out of the stars tapos naglakad na si Christian. Ang ipinagtataka ko pa bakit walang pangalan yung susi ko? Di tulad nung kay Christian na Aquarius yung nakalagay?

"Bakit? Natatakot ka?" Sabi sakin ni Christian.

"Ah, eh medyo nagulat lang ako kase yung nga nakikita ko ngayong araw" sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan akong naglakad sa likod ni Christian.

Makalipas ng 3 minuto nasa harap na kami ng isang malaking pinto. Tinulak ni Christian yung pinto tapos biglang may usok na lumabas galing doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status