Share

Kabanata XXX

BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.

Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.

Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya. 

Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status