Share

Chapter 12: Kalungkutan

"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay.

"Tay!" Tawag ko sa ama-amahan.

"Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi.

"Nay!" Yumakap ako rito.

"Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay.

"H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko.

"Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit.

"Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata.

"Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.

*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.

Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin.

"H'wag niyo po akong iwan!" Sigaw ko sa kanila.

Hinawakan ko ang kanilang mga kamay at tila halos ayaw ko nang bumitiw pa.

"Nay! Tay!" Sigaw ko sa kanila at tuluyan na silang nawala sa aking paningin.

"Nay! Tay!" Malakas kong sigaw saka bumalikwas nang bangon.

Ang huling pagkakaalala ko ay nasa labas ako ngunit narito na ko sa loob ng silid nang ilinga ko ang aking mga mata.

"Diana!" usal ni Nicolo at agad akong dinaluhan.

Niyakap ako nito at hinagod ang aking likuran.

"Nay! Tay!" Bumalong ang mga luha sa aking mga mata at tuluyang umagos ang mga iyon sa aking pisngi gaya ng isang ulan.

"Sshh... Tahan na, Mahal kong Prinsesa!" Pag-aalo sa'kin ni Nicolo.

"Sina Nanay at Tatay, iniwan na nila ako," humihikbing anas ko sa kaniya.

"Kailangan natin tanggaping tapos na ang kanilang misyon," ani nito sa'kin.

Umiling-iling ako sa kaniya at patuloy na humagulgol sa kaniyang dibdib.

"Hindi ko kayang wala sila," patuloy kong saad kay Nicolo.

"Kaya mo, Mahal ko! Kaya mo!" tugon naman nito sa'kin.

"Nandito pa ako. Nandito lamang ako lagi sa'yong tabi." Muli nitong hinagod ang aking likuran.

Patuloy akong nanaghoy at hinayaan lamang ako ni Nicolo.

Nakayakap ito nang mahigpit sa'kin habang kulong niya ako sa kaniyang mga bisig.

May ilang sandaling ganoon ang aming ayos hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang antok.

"Wala akong ibang alam na lunas para sa iyong kalungkutan, Mahal kong Prinsesa, kaya't mahimbing ka muna pansamantala," bulong ni Nicolo, sa'kin.

Napatingala ako sa kaniya at namumungay ang mga matang napatitig sa maamo niyang mukha.

"Nicolo..." Saka tuluyang pumikit ang aking mga mata.

***********

Pagmulat ko sa mga mata ay mukha ni Nicolo ang una kong nasilayan.

"Kumusta na ang 'yong pakiramdam, Mahal kong Prinsesa?" tanong niya sa'kin.

May bahid nang pag-aalala pa rin sa kaniyang tinig.

Tulalang nakatingin lamang ako sa kaniya.

"Diana!" untag niya sa'kin.

Naluluhang tumingin lamang ako sa kaniya at mapait na ngumiti.

"Diana..." Hinaplos nito ang aking pisngi.

"Ayokong makita kang malungkot, Mahal kong Prinsesa." At patuloy nitong hinaplos ang aking pisngi.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinaulanan iyon ng maliliit na halik.

Pumitik ito sa ere at iglap lang ay nasa loob na kami ng kakahuyan.

"Hindi ko kayang mag-isang hilumin ang sugat mo sa iyong dibdib. Kaya rito na muna tayo, mananatili." Nakatitig lamang ako sa kaniya at hinahayaan itong magsalita.

Yumukod ang mga punongkahoy sa aming paligid at parang sumasayaw naman ang mga halaman sa aking paningin.

Nag-aagawan din sa pakikipaglaro ang mga maliliit na hayop sa mga halaman.

Nagpamalas din ng galing ang mga ibon sa pag-awit.

Lahat sila ay pilit akong inaaliw ngunit hindi niyon napawi ang lungkot sa aking dibdib.

"Diana!" Tawag sa'kin ni Nicolo.

Lumuhod ito sa aking harapan at inabot nito ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak sa'kin.

Pinagmasdan ko ang mga 'yon at talaga namang may saya kang mararamdaman mula roon.

Ngunit hindi pa rin mapawi niyon ang lumbay na aking nadarama.

"Salamat!" Malungkot na ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi ko ibig na ika'y malungkot, Mahal kong Prinsesa," malungkot nitong wika.

"Nais kong makitang muli ang saya sa'yong mga mata." Pumitik ito sa ere at mula sa kalangitan ay nagbagsakan ang iba't ibang makukulay na liwanag.

"Nicolo!" Napasinghap ako sa pagkamangha nang mamasdan ang maliliit na liwanag.

"Wala akong lunas na maaaring igamot sa sakit na 'yong nararamdaman pero, nawa'y makatulong ang aming handog upang pansamantalang mapawi ang iyong kalungkutan." Hinaplos nito ang aking pisngi.

"Nicolo..." naluluha kong sambit.

"Hayaan mong pawiin namin ang lungkot sa'yong puso, Mahal kong Prinsesa." Kinabig niya ako palapit sa kaniyang katawan.

Ipinikit ko ang mga mata at naramdaman ko ang masuyong pag-alalay niya para patayuin ako Para kaming nakalutang at pakiramdam ko'y dinuduyan sa alapaap ang aking pakiramdam.

Naramdaman ko ang pagyakap ng masuyong lamig ng hangin sa magkadaupang naming mga katawan ni Nicolo.

"Diana..." Narinig kong sambit ni Nicolo.

"Nicolo!" usal tugon ko naman sa kaniya.

"Alam kong masakit tanggaping wala na sina Nanay Tina at Tatay Dante, pero kailangan natin iyong tanggapin nang maluwang sa ating kalooban, Mahal kong Prinsesa." Patuloy niyang hinagod ang aking likuran.

Tuluyan na akong napahagulgol sa kaniyang dibdib at patuloy naman niya akong hinagod sa aking likuran.

"Pakinggan mo ang engkantasyong aawitin at iaalay ko sa'yo, Mahal kong Prinsesa."

Napatingala ako sa kaniyang mukha at saka ko pa lamang napagmasdan na napakalapit pala namin sa kalangitan.

Sa bawat araw na ika'y aming pinagmasdan,

Sa bawat taong lumipas na ika'y aking tinatanaw lamang,

Sa bawat oras na 'di malaman kung pa'no ka aking malapitan;

Nakuntento akong maging isang aninong sumasabay sa pagdampi ng hangin sa iyong katawan.

Bawat lungkot na iyong nadarama ay higit na lumulukob sa aking pagkatao.

At ngayong nasa matinding kalungkutan ka, higit na nasasaktan ang puso ko.

Sapagkat wala akong lunas na maibibigay kundi tanging pagmamahal ko lamang.

"Mahal kong Prinsesa, ako'y alipin mo simula pa lamang ng ika'y isilang at hanggang sa ako'y mamatay, mananatiling alipin mo pa rin." Muling hinaplos nito ang aking pisngi.

"Nicolo..." Patuloy sa pagluha ang aking mga mata.

Dumampi ang kaniyang daliri sa aking pisngi at tinuyo niya ang mga luhang umaagos doon.

"Ya no estés triste mi Querida Princesa!"

Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at lumapat ang kaniyang labi sa aking mga labi.

"H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa!" Paulit-ulit niyang wika nang bitiwan niya ang aking mga labi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hala kawawa nman c Diana sobrang nasaktan sya sa pagkawala ng kinikilalang magulang nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status