Cold Stare: Let me tell you my story.
Nakauwi na ako sa bahay at narito ako sa kuwarto nang paulit-ulit na um-e-echo sa isipan ko ang nabasa ko kanina habang nasa school pa lang ako. There is something strage in that notepad or journal of him.Napaka-mysterious naman kung sino man ang nagma-may ari nitong notepad. Pakiramdam ko ay malalim ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob para isulat pa ang mga naganap sa buhay niya. I, actually want to that. Ang isulat lahat ng mga nararamdaman mo at yung mga pangyayari sa buhay mo. Pero hindi ko ginawa, I was afraid. Takot ako na baka may makabasa nito o kaya ay may makatuklas sa sinulat ko. That's why I end up handling my own unsaid and unwritten emotion by myself. Mahirap ikimkim kaya idinadaan ko na lang sa pakikinig ng music. Malibang man lang ako kahit pansamantala.Hindi ko na binasa pa kung ano ang kasunod na pahina. Ayokong manghimasok sa buhay ng iba. Kung may maghahanap sana mahanap na lang niya ako. Nang gabing 'yon ay hindi ako makatulog. Laging nasa isip ko ang nangyari sa amin nila Mama. Kung sana ay kasama lang namin si Papa, edi sana walang nangyaring aksidente. Si Papa? Hindi ko alam kung nasaan siya. Walang nakakaalam.Nakinig na lang ulit ako ng music gamit ang earphones ko. Hanggang sa dinalaw ako ng antok.---Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Hindi ako dumiretso sa room namin at umupo ako sa isang bench na nakakalat sa paligid ng school. Naka-earphones ulit ako habang nakatingin sa notepad na napulot ko. Yes, lagi ko itong dala para kung sakaling may naghahanap ay agad niya itong makita. Bubuksan ko sana ulit ito nang may nagsalita sa likuran ko. Isang malamig na boses."Have you read it?" hindi ko siya sinagot at binalewala lang.Hindi ako namamansin ng kahit na sino. Wala akong interest na makipag-chitchat o kung ano man. I just want a peaceful mind and a surroundings."I'm talking to you, Miss," sabi niya sa isang malamig boses pa rin.Bakit ba ang kulit nito? Ang lamig pa ng boses niya pero ang kulit niya. Ayaw ko ngang makipag-usap e."Hoy, kausap ka na ni baby Jairus ko. Ang swerte mo nga at kinakausap ka pa, pipi ka ba?" Isang babae ang bigla na lang lumitaw sa harapan ko at nakapameywang pa ito. Hindi ko rin siya sinagot. Nakita kong napairap siya sa kawalan at pagkatapos ay tinaggal niya ang earphones ko."So, siguro naman naririnig mo na—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang nagsalita itong lalaki na nasa likuran ko."Shut up," aniya at nakita kong ang pagkapahiya sa mukha ng babae.Pagkatapos umalis ang babae ay sakto naman ang pagtunog ng bell. Magsisimula na ang mga klase. Tumayo ako habang dala ko ang note pad. Sa pagtayo ko ay nakita ko ang lalaking nasa likuran ko. Nakatingin lang ito sa akin.Wala akong makitang reaksiyon at pati ang uri ng titig niya ay napakalamig. Hindi ko mawari kung ano ang gusto niya sa akin. May kailangan ba siya?"Excuse me," sabi ko at iiwan ko na sana siya nang magsalita ulit siya."Miss, just give me my notepad," aniya at napakunot ang noo ko.Sa kan'ya ito? Ano nga ulit ang pangalan niya? "Are you sure this is yours?" tanong ko at wala man siyang ibinigay na sagot sa akin.Dahil magsisimula na nga ang klasi ay mabilis akong naglakad. Ang bagal niya kasing sumagot. Ma-li-late pa ako sa ginagawa niya e. Mabuti na lang at kasabay ko lang ang teacher namin nang makapasok na ako sa room. Umayos naman agad ang mga kaklasi ko. Pagkaupo ko sa upuan ko ay inilagay ko sa ibabaw ng desk ko ang notepad. Pagkatapos ay itinago ko na muna ang earphones ko at pinakinggan na ang teacher namin."We need a participants who will represent the whole grade 12 and ofcourse the school too. Dahil kayo ang unang section ay inaasahan na dito manggagaling ang representative," sabi ng Teacher namin at nagsimula nang mabulungan ang mga kaklasi ko. "Quiet! Ang mga contest na sasalihan natin ay Quiz bee, Oral Spelling and a Instrumental Music Contest. Raise your hand if you're interested to join," dagdag pang sabi ng Teacher namin.Hinayaan ko lang sila. Napatingin ako sa bintana at nakita kong kumukulimlim ang langit. Uulan pa yata. "Okay, we have Viola for the Quiz bee, Chris for the Oral Spelling. In Instrumental Music Contest, who will join?"Natahimik ang buong room kaya napatingin ako sa harap. Napatingin ang lahat nang tumayo si Viola. "Ma'am, I will suggest Melina for that contest," sabi niya at ang lahat ng tingin nila ay nabaling sa akin."Is that okay with you, Melina?" tanong ng Teacher namin."Aarte pa 'yan, oh," rinig kong sabi nung kaklasi kong malapit sa akin."Melina, sige na! Mahilig ka naman sa music 'di ba?" Si Viola."I'm in," sabi ko at ibinaling na nila ang tingin sa harapan.Marami pang sinabi ang teacher namin sa gaganapin na contest. Walang pumasok sa isipan ko dahil ang tingin ko ay nasa labas. Nagsimula na kasing umulan ng malakas. Lumalamig na rin ang ihip ng hangin. Tumayo ang isa kong kaklasi at isinara ang lahat ng bintana. "May bagyo ba?""Hindi ko alam. May payong ka bang dala?""Wrong timming naman 'tong ulan! May date pa kami ng boyfie ko e! Wala akong payong."Naririnig kong sabi ng dalawa kong kaklasi na nasa harapan ko. Kinuha ko ang earphones ko at inilagay ko sa tenga ko. Kakalabas lang din kasi nung Teacher namin. Habang nakikinig ako ng music ay napatingin ulit ako sa notepad na nasa desk ko. Binuksan ko ito at binasa ang pangatlong pahina. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko.You really curious, huh? Well, get ready.Eyes here. Don't blink. Just Read. If you don't, you're just wasting your time. Get it? Now proceed!Seryosong ba ang taong sumulat nito? Kailangan talaga hindi pipikit? Ibabalik ko na lang nga ito sa may-ari. Isasara ko na sana ito nang may mabasa ako sa pinaka-ibaba nitong pahina. Na mas lalong nagpagulo sa akin.It's raining, am I right? I hate rain, I really did hate the rain.Lahat kami ay nagulat at napatingin sa pintuan nitong room nang bigla na lamang itong bumukas nang napakalakas dahilan para matakot ang iba. Isang malamig na ihip ng hangin ang bumalot sa amin.Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman."Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong na dala niya. "Let's go."Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting she
Inilagay ko ang ukulele ko sa table at mabilis na sinundan si Mommy."Ano pong nangyari?" tanong ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan."Bilisan mo, Mel! Tumawag ka ng Ambulansya, bilisan mo!" utos sa akin ni Mommy at nakita kong nangingiligid na ang luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay ginawa ko na lang.Kinakabahan na rin ako. Ginamit ko ang landline dito sa bahay at sinimulan nang tawagan ang emergency call. Pagkatapos kong gawin 'yon ay agad kong pinuntahan si Mommy para malaman kung ano ang nangyayari.Natigil ako sa harap ng kuwarto dito sa ibaba kung saan ang workplace ni Daddy. Nakita kong umiiyak si Mommy habang ang ulo ni daddy ay nasa kandungan niya. Nahihirapang huminga si Daddy!"Daddy!" sabi ko at napaupo na rin pagkatapos ay tiningnan ko siya.Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-iyak dahil ayokong isipin na baka mawalan na naman ako ng Ama.&n
"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy."Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.Napayuko ako sa sinabi ni mommy. May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila."Naiintindihan ko po, Mommy," sa
Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito."Saan ka galing?" tanong ni Papa.Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo."Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa."Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi."Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko.""Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy
"My, baka nagkakamali lang po si Nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa Nurse na nagpeace sign sa akin."Sorry po, Ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya."Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko."Ano kasi, Ma'am. Si Sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya."Ano po ba 'yon?""Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang.""Sorry, Nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng
Humiwalay ako sa kan'ya at mabilis na lumabas sa Music Room. He is not thinking!Habang mabilis akong naglalakad ay kasing bilis din ito nang pagtibok ng puso ko. I even feel nervous! Nakakabigla ang mga ginagawa niya sa akin.Nakasalubong ko si Viola. Tumigil ako dahil kinausap ako nito."Babalik ka na sa room?" tanong nito sa akin.Tumango lang ako."Puwedeng sumabay na ako sa 'yo?""Yup," sabi ko at naglakad na kami.Habang naglalakad kami ay nakakunot pa rin ang noo ko. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina."Melina," sabi ni Viola. Hindi ko siya tiningnan."Hmm?""Kilala mo pala si Jairus Bautista?" tanong iyon."Uh, no. Nakasabay ko lang siya sa Music Room. Why?""Nakakapanibago lang." Napatingin ako sa sinabi niya."What do you mean?" tanong ko at nakita kong napabuntonghininga siya."Hindi nakikihalubilo 'yon. Kahit si Gail ay hindi niya pinapansin. Wala naman din may pake
"What are you doing? Let me go!" Naiinis na sabi ko at itinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko nang makalabas na kami sa bookstore."Ihahatid na kita pauwi," sabi niya."No." Matigas na sabi ko at iniwan siya roon.Hindi pa man ako nakakalayo roon nang mapatigil ako sa paglalakad ko. There is a familiar voice that I've heard. Lumingon ulit ako kung saan ko iniwan si Jairus. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang black fortuner na nakatigil sa harapan ng bookstore. May kinakausap si Jairus mula sa loob noon.Hindi kaya si Yenny Peninsula 'yon? Dahan dahan akong lumapit roon at doon ko narinig ang boses niya. Kabadong-kabado ako dahil pati sa boses ay kapareho niya si Mama."Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" tanong niya kay Jairus."Hindi na po, Ma. May ihahatid pa kasi ako," sabi ni Jairus na walang pinagbago sa boses niya."Sino? Girlfriend mo?" Bigla siyang napatingin sa akin na kahit nakashad
"Jairus! Sandali!" Binilisan ko ang paglakad ko para lang maabutan siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?Habol-habol ko ang hininga ko nang maabutan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng titig niya sa akin.Nang maayos na ang paghinga ko ay umayos ako ng pagkakatayo ko. "Sundan natin si Gail, baka kung anong gawin no'n.""Walang gagawing masama 'yon. Pumasok ka na sa room mo," sabi niya at walang bakas na pag-aalala sa boses niya. Ganyan ka bang klasing lalaki?Akmang tatalikod siya nang tinawag ko ulit ang pangalan niya. Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.Kinuha ko sa bag ang Jacket at ang Notepad niya."Here, thank you again." Ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya at kinuha naman niya ito.Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang mga 'yon ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam