Share

Chapter 3

Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.

Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.

Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.

Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman.

"Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong  na dala niya. "Let's go."

Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting shed nitong school. 

"Ang lakas ng ulan," aniya at isinara ang payong niya. Hindi ko na siya tinitingnan at diretso lang tingin ko.

Sobrang lakas nga ng ulan. Umupo ako sa upuan nitong waiting shed at bigla na lamang akong may naalala. 

"Hoy, Teedy! Tara habulan tayo!" Natatawang sabi nang batang Melina.

"Ate! Taya!" sabi ni Teedy at mabilis na tumakbo.

Natigil si Melina sa paghabol kay Teedy nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.

"Teedy! Teedy! Umuulan na, kailangan na nating umuwi!" sigaw nang batang Melina.

"Ate, maligo na lang tayo sa ulan. Dali na!" Nagpapaikot-ikot si Teedy habang ang mga kamay ay nakabukas ng maluwag. 

"Ikaw ang malalagot kapag napagalitan tayo, ha."

Napatingin ako sa kan'ya nang tumabi ito sa akin. 

"Rain really makes me sad. Miss, I can see in your eyes the sadness," malamig na sabi niya habang nakatingin sa ulan.

Napakagat ako sa labi ko dahil tama amg sinabi niya. Naalala ko kasi si Teedy! Siguradong malaki na ngayon 'yon. Hindi ko maiwasan ang mangulila para kina Mama at Teedy. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang akong natingin sa ulan.

Ilang minuto kaming nasa ganoong puwesto nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag—si Daddy.

"Hello, Dad?"

"Anak, where are you? I'm gonna fetch you. Ang lakas ng ulan, grabe."

"I'm here at the waiting shed of the school po. Ingat po, Dad!"

"Okay, noted. Wait for me, okay?"

"Okay po."

Ibinaba ko na ang phone ko at hindi ko sinasadyang mapatingin sa kinauupuan niya. Wala na siya roon.

Agad akong tumayo para tingnan kung nasaan siya. Nakita kong naglalakad na ito papalayo kasama ang payong niya. He is really a weird one.

Umupo na lang ulit ako at naghintay sa pagdating ni Daddy. Suddenly, I got curious about his notepad. Sa ilang taon na nagdaan sa buhay ko ay ngayon lang ulit ako naging curious sa ibang bagay at sa buhay ng iba. 

He hate rain. Ako naman noong bata ako ay nagsasaya kami kapag umuulan pero ngayon nagbago na. Iba na ang dulot ng ulan ngayon sa akin. It makes me sad. I know there is a reason why he hate rain. Sa kan'ya ba talaga ang notepad? 

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may bumusina sa harap ng waiting shed. Si Daddy! Mabilis akong sumakay at isinara na ang pintuan ng sasakyan. Bahagya akong nabasa.

"Kumusta ang pag-aaral, Anak?" tanong ni Daddy.

Pinupunusan ko ang braso ko gamit ang panyo ko, "Maayos naman po, isinali pala ako nila sa Instrumental Music Contest," sabi ko at nakita kong napatingin siya sa akin. Mabilis lang 'yon dahil nagmamaneho siya.

"Great. What instrument you will play?"

"A Guitar? Not sure pa po," sabi ko at pagkatapos ay narinig namin sa radyo, sa stereo nitong kotse ang balita.

May bagyo nga at ang pangalan nito ay Susan. Magtatagal daw ito hanggang sa linggo. Paano kaya yung contest niyan? May pasok ba?

Hindi na gaanong malakas ang ulan nang makauwi kami ni Daddy. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong umakyat patungo sa kuwarto ko.

Nagpalit ako kaagad ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame nang may naalala ako. Right! Titingnan ko ulit ang pangalan nung may-ari ng notepad. Bumangon ako at kinuha ko ang backpack ko. Binuksan ko ito at kinuha ko roon ang notepad. 

Umupo ako sa kama habang naka-indian sit ang mga paa ko. Kung titingnan ito at parang ordinaryong notepad lang ito, walang design, walang palamuti o kung ano pa man. Kakaiba rin ang nasa loob nito.

Muli ko itong binuksan at binasa ang pangalan nang may-ari nito.

"Jairus Bautista," basa ko sa pangalan niya.

Napatingin ako sa bintana nitong kuwarto ko nang bigla na lamang kumulog at kumidlat nang malakas. Binitiwan ko ang hawak kong notepad at mabilis na tumayo. Isinara ko ang mga bintana dahil pumapasok na ang ulan pati na ang malakas na ihip nang hangin.

Humiga ako sa kama at agad na nagkulubot gamit ang kumot. Nagsimula na naman ang malakas na ulan. Pinapakinggan ko lang ito hanggang sa namalayan ko na lang ay umiiyak na pala ako.

"Mel? Anak? Are you okay?" Narinig kong bumukas ang pintuan nitong kuwarto ko.

"Mel? It's okay, we're here," sabi ni Mommy na nakaupo sa gilid ng kama ko.

Hindi ako siya sinagot at patuloy na umiiyak. Naramdaman kong niyakap niya ako. How I can stop crying? Kung ang nasa isip ko ay ang Mama ko at si Teedy! Sana kasama ko sila ngayon.

Hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako. 

---

Kinabukasan ay maulan pa rin. Nag-announce na rin na walang pasok ngayon. 

Nakaupo ako sa upuan dito sa study table ko habang nasa kandungan ko ang ukulele ko. Wala akong guitar talaga e. Okay na rin siguro ito dahil instrumental pa rin naman. I started to play the ukulele. It's Rain Rain Go Away.

This is the song that we play when there is a rain. Si Teedy ay ang kumakanta at ako naman ang tumutugtog. Yes, I miss that scenario.

Naipikit ko ang mga mata ko habang tumutugtog. 

"Wow! Ang galing mong tumugtog, Ate!" sabi ni Teedy at umupo sa tabi ko.

Nasa sala kami habang hawak ko ang gitara na regalo sa akin ni Mama. 

"Marunong ka bang kumanta, Teedy?" tanong ko.

"Oo, Ate. Ako pa! Rain Rain Go Away!" masayang sabi niya.

Ang lamig ng panahon dahil umuulan. May hot chocolate na itinimpla si Mama para sa amin.

"Okay, I'll play it with my guitar and you will sing it. Noted?"

"Noted!"

Iminulat ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan nang kuwarto ko.

"Mel!" sigaw ni Mommy.

Nakita ko ang halo-halong emosyon sa kan'yang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status