Share

Chapter 4

Inilagay ko ang ukulele ko sa table at mabilis na sinundan si Mommy.

"Ano pong nangyari?" tanong ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan.

"Bilisan mo, Mel! Tumawag ka ng Ambulansya, bilisan mo!" utos sa akin ni Mommy at nakita kong nangingiligid na ang luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay ginawa ko na lang.

Kinakabahan na rin ako. Ginamit ko ang landline dito sa bahay at sinimulan nang tawagan ang emergency call. Pagkatapos kong gawin 'yon ay agad kong pinuntahan si Mommy para malaman kung ano ang nangyayari.

Natigil ako sa harap ng kuwarto dito sa ibaba kung saan ang workplace ni Daddy. Nakita kong umiiyak si Mommy habang ang ulo ni daddy ay nasa kandungan niya. Nahihirapang huminga si Daddy!

"Daddy!" sabi ko at napaupo na rin pagkatapos ay tiningnan ko siya.

Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-iyak dahil ayokong isipin na baka mawalan na naman ako ng Ama. 

"Bakit ang tagal ng ambulansya? Wala tayo sa pelikula!" Naiinis na sabi ni Mommy at niyakap si Daddy. 

"Daddy, please fight..." Umiiyak na sabi ko.

"Mel, bakit ang tagal ng—" natigil sa pagsasalita si Mommy nang marinig namin ang siren ng ambulansya.

Tumayo ako at mabilis na binuksan ang pintuan. Agad na pumasok ang dalawang tao na may dalang stretcher. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa makita kong muli si daddy na nakahiga na sa stretcher. Tiningnan ako ni Mommy.

"Mel, maiwan ka muna rito. Ako na muna ang magbabantay sa daddy mo." Tumango ako sa sinabi ni mommy.

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Nawala na silang lahat pero nanatili pa rin ako sa aking puwesto. I can't move. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. 

Ilang minuto na ang nakakalipas nang  napagpasiyahan kong pumasok sa kuwarto ko. Napaupo ako sa kama at hindi alam ang gagawin. Tumunog ang phone ko kinuha ko ito at agad na sinagot ito.

"Hello, Mel? Puwedeng pakidala rito yung wallet ko. Nasa kuwarto namin ni daddy mo 'yon, text ko na lang din yung address nitong hospital.".

"Sige po," at ibinaba na niya agad ang tawag.

Ibinaba ko na ang phone ko at muling lumabas sa kuwarto ko para kunin ang wallet ni mommy. Pumasok ako sa kuwarto nila at agad ko naman itong nakita.

Kinuha ko ito at bumalik ulit sa kuwarto ko. Nakita kong umilaw ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakita kong nagtext si mommy. Yung hospital pala na tinutukoy ni mommy ay yung hospital kung saan minsan na akong nakapagpa-check up dahil sa isang malalang ubo.

Lumabas na ako ng bahay at natigil ako sa paglalakad nang mapagtanto kong nakapantulog pa pala ang suot ko. Hinayaan ko na lang at naglakad na ulit ako. Magko-commute lang ako dahil hindi naman ako marunong mag-drive nang sasakyan. Alam ko naman kung saan yung hospital. 

Hindi ko alam kung malas ba ako o ano sa araw na ito dahil bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo at sumilong sa pinakamalapit na tindahan. Nakalimutan kong magdala ng payong! Sumasabay pa kasi itong ulan!

Bahagya akong nabasa dahil sa ulan. Ang lakas nito hindi ko alam kung kailan ako makakaalis dito wala rin kasing sasakyan na dumadaan.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. 

"Palagi ka na lang walang payong, mabuti naman at hindi mo dinala ang notepad ko." Napatingin ako sa nagsalita. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakaupo ito sa upuan dito sa tindahan. Kanina pa ba siya rito? Bakit hindi ko man lang namalayan? Gano'n na ba ako kamanhid?

"Ang tipid mo talagang magsalita. Ipapahiram kita nito, mukha kasing emergency e." Inabot niya sa akin ang payong niya at kinuha ko naman ito.

Binuksan ko ito at aalis na sana nang hinawakan niya ako sa balikat. Strange.

"Wear this," aniya at isinuot niya sa akin ang jacket niya. 

"Thanks," sabi ko pagkatapos niyang maisuot ang jacket sa likuran ko.

Wala pa rin akong makitang emosyon sa kan'ya kahit sa mata. Hindi na siya muling nagsalita pa. Nang magtama ang mga tingin namin sabay kaming napaiwas. 

Umalis na ako roon at mga ilang kilometro lang ay may nakita akong tricycle. Ipinara ko ito at tumigil naman ito sa harap ko. Agad akong sumakay at isinarado ang payong pagkatapos ay isinuot ko nang maayos ang jacket na pinahiram niya. Ibabalik ko ang mga ito sa kan'ya.

Pagkapasok ko sa loob ng hospital ay nagtungo ako kaagad sa nurse station. Tinanong ko kung anong room si Daddy at agad naman niya itong nakita sa computer niya. Room twenty-four.

Habang naglalakad ako ay tinitingnan ko ang mga number sa bawat pintuan. Nasa room twenty pa lang ako nang makita ko si Mommy na lumabas sa ikaapat na kuwarto mula sa akin.

"Mommy!" sigaw ko at nakuha ko naman ang atensiyon niya. Mabilis naman akong naglakad papunta kay mommy.

"Umuulan pa ba sa labas?" tanong nito sa akin. Nakita ko sa mata ni mommy na galing siya sa pag-iyak. Kunusta kaya si Daddy?

"Bahagya na lang po. Kumusta po si Daddy?"

"Maayos na ang lagi niya mabuti raw at naidala natin siya kaagad dito sa hospital." Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Mabuti naman dahil hindi ko na kakayanin kung mawawalan pa ako ng ama. "Mel? Basa ang damit mo,  magpalit ka baka magkasakit ka niyan. Nadala mo ba 'yung wallet ko?" tanong ni mommy at iniabot ko sa kan'ya ang wallet niya.

"Hindi naman po ako gaanong nabasa, ayos lang po ako." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.

"Baka matuyuan ka niyan. Aalis lang ako saglit para bumili ng pagkain natin. Ikaw na muna ang magbabantay sa daddy mo okay?"

"Okay po, ingat po kayo," sabi ko sa kan'ya at papasok na sana ako sa loob nang may sinabi si mommy.

"Puwede ko bang mahiram ang payong mo?" tanong ni Mommy. Tumango ako sa kan'ya at ipinahiram sa kan'ya ang payong.

Pumasok ako sa loob ng room at nakita kong natutulog si Daddy. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. Huwag kang mawawala, Daddy please. Napatingin ako sa bintana nang bigla na namang umulan. 

Napatingin ako sa palibot nitong room at nakita kong may TV dito. Hinanap ko ang remote at nang mahanap ko na ito ay binuksan ko ang TV. Puro balita ang palabas, nilipat-lipat ko ito hanggang sa mapunta sa isang interview. I think, interview para sa mga artista.

"Do you have any plan to have baby or babies? I mean you're a married woman, why not 'di ba?" tanong ng host sa artista na hindi ko pa nakikita dahil nasa host ang camera.

"Uh, we're planning about that." Nanlaki ang mga mata ko at gusto kong i-pause itong TV pero hindi puwede.

Hindi ako nagkakamali sa nakita ko! Siya si Mama! Kamukhang-kamukha niya ito! Paanong? 

"Woah, we're looking forward about that. So, what is your skin care routine? Parang hindi ka tumatanda e," biro ng host.

Bahagyang natawa ang kamukha ni Mama, "I don't have any skin care but laging maghilamos lang ang ginagawa ko." Natatawang sabi niya. Hindi. Hindi maaari. Kahit sa pagtawa niya ay kuhang-kuha niya si Mama.

Ang pinagkaiba nga lang ay artista siya at maganda't mamahalin ang mga suot niya. 

Natulala ako sa harap ng TV. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Baka may kumuha rin kay Mama? 

"Once again, Yenny Peninsula!" sabi nung host at nagpalakpakan sila.

"Thank you. Hope you guys, watch my upcoming movie soon!" sabi pa nito at nagpromote pa siya ng kan'yang mga social media.

Yenny Peninsula? Maaari kayang pinalitan ang pangalan ni Mama? Merlee Gener ang tunay na pangalan ng Mama ko. 

Nagcommercial na sa TV pero ang isip ko ay nasa kan'ya pa rin. Umaasa ako na sana siya nga ang Mama ko. Kasama kaya niya si Teedy?

"A-Anak?" Naptingin ako kay Daddy nang magsalita ito.

"Dad, ano ang nararamdaman mo?" nag-aalalalng tanong ko.

"Maayos na ako. Anong meron? Nakita kasi kita at malayo ang tingin mo." 

"Possible po bang mahanap ko pa si Mama?" tanong ko sa kan'ya at napatingin siya sa akin.

"I don't know, Anak. Hindi ko alam pero I have a feeling that it is possible," sabi ni Daddy.

"Nakita ko kasi si Mama sa TV, artista siya Dad! Kamukhang-kamukha niya talaga si Mama," sabi ko at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

"Talaga? Hindi kaya—" hindi naituloy ni daddy ang sasabihin niya nang bumukas ang pintuan dito sa room.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Mommy at napatingin ako kay Daddy. Tumango ito sa akin at parang sinasabi na 'okay lang na sabihin ko kay mommy'.

"Tungkol po sa Mama ko, nakita ko po kasi siya sa TV. Kamukhang-kamukha niya po kasi," sabi ko habang tinitingnan ang bawat galaw ni mommy. Kinabahan ako baka kasi ayaw niyang pag-usapan ito.

"Baka doppelganger niya lang," sabi ni mommy habang naghahanda ng pagkain namin.

"Okay po."

Napatingin ulit ako sa TV nang marinig ko ang boses ni Mama. Isa itong commercial about sa drinks! At ang ganda niya!

"Si Mama!" sabi ko at nakita kong napatingin din sila rito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status