Share

Chapter 6

Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito.

"Saan ka galing?" tanong ni Papa. 

Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo.

"Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa.

"Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi.

"Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"

Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko."

"Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status