Share

Chapter 2

ADRIANNA

I've never felt so much pain again after the tragedy of my childhood. For the past years, I only thought of having a good memories. Umahon ako mula sa madilim kong nakaraan para magsimula ng bagong buhay. I swore to myself that I will not let something or someone hurt me again.

But I think fate is really unfair. Life only gives you a temporary happiness and will just take it back from you after. Siguro ay gano'n nga talaga ang takbo ng buhay. May panahong pasasayahin ka at may panahong bibigyan ka ng kalungkutan.

I should not expect too much from a temporary happiness. Ang pagiging panatag ko sa lahat ang naging dahilan kung bakit halos parang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa'kin. Kung bakit ayokong tanggapin.

Napatunayan ko 'yon ngayong  nasa harapan ulit ako ng nag-iisa kong kaibigan. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakangiti at buhay na buhay. Because she's already dead. A cold and lifeless body.

How could something worse like this happened to her? Ano bang kasalanan niya? Why her? Why is she lying on this cold steel--lifeless while I'm standing in front of her...alive?

Bakit hindi na lang ako?

Bakit nga ba ito nangyari? Halos kasing bilis ng kidlat ang mga nangyari at parang hindi ko kayang paniwalaan. Parang kailan lang nung maayos pa kami ni Freya. Tapos ngayon ay wala na siya. Kahit pa siguro magsisigaw at magwala ako rito ay hindi na maibabalik ang buhay niya. 

Her usual warm body is now cold. Her soft looking and pinkish lips are now dry and turning into violet. The Freya I'm looking at now is very different from the Freya I used to see. And I know that I will never see her smiling, hear her talking and laughing, feel her warm hug again.

Because she's gone. A reality that hurts like hell.

Especially knowing the most unacceptable part of her death.

Her hazel brown eyes that reflect her emotions the most........are now gone.

She was found dead with no eyes. Isang karumaldumal na pagpatay ang ginawa sa kaniya. 

Sunod-sunod ang patak ng luha ko kaya mabilis ko itong pinunsan. Bumukas ang pintuan ng morgue at pumasok ang isang diener na umasikaso sa bangkay ni Freya. Hindi dapat ako nandito pero nagmakaawa akong pumasok dahil gusto kong makita ang kaibigan ko.

"Miss, pinapabalik na po kayo sa room niyo. May naghihintay ho na mga pulis," sabi ng lalaki.

Kumunot ang noo ko. "Pulis? Bakit?"

"Hindi ko rin ho alam, eh."

Tumango na lang ako at lumabas na ng morgue. Medyo nanghihina pa ang katawan ko at masakit pa ang ulo ko pero nakakayanan ko namang maglakad. Sabi ng doktor ay nagkaroon ako ng mild injury sa ulo dahil sa lakas ng impact na tumama rito. Aniya ay maswerte na raw ako at hindi ako tuluyang napuruhan.

Sa labas pa lang ng room ko ay may nakaabang ng mga lalaki na nakasibilyan ang soot pero halatang taga pulisya. Tumayo sila mula sa pagkakaupo sa bench at sinalubong ako.

"Ms. Adrianna Valiente, I'm Inspector Fajardo," sabi nung lalaking sa tingin ko ay nasa middle 40s. Matangkad siya at medyo singkit ang mga mata.

"A-Ano pong kailangan niyo sa'kin?" Naguguluhang tanong ko.

"May mga gusto lang sana kaming itanong patungkol sa nangyaring pagpatay kay Freya Mendoza."

Bumuntong-hininga ako bago tumango. Ayos lang naman sa'kin kung magtatanong sila. Pero kinakabahan pa rin ako dahil baka ako ang sisihin nila bigla dahil ako ang huling nakasama ni Freya bago siya patayin.

Pumasok kami sa loob ng room ko para doon magusap. Umupo ako sa kama at sila naman ay nagsiksikan sa sofa. Nasa apat na katao lang naman sila. Siguro ay mga officers ang kasama nitong inspector ngayon.

"Hindi na namin patatagalin pa ang lahat, Ms. Valiente. Gusto ko lang na sabihin mo sa amin ang buong detalye ng pangyayari bago ang pagpatay kay Freya Mendoza," sabi ni Inspector Fajardo.

I told them everything I know. Including the things that can prove how strong our friendship was. Ang isa sa kanila ay abala sa pagsusulat ng mga sinasabi ko at maigi lang na nakikinig ang inspector.

"That's all I know. Hindi ko alam kung sino at paano niya nagawang patayin ang kaibigan ko," I said.

Whoever that person is, he or she is not a human anymore. A monster or a demon. Hindi magagawa ng isang normal na tao ang patayin ang kapwa niya tao. Kung matino siya mag-isip bakit niya gagawin 'yon?

"Ang sabi mo ay matalik mo s'yang kaibigan? May kilala ka ba na may galit sa kaniya? 'Yung taong pwedeng gumawa nito sa kaniya?" Tanong ni Inspector Fajardo.

"Hindi po ako sigurado. Mabait si Freya sa lahat at masyado s'yang friendly kaya marami ang gustong makipag-kaibigan sa kaniya. Kung meron man ho ay wala akong ideya," I said without assurance.

Wala pa akong nabalitaan na galit kay Freya o kung may nakaaway man siya. She's really kind to the point that I couldn't think of someone that can do this to--

"Pwede ko po bang malaman kung anong ikinamatay niya?" Tanong ko.

"Ayon sa autopsy report ay nagtamo siya ng tatlong saksak sa tiyan, dalawang saksak sa dibdib, isang saksak sa likod at laslas sa leeg. Higit sa lahat ay tinanggalan siya ng parehong mga mata na sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang mga ito. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga dahil wala pa ring nahahanap na murder weapon sa paligid ng building kung saan siya natagpuan."

"Then the killer is still carrying it? O tinapon na niya ito sa malayo para walang ebidensiyang mahanap," sabi ko.

"Iyan na rin ang naiisip namin sa ngayon. Ang mahalaga ay makuhanan namin ng statement ang lahat ng mga related sa biktima at unang una ka na doon."

Matagal nang namayapa ang parents ni Freya. Wala na rin s'yang kapatid at talagang nag-iisa na lang sa buhay. Kung meron mang dapat na pagtanungan sa mga oras na ito ay ako lang at ang mga malalapit sa kaniya.

"Someone also tried to kill me.....but why I'm still alive?" Napatanong ako.

Tinitigan akong mabuti ng inspector. "Aside from wondering who is the killer, that's a big question for you now. Maybe the culprit doesn't want to harm you so he or she spared your life."

May punto siya. Pero bakit naman? Ano bang kinalaman ko sa dahilan niya at pinatay niya ang kaibigan ko? Kung gusto niyang tapusin ng malinis at walang sagabal ang plano niya ay bakit niya pa ako tinirang buhay?

Paano na lang pala kung hindi ako nawalan ng malay noon? What if I saw him or her killing my bestfriend? At nakakita ako ng leads para tukuyin kung sino siya?

"Wala ka na ba talagang naaalala na pwedeng gumawa nito sa kaibigan mo?" Tanong ni Inspector Fajardo.

"H-Hindi po ako sigurado."

He looked at me intently. "Ayon sa kanyang biography ay ulila na siya at nag-iisa na lang sa buhay. Ang sabi ng mga nakakakilala sa kanyang kapitbahay ay nagtatrabaho siya sa isang high-end bar. Totoo ba 'yon?"

Napakurap-kurap muna ako dahil sa narinig. Matagal ko na kasing alam ang tungkol do'n pero hindi ko naman alam na pati 'yon ay mahahalungkat pa nila.

"Opo. Pero matagal na s'yang nag-resign do'n."

It was two years ago. We were in our first year in college and just new friends when she already told me about her part time job. I didn't judge her of course. Alam ko naman na marangal ang trabaho niya do'n.

Inalala ko ang mga sinabi niya noon tungkol sa trabaho n'yang 'yon nang may bigla akong maalala.

"Hindi po ako sigurado kung makakatulong ito sa inyo pero sa pagkakatanda ko ay may nakilalang lalaki noon si Freya sa bar na pinagtrabahuhan niya," sabi ko at doon ko lang naalala ang mga nangyari bago kami maghiwalay sa school sa parehong araw kung kailan siya pinatay.

Nakita ko ang interes sa mga mata ni Inspector Fajardo. "Who is it? Do you still remember him?"

Tumango ako. "His name is Denmark. Nag-aaral din siya sa university namin at ex-boyfriend siya ni Freya. Though I'm not sure if they became official or just....fling. Nakasalubong ko siya sa hallway kung saan ang C.R. ng mga babae. Nakakapagtakang makita siya do'n dahil wala ng ibang meron sa hallway na 'yon maliban sa C.R. ng mga babae."

"At anong koneksyon ng pagkakakita mo sa kaniya sa lugar na 'yon sa kaso ng kaibigan mo?" Tanong nito.

"Tapos na ang klase namin pero hindi pa rin bumabalik si Freya galing C.R. kaya naisipan kong sundan siya nang makasalubong ko si Denmark. Parang galit siya nung makita ko pero hinayaan ko na lang. Nakita kong nagduduwal sa isang cubicle si Freya nang pumasok ako sa C.R.. Sabi niya ay baka may nakain lang s'yang masama."

Naningkit ang mata ng inspector. "Nakita mo s'yang nagduduwal?" tanong niya kaya tumango lang ako. "I don't know if you're aware of this but according to her autopsy report.........she was 4 weeks pregnant."

Literal na nanlaki ang mga mata ko at bumuka ang aking bibig. Gulat na gulat ako sa narinig kahit pa naiisip ko na ito nung nakita ko si Freya na nagduduwal. Iba pa rin pala kapag nakumpirma ko ang gano'ng bagay.

"I-I actually have my conclusion. She never told me that," sabi ko at kinagat ang ibabang labi.

I feel betrayed. 

Seriously? I'm still mourning her death but I just can't accept that she never told me about her pregnancy. Ano ang rason niya at hindi niya sinabi sa'kin kaagad? Natatakot ba siya na mahusgahan? Pero alam naman niya na hindi ako gano'ng tao.

I trusted her so much but I feel like I'm not trustworthy enough for her. Kaibigan niya ako pero nagtago siya ng gano'n kalaking sikreto sa'kin. Alam kong wala na sa lugar ang inis ko pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong sa sarili kung bakit hindi man lang siya nagsabi.

And most importantly, who impregnated her?

Inalala ko lahat ng mga lalaking posibleng naikama ang kaibigan ko. Freya was not a bitch so it's hard to believe that she was impregnated by a random guy.

Then I remember a horrifying secret that she told me before.

"M-May isa pa po pala akong sasabihin," nagaalangang sabi ko dahil hindi ako sigurado kung tama bang isiwalat ko ito.

Posibleng may koneksyon ito sa pagdadalang tao niya at sa kanyang ex-boyfriend na si Denmark. But this one is a very personal secret that my bestfriend only told me because I think she at least trusted me.

"Sabihin mo lang, hija. Mahalaga na maibahagi mo lahat ng mga bagay na konektado sa kaniya," anang inspector.

"A-Ang totoo po n'yan ay alam ko ang dahilan ng hiwalayan ni Freya at ni Denmark," pagsisimula ko. "My friend revealed to me that she had an affair with Denmark's father..." wala namang nagbago sa reaksyon ni Inspector Fajardo kaya nagpatuloy ako. "Aniya ay nalaman ito ni Denmark at sa sobrang galit ay nagawa nitong pagbantaan ang buhay niya."

Ngayon ko lang narealize na malaki ang posibilidad na si Denmark ang killer. Kung tinotohanan niya nga ang pagbabanta niya kay Freya ay walang duda na siya nga ang pumatay sa kaibigan ko.

"Ang hula mo ba ay ang ama ni Denmark ang nakabuntis sa kaibigan mo? And this boy Denmark found out so he planned to kill her?" Ani Inspector Fajardo.

Wow. Paano niya nalaman ang nasa isip ko?

"Gano'n na nga po. Pero dalawang taon na po ang nakakaraan nung nasabi sa'kin ni Freya ang tungkol do'n. Wala po akong ideya kung nagkikita pa rin ba sila nung tatay ni Denmark kaya siya nabuntis," sabi ko.

Hindi isang bayarang babae ang pagkakakilala ko kay Freya kaya mahirap isipin na ipinagamit niya ang katawan niya para sa pera. I know that Denmark is rich so his father must be rich too. Pero kung tama nga ang hinala ko na ang tatay nga niya ang nakabuntis sa kaibigan ko ay hindi malayo na si Denmark nga ang suspect since malaki ang galit niya kay Freya.

"I think that's all for now, Ms. Valiente. Kakausapin ka na lang namin ulit kapag may kailangan pa kaming itanong," ani Inspector Fajardo at tumayo na.

"Gusto ko pong makatulong sa kaso. Gusto ko pong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko," I said with determination in my voice.

Tumango ang inspector at bahagyang ngumiti. "I understand."

Bahagya siyang nag-bow bago lumabas ng kwarto kasama ang mga officers niya. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Napapikit ako nang medyo sumakit ang ulo ko. Hindi ko na alam kung dala ba ito ng injury ko o dahil sa dami ng iniisip ko ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status