ADRIANNA
My mind is full of questions that even myself couldn't answer. Hindi ko na alam kung ano ang uunahing isipin sa dami ng mga nangyari. I'm still traumatized by a nightmare of my childhood, then my only bestfriend was murdered. The justice is still unreachable by now.
I have many conclusions about Freya's killer and one of them seems to be true. Denmark--Freya's ex-boyfriend could be the one who killed her. He has been missing since the day or night Freya was murdered. Mas lalo nitong pinatibay ang paniniwala kong siya nga ang pumatay sa kaibigan ko.
"There are two possible reasons why he's missing. First, he got tired of living in your house and decided to run away. Second, he's just hiding somewhere now because he committed murder and afraid of getting caught," sabi ni Inspector Fa
ADRIANNA "......to your brother." Halos hindi ko na masundan ang mga sinasabi ni Inspector Fajardo. Kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya masagot at wala akong alam sabihin sa kaniya. Parang nablanko bigla ang utak ko at kahit pag-iisip ay hindi ko na magawa ng tama. It was as if I had temporarily lost myself. I feel like there's a huge thing on my chest and my body became numb. Sarado ang aking isipan at kanina pa nakatulala na parang tuluyan nang nasiraan ng bait. Call me dramatic or what but what I feel now while looking at my unconscious brother is so painful as what I felt at Freya's death. Puno ng aparatos ang kanyang katawan at may isang malakin
ADRIANNA Sobra akong nahihiya at hindi makatingin sa apat na lalaki. Kung pwede lang sana akong kainin ng lupa ay kanina pa ako nagpakain sa matinding kahihiyan. Gusto ko nang tumakbo at bumalik sa ospital pero parang nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan. Patuloy sa paghalakhak ang dalawa sa kanila at nagbubulungan pa. Ang isa ay awkward lang na ngumiti habang ang pinaka matangkad sa kanila ay maasim ang mukha at pinagmamasdan ako. "S-Sorry…" pagsasalita ko. "Hindi ko naman kasi alam." "Okay lang 'yon, Miss. Mahuhuli pa rin naman namin 'yon," sabi nung lalaking may mahinahong boses. Bakit ba kasi hindi ko kaagad nahalata na masamang tao pala 'yung tinulungan ko? Napa
ADRIANNA"Mabuti na lang at ganyan lang ang nangyari sa'yo."Mahigpit ang kapit ko sa unan at tinitiis na huwag magreklamo sa kaunting sakit na nararamdaman. Maingat ang nurse sa pagtatahi ng natamo kong sugat sa balikat. Hindi naman ito masyadong malalim pero may nararamdaman pa rin akong hapdi kahit na may anesthesia na.Nanonood si Inspector Fajardo at kanina pa ako tinatanong tungkol sa nangyari. Malaki ang pasasalamat ko at kaagad na dumating ang mga nurse nang pindutin ko ang call button. Kaagad nilang tinawagan ang pulisya para maaresto ang pasyenteng lalaki.Iyon nga lang ay nagawa pa nito akong saksakin sa balikat. Buong akala ko ay may mangyayaring masama na sa'kin nang makita ko ang walang tigil na pag-agos ng dugo sa balikat
ADRIANNA Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin nagigising si Jensen. Kadalasan sa mga taong nasa sitwasyon niya ay gising na ngayon. Hindi gano'n kalala ang head injury niya kaya dapat ay noong nakaraang araw pa siya nagising. Nagkaroon din naman ako ng head injury pero kaagad din akong nagkamalay. Ang sabi ng doktor ay baka gigising na rin siya kung hindi man bukas ay sa makalawa. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay maging maayos na siya. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing nakikita ko siyang wala pang malay. Pakiramdam ko ay nasa malalang sitwasyon siya at nahihirapan sa kalagayan. Nagpasya akong umuwi muna sa bahay para kumuha ng gamit at dalhin sa ospital. Sa pagkakataong 'to ay siniguro ko nang may magbabantay na nurse sa kaniya. Nababahala pa rin kasi ako sa nangyari sa ospital
ADRIANNA "Thank God you're finally awake." Hindi ko maiwasang matuwa ng sobra sa katotohanang gising na ang kapatid ko at mukhang maayos na ang lagay niya. Iyon nga lang ay binalaan pa rin siya ng doktor na huwag masyadong malikot dahil baka magkaroon ng komplikasyon ang mga natamo niyang hiwa at saksak sa katawan. Sa sobrang galak ko kanina ay muntik ko na siyang madaganan at niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung magalit pa siya sa'kin, basta masayang masaya ako na nagising na siya. Buong akala ko kasi ay sa susunod na araw pa siyang magkakaroon ng malay. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang walang sawa kong pagdarasal. "These shits are making me uncomfortable," he said while frowning.
ADRIANNA "Hanggang kailan ako sa ospital na 'to?" Inilapit ako ang tray sa paanan ni Jensen para makain niya ang pagkaing inihanda ko sa kanya. Gusto ko sanang subuan na lang siya para hindi na gaanong mahirapan pero tulad ng inaasahan ko ay nainis lang siya sa ideyang 'yon. Hindi naman daw kasi siya bata o walang kamay para gawin ko pa 'yon. Tumitig siya sa inihanda kong fried chicken, rice, crab soup at tubig. Kadarating ko lang kasi galing sa bahay at naisipan ko siyang lutuan ng tanghalian kaysa bumili sa mga fast food chain. "Kain na," sabi ko. Tamad niyang kinuha ang kutsara at tinidor saka malamyang kumain. Hindi ko alam kung wala lang ba siyang gana o hindi siy
ADRIANNA Mainit pero mahangin sa talahiban. Sinikop ko ang aking buhok at tinali ito para hindi makaabala sa'kin. Malawak ang talahiban at nakakatakot itong pasukin. Tamang tama para sa mga gustong magtapon ng bangkay rito. Masukal at liblib masyado. Siguro ay mas nakakatakot maglakad rito tuwing gabi. Pinanood ko ang pamangkin ni Chief Esguerra na maglakad patungo sa talahiban. 'Di kalaunan ay sinundan ko siya at naging maingat sa dinadaanan dahil baka may ahas pala rito. Dapat ay umalis na lang ako at bumalik sa ospital. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit ako sumusunod sa lalaking ito. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Hoy, pamangkin ng chief of police," tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. "I
ADRIANNA It took almost a month when Jensen was finally discharged from the hospital. Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga tahi niya pero ang sabi naman ng doktor ay maaari na siyang umuwi at sa bahay na lang magpagaling kung ayaw na niya sa ospital. Palagi niya rin kasing tinatanong sa'kin kung kailan siya pwede nang lumabas. Inalalayan ko siya pag-uwi namin sa bahay. He's acting fine but I know that he's still in pain. Ayaw niyang inaalalayan at palaging tinatanggihan ang mga alok kong tulong. Hinahayaan ko na lang siya pero sinisiguro ko pa rin na maayos ang pakiramdam niya. Kahit ayaw niyang pumasok ako sa kwarto niya ay ginawa ko pa rin at inayos ito habang nasa sala siya at kasama ang inuwing tuta. Pinalitan ko ang bed sheet ng kama niya pati na rin ang mga pillow case at kumot. Bumab