Skyler's Pov
Di ko talaga maitatanggi na napakalawak ng nasasakupan ng kaharian ng Monte Verde, mula rito sa tuktok ng palasyo ay makikita mo ang buong kaharian at ang iba't ibang klase ng tao.
Nariyan ang mga mahihirap na pamilya kung saan makikita mo na talagang nagsusumikap at naghihirap sila sa kanilang mga trabaho upang may pangkain sila sa araw-araw
Mayroon ding mga taong nasa gitna lamang ang level ng antas ng kanilang pamumuhay, hindi sila mayayaman ngunit hindi rin sila mahihirap at masasabi ko na mas maswerte sila kesa doon sa mga mahihirap na naninirahan dito sa kaharian.
At ang mga taong pinakamayaman at may kapangyarihan dito sa kaharian ay ang Hari, Reyna at ang Prinsipe.
Ang ganda talaga ng tanawin dito sa tuktok ng palasyo kaya naman ay madalas akong nagpupunta rito lalo na kapag ako ay malungkot o nangungulila sa mga namatay kong magulang na isa ring reyna at hari.
Oo, ako ay anak ni Haring Claudio Dela Rio at Reyna Aurora Dela Rio na nagmamay-ari ng kaharian ng Dela Rio na isa rin sa pinakamayayaman na kaharian noon ngunit simula nung namatay ang aking ina at ama ay nagbago na ang takbo ng lahat.
Nalugmok ang aming kaharian kaya ako ay napilitang umalis doon at ako ay kinupkop dito sa kaharian kung nasaan ako ngayon, ang kaharian ng Monte Verde.
“Narito ka lang pala” boses mula sa aking likuran na nagpabalik sa aking ulirat.
“Prince Alex ikaw pala” magalang kong sambit habang nakayuko sa harapan niya.
“Ano ka ba sky sabi ko naman sayo na Alex na lang ang itawag mo sa akin kapag walang tao sa paligid” sagot nito sa akin sabay angat ng ulo ko na siyang dahilan upang makita ko ang mukha nito na siyang nagpapabilis nang tibok ng puso ko.
“Pe-pero mahal na prinsi-” hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng ilapat nito ang kaniyang hintuturo sa aking labi
“I said don't call me prince kapag walang tao sa paligid or else i will kiss you! Naiintindihan mo ba sky?” may diin at seryoso nitong sabi na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan.
“O-o prinsi- este Alex, naiintindihan ko” utal kong sagot dito.
Naglakad siya papunta sa tabi ko sabay tingin sa magandang tanawin na makikita mula rito sa tuktok ng palasyo
“Good, ano palang ginagawa mo rito?” tanong nito habang nakatitig pa rin sa magandang tanawin at ako naman ay sinasamantala ang oras para matitigang mabuti ang napakagwapo niyang mukha.
“ah-eh gusto ko lang naman magpahangin saglit prinsi- este alex” hindi ko alam kung bakit ako ganito kapag kaharap ko siya siguro dahil ito sa nararamdaman ko para sa kaniya.
“Is that the only reason o baka naman may kinikita ka ditong ibang lalaki nang hindi ko alam?” tanong nito habang nakatingin sa akin ng seryoso at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.
Hindi ko maintindihan sa lalaking to kung bakit ayaw niya akong palapitin sa kahit sinong tao rito sa palasyo lalo na kung lalaki ito kaya ayun mag-isa lang ako lagi pero hindi naman niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako dahil lagi ko siyang kasama sa lahat ng oras.
“Are you listening to me Sky?” tanong ni alex na nagpatigil sa aking pag-iisip.
“So-sorry Alex ano bang sinasabi mo?” paghingi ko ng paumanhin dito.
“Ang sabi ko baka may kinikita ka ditong ibang lalaki kaya napapadalas ang pag punta mo rito?” di ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
“Wala akong kinikita ditong ibang lalaki Alex at isa pa ano naman sayo kung meron nga?” bigla naman nagbago ang itsura nito at binigyan ako ng matatalim na tingin mukhang mali ata ako ng nasabi ha.
“F*ck!” nagulat ako ng bigla itong nagmura at mahigpit na hinawakan ang braso ko
“Sa oras na malaman ko na may kinikita kang ibang lalaki dito ay hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya baka mapatay ko siya Sky!” matigas na sabi nito habang madiing nakahawak sa aking braso.
“A-alex nasasaktan ako” pag-inda ko at bigla naman umamo ang kaniyang mukha ng makita niyang nasasaktan talaga ako
“Pa-patawad sky hindi ko sinasadya!” paghingi nito ng tawad sabay yakap sa akin.
Parang nakaramdam naman ako ng libo libong boltahe ng kuryente sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Hindi ko ba alam sa sarili ko na kahit napaka strikto nitong lalaking to sa akin ay mas lalo ko pa siyang minamahal.
“Ok na ako Alex” sabi ko at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.
“Gusto ko lang Sky na lagi kang nasa tabi ko” mahinahong sambit nito sa akin.
“Pe-pero bakit Alex ano ba tayo?” hindi ko mapigilang tanong sa kaniya dahil sa mga pinapakita nito sa akin.
“Ano bang klaseng tanong yan Sky? Siyempre matalik tayong magkaibigan kaya gusto kong nasa tabi lang kita para maprotektahan kita kapag may nang-away sayo” parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa mga narinig ko
Pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Parang nalulungkot siya na nalilito dahil ba ito sa mga sinabi niya? Hays siguro may problema lang to at isa pa bakit naman siya malulungkot sa sinabi niya eh totoo naman magkaibigan lang kami ako lang talaga tong si tanga na nahulog sa kaniya.
Kaibigan nga lang naman ako para sa kaniya at isa pa straight siya malabong magkagusto siya sa isang tulad ko.
“Si-sige Alex mabuti pa ay bumaba na tayo para makapaghanda na tayo diba sabi mo sasamahan pa kita sa mall?” pag-iiba ko ng usapan at pilit na ngumiti para itago sa kaniya ang lungkot na nararamdaman ko.
“Okay let's go then” sambit nito at nauna nang maglakad pababa.
Magpapakilala muna pala ako guys ako nga pala si Skyler Dela Rio ang slave ni prince Alexander Monte Verde.
19 yrs. Old na pala ako at mas matanda sa akin si prince Alex ng isang taon dahil 20 yrs. Old na siya
Simpleng tao lang ako na nagkakagusto sa kaibigan/prinsipe ng kaharian ng Monte Verde, maputi ang aking balat, matangos ang aking ilong, mayroon din akong kulay berdeng mga mata na namana ko sa aking ina ngunit di kalakihan ang aking katawan pero di mo rin ito matatawag na payat para bang sakto lang ito at bumagay naman sa akin.
Bakla ako at alam ito ng lahat sa palasyo maging ang hari at reyna pati na rin si prince Alex at masaya ako dahil tinanggap nila ako kahit ano pa ako.
Mas matangkad pala sa akin si prince Alex pero kaunti lamang ang lamang nito, lamang lang ako sa kaniya sa kaputian dahil kayumanggi ang kaniyang kulay pero bagay na bagay naman iyon sa kaniya.
“Tutunganga ka na lang ba jan?” tanong ni prince Alex sa akin na nagpabalik sa ulirat ko
“Sabi ko nga tara na” wika ko at sabay naming tinahak ang daan pababa.
****************************************
Hello Guys! This is My first story here in GoodNovel sana ay suportahan niyo po ako. Maraming salamat po!
-Alwiinaa
Skyler's PovNarito kami ngayon ni prince Alex sa kaniyang malaking silid at hinihintay ko pa siyang matapos maligo, nakabihis na ako ng aking simpleng kasuotan na isang puting long sleeve at itim na pantalon na sumakto naman sa katawan ko.Malawak ang silid ni prince Alex at maganda ang pagkakaayos at malinis ito dahil ako ang nagpapanatili na maging malinis ito sa paningin niya.Lumakad ako papunta sa veranda nitong silid na ito sa tabi ng kaniyang malaking kama, pinatong ko ang kamay ko sa bakal na harang dito at dumungaw sa baba upang makita ko ang magandang tanawin ng hardin.Bukod sa tuktok ng palasyo ay paborito ko ring puntahan ang hardin dahil hilig kong alagaan at diligan ang mga bulaklak rito, hindi naman ako pinigilan ni prince Alex at mabuti pa nga raw iyon ng may pagka-abalahan ako tuwing kailangan niyang umalis mag-isa at hindi ako kasama.“Narito ka na pala Sky” nap
Skyler's Pov“Sky What do you think? Bagay ba sa akin itong sapatos na ito?” tanong ni Alex sa akin habang inangat ang kulay puting sapatos na Air Jordan ang tatak.“Oo naman mahal na prinsipe bagay na bagay” magiliw kong sagot“Ok I'll get this then” sabi niya sabay abot ng sapatos doon sa sales lady na kanina pa malagkit ang tingin sa kaniya.Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa kaniya eh halos nasa kaniya na ang lahat at isa pa siyang prinsipe kaya naman agaw pansin talaga siya dito sa loob ng mall pero ayaw nilang lumapit dahil masama magalit si prince Alex at ayaw ko siyang nakikitang galit dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.“How about you Sky wala ka bang gustong bilhin dito? sagot ko na” sambit niya sa akin“Eh hindi naman ako mahilig sa mga sapatos eh” sabi ko at di ko naiwasang&nbs
Skyler's PovNarito ako ngayon sa loob ng kusina dahil ipaghahanda ko si prince Alex ng kaniyang umagahan bago siya maglaro ng basketball kasama ng mga kaibigan niya.Sandwich lang ang gagawin ko dahil ayaw ni prince Alex ng heavy meal tuwing umaga at isa pa maglalaro siya ng basketball, kinuha ko na sa ref ang mga ingredients na kakailanganin ko at nagsimula ng magluto.“Magandang umaga Skyler” bati ni Manang Linda sa gilid ko. Si manang linda ang pinaka head ng mga kasambahay dito sa palasyo at mga bata pa kami ay narito na siya.“Magandang umaga rin po Manang” sagot ko habang piniprito ang mga bacon“Tulungan na kita jan Skyler” alok ni manang Linda sa akin“Ay wag na po manang kaya ko na ho ito at isa pa alam niyo naman po na ayaw ni prince Alex” sagot ko rito at inayos ko na ang sandwich
Skyler's Pov“We're here” Bigkas ni prince Alex pagkarating namin sa basketball courtBumaba na kami at agad niyang kinuha ang mga gamit na dala namin sa likod ng sasakyan.Di ko maiwasang mamangha sa laki ng court na ito, ngayon lang kasi ako nakapunta rito dahil dati ay hindi ako pinapasama ni prince Alex sa mga laro niya hindi ko lang alam kung anong nakain niya at sinama niya ako dito ngayon.“Baka pasukan ng langaw yang bibig mo” sita sa akin ni prince Alex, di ko namalayang nakabukas na pala ang bibig ko sa pagkamangha sa lugar na ito.“Kayo rin ba ang nag mamay-ari nito Alex?” tanong ko rito“Yes, pinagawa ko talaga to sa amang hari dahil mahilig ako mag basketball” sagot nito sa akinPumasok na kaming dalawa sa loob nitong court at pagkapasok namin ay sinalubong kami ng tatlong kaibi
Alexander's Pov“Saan ba talaga tayo pupunta Alex?” rinig kong tanong nitong katabi ko“Malalaman mo rin kapag dumating na tayo doon” sagot ko.Narito kami ngayon ni Sky sa loob ng aking mamahaling sasakyan dahil niyaya ko siya ngayong ala-una ng hapon na pumunta sa isang lugar na hindi niya pa napupuntahan.Sana ay magustuhan niya ang lugar na pupuntahan namin dahil labis rin akong natutuwa kapag nakikita ko siyang nakangiti.“Malayo pa ba tayo prince Alex?” tanong muli nito sa akin.“Malapit na tayo at ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na wag mo ako tawaging prince Alex kapag tayo lang dalawa?” seryoso kong sagot rito habang naka-focus sa pagda-drive at napayuko naman siya dahil sa sinabi ko.“Pa-patawad Alex hindi na mauulit” wika nito habang nakayuko.
Skyler's PovPagkagising ko kinabukasan ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo at makapag bihis na rin.Nang maiayos ko na ang sarili ko ay pumunta na ako sa baba upang tumulong rito sa mga gawain sa palasyo, hindi muna ako pumunta sa silid ng prinsipe dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari sa amin kahapon.Di ko maialis sa isip ko ang pangyayaring iyon at sa tingin ko ay talagang tatak iyon sa utak ko, hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa halik na iyon at para bang nagustuhan ng puso ko ang mga nangyari.Pero alam ko namang hindi tama iyon dahil siya ay prinsipe na dapat aking pinagsisilbihan pero anong magagawa ko kung hindi ko mapigilang mahulog sa isang tulad niya?Napakabait niya sa akin at kahit na slave niya lang ako ay maayos ang pagtrato niya sa akin dahil na rin siguro sa matalik kaming magkaibigan simula pagkabata.“Oh Sky
Skyler's PovLulan kami ngayon ng sasakyan at magkatabi kami rito sa likod ni prince Alex dahil ang nagmamaneho ay si manong Henry, maglilibot-libot kasi kami sa bayan kaya sinama niya si manong Henry para ay may magbantay sa sasakyan habang kami ay nag-iikot.“Ano ang una nating titingnan sa bayan prince Alex?” tanong ko rito“Kahit ano na lang siguro gusto ko lang naman malaman ang kalagayan doon” sagot nito at tinanguan ko ito bilang tugon.Sa bayan ay makikita namin ang pinakamahihirap na mga tao dito sa kaharian, nakapunta na ako doon ngunit isang beses lamang iyon ng isama ako ni manang Linda na mamalengke sa bayan dahil ubos na ang stocks ng pagkain sa ref noon.Masasabi ko na talagang napakasisipag ng mga tao roon at nagustuhan ko ang mga street foods na tinitinda ng ilan doon, susubukan ko ngang patikimin nun si prince Alex baka sakaling magustuha
Skyler's PovKinaumagahan pagkalabas ko ng aking silid ay nalaman kong umalis pala ang mahal n prinsipe pero bakit hindi ako nito sinama? Marahil ay mahalaga iyong pinuntahan niya at hindi na ako kailangang isama pa.Wala naman akong naisip na gawin dahil ayaw naman ako patulungin ni prince Alex sa mga gawain rito sa palasyo dahil gusto niya siya lang ang pinagsisilbihan ko.Pumasok na lamang ako sa silid ng prinsipe at tama nga ako magulo iyon pero mabuti na rin iyon para naman ay may magawa ako ngayong araw.Sinimulan kong i-ayos ang higaan niya at inuna ko munang palitan ay ang bedsheets niya at pagkatapos nun ay pinalitan ko rin ang mga punda ng mga unan niya.Pagkatanggal ko ng punda ng isang unan ay may nalaglag na maliit na litrato mula roon, pinulot ko iyon at nagulat naman ako ng makitang litrato naming dalawa iyon ni prince Alex noong mga bata pa kami.