Share

CHAPTER 2

Skyler's Pov

Narito kami ngayon ni prince Alex sa kaniyang malaking silid at hinihintay ko pa siyang matapos maligo, nakabihis na ako ng aking simpleng kasuotan na isang puting long sleeve at itim na pantalon na sumakto naman sa katawan ko.

Malawak ang silid ni prince Alex at maganda ang pagkakaayos at malinis ito dahil ako ang nagpapanatili na maging malinis ito sa paningin niya.

Lumakad ako papunta sa veranda nitong silid na ito sa tabi ng kaniyang malaking kama, pinatong ko ang kamay ko sa bakal na harang dito at dumungaw sa baba upang makita ko ang magandang tanawin ng hardin.

Bukod sa tuktok ng palasyo ay paborito ko ring puntahan ang hardin dahil hilig kong alagaan at diligan ang mga bulaklak rito, hindi naman ako pinigilan ni prince Alex at mabuti pa nga raw iyon ng may pagka-abalahan ako tuwing kailangan niyang umalis mag-isa at hindi ako kasama.

“Narito ka na pala Sky” napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang boses niya mula sa likod ko kaya agad ko itong nilingon.

Napalunok ako ng laway ng makita kong wala siyang ibang suot kundi ang boxer niya lamang, tila bumagal ang oras at para bang naging slow motion ang galaw niya sa aking mga mata. 

Kitang kita ko ang ganda ng hubog ng kaniyang matipunong katawan habang siya ay nagpupunas ng basa niyang buhok, napadako naman ang tingin ko sa anim na pandesal niya sa katawan at tila ba inaakit ako na hawakan iyon.

“Dreaming of me huh?” nakangisi niyang sabi na nagpabalik sa wisyo ko, bigla akong nakaramdam ng pamumula ng mga mukha ko kaya agad akong tumalikod para itago iyon mula sa kaniya.

“Pe-pwede ba magbihis ka na Alex” nahihiyang kong sagot rito habang natalikod pa rin sa kaniya.

“Ano bang problema Sky? Ang tagal mo ng nakikita itong maganda kong katawan pero hanggang ngayon ay nagkakaganiyan ka pa rin” sabi niya na tila ba inaasar ako kahit di ko siya tingnan ay alam kong nakangisi siya habang sinasabi niya iyon.

“A-anong maganda eh ang taba mo nga” pagsisinungaling ko sa kaniya.

“Mataba pala ha” wika niya sabay pihit ng katawan ko paharap sa kaniya at dahil doon ay nakita kong muli ang mala adonis niyang katawan na bumagay sa moreno niyang kulay.

“Eto ba ang mataba sayo Sky?” banggit niya at nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dinala iyon papunta sa anim na pandesal niya sa katawan.

“O-oo na Alex maganda na ang katawan mo!” mabilis kong sabi sabay hatak ng mga kamay ko.

“Hahaha ang cute mo talaga kapag namumula Sky!” sabi nito sabay kurot sa pisngi ko at talikod para magbihis.

Cu-cute? Totoo bang sinabihan niya akong cute? Bahala na nga.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin sa pagbibihis ang mahal na prinsipe at talagang kitang kita mo ang kagwapuhang taglay nito mula sa kaniyang suot na checkered long sleeve na pinatungan ng coat at nakasuot siya ng pantalon na kulay itim rin.

“Let's go para makapag-ikot pa tayo sa mall” pagyaya nito sa akin at ako naman ay sumunod lang sa kaniya pababa.

Nang makarating kami sa baba ng palasyo ay nakita namin ang hari at reyna na nakaupo sa kanilang mga trono at may pinag-uusapan ngunit natigil iyon ng mapansin kaming dalawa ni prince Alex.

“At saan naman patutungo ang prinsipe ng Monte Verde kasama ang matalik nitong kaibigan?” agad na tanong ng hari sa prinsipe.

“May titingnan lamang po kami sa mall amang hari” magalang na sagot ni prince Alex

“Sapatos na naman ba ito Alexander? Iba talaga ang pagkahumaling mo sa mga sapatos ha” sagot ng hari ngunit di na nagsalita pa si prince Alex kaya bumaling ang tingin ng hari sa akin.

“Ang laki mo na talaga Skyler parang dati ay sampung taon ka pa lang nung kinupkop ka namin rito, pinapahirapan ka ba nitong anak ko sabihin mo lang sa akin at bibigyan kita ng ibang gawain na mas madali” nakangiting sambit ng hari sa akin.

“Stop it Ama! Hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin at isa pa hindi ko siya pinapahirapan” inis na sagot ni alex sa kaniyang ama

“Hindi ka pa rin nagbabago Alexander ayaw mo pa rin malayo sayo si Skyler” sambit ng hari

“I just want to protect him ama, alam mo naman na mahalaga ang pamilya niya sa atin dahil magkaibigan kayo ng mga magulang ni Sky” wika ni prince Alex habang seryoso siyang nakatingin sa kaniyang ama.

Gusto niya akong protektahan eh kanino naman? At isa pa malaki na ako kaya ko na ang sarili ko.

“let's go Sky alis na tayo” yaya ni prince Alex habang nauna na siyang naglakad kaya agad ko namang yinukan ang hari bilang paalam rito.

Kahit kailan naman tong prinsipe na to lagi na lang nauuna maglakad hindi man lang ako hintayin eh ambilis pa naman niya maglakad.

“Kamahalan ako ho ba ang magmamaneho ngayon?” tanong ng driver ni prince Alex na si manong Henry.

“Hindi na manong kami na lang dalawa ni Sky ngayon, mabuti pa at magpahinga na lang muna kayo” sagot ni Alex kay manong.

Bilib din ako sa lalaking to dahil kahit na siya pa ang prinsipe nitong buong kaharian na tinatapakan namin ay hindi niya man lang nakalimutang rumespeto sa mga nakakatanda sa kaniya.

Mas lalo tuloy nahuhulog ang loob ko sa kaniya, sana ay magustuhan niya rin ako pero malabong mangyari iyon.

“Is there any problem Sky?” agad akong napatingin kay Alex at pilit na ngumiti.

“Wa-wala naman prince Alex, so ano aalis na ba tayo?” wika ko ngunit di ako tumingin sa mga mata niya dahil ayokong makita niya yung tunay kong emosyon.

“I know you Sky alam kong nagsisinungaling ka kapag hindi mo ako matingnan sa mata, sabihin mo sa akin ano pa problema mo?” totoo ngang matagal ko na siyang kaibigan dahil kilalang kilala niya na ang mga kilos ko.

“ah-eh na-mimiss ko lang ang aking mga magulang oo yun nga” banggit ko sabay pilit na tiningnan ang mga mata niya.

Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ko at inaalam niya siguro kung nagsisinungaling ako.

“Okay then let's go” wika niya at pumasok na kami sa kotse niyang BMW 7 Series na kulay puti at agad niya itong pinaandar papuntang mall.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status