Share

CHAPTER 4

Skyler's Pov

Narito ako ngayon sa loob ng kusina dahil ipaghahanda ko si prince Alex ng kaniyang umagahan bago siya maglaro ng basketball kasama ng mga kaibigan niya.

Sandwich lang ang gagawin ko dahil ayaw ni prince Alex ng heavy meal tuwing umaga at isa pa maglalaro siya ng basketball, kinuha ko na sa ref ang mga ingredients na kakailanganin ko at nagsimula ng magluto.

“Magandang umaga Skyler” bati ni Manang Linda sa gilid ko. Si manang linda ang pinaka head ng mga kasambahay dito sa palasyo at mga bata pa kami ay narito na siya.

“Magandang umaga rin po Manang” sagot ko habang piniprito ang mga bacon

“Tulungan na kita jan Skyler” alok ni manang Linda sa akin

“Ay wag na po manang kaya ko na ho ito at isa pa alam niyo naman po na ayaw ni prince Alex” sagot ko rito at inayos ko na ang sandwich

“Oo nga no hindi ko ba alam sa batang iyon gusto lang kainin sa almusal ay ang mga luto mo” nagtatakang sagot ni manang at ngumiti lang ako bilang tugon

“Manang una na ho ako ihahatid ko na ito kay prince Alex at gigisingin ko pa po iyon” wika ko at kinuha ang dalawang sandwich na ginawa ko na nakalagay sa plato.

“Oh sige magandang umaga ulit sa iyo Skyler” sagot ni manang pero di ko na ito pinansin at pumunta na sa silid ni prince Alex

Habang naglalakad ako ay nakikita ko ang mga kasambahay na abala sa kanilang mga ginagawang trabaho, marami ang kasambahay rito dahil lubos na napakalaki nitong palasyo.

Nang makarating ako sa harap ng silid ni prince Alex ay dahan dahan ko itong binuksan ngunit nakita kong wala si prince Alex sa kaniyang kama at nakarinig naman ako ng paglagaslas ng tubig.

Mukhang maaga nagising ang prinsipe at naliligo na siya ngayon.

Pinatong ko ang dala kong sandwich sa maliit na lamesa sa tabi ng kaniyang kama at sinimulan kong iligpit ang medyo magulo niyang higaan.

Nang matapos ako sa pagliligpit ng kaniyang higaan ay saktong lumabas si prince Alex sa kaniyang banyo ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makitang wala siyang kahit anong saplot.

Kitang kita ko tuloy ang bagay doon sa pagitan ng mga hita niya at kahit malambot pa ito ay mukhang malaki na.

“You like what you seeing?” napaangat ang tingin ko doon sa mukha niyang nakangisi agad naman akong napatalikod dahil doon

“Ah-eh matuto ka ngang magsuot ng pang ibaba mo Alex kapag galing ka sa banyo” utal kong sagot at di pa rin matigil ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa hiyang nararamdaman ko

“Hindi ko naman alam na nandito ka na at isa pa ok lang yun nakita mo na rin ang mga ito noong bata pa tayo” nang-aasar na sagot nito sa akin

“Iba noon, iba ngayon Alex!” sagot ko

“Sabagay maliit pa ito noon pero ngayon dambuhala na” nagulat naman ako dahil sa sinabi nito

“Stop it Alex!" Sita ko rito

“Hahaha ok-ok titigil na ako” natatawang sagot nito sa akin

Inisip ko ulit yung nakita ko kanina at tama nga siyang malaki talaga iyong bagay sa pagitan ng mga hita niya, di ko naman maiwasang mamula dahil doon.

“Ok na pwede ka ng humarap” sabi nito kaya humarap na ulit ako at nakita ko naman na nakasuot na siya ng basketball short ngunit wala pa ring damit pang itaas

Lumakad ako papunta doon sa sandwich na ginawa ko at kinuha ko iyon bago binigay sa kaniya

“Mag-almusal ka muna Alex para di ka gutumin mamaya sa laro niyo” sambit ko habang inaabot ang plato sa kaniya 

“Ang sweet naman ng Sky ko” nakangiting sagot nito sabay kuha doon sa sandwich

“Ginagampanan ko lang ang tungkulin ko dito bilang slave mo” sagot ko rito

“Ikaw ba kumain ka na?” tanong nito sa akin at napatigil naman ako dahil doon, hindi pa kasi ako kumakain at mukhang napansin niya naman iyon

“Oh eto tig isa tayo, sabi ko naman sayo eh wag ka papalipas ng gutom baka magkasakit ka” parang nanay na wika nito sa akin sabay abot ng sandwich 

“Opo Ina” sarcastic kong sabi rito na ikinatawa niya lang at nagsimula ng kumain.

Nang matapos kaming kumain na dalawa ay nagbihis na ito at kinuha niya na ang bag na naglalaman ng mga kakailanganin niya sa kaniyang paglalaro ng basketball

“Ako na magbibitbit niyan Alex” sabi ko sa kaniya at kukunin na sana ang bag ng bigla niya itong hinila

“No, ako na magdadala nito at isa pa mabigat ito baka di mo kayanin” sagot nito

“Kaya ko na yan Alex malaki na ako at isa pa di naman masiyadong mabigat iyan” pagpupumilit ko rito

“Isa! Pag di ka tumigil hahalikan kita bigla” sabi nito na nakapagpatigil sa akin

“Good tara na baka mahuli na tayo” wika niya at lumabas na kami sa kaniyang silid

“Oh mahal na prinsipe may lakad ho ata kayo?” tanong ni kuya berto ng makababa kami, si kuya berto ang  isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya Monte Verde sa pangangasiwa dito sa loob ng palasyo.

“Yes kuya berto kaya kapag hinanap ako ng amang hari pakisabi na lang na umalis ako” sagot ni prince Alex

“Masusunod mahal na prinsipe” sagot ni berto

Pumunta na kami sa parking lot ng palasyo kung saan naririto ang iba't ibang uri ng mga sasakyan ni prince Alex at lahat ito ay mga mamahalin.

Sumakay kami ni prince Alex dito sa isang sports car na kulay gray at ang alam ko Ford Mustang ang brand nito na talaga namang mamahalin.

“Isuot mo na yung seatbelt mo” wika nito sa akin kaya agad ko itong kinuha para ikabit pero nahirapan ako

“Tsk!” sabi nito at biglang lumapit sa akin para tulungan akong ikabit ang seatbelt ko.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit ng mga mukha niya sa mukha ko at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

Unti unting naglapit ang mga mukha namin at konting konti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Anong gagawin ko? Tila nawawala sa wisyo ang aking sarili, ito na hahalikan niya ba ako?

“Yan ok na” bigla niyang sabi at bumalik na sa kaniyang pwesto at sinuot rin ang kaniyang seatbelt

Naramdaman kong bigla akong namula dahil doon, yan masiyado kasi akong nag-expect alam ko namang hindi niya ako hahalikan kasi straight siya!

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe at walang gustong magsalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status