Share

CHAPTER 5

Skyler's Pov

“We're here” Bigkas ni prince Alex pagkarating namin sa basketball court

Bumaba na kami at agad niyang kinuha ang mga gamit na dala namin sa likod ng sasakyan.

Di ko maiwasang mamangha sa laki ng court na ito, ngayon lang kasi ako nakapunta rito dahil dati ay hindi ako pinapasama ni prince Alex sa mga laro niya hindi ko lang alam kung anong nakain niya at sinama niya ako dito ngayon.

“Baka pasukan ng langaw yang bibig mo” sita sa akin ni prince Alex, di ko namalayang nakabukas na pala ang bibig ko sa pagkamangha sa lugar na ito.

“Kayo rin ba ang nag mamay-ari nito Alex?” tanong ko rito

“Yes, pinagawa ko talaga to sa amang hari dahil mahilig ako mag basketball” sagot nito sa akin

Pumasok na kaming dalawa sa loob nitong court at pagkapasok namin ay sinalubong kami ng tatlong kaibigan ni prince Alex.

“Kamusta bro? Long time no see ha!” masiglang sabi nung pinaka maputi na kaibigan niya.

“Stop it khalix, one week pa lang yun” sagot ni Alex sa kaniya

“Matagal na rin yun Alexander di mo ba kami namiss man lang?” Wika naman nung moreno at matangkad sa kanila.

“Miss your face Zamuel!” pabalang na sagot ni Alex rito.

“Who's this cute boy behind you Alexander?” nakangiting tanong nung lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin.

“Oh he's Skyler Dela Rio my slave and my Best friend” sagot ni Alex

“Sky, meet Khalix De Mayor ang prinsipe ng kaharian ng De Mayor” sabi ni Alex sabay turo don sa maputi nilang kaibigan

“And this is Zamuel Madrigal ang prinsipe ng kaharian ng Madrigal” wika niya sabay turo don sa katabi ni Khalix

Ay mga prinsipe pala silang lahat ha, ngumiti naman ako sa kanilang dalawa bilang pagbati.

“Dela Rio?” tanong nung lalaking kung makatitig sa akin ay wagas, kitang kita ko sa mga mata nila ang pagtataka

“Yes, siya ang anak ng namatay na hari at reyna ng kaharian ng Dela Rio” sambit ni Alex na nagpagulat sa kanila.

“Oh Hi I'm Claude Silvestre prinsipe ng kaharian ng Silvestre” pakilala nito sabay lahad ng kamay nito sa harap ko.

“Hello, nice to meet you prince Claude” aabutin ko na sana ang kamay nito ngunit nagulat ako nang si prince Alex ang nakipagkamay rito.

“That's enough Claude nagpakilala ka na” seryosong sabi ni Alex sa kaniya

“Haha, di ka pa rin nagbabago” sagot ni prince Claude kay Alex

“Ok tama na to at maglaro na tayo” singit ni Khalix kaya agad na binitawan ni Alex ang kamay ni prince Claude

Hinawakan ni prince Alex ang kamay ko at bigla akong hinila patungo doon sa pupwestuhan namin. Nakarating kami sa gilid at umupo ako dito sa bench habang si prince Alex naman ay nilagay ang mga gamit sa upuan at nagsimula na siyang mag warm-up sa harapan ko.

“A-alex bakit ganon naman ang ginawa mo kay prince Claude?” tanong ko rito at napatigil naman siya dahil sa tanong ko

“Bakit gusto mo bang makipag kamay sa lalaking iyon?” may diin na tanong niya sa akin.

“Wala naman atang masama roon diba makikipag kam-” napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nitong sinipa ang upuan sa tabi ko

“F*ck it Sky! Hindi ka pwedeng hawakan ng kahit sinong lalaki maliban sa akin tandaan mo yan!” Gigil na sabi nito sa akin, natakot naman ako bigla dahil sa inasal niya kaya di ako sumagot.

Napansin kong biglang nag-iba ang mukha niya ng makita ang naging reaksyon ko sa ginawa niya.

“So-sorry Sky hindi ko intensyon na sigawan ka” mahinahong sabi nito sabay yakap sa akin.

Siguro ay nagulat lang ako dahil hindi ako sanay ng sinisigawan ng kahit sinong tao.

“O-okay lang ako mahal na prinsipe” utal kong sagot rito at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

“I didn't mean it sky, hindi ko lang maisip na may ibang lalaking hahawak sayo maliban sa akin” paliwanag nito sa akin, pero bakit? Ano ba ako sa kaniya? Naguguluhan ako sa mga pinapakita niya sa akin.

“Okay lang yun Alex kalimutan na lang natin iyon” nakangiti kong wika sa kaniya.

“Just Stay here Sky wag kang aalis maglalaro lang kami” sabi niya at ginulo ang buhok ko bago umalis.

Masaya naman akong nanood sa kanila habang naglalaro sila ng basketball at hindi ko maitatanggi na magaling silang lahat lalo na si prince Alex.

Napapangiti naman ako dahil maya't maya ang tingin ni prince Alex sa akin at tila ba binabantayan ako. Napaka gwapo talaga ni prince Alex kaya di ko maiwasang mahulog lalo sa kaniya pero nakakalungkot lang isipin kasi malabong magustuhan niya ako.

Limang buwan na lang at sasapit na ang kaniyang 21st birthday at sa araw rin na iyon ay magiging ganap na prinsipe na siya at tutulong na siya sa pagtataguyod ng kaharian.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na silang maglaro kaya agad akong tumayo hawak hawak ang puting towel para ipunas sa mga pawis niya.

“Tulungan na kitang magpunas ng pawis Alex” alok ko rito

“Sure” nakangiti naman nitong sagot.

Nagulat naman ako ng bigla siyang maghubad ng damit sa harapan ko.

“A-anong ginagawa mo?” takang tanong ko rito

“Basa na kasi ang damit ko kaya kailangan kong maghubad para mapunasan mo ako ng maayos at isa pa ayaw mo ba nito nakikita mo ang maganda kong katawan” nakangising wika nito sa akin

“Sira ka talaga!” sagot ko at sinimulan ko ng punasan ang katawan niyang basang basa ng pawis.

Nang matapos ko siyang punasan ay nakaramdam ako na para bang sasabog na ang pantog ko kaya nagpaalam ako kay Alex na iihi muna ako at buti naman ay pinayagan niya ako mag-isa, gusto niya pa ngang sumama pero sabi ko kaya ko na to at wala naman siyang nagawa.

Pumasok na ako sa banyong tinuro ni Alex at pumunta ako sa bakanteng cubicle at sinimulan mag bawas ng tubig sa katawan.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa cubicle upang maghugas ng kamay pero nagulat ako ng makita kong narito pala si prince Claude.

“Oh kaya po pala prince Claude” sabi ko at yumuko.

“Ah oo umihi rin kasi ako” sagot niya at di ko na ito pinansin at naghugas na ng kamay.

“Kamusta ka na Skyler? Ang tagal na nating di nagkita ah” tanong bigla ni prince Claude na ikinataka ko.

“Eh ngayon lang naman po tayo nagkita prince Claude” takang sagot ko rito.

“Marami ka pang hindi nalalaman Skyler pero gusto ko lang sabihin sayo na mag-iingat ka lagi at di rin magtatagal at magkakasama muli tayo” makahulugan nitong sambit sa akin at tsaka siya lumabas.

Naiwan naman ako ditong nagtataka at pilit na iniintindi kung ano ang mga sinabi niya, magkakilala ba kami?

“Sky bakit ang tagal mo lumabas?” Tanong ni prince Alex na nandito na pala sa loob.

“Ah-eh wala ang dami ko kasing tubig na nilabas, tara na para makauwi na tayo” di ko na siya inantay at nauna ng lumabas.

Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka pero di niya na ako tinanong pa at lumabas na rin siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status