Share

CHAPTER 7

Skyler's Pov

Pagkagising ko kinabukasan ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo at makapag bihis na rin.

Nang maiayos ko na ang sarili ko ay pumunta na ako sa baba upang tumulong rito sa mga gawain sa palasyo, hindi muna ako pumunta sa silid ng prinsipe dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari sa amin kahapon.

Di ko maialis sa isip ko ang pangyayaring iyon at sa tingin ko ay talagang tatak iyon sa utak ko, hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa halik na iyon at para bang nagustuhan ng puso ko ang mga nangyari.

Pero alam ko namang hindi tama iyon dahil siya ay prinsipe na dapat aking pinagsisilbihan pero anong magagawa ko kung hindi ko mapigilang mahulog sa isang tulad niya?

Napakabait niya sa akin at kahit na slave niya lang ako ay maayos ang pagtrato niya sa akin dahil na rin siguro sa matalik kaming magkaibigan simula pagkabata.

“Oh Skyler anong ginagawa mo rito? Hindi ba ay dapat kasama mo ang prinsipe at pinagsisilbihan siya” wika ni manang Linda na hindi ko namalayan ay nasa tabi ko na pala

“Ah opo pero hayaan niyo po muna akong tumulong rito kahit saglit” wika ko

“Naku baka ako ang mapagalitan sayo ng prinsipe alam mo naman ayaw ka nun pinapatulong rito” nag-aalalang sambit nito

“Hindi po iyan manang at isa pa po ay saglit lamang ako dito at aakyat na rin ako” sabi ko at sinimulang magpunas ng lamesa

“Sige ikaw bahala na bata ka” sagot ni manang at nagpatuloy na rin sa paglilinis

Ilang saglit pa ay nakita kong pababa ang mahal na prinsipe at tila ba hinahanap ako kaya mabilis akong nagtago sa banyo malapit rito.

Ano ba yan bakit ba ako nagtatago sa kaniya? Hindi naman dapat ako makaramdam ng hiya dahil siya ang may gawa nun sa akin kahapon at isa pa hindi ko naman ginusto yung halik niya, teka hindi nga ba? Ah basta!!

“Manang nakita niyo ho ba si Sky?” rinig kong tanong ni Alex kay manang

“Nandito siya kanina iho ngunit di ko napansin kung saan na siya pumunta” sagot ni manang

“Ah salamat manang hahanapin ko na lang po siya” sagot ni prince Alex at naglakad na patungo rito.

Tinakpan ko naman ang aking bibig upang masiguradong hindi ako makagagawa ng kahit anong ingay.

Kinabahan ako bigla ng marinig na kumatok siya sa pinto ng banyo, anong gagawin ko?

“Sky are you there?” tanong nito mula sa labas, nakaisip naman ako kung paano ko siya malilinlang at sana lang gumana.

“Wala ho siya dito mahal na prinsipe” pilit kong pinalaki ang boses ko upang hindi niya ako mahalata at mukhang nag tagumpay nga ako dahil narinig ko ang mga yabag niya paalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon at ilang sandali pa ay binuksan ko na ang pinto ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko siya rito sa harap ko, pero ang akala ko ay wala na siya?

“Tinataguan mo ba ako Sky?” seryosong sambit ni prince Alex habang nakatingin sa akin

“Ah-eh hindi no at bakit naman kita tataguan?” utal kong sagot habang umiiwas ng tingin sa kaniya

“Kung ganon anong ginagawa mo rito sa loob ng banyo?” tanong niya

“Ah-naglilinis! Oo naglilinis nga ako” utal kong sagot sa kaniya pero mukhang hindi naman siya naniniwala sa akin

“Siguraduhin mo lang na hindi mo ako tinataguan dahil sa lahat ng magagawa mong hindi ko gusto ay may parusa ka” nakangising sabi nito

“Ha? Ano naman yun?” takang tanong ko

“Ito oh” sabi niya at nginuso ang labi niya, nagets ko naman agad ang parusang sinasabi niya walang iba kundi ang halik niya.

“Mukha mo!" Sagot ko rito at lumabas na pero pinigilan ako nito at isinandal sa pader dito sa loob ng banyo.

Unti-unting lumapit ang mga mukha niya sa pagmumukha ko at eto na ulit mahahalikan niya ba ako ulit? Dapat umiwas ako pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Pumikit na lang ako at hinintay na halikan niya ako pero ilang saglit pa ay wala akong naramdaman kaya dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko naman ang malaking ngisi na nakapinta sa kaniyang mukha.

“Are you expecting me to kiss you?” nakangising tanong nito napahiya naman ako dahil doon

“Kiss? Hindi no” sagot ko at umiwas ako ng tingin sa kaniya, ano ba yan kasi Skyler ano bang ginagawa mo? Bakit may pagpikit ka pang nalalaman.

“Sabihin mo lang kung gusto mo Sky at malugod kitang hahalikan ng maraming beses” sabi niya na nagpapula sa mga mukha ko

“Hinanap mo ba ako para lang asarin?” wika ko

“Hahaha ang cute mo kasi kapag namumula” sabi nito na mas lalonv nagpapula sa akin

“Haha okay i will stop na, gusto ko lang sabihin sayo na maghanda ka at isasama kita papunta sa bayan” saad nito

“Anong gagawin natin sa bayan?” tanong ko

“Siyempre malapit na akong maging ganap na prinsipe kaya gusto kong makita kung ano ang kalagayan ng nasasakupan ko” Seryoso nitong sambit

“Masaya ako dahil magiging ganap na prinsipe ka na” masayang sagot ko rito

“Salamat Sky kaya sana ipangako mo na ako lang ang pagsisilbihan mo rito sa palasyo kahit na maging ganap na prinsipe na ako” sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko.

Kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso talaga siya sa winiwika niya pero hindi ko naman talaga siya iiwan at isa pa mahalaga siya sa akin.

“Oo naman Alex ikaw lang ang pagsisilbihan ko habang buhay" wika ko at nabigla naman ako sa pagyakap nito sa akin.

Iba ang nararamdaman ko sa mga yakap niya tila ba nagtatatalon ang puso ko sa labis na kasiyahan. Sana ay isang araw ay matutunan mong mahalin ang isang katulad ko prince Alex dahil ako ay matagal ko ng natutunan na mahalin ka.

Kumalas na kami sa yakap dahil baka maabutan pa kami ng kung sino rito at kung ano pa ang isipin, lumabas na kami ni Alex at naghanda na para sa pagpunta sa bayan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status