Share

CHAPTER 9

Skyler's Pov

Kinaumagahan pagkalabas ko ng aking silid ay nalaman kong umalis pala ang mahal n prinsipe pero bakit hindi ako nito sinama? Marahil ay mahalaga iyong pinuntahan niya at hindi na ako kailangang isama pa.

Wala naman akong naisip na gawin dahil ayaw naman ako patulungin ni prince Alex sa mga gawain rito sa palasyo dahil gusto niya siya lang ang pinagsisilbihan ko.

Pumasok na lamang ako sa silid ng prinsipe at tama nga ako magulo iyon pero mabuti na rin iyon para naman ay may magawa ako ngayong araw.

Sinimulan kong i-ayos ang higaan niya at inuna ko munang palitan ay ang bedsheets niya at pagkatapos nun ay pinalitan ko rin ang mga punda ng mga unan niya.

Pagkatanggal ko ng punda ng isang unan ay may nalaglag na maliit na litrato mula roon, pinulot ko iyon at nagulat naman ako ng makitang litrato naming dalawa iyon ni prince Alex noong mga bata pa kami.

Napaka cute ni prince Alex rito sa litrato na ito at di ko naman maiwasang mapangiti dahil doon. Itinabi ko na ang litrato sa lamesa niya at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng higaan niya.

Nang mai-ayos ko na ang kaniyang higaan ay di ko napigilang humiga muna roon at ang lambot at ang sarap nito sa pakiramdam. Alas-diyes na nang umaga at inaantok pa rin ako kaya di ko na napigilan pa ang sarili ko at nakatulog na ako.

ALEXANDER'S POV

Alas-dose na nang tanghali natapos ang pagpupulong namin rito sa palasyo hindi ko na sinama pa si Sky kasi nakita ko kanina na tulog pa siya kaya hindi na ako nag-abala pa na gisingin siya.

“Berto gusto ko ngayon din ay gawin mo ang inuutos ko tungkol roon sa kaganapan sa bayan” sabi ni ama kay kuya Berto bago ito lumabas ng silid.

Binanggit ko rin kasi sa pagpupulong na ito kung ano ang mga natuklasan ko kahapon sa paglilibot namin ni Sky at masaya ako dahil agarang kumilos si Ama.

Lumabas na rin ako ng silid na iyon at dumiretso sa kwarto ni Sky upang tingnan kung naroon siya. Binuksan ko ang pinto ngunit wala siya roon, saan na naman kaya nagpunta ang taong iyon? May kasama kaya siyang ibang tao? Bigla naman nag-iba ang pakiramdam ko kaya dali dali akong bumaba upang tanungin si manang.

“Manang nasaan ho si Sky?” tanong ko rito

“Ha? Hindi ba kayo ang laging magkasama?” balik na tanong ni manang sa akin.

“Opo pero wala ho siya sa silid niya” nag-aalalang wika ko rito

“Marahil ay kasama ng anak kong si Ash sa hardin” wika nito, hindi ko alam pero naiinis talaga ako kapag nalalamang may iba siyang kasama.

Agad kong tinungo ang hardin namin at naroon ay nakita ko si Ash na nakatalikod habang nagdidilig ng mga halaman at bulaklak.

“Nasaan si Sky?” may diin kong tanong na ikinalingon niya.

“Mahal na prinsipe kayo ho pa-” 

“Nasaan si Sky?” di natapos ang kaniyang sasabihin ng bigla akong magsalita

“Hindi ko pa siya nakikita mula kanina mahal na prinsipe” magalang na sagot nito sa akin, kinwelyuhan ko agad ito dahil hindi ako naniniwala sa kaniya

“Sigurado ka ba diyan?” may diin kong tanong rito

“O-opo mahal na prinsipe, sinubukan niyo na bang tingnan sa inyong silid?” napabitaw ako sa kaniya ng sinabi niya iyon.

Bakit hindi ko ba naisip iyon? Naglakad agad ako patungo sa silid ko at napahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Sky na mahimbingna natutulog sa kama ko.

Napansin kong inayos niya ang aking kama at marahil siguro sa pagod ay nakatulog na siya rito. Mabilis magbago ang aking emosyon pagdating kay Sky kaya hindi ko na naisip na narito siya sa silid ko at nadamay ko pa tuloy si Ash na wala namang ginagawa.

Lumapit ako kay Sky at umupo sa tabi nito, napatitig ako sa napaka-among mukha nito at nang mapukol ang tingin ko sa mga labi nito ay para bang gusto ko siyang halikan ulit.

Ang saya ko nung araw na nahalikan ko siya hindi ko alam pero napakahalaga ni Sky sa akin pero naguguluhan pa rin ako dahil ang pagkakaalam ko ay straight ako at sa babae dapat ako magkakagusto.

Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nito na napakalambot, tila ba naaadik ang mga kamay ko sa paghawak sa mukha niya.

Patawad Sky kung mahigpit ako sayo ngunit hindi lang talaga kaya ng puso't isip ko na makitang may kasamang ibang lalaki bukod sa akin, marahil ay magulo pa sa akin ang lahat ngayon pero ang alam ko lang ay ayaw kitang mawala sa tabi ko.

Muli akong napatingin sa mapupula nitong mga labi at hindi ko alam pero dahan dahang lumapit ang mukha ko papunta sa mukha niya, tama ba ito? hindi mapigil labi ko na sakupin muli ang mga labi niya.

Ilang saglit pa ay hinalikan ko na ng tuluyan ang natutulog na si Sky, bigla naman tumibok ng mabilis ang aking puso at ang sarap ng mga halik niya.

“Hmmmm” galing iyon kay Sky at tila ba magigising na siya kaya inalis ko na ang mga labi ko sa labi niya.

Nakita ko naman na nagising na siya at gulat na gulat ng makita ako sa harapan niya kaya dali dali itong umayos ng pagkakaupo.

“Ikaw pala Alex patawarin mo ako dahil hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa higaan mo” paghingi ng tawad nito.

“It's okay Sky, patawarin mo rin ako dahil nagambala ko ata ang pagtulog mo” ani ko

“Ah hindi naman , saan pala kayo nagpunta?” tanong niya sa akin

“Nagpulong lang kami at sinabi ko na rin kay ama ang tungkol doon sa bayan kaya inutusan niya na sa kuya Berto para umayos nun” paliwanag ko

“Wow magandang balita yan Alex” nakangiting sambit nito

Humiga ako sa kama ko dahil inaantok pa ako at mukhang napansin naman iyon ni Sky

“Matutulog ka ba ulit Alex? Iiwan ko muna ikaw saglit kung gusto mo” sabi nito sa akin

“No Sky at pwede ba na tabihan mo ako rito” sabi ko sabay turo sa tabi ko

“Ha? Hindi na po kayo na lang” pagtanggi nito

“Please Sky kahit ngayon lang” sabi ko habang naka pout.

“Ah-eh”

“Please Sky” pagmamakaawa ko rito

“Sige na nga Alex pero ngayon lang ha” sabi niya

“Oo, salamat!” masayang sagot ko.

Humiga naman siya sa tabi ko at di ko na napigilan at napayakap ako rito, hindi na naman niya ako pinigilan pa kaya labis labis akong natutuwa.

Ang sarap sa pakiramdam kapag kayakap ko siya at ramdam ko na ang saya saya ng puso ko ngayon, ilang saglit pa ay nakatulog na ako pero nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi. :)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status