Echoing the Laments (Filipino)
Echoing the Laments (Filipino)
Author: S. Austin
Prologue

PROLOGUE

Influence is the new power. If you are known by many, you have the influence to control their minds and make them as your disciples. Mainam sana kung lahat ay gagamitin ito para sa nakabubuti but there are too many nonsensical and monsterous clouts who are willing to trade their everything for I-don’t-know-things. Is it just for fame? Money? Power? I don’t know. And I can’t understand.

I applied the cherry bomb red lipstick around my lips as I look myself upon the mirror. May pa-ilan-ilang babae ang tumitingin na sa gawi ko, dahil siguro sa magulo kong gamit na nakakalat sa may sink sa harap ko dito sa loob ng CR but I’m too focused on my goal today to care for them.

I wore the black coat paired with my pencil cut skirt. Oh, I really look like an adult today. I said to myself. There’s no trace of the highschooler Coroline Pestano on my face because of the make-up transformation that I’ve created. It gave me a mature and different look, perfect for a woman who is seeking for a revenge.

Nililigpit ko ang mga gamit ko na basta ko nalang sinisiksik sa backpack kong dala nang biglang tumunog ang phone ko. Napatigil ako at kinapa ang bulsa ng coat ko ngunit wala iyon, doon ko lang din napagtanto na nasa loob pala ng backpack ang phone ko! I sighed in irritation.

“Kainis naman.” Walang habas na tinaktak ko ulit sa sink ang lahat ng laman ng bag ko. Nararamdaman ko nanaman ulit ang tingin sa akin ng ibang mga babae rito sa loob ngunit masyado akong lunod sa ginagawa ko para bigyan pa sila ng atensyon.

Nang makita ko ang phone ay agad ko itong kinuha at mas lalo lang akong nainis nang makita ang tumatawag.

“Ano?” Pabulong kong ani habang binabalik muli ang ibang mga gamit sa loob ng bag gamit ang isa kong kamay.

“Girl! Nasaan ka na ba? Nagagalit na si Ma’am pupunta na raw sa next eitenerary.” Pabulong din niyang sabi ngunit mararamdaman ang nababahalang ekspresyon. Bumuntong hininga ako. May field trip kami ngayon at sabi ko pupunta lang ako sa CR kanina pero hindi ko sinabi kung saan. Hindi nila alam na sa ibang lupalop na ng NCR ako nag-CR.

“Sabihin mo may emergency ako kailangan kong umalis.” Walang gana kong sabi.

“Loka! Nasaan ka ba talaga?” Pasigaw na niyang sabi.

“Basta hindi na ako makararating dyan.”

Natahimik saglit ang kabilang linya. “Basta emergency ‘yan ha?” Tila nag-aalangan ang boses niya.

“Oo, basta ako na mag-eexplain mamaya sa kanya. Sige. Bye!” Madali kong pinatay ang tawag at tiningnan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang matantong limang minuto nalang ay magsisimula na ang pinaka-aabangan ko ngayong araw.

Niligpit ko ang mga gamit at sinuot ang ID ng media na ako lang din ang gumawa. Ngayon ay mukha na talaga akong isang taga media. I bet they don’t know that I’m still a senior high school student.

Today is the conference of Chairman Thadeus Merced of MG Network, my target for this day.

Nakihalo ako sa mga grupo ng reporters at ibang journalist na hindi ko naman talaga mga kakilala hanggang sa makaupo kami sa pwestong nakalaan para sa kanila. Siguro ay papasa na akong bagong leading lady ng Mission: Impossible ngayon dahil sa pinaggagagawa ko. If I’m with my usual self, I already praised myself.

“You’re new?” Nagulat ako nang bigla akong kausapin ng katabi ko. Isa siyang babae na madalas kong makita sa TV. Si Ivy Ty ito! Pinigilan ko ang sarili na maglabas ng kakaibang ekspresyon pero and totoo ay namamangha na ako.

“A-ahm, yes po.” Hindi ko siya magawang tingnan nang diretso.

“Really? From what company are you?” Nakangiti siya sa akin at masasabi kong maganda talaga siya. Mukha ring mabait.

“Ah…” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Shit, paano kung mahalata ako? Nakatingin pa rin siya sa akin. I counted seconds before I opened my mouth to invent a company but in the middle of that moment, I was saved by the sudden flashes of camera and there in front, I saw the center of this conference.

Nawala ang atensyon ko sa kausap at doon nabaling ng tingin. My lips parted as I saw the scene.

I felt my hands trembling. Can I really do it?

“You can do it, okay?” Napaigtad ako nang may humawak sa mga nanginginig kong kamay at nakita ko si Ms. Ivy iyon na diretsong nakatingin sa aking mga mata. “Ganyan din ako nung first time ko.”

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti siya bago muling binaling ang tingin sa harap. Kung alam lang nila ang gagawin ko ngayon…

Tahimik lang akong nakaupo at naghihintay ng tamang oras. Siguro nga ay mali ang desisyon kong ito ngayon pero wala na itong atrasan. Sumugal na ako at kailangan ko nang ituloy. I will run out of time.

Pumikit ako nang mariin. Kinuha ko ang mic at tumayo kahit na batid kong may iba pang sinasagot na tanong si Chairman Merced.

“Ten years ago a reporter named Sonny Fuentes from MG Network went missing after a doing a broadcast about the controversy of former congressman Merced who is now the chairman of the same station. The victim was never found since then but the case was listed as closed.” Nagkagulo ang mga tao. Lahat ng camera ay nakatutok na sa akin bigla.

One has to take a brave step to uncover the truth.

I am just looking at my prey who’s now looking at me like he saw the grim reaper. What? Hindi mo inaasahang may maglalabas ng baho mo? I smirked. Hindi pa nga ako nagsisimula.

“On the same year, a journalist, who is the wife of the victim digs the case but also went missing after---” Nabitawan ko ang mic nang bigla akong hablutin ng mga guard. Nagpumiglas ako pero masyado silang malakas. I should have expected this.

Ang mga mata ko ay napupuno ng poot. To turn down that man is the only thing on my mind right now. Nang dahil sa kanya, napakaraming nawala sa akin. Nang dahil sa kanya, nagkagulo-gulo ang buhay ko at alam kong marami kami.

Sa kabilang banda nakita ko Chairman Merced na nagwawalk out na palabas at napalilibutan ng kanyang mga bodyguard. The nerve of that man! Gano’n nalang ba ‘yon? Hindi man lang ba siya naapektuhan?

I suddenly cursed the society for having such kind of system like this.

“I’ll watch your downfall, Thadeus Merced!” Huli kong sigaw bago ako nakaladkad palabas sa conference hall. May ilang media na humabol sa akin at ang iba ay kay Thadeus Merced.

Dinala ako sa isang maliit na opisina dito sa building. Mag-isa ko lang sa loob ngunit alam kong may nakabantay sa akin sa labas. Kanina ay narinig ko na may paparating daw na pulis. Ikukulong ba nila ako? But I’m still a minor! Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis, hindi nga pala ako mukhang bata ngayon. Kung ano ba kasing pumasok sa isip ko at ngayon ito ginawa. Kainis palpak din naman pala!

Sa gitna ng pagsabunot sa sarili ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. I froze. He doesn’t look like a bodyguard to me. He has different shade of suit at mukhang mas mamahalin iyon kumapara sa mga suot ng mga guard dito. Bukod doon ay nakasuot din siya ng shades at sumbrero na wala ang mga bantay.

“Sino ka?” Wala na sa sarili kong tanong.

He smirked and removed the accessories on his head. He seems young and just about a few years older than me. I was mesmerized by his expressive eyes and features but I reminded myself to stay focused and alert.

“Let’s exchange clothes.” Nagmamadali ngunit malamig ang kanyang boses.

Nangunot ang noo ko. “What?”

He started to remove his coat. “Hubarin mo ang damit mo at magpalit tayo. Trust me, this will save you.”

If he did not said those words, I would think of him as a pervert.

Ilang segundo ang lumipas ay nakatingin lang ako sa kanya na ngayon ay tinatanggal na ang kanyang polo. My eyes flew towards his slightly opened chest part. “Gusto mo bang makaalis dito o tutunganga ka nalang dyan?”

Doon ay natauhan ako at naintindihan ang gusto niyang mangyari. “Pwede bang tumalikod ka muna?”

Sumghal siya na tila ‘di makapaniwala sa narinig pero tumalikod din. “’Wag kang titingin ha? ‘Di rin ako titingin.”

Narinig ako ang bahagya niyang pagtawa. “Dalian mo nalang dyan. I won’t look.”

Inalis ko ang suot ko at iniwan ang spaghetti strap ko at cycling shorts. Inabot ko ang mga damit niyang nasa gilid at ganoon din ang ginawa niya.

“Sino ka ba? Anong pangalan mo? Bakit mo ako tinutulungan?” Tanong ko habang madaling sinusuot ang polo niya. Malaki iyon sa akin.

Hindi ako nakarinig ng sagot hanggang sa matapos akong magbihis. Pinusod ko rin ang buhok ko at pinailalim sa kanyang sumbrero. Tinanggal ko na rin ang aking lipstick at ibang make-up, baka kasi may makahalata.

“Are you done?” Rinig kong tanong niya.

“Oo.” Kasabay ng sagot ko ay ang pagharap niya sa akin at ganoon din ang ginawa ko.

Pinasadahan namin ng tingin ang isa’t isa. Pinigilan kong matawa nang makita siya na suot ang damit ko. Batak na batak iyon sa katawan niya at halos mapunit na. Ang zipper ng pencil cut skirt ko ay hindi na umabot sa dulo nito, maging ang blouse ko na isang butones nalang ang nakakabit.  “’Wag mo akong tawanan.” Ang malamig niyang tugon at tingin ay nakapagpaseryoso sa akin. (property of s.a. nicolas)

“S-sorry.”

Wala akong narinig na tugon pero naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hindi ako umatras at nanatili lang ang tingin sa kanya. He has those beautiful eyes with long lashes and thick eyebrows. Matangos din ang ilong niya at natural na mapula ang labi. Sa tagal ng pag-obserba ko sa kanya ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala siya nang husto, ang shades niya ay naisuot na rin niya sa aking mga mata.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at lumebel sa akin. Kahit na may salaming nakaharang ay tila direkta pa ring nakatingin ang mata niya sa akin. “Pagkalabas mo, nakaabang sa’yo ang bodyguard ko. Sundan mo lang siya at ‘wag mong titingnan o papansinin ang kahit sino. Maliwanag?”

“Bakit mo ako tinutulungan?” Muli kong tanong sa halip.

Dinilaan niya ang pang-ibabang labi at ngumisi. “Just because we have the same goal.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status