Share

Chapter Eight

CHAPTER EIGHT

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien.

Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin.

"We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila.

"I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it.

"Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko.

Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly participants and coaches from the contests having lunch.

Mamayang 3 PM pa naman ang announcement ng mga nanalo and it's just 12 NN kaya may time pa kami para makapaglakwatsya saglit o magpahinga.

Naupo ako sa isang bakanteng table habang si Damien ay nag-oorder ng makakain. May grilling pan sa gitna ng table na siyang paglulutuan ng aming kakainin.

Naupo sa tabi ko si Damien kasunod ang mga inorder niya.

"Ang dami naman niyan." Sabi ko nalang nang makita iyon.

"Kaya ko yang ubusin." Sabi naman ni Damien bago nagpasalamat sa waiter na nagserve.

Sinimulan niyang iset-up ang table habang ako naman ay nanonood lang. I suddenly felt famished after smelling the grilled pork slices he's cooking. I got one using the chopsticks then wrapped it with lettuce.

"Nagutom ka ba ng contest?" Natatawang sabi niya nang mapansing naging sunod-sunod na ang pagkain ko.

Tumango lamang ako dahil puno pa ang aking bibig. Naisip ko tuloy, ang galante maging kaibigan o ninong ni Damien dahil palaging may pa-libre ng pagkain. Hindi ka magugutom kapag siya ang kasama mo.

After we filled our tummies, we walked around the area, smelling the breeze of Baguio. Mabuti nalang at hindi pa masyadong malamig dito ngayon.

"Babalik na ba tayo?" Tanong ko nang mapansing ang daan namin ay pabalik na sa rutang tinahak namin kanina.

"Ayaw mo pa ba?" Tanong pabalik ni Damien na ngayon ay katabi kong maglakad habang nakapamulsa ang magkabilang kamay.

Tiningnan ko ang oras sa aking phone na nasa loob ng bulsa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang malapit nang mag alas dos ng hapon. Ganon ba kami katagal kumain? Nilingon ko si Damien. "Malapit na pala mag-alas dos, hindi pa ba tayo hinahanap nila ma'am?"

"Nagpaalam naman ako. Sabi ko babalik tayo before ang awarding."

"Balik na tayo." I commanded.

Pabiro pa siyang sumaludo sa akin habang naglalakad. "Roger ma'am!"

We arrived at the same spot we have earlier for breakfast. Nandon na silang lahat at nag-aantay. Ang dalawang estudyante ay busy sa paglalaro ng online games sa kanilang mga cellphone habang ang mga teacher naman ay nagkekwentuhan.

"Nandito na pala kayo ate. Kumusta date?" Pambungad ni Klaus nang mapansin kami ngunit ang kanyang mga mata ay agad ding bumalik sa screen ng phone.

"Hindi 'yon date." Naupo ako sa tabi nila. Kaya ngayon ay napapagitnaan na namin ni Reiniel si Klaus na nasa gitna ng bench na inuupuan namin.

"Ows?" Tanong naman ni Reiniel, ang mga mata ay nakatutok din sa screen. "Ay pota, lose streak!"

"Bobo ng kakampi. Tangina sayang!"

Napaatras ako sa biglaan nilang pagsigaw nang matalo sa nilalaro. My attention shifted when I heard the teachers' laugh together with Damien. Nasa katapat na bench namin sila. Ang tatlong teacher ay nakaupo habang si Damien ay nakatayo sa may gilid nila.

May ilang dumadaang tao sa gitna namin at nang may makita akong isang pamilyar na mukha ay kinawayan ko ito. Sakto namang tumingin ito sa gawi ko kaya napansin niya ako.

"Hey," bati ni August nang huminto sa harap ko. Tumayo ako dahil mangangawit ang leeg ko kakatingala sa kanya kung hindi. "Napanood ko ang speech mo. You're good."

Sa gilid niya ay may kasama siyang isang lalaki at isang babae na parang kasing edad lang niya. Wala sa amin ang atensyon nila at parang may pinag-uusapang ibang bagay.

"Ah syempre sure ako na magaling ka rin."

He just gave me a small smile. "Sige, una na kami."

"Sure. See you around."

Bumaling siya sa mga kasama bago muling nagpaalam sa akin at umalis. Tinanaw ko sila na naglakad palayo mula sa aming pwesto.

"Yie sino 'yon ate?" Tinawid ni Reiniel ang pwesto ni Klaus para makalapit sa akin. "Bagong manliligaw?"

"Tabi nga!" Itinulak ni Klaus ang mukha ni Reiniel. "Basta ako may manok na." Wika niya bago humallukipkip.

"At ayan na nga ang manok natin." Reiniel muttered while looking infront.

Tinanaw ko ang tinitingnan niya nakita ko si Damien na papalapit sa amin. His lips were pressed tightly together while looking at me with contemplative eyes.

"What?" Bungad ko sa kanya.

"Sino 'yon?" Tanong niya habang nakatingin sa dinaanan nila August.

Tumingin din ako ron. "Ah yun ba? Si August yun, kasama kong participant sa impromptu speech kanina."

"Ah."

"Kilala ka non, 'di mo kialala?"

He just blinked. "Nope. Marami namang nakakakilala sa akin na 'di ko kilala." He said bago bumalik sa pwesto niya kanina with teachers.

"Jelly ata si master, pre." Sabi ni Reiniel kay Klaus habang nakaakbay dito.

I just looked directly at Damien's place with confusion.

Quarter to three when we were asked to move to the gymnasium at the center of the camp for the awarding. Naupo kami sa may mga bleacher dahil doon nalang ang maraming bakanteng upuan na sapat para sa amin.

Magkakatabi kaming tatlong estudyante habang nasa likod naman namin ang tatlong teachers at si Damien.

Nagsimula ang awarding. Nagkikwentuhan lang kaming tatlo habang hindi pa namin category dahil wala rin naman kaming kilala sa iba.

"Gusto mo?" Inalok ako ni Klaus ng binuksan niyang chips. Kumuha naman ako ng ilang piraso.

"Ang tagal naman ng category natin." Reiniel complained while munching chips from Klaus.

"'Di ka pa nga sure kung may place ka." Pambabara ni Klaus.

Dumaan pa ang ilang minuto hanggang sa tawagin na ang mga nanalo sa essay writing kung saan kabilang si Klaus. He hailed as the 3rd place.

"Pahawak muna." Inabot niya sa akin ang isang bag ng chips bago bumaba ng bleachers na puno ng chips ang bibig kasama si ma'am Jojie at Damien na taga picture dahil siya ang may hawak ng dala niyang DSLR.

Umakyat sila sa stage, habang nirereceive ni Klaus ang medal at certificate niya ay siya namang picture ni Damien.

"Congrats!" Bati ko nang makabalik siya.

Sunod na tinawag ang category ni Reiniel. He took the fourth spot! Kinabahan na ako, mukhang ako pa yata na pinaka matanda ang mawawalan ng place.

Same as Klaus, ma'am Fay went together Reiniel to the stage while Damien will be the one to take pictures.

Huling tinawag ang mga nanalo sa Impromptu speech. My hands are cold, almost trembling. Mananalo ba ako o matatalo?

Hanggang sa natawag na hanggang third place ay wala pa rin ako. Unti-unti nang nawawala ang kumpyansa kong mananalo ako.

"For the second place... August Clyde Dela Riva of Heinz International School." Nang tawagin ang pangalan ni August para sa second place ay nawala na talaga ang pag-asa ko. Sa tingin ko ay mukhang mas magaling talaga sa akin kaya ano pa kaya yung first placer na natalo siya?

"For the first place and the champion of this year's Impromptu Speech..." nang banggitin iyon ay para na akong isang nalantang halaman. I slouched my back and looked down. I failed this---

"Coraline Marie Pestano of Don Hermanno Thomas Science and Technology High School!"

Nagpintig ang tenga ko sa narinig kasabay ng mga taong umaalog sa akin para kumpirmahin ang narinig ko.

"Ate Coral, nanalo ka!"

Tinulak nila ako pababa ng bleachers para umakyat sa stage. Wala ako sa sariling naglakad papunta roon. Nakita kong nakaabang na sa may gilid ng stage si Damien na nakatingin sa akin at may malaking ngiti sa labi. Naglahad siya ng kamay na agad ko rin namang tinanggap.

"Congratulations, Coraline. You did it." I gave him my most heartwarming smile.

Pag-akyat namin ay ibinigay ang certificate at isang malaking gold medal na tanda ng pagkapanalo ko. Tumabi kami kila August para sa photo off.

"Congrats. I told you, you're good." Sabi ni August na ngayon ay katabi ko na.

"Thank you! Congrats din." I replied.

Nagulat naman ako nang biglang pumagitna sa amin si Damien na kanina ay nasa likod ko lang. "You should look at the camera." He stiffly said.

Pagtingin ko sa harap ay marami na ang photographer doon, kabilang na si sir Ricardo na siyang pumalit kay Damien sa pagkuha ng litrato. I smiled as I raised my certificate and medal. So this is the feeling of winning a national contest. It feels surreal.

Pagbaba namin ng stage ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap si Damien saka humikbi.

"Thank you." I muttered as I pressed my head to his chest.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik at bumulong sa akin. "You did well."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status