Share

Chapter Nine

CHAPTER NINE

Pagpasok ko pa lang sa room ay binati na ako ng mga kaklase ko dahil sa pagkapanalo ko sa nationals. The pictures were posted on our school’s page kaya naman ay paniguradong marami ang nakakita. I even saw Raya posting on twitter an edited image poster that was used in funeral with the word “Congratulations for Winning Nationals”” and my face.

“Congrats!”

“Paturo naman mag-speech, master.”

Inulan ako ng bati hanggang sa  makaupo ako sa aking upuan. Agad namang tumabi sa akin sina Jen at Raya na sa tingin ko ay makikichismis nanaman. I rolled my eyes.

“Kumusta Baguio? May nakilala ka bang fafi?”

“Wala, Jen.”

“Tss, eh kayo ni Damien?”

“Anong meron sa amin?”

“Ano nga ba?” Tanong naman ni Raya habang nakapalumbaba sa table ng kanyang inuupuan. “Sabihin mo sa amin, hindi kasi namin alam kung ano kayo.”

Agad ko namang nakuha ang nais nilang iparating at napasinghap. “Tigilan niyo ako ha. Friends lang kami, kuha?”

“Hindi kami naniniwala.” Jen said in the weirdest tone I’ve ever heard.

Hindi na ako sumagot at ibinaling nalang ang atensyon sa aking cellphone kahit wala naman akong gagawin doon. Why is everyone shipping me with him? Can’t we be friends without any malice?

I was saved when our teacher for Trends arrived. Nagkagulo ang mga kaklase kong hindi naka-upo sa tamang upuan, kabilang na ang dalawa kong kaibigan.

After I won the national competition, nagcelebrate kami sa bahay kahit na late na ako dumating ay inantay pa rin nila ako. I remember going home that night tired but when I saw my whole family waiting for me, parang biglang nawala. Parang may handaan sa amin kahit gabi na.

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa teacher namin na nagdidiscuss ng bagong lesson hanggang sa matapos ito. The topic was short so I looked at my watch, we still have 15 minutes left for this subject.

"For our remaining time, I will discuss your performance task for this quarter. This will be conjoined with DIASS, so you better take this seriously."

She played a video at the TV monitor, it is a documentation about senior citizens inside the jail.

Wait-- our project is about documenting?

She cut the video at the middle. The whole class was attentive to what miss Angelu will say. "Yes, your projects is you will create your own documentation." The class went wild after hearing it.

"Shh, quiet." Natahimik naman ito matapos bawalin ni ma'am. "Hahatiin ko kayo sa mga grupo na mayroong dalawang myembro. The members will be distributed fairly, lalo na yung mga may camera and skills sa editing, so don't worry."

The bell rang exactly after the announcement, hudyat para sa next subject namin. Habang naghihintay sa next subject ay nag-usap ang mga kaklase ko about their knowledge and what will possibly happen to our project.

"Nakapag-docu ka na ba dati?" Tanong sa akin ng katabi ko.

Umiling ako. "Hindi pa nga e."

"Hala, pa'no kaya yun ano?"

I shrugged. "Siguro parang interview lang din siya sa subject niyo pero may istorya." I said what I've observed to the documentations na napanood ko. "Pero baka idiscuss pa naman 'yon ni ma'am."

The next day came, the groups and the guidelines for creating documentation was announced by ma'am Angelu.

Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing matino naman ang napunta sa aking kapartner. It was Andrew, he's one of the good editors inside our class.

I went to his place after the announcement was made. Nas kabilang dulo siya ng classroom at ako na ang nag-decide na lumapit dahil mukhang mahiyain talaga si Andrew. Andrew's a tall boy but thin. Mapayat na matangkad sabi nga nila. His face was small at maamo.

"Hi." I greeted.

"Upo ka." Andrew motioned the vacant seat beside him na nabakante nang magsipuntahan sa mga kanya-kanyang grupo.

"May naiisip ba kayong topic?" Panimula ko.

"Wala eh." Sagot ni Andrew na napakamot sa kanyang batok. "Basta ako na bahala sa editing and pagshshoot. Pero first time ko palang din gumawa ng documentation kaya 'wag ka masyado mag-expect."

Sumang-ayon naman ako sa kanya.

"Pero ikaw baka may naiisip ka Coral. Hindi kasi ako magaling sa ganyan, sorry."Andrew said.

"Uy ayos lang. Ano ka ba? Nag-iisip palang din ako at may tiwala naman ako sa skills mo." Saglit na dumaan ang katahimikan sa amin. "Saang issue mo ba gustong magfocus?" I started.

"What if sa mga common issues sa kalye? Yun sa parang mas maraming makakarelate pero marami ring mabubuksan ang mata."

"Hmm..." Napaisip ako. Ano ba ang mga pwedeng pasok sa sinabi niya. A light bulb passed through my mind when I remebered Junjun on the streets.

"What if yung sa child labor sa streets? Parang may mga kilala akong ganon." I suggested.

"Maganda rin." He agreed.

We both decided that I will check first our possible subject but we talked what we will be doing just in case. I also texted Damien to consult about our possible topic and sequence during lunch.

Me:

San ka?

Inabot ng limang minuto bago siya nagreply.

Coach Damien:

ADMU. Why?

Me:

Busy ka?

Coach Damien:

Not really. Why?

Me:

Can I meet you after class?

Coach Damien:

Sure. I'll be there before 4 PM.

Ibinulsa ko ang phone ko at ipagpapatuloy na sana ang pagkain nang makita ko ang dalawa kong kasama na nakamasid sa akin.

"What?"

"Sana ol nakangiti sa textmate." Sabi ni Raya tapos ay humigop sa kanyang milktea.

Si Jen naman ay hindi nagsalita pero may mapanuring tingin. Nakangiti ba talaga ako kanina habang nagtetext? Hindi ko napansin.

I just frowned at them then continued to eat.

Five minutes before the dismissal, I received a text from Damien, saying he's already outside. Pero ang oras ay tila bumagal ata simula nang matanggap ko 'yon. I was counting down inside my head dahil puro announcements nalang naman ang maririnig sa speaker.

Nang i-dismiss kami ay nagpaalam ako kay Raya.

"Rays, 'di muna ako sasabay. May pupuntahan pa kasi ako." Paalam ko habang sinusukbit ang strap ng bag sa magkabilang balikat habang siya naman ay nag-aayos pa ng nga gamit.

"Ayos lang. Sa iba muna ako sasabay. Ingat ka."

"Ingat ka rin!" Sabi ko bago lumabas ng classroom. Nakisabay ako sa mga laging atat na maka-labas na mga estudyante. Usually kasi ay inaantay ko pa ang iba naming kasabay para sabay umuwi kaya medyo natatagalan.

Nang malapit na ako sa parking lot ay naaninag ko na ang puting kotse niya at siya na nasa labas nito habang nakayuko sa kanyang cellphone.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya huminto ako upang tingnan iyon.

Coach Damien:

Still in class?

Tiningnan ko siya muli nang mabasa ang text. Tila nag-aantay siya ng reply mula roon.

Me:

At your right

Nang mareceive 'yon ay agad siyang lumingon sa kanyang kanan ngunit wala ako roon, baliktad pala ang nasabi ko. Nasa may left side pala ako! Napatampal ako sa akin noo.

Me:

Sa left pala hehe

Lumingon ulit siya sa phone at pagkatapos ay sa gawi ko na. Nang makita na niya ako ay tinext ko ulit siya.

Me:

Pasok ka na sa loob ng kotse

Susunod ako

Dali

Coach Damien:

Bakit?

Me:

Ma-iissue nanaman tayo sige ka

Ang dami pa namang mga chismosa dito sa school. Hindi pa nga humuhupa yung chismis na boyfriend ko raw siya dahil ang daming nakakakita sa amin na sabay kumakain kahit sa labas for the past two weeks of training. Mas lalo na siguro ngayon na tapos na ang training kaya wala na akong ibang maidadahilan.

Coach Damien:

I don't mind

Me:

Dali na kasiiii

Bumuntong hininga siya at pumasok sa loob ng sasakyan. Ako naman ay nagbilang ng ilang segundo bago pumasok sa passenger's seat.

"Hi." Bati ko pagkapasok.

"Hello. So, why do you want us to meet? Na-miss mo ako, 'no?" He wiggled his eyebrows upside down.

Pabiro ko siyang hinampas sa may braso. "Sira. I just want to consult something kasi I know na you're professional sa field na 'to."

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Tungkol saan ba?"

"Alis muna tayo rito. Punta tayong coffee shop." Paglilihis ko. Kahit na makikita sa mukha niya ang pagkakyuryoso ay pinaandar pa rin niya ang sasakyan. We were just quiet inside the car until we arrived in a café.

"May gagawin kasi kaming performance task sa Trends and DIASS," Paninimula ko nang maka-order kami ng inumin. "Gagawa kami ng documentation..." I told him our plan, including our possible topic including Junjun.

"Junjun? Child labor?" Tumango ako.

"I see. Dalawa lang kayong gagawa?" Tumango muli ako. "What's the name of the guy?"

"'Di mo rin kilala." Tss, siya pa ba? Eh siya si mister maraming-nakakikilala-sa-akin-na-di-ko-kilala.

"Kahit na."

I fought the urge to roll my eyes at him. "Andrew Joson."

"Ah."

"Kilala mo?" I crossed my arms while one eyebrow on fleek.

"Hindi." Napairap ako. "About your topic, pwedeng i-focus niyo ang story kay Junjun then you'll join him at whatever he'll do while interviewing him."

"Okay..." I noted what he did said.

"I'll just get my laptop, may ipapakita ako sa'yo." He jogged his way to his car. Nakita ko siya sa may bintana ng coffee shop na may kinuha sa may backseat at pagbalik niya ay bitbit na niya ang kanyang laptop. Tumabi siya sa akin para sabay naming makita ang screen ng laptop niya.

Binuksan niya iyon at nagpunta sa YouTube para mag-search. Ni-play niya ang isang documentation tungkol din sa mga bata.

"Isa 'to sa mga pinaka-gusto kong documentation sa MGN." He said while looking at the screen. "Pwede rin itong ma-connect sa child labor."

I was attentive while listening to his explanations. Pinapakita niya ang naging flow ng documentation na pinapanood sa akin. "Documentation is also like writing stories kaya dapat may kwento rin ito at mahalaga ang flow. You can also use different sequences, kung gusto mo munang mauna mag-flashback tapos present then future, okay lang. Pwede rin namang mauna ang future tapos babalik ka sa present na nangyayari sa kanila."

Tumango-tango ako habang nakikinig sa kanya. Sumunod naman niyang i-play ang isang video na galing sa isang flash drive.

"Ito naman ay documentation na ginawa namin nitong nakaraang buwan lang." Pinapanood niya sa akin ang isang video na ang subject ay mga matatandang nangunguha pa rin ng mga inaanod na troso sa may ilog.

"Kayo talaga ang gumawa nito?" Tanong ko kahit na nakita ko na si Damien sa video. Hindi lang ako makapaniwala dahil talagang nagpunta sila sa ganitong lugar para lang ma-shoot ang mga nangyayari.

"Uh-huh."

"Hindi ba delikado?" Lumingon ako sa kanya.

"May pagkakataon talagang delikado pero kailangan mong pumunta. So far, sa docu na 'yan hindi naman ganon kadelikado, para lang kaming nag-hiking pero iba ang pakay namin." I nodded.

"Coraline, you need to see their world to make a good feature. Paano ka makakapaglabas ng magandang scope kung hindi mo alam ang actual na nangyayari?" I looked again at him. I could see passion on his eyes. This is really where he belong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status