Share

Chapter Ten

CHAPTER TEN

That talk with Damien marked on my mind. I should go explore their world to make a good scope and story. I need to be one with them.

Kaya naman ay ni-chat ko si Andrew sa messenger tungkol sa sinabi ni Damien. Inaya ko siya na puntahan sila Junjun bukas after class, and he agreed luckily. Iyon ang dahilan kung bakit good mood ako pagpasok kinabukasan because I was so excited!

"Coral, saan nga pala yung sinasabi mo kahapon?" Sabi ni Andrew nang mamataan ako.

"Sa may public market sila laging nag-i-stay kaya siguro doon tayo mamaya." Paliwanag ko.

"Okay..." Nang umalis si Andrew ay binalik ko na ang atensyon ko kay Raya at Jen.

"Ano yun mag-sh-shoot na kayo mamaya?" Tanong ni Raya.

"Hindi pa naman. Ichecheck palang namin kung pwede."

"Nice. Sana all. Kami ni Czarina wala pa eh." Jen laughed.

"Kayo ba namang parehong sabog ang nagsama." Napailing si Raya at ako sa naisip.

"Pero matalino naman si Czarina." Pahabol ko.

"Oo nga, tapos ako pabigat lang. Swerte ko talaga." Nagkatinginan kami ni Raya at nakangiting napailing muli. We both know na hindi pabigat si Jen, in fact noon ngang Grade 11 ay siya ang naitanghal na pinakamagandang vlog project sa buong HUMSS.

She is indeed talented but she doesn’t believe in herself.

Gumawa nalang ako ng letter of consent na ibibigay namin mamaya para kila Junjun para imbitahan silang mapabilang sa gagawin naming documentary. Habang sinusulat ko iyon ay napaisip ako. Sino kaya ang guardian nila, bakit sila pinagtatrabaho? Pero baka may sakit kung sinuman ‘yon o kaya ay talagang kapos. I shrugged. Gumawa ako ng parehong tagalog at english just in case, then we’ll photocopy these later.

Nang mag-uwian ay naghanda na kami ni Andrew para sa aming pupuntahan. Sabay kaming naglakad papuntang sakayan ng jeep na ang ruta ay papunta ng public market, sana lang ay nandoon sila Junjun ngayon. Karamihan ng sakay ng jeep ngayon ay mga pauwing estudyante mula sa aming paaralan.

“Ako na.” Nang akmang magbibigay na ako ng pasahe ay biglang ibinaba ni andrew ang kamay ko kaya napaawang ang labi kong nakatingin sa kanya.

“Dalawang palengke po.” Naiabot niya ang bayad sa isang babae na mas malapit sa driver.

Inabot ng halos sampung minuto ang biyahe bago kami pumara. Tulad ng nakaraan ay hindi na masyadong marami ang tao sa palengke dahil hapon na.

“Saan tayo?” Tanong ni Andrew habang nakahawak sa magkabilang strap ng kanyang bag.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid but I saw no traces of Junjun or his fellow.

“Try natin doon,” Tinuro ko sa may banda na medyo malapit sa isang fastfood chain. “Doon namin siya nakita dati.”

Tumango naman siya kaya tinungo na namin iyon ngunit wala pa rin talaga akong makitang mukha ni Junjun. Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko na hawak ko kaya nalipat saglit doon ang atensyon ko.

Coach Damien:

Where are you?

Napataas naman ang kilay ko sa nabasang text niya. Bakit niya tinatanong kug nasaan ako?

Me:

On the way to Junjun’s place

Maikli kong sagot bago ibinaba ang cellphone ko. Inikot pa namin ang parteng ito ng palengke habang nakasunod sa akin si Andrew.

“Ate Coral!” Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na pamilyar na boses. I looked at my back and there I saw Junjun running towards me. Huminto siya sa harap ko habang nakatingala siya sa akin.

“Siya na ba ‘yon?” Rinig ko namang bulong ni Andrew kaya tumango ako.

Pinagmasdan ko ang itsura ni Junjun ngayon. Nakasuot pa siya ng kanyang uniform pang-eskwela na puro dungis na. Sa isang kamay niya ay may hawak siyang isang timba na may maliliit na alimango at hipon.

"Hello, nagtitinda ka ulit?" Sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa mukha niya at sa dala niyang timba.

"Opo." He said smiling. How could he still smile? Gano'n ba talaga 'pag bata, high hopes and positive kahit mahirap?

"Bakit po pala hindi si kuya Damien ang kasama niyo?" Lingon niya sa kasama kong si Andrew na tahimik sa may gilid ko.

"Ah, ito si kuya Andrew, kaklase ko siya tapos kapartner din sa project namin." Nakatingin lang siya sa akin na tila nag-aabang pa ng idadagdag ko. "A--ah si kuya Damien ano... hindi kasi namin siya kaklase, mas matanda siya sa amin kaya hindi namin kasama."

Tahimik namang tumango si Junjun pero mukhang disappointed na hindi makita ang hinahanap.

"Pwede ka ba ulit naming tanungin? Yung parang ginawa lang ni kuya Damien pero ivi-video namin yung mga pang-araw-araw mong ginagawa. Sasamahan ka namin, parang gano'n. Okay lang ba?"

Natuwa ako nang tumango si Junjun pero kailangan pa rin namin ng formal consent. “Thank you! Pero kailangan pa rin naming magpapirma sa magulang o nag-aalaga sa inyo para makapag-video kami. Ayos lang ba kung sasamahan mo kami sa kanya?”

“Bakit po? Akala ko po ba ako?” Narinig ko ang pagtikhim ni Andrew sa gilid nang marinig ang naging sagot ni Junjun.

Lumebel ako sa kanya at hinawakan ko sa may bandang balikat niya na hindi naman niya alintana. “Kasi bata ka pa kaya kailangan pa rin ng permiso galing sa guardian mo kung papayagan kami at ikaw.”

Matagal siyang tumingin sa akin bago tumangong muli. “Sige po… nasa bahay po siya. Pauwi na rin po ako, sunod nalang po kayo sa akin.”

Tumayo ako at bumaling kay Andrew, “Tara.” Yaya ko sa kanya upang sumunod kay Junjun na naglakad papasok sa may loob ng palengke.

“Merong shortcut dito eh.” Narinig kong sabi ni Junjun.

Medyo marami pa rin ang namimili sa loob ng public market, kami ay diretso lamang sa paglalakad hanggang sa marating namin ang pinakadulong parte nito. Nasusundan ito ng isang malawak na lupa ngunit may ilang mga nakaparadang tricyle at meron ding mga batang naglalaro at tumatakbo rito. Sa kabilang bahagi ay naroon ang mga dikit-dikit na bahay, parang squater ang dating no’n sa akin.

“May ganito pala rito.” Andrew said. Me too, I didn’t know na may ganito pala sa likod ng palengke. Ngayon lang ako talaga napunta rito.

Naglakad kami papunta roon sa mga kabahayan, dumadaan sa gitna ng bakanteng lupa kung saan may mga batang naglalaro.

“Uy Junjun, wala ka pa ring malay!” May umakbay na bata sa kanya na isa sa mga nakita kong naglalaro kanina. Medyo mas matanda ito sa kanya. “Sali ka?”

“Mamaya, bago ako magbenta sama ko sila Bonak.” Sagot naman ni Junjun.

“Sige!” Tumakbo papalayo ‘yong bata. NIlingon ko si Junjun, at a young age he knows well his duties. Nagpaulit-ulit tuloy sa isip ko yung sinabi niya na magbebenta pa siya mamaya after niya makipaglaro.

Pumasok kami sa loob ng isang eskinita.

“Sobrang dikit-dikit ng mga bahay dito.” Mahina kong bulong kay Andrew na sinang-ayunan naman niya.

Biglang pumasok si Junjun sa loob ng isang kahoy na pinto habang kami ni Andrew ay nahinto sa may gilid nito. Nakasilip kami sa loob, nakita namin ang isang babeng prenteng nakaupo sa pahabang upuan habang nanonood ng TV. Sa tantya ko sa kanya, siguro ay nasa bandang early thirties palang siya kung hindi ako nagkakamali. Ito ba ang nanay niya?

“Oh buti naman nandito ka na, alam mo bang--” the lady stopped talking when she saw us behind Junjun.

“Sino naman ‘yang mga dinala mo rito?” Masungit niyang tanong habang sinusuri kami ng tingin.

“May ipapalam daw po sila sa inyo.” Inosenteng sagot ni Junjun matapos ay inilapag ang bitbit na timba sa tabi ng mga lalagyan nila ng pinggan.

Iyon na ang naging hudyat namin upang magsalita pero itong kasama ko ay basta nalang akong tinulak papasok kaya wala akong ibang naging choice kung hindi pangunahan na ang pagsasalita.

“Magandang hapon po. Ako po si Coraline Pestano tapos ito po si Andrew Gomez, galing po kami ng Don Hermanno Thomas Science and Technology High School. Balak po sana naming I-feature si Junjun sa gagawin naming documentary.”

“Don Hermanno?” Tumango kami.

"Opo."

"'Di mayaman kayo?" I was overwhelmed by her question. Napanganga ako, nagkatinginan kami ni Andrew na halatang nabigla rin sa tanong.

"Hindi naman po sa gano'n..." Si Andrew na ang sumagot.

"Ah, ito nga po pala yung letter na papapirmahan namin para po ipapaalam si sila Junjun." Inabot ko sa kanya ang dalawang letter of consent na kinuha ko galing sa loob ng bag ko.

Inabot niya iyon at binasa. Nakita kong nakatingin lang sa amin si Junjun habang hinuhugasan ang mga alimango at hipon sa timba. Medyo nakatingkayad siya sa lababo dahil maliit siya.

"Vivideohan at iinterviewhin niyo sila?"

"Opo."

"May kapalit ba 'to?" Tanong niya. Nangunot ang noo ko.

"Paano pong kapalit?"

Napairap muna siya. "Yung ibibigay niyo para sa amin, pera gano'n." Muling napaawang ang bibig ko sa kanya. Grabe ang straightforward ni ate!

Ang ibig sabihin niya ay yung token of appreciation na balak naming meron naman talaga, katulad nung binigay ni Damien na pagkain nang mag-interview siya.

"Meron--"

"Ano?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Tumikhim ako at pilit na pinakalma ang sarili.

"P-pwede pong food o kaya anything na magiging useful sa inyo."

Napatango siya sa sinabi ko. "Pahiram ng ballpen." Iminwestra niya ang kamay niya.

Dali-dali naman akong kumapa sa aking bulsa ngunit wala mabuti nalang ay merong nakasabit si Andrew na ballpen sa kanyang lanyard kaya ito ang binigay niya.

Sinulat niya ang pangalan niya sa baba at saka pumirma sa ibabaw nito. Naglaro ang isang ngiti sa aking labi. Yes! May i-do-document na kami!

"Oh." Inabot niya sa amin na agad naman naming tiningnan. Napag-alaman kong Tina Yambao ang pangalan niya.

"Bukas po ng hapon ay babalik kami tapos ay sa Sabado." Napag-usapan na namin ito ni Andrew kanina na kung papayag ngayon ay bukas na agad kami magshshoot dahil iyon ang libreng oras namin para sa weekdays at sa Sabado naman para kuhanan ang buong araw na ginagawa ng bata.

Tumango naman ang babae kaya binalingan ko si Junjun na ngayon ay nakangiti na sa amin.

"Ah sige... mauna na po kami." Ngumiti akong tipid sa kanila bago tumalikod at itinulak nang mahina si Andrew bilang ganti sa ginawa niya kanina. I heard hims awed in what I did.

Paglabas namin ay nakita kong nagpakita agas ng masaganang ngiti si Andrew. "Bigla akong na-excite bukas. Promise, gagalingan ko talaga."

Natuwa ako sa sinambit niya. Nakalabas na kami ng eskinita. "Tiwala ako sa skills mo." Sabi ko habang kinakapa ang panyo ko sa bulsa ngunit wala iyon. Doon ko lang naalala na parang nahulog ko ata 'yon nang itulak ako papasok ni Andrew kanina.

Huminto ako sa paglalakad kaya napasunod din siya. "Teka, naiwan ko ata ro'n yung panyo ko."

"Balikan natin."

Nagsimula kaming maglakad pabalik sa eskinita.

"Ito lang? Ito lang talaga?" A voice with conviction echoed on our way. Nagkatinginan kami ni Andrew dahil nagmula iyon sa bahay na pinanggalingan namin kanina. Tumabi kami sa may sulok kung saan may maliit na bintana na aninag ang loob.

Nakita ko ang babae kanina na dinuduro-duro si Junjun na halatang umiiyak na. Kumuyom ang mga kamay ko.

"Pambihira naman Junjun! Ang tagal mo sa palengke tapos 'yan lang nakuha mo? Magkano nalang mapagbebentahan mo dyan? Singkwenta? Isang daan?" Sinabunutan pa niya ang isang parte ng buhok ng bata. She’s obviously abusing him.

"Hindi ka kakain mamaya ha. Kayo ng mga kapatid mo. Hindi kayo kakain hanggang walang isang libong dumadating sa akin. Kailangan ko ng pambayad sa natalo ko sa sugal kahapon! Inutil ka talaga!" Tinulak-tulak pa niya ito hanggang sa mapaupo ang bata.

Of all this time, akala ko may malalim na dahilan para pagtrabahuhin niya ang mga bata pero nang marinig ko 'yon, I lost it. Hindi ako pwedeng tumayo nalang dito. I am now part of this issue, simula nang marinig at masubaybayan ko ang pangyayaring ito ay namulat na ako at hindi ko na pwede pang ipikit muli ang mga mata ko. Lalo na ngayong alam kong may patuloy na mahihirapan kapag ipipikit ko ito. Hindi kaya ng konsensya ko.

I recorded it with my phone. Si Andrew ay nakakunot noo rin at halatang hindi natutuwa sa nasasaksihan.

"Bukas andyan ‘yong mga bisita mo, paniguradong mapera ‘yong mga ‘yon. Manghingi ka ha? Pag hindi ka binigyan 'wag ka magpavideo o kaya nakawan mo!"

I was about to let go a violent reaction when a hand covered my mouth.

"Shh..." bulong malapit sa may aking tenga na nakapagpatindig sa mga balahibo ko.

Hindi pwedeng si Andrew iyon dahil nasa may harap ko siya at nakikita ko ang dalawa niyang kamay ngunit nakatingin na rin siya ngayon sa may aking likuran na may gulat sa mukha.

Marahas kong nilingon ang taong iyon. My forehead creased and my eyes widened when I saw Damien.

"Wha--mmm." Sabi ko nang bahagyang lumuwag ang pagkakahapit niya sa may bibig ko ngunit agad ding ibinalik sa dating higpit nang magsalita ako.

"Sabing tahimik lang. They'll hear you." Sobrang hina niyang bulong sa may aking tenga. It sends an unknown sensation down to my spine and being. I almost trembled.

Nang masigurado niyang hindi na ulit ako magsasalita ay binitawan niya ako. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Hininto ko ang pagvivideo nang sa tingin ko ay sapat na ito. Tahimik kaming tatlong lumabas sa eskinita na parang mga robot at walang direksiyon ang tingin.

"Bakit ka nandito?" I asked Damien when I moved on. I looked at his attire, he's wearing a white long sleeves that were folded three fourths and a black slacks. He looks formal wearing it. Marami rin ang napatitingin sa gawi namin dahil sa suot niya.

"I asked where you are and you said 'Junjun' so here I am." Napairap naman ako sa sinabi niya at binalingan si Andrew na ngayon ay nakatulala nalang.

"Uy," kinalabit ko siya kaya parang bigla siyang natauhan. "Ayos ka pa?"

He blinked looking at me. "Coral... anong gagawin natin?"

I crossed my arms. "We'll surrender the video to the authority. Mukhang hindi rin naman siya ang nanay ng bata." I scoffed.

"I suggest that you'll continue first the documentation." Damien stepped forward closer to us. "Habang iniinterview niyo ang mga bata ay itanong niyo na rin ang tungkol dyan then the whereabouts of that guardian and their parents. You can use this stronger than that video." Turo niya sa cellphone ko.

Oo nga. Napatango-tango ako sa isip ko. "Pero bakit mo ba ako pinuntahan saka pa'no mo nalaman ang bahay nila Junjun?"

"About that... we'll talk privately, and nagtanong-tanong ako kung saan ang bahay ni Junjun, mabuti nalang at marami pala ang nakakikilala sa kanya rito." He put both of his arms at his back while looking around.

"'Di ba siya yung coach mo?" Pasimpleng bulong sa akin ni Andrew.

Tumango ako. "Oo, siya nga."

"Sino ka nga pala?" Tanong niya nang magawi ang tingin niya kay Andrew na ngayon ay nanlalaki ang mata.

"A-andrew po." Pakilala niya kay Damien.

"Andrew who?" Siniko ko siya na nakapagpadaing sa kanya.

"Yung sinabi ko sa'yo kahapon na partner ko!" Hindi ba talaga niya 'yon natandaan?

Kumunot muna ang noo niya bago napatango.

“Alis na nga tayo rito!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status