Share

Chapter Eleven

CHAPTER ELEVEN

Matapos ang nasaksihan naming iyon ay pinauna na naming umuwi si Andrew. Damien and I went to the nearest cafe as he said that he has something important to tell me.

“Ano ang sa’yo?” He looked down at me. His face is serious but gentle. His one hand is in his pocket.

I am beside him in front of the counter. Tumingala ako para sa mga pagpipilian. “I’m fine with frappe or coffee jelly.” Ibinalik ko sa kanya ang tingin at naabutan kong nasa akin pa rin ang mga mata niya. “Uh, I’ll go first.” I awkwardly said, pointing the tables. Siya naman ay tumango bago umabante palapit sa counter.

I chose the spot near the window where we can watch the vehicles passing by. Nilapag ko ang bag ko sa likod ng pabilog na upuan. I clasped my hands on the table as I watch the view from my side, thinking what will happened on our interview tomorrow with Junjun.

I sighed then bowed my head. Kasabay naman noon ay ang paglapag ng frappe sa harapan ko.

“A penny for your thoughts?” He sipped his drink then sat in front of me.

Umiling ako bago umayos ng upo. “Just thinking about the docu.” I sipped on my frappe before giving him my full attention. “Ano nga pala ang pag-uusapan natin?” Pagbabago ko ng usapan.

Tila nabuhayan ang ekspresyon niya sa narinig. “Oh, wait.” May kinuha siya sa loob ng kanyang kaliwang bulsa. Tila excited siyang ipakita sa akin iyon.

Hindi nagtagal ay bumulaga sa harapan ko ang parang isang heirloom na bracelet. Kulay ginto iyon at medyo marumi, simbolo na ito ay matanda na. Sa gitna nito ay isang tila coral na ukit na kulay ginto rin.

“Ano iyan? Bakit mo pinapakita sa akin?” I asked, puzzled.

His eyes were still excited and hopeful while looking at the bracelet hanging on his big fingers. “Guess what, it’s a coral.” Turo niya sa pinakagitna noon that I saw.

“So?” I can’t understand him. He wants to show it to me just because it has a coral on it?

“And guess what?” His emotions were still the same.

“What? Can you just go directly to your point?” Nawawalan na ng pasensya kong sabi habang sumisimsim sa inumin.

His smile widen as he look at me, amazed like a child. Tila ba alam na niya ang magiging kasunod kong reaksiyon at atat siyang makita iyon.

“The owner of this bracelet… is your parents.” His voice is gradually getting serious, the last words were said slowly.

I blinked. Lumipas ang ilang sandali ng katahimikan, Parang may dumaan na anghel sa gitna namin. Nakatingin lang kami sa isa’t isa, ang bibig niya ay bahagya pang naka-nganga, I bet he’s waiting for my reaction but I didn’t satisfy him. I’m waiting for him to say it was a joke. I knew he’s just bluffing.

“You’re not surprised?” Ika niya nang magbalik sa katinuan. Bumalik siya sa dating puwesto at umayos ng tindig. He’s embarassed. I could see his ears getting red as he look away.

Suminghal ako. “How could it be my parents’? I know them too well, they would not want to own fancy things like that. If you want to give me that heirloom, just tell me directly.” I extended my arms in front, my hand in fist, signing him to place it directly on my wrist then looked away. He does not have to use my parents as a bait to tame me.

When I glanced back. He’s now staring at me, looking amazed by what I said. Bahagya pang nakaparte ang kanyang mga labi. Hindi nagtagal ay bigla na lamang siyang tumawa nang malakas. Ang ilang malapit sa kinauupuan namin ay napapatingin pa sa gawi namin. Dahil dito ay wala sa sarili kong naibaba ang aking kamay.

“Wh-what did you say?” He asked, slightly still laughing like what I have said is really something ridiculous. Napapunas pa siya sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa sobrang tuwa. Hanggang sa tumigil siya ay nakatingin lang ako sa kanya, he seemed to be conscious about it so he ended his craziness with an awkward smile.

“Coraline… I’m not joking around. They were really owned by your parents.” He moved closer, saying those words carefully. Ang mga mata niya ay nangungusap.

Napaawang ang labi ko sa tinuran niya ngunit hindi ako nagpadala. Alam ko na na malaki ang tyansa na totoo nga ang sinasabi niya dahil sa kanyang ekspresyon but here I am, still fooling myself. “Nice try-” I was cut off by his immediate explanation that caught my attention.

“Someone who named Divina Flores, surrendered it to the police station, claiming it was Clarissa Fuentes’ belongings, your mother.”Natulala ako sa sinabi niya.

“B-but how sure are you?” Nauutal kong pagkakasabi. My heartbeat started to feel faster. I am shocked.

“Pina-check ko ito bago ko ipakita sa’yo. There were blood samples left on it, and it was Mrs. Clarissa’s.” While he is saying it, I was breathed large amount of breath, trying to process what he said but my treacherous eyes started to be pooled by tears.

“So you are saying na suot niya ‘yan bago siya mamatay?” Nahihirapan man ay pinilit kong sabihin ito. I just received a silent nod from him, looking down at the bracelet. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang tumulo.

Walang habas kong inagaw sa kanya ang bracelet at niyakap iyon palapit sa aking dibdib. My poor mother died while I’m attached to her hands.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Damien at paglapit sa tabi ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balikat at sa gilid ng aking ulo na isinasandal sa kanya. “Shh..” He whispered above my head as I cried my heart out. Wala na akong paki kung marami na ang nakatingin sa amin ngayon.

“Tumahan ka na. Baka isipin nila pinapaiyak kita.” He whispered with a glimpse of playfulness in his voice. “But this also means na may kasama siya bago siya namatay…”

Huminto ang Jeep sa may tapat mismo kung saan madalas nagbebenta sila Junjun kaya naman nang bumaba kami ni Andrew ay namataan namin agad siya.

“Ate Coral, Kuya Andrew!” Iwinagayway niya ang maliit niyang braso sa ere habang ang isa ay nakahawak sa mlaking bilao na naglalaman ng mga gulay; ang bilao ay nakapatong sa tuktok ng kanyang ulo.

Napangiti ako at kumaway pabalik. Naglakad kami papunta sa gawi nila. Ngayon ay tatlo silang mga batang naroon sa gawing iyon. Ang mga kasama niya ang pawang mga mas bata sa kanya, parehas na nakasuot ng lumang t-shirt na abot hanggang itaas ng kanilang tuhod. Ang malaking lumang short ay lumilitaw na rin sa ibaba noon.

“Kumusta ang benta?” Bati ko nang makalapit sa kanila.

“Madalang, ate. Gusto mo bang bumili?” Sagot niya. “Sampu-sampu nalang para sa inyo.”

I ruffled his hair. “Sige, bibili ako ng marami mamaya at pati rin si kuya Andrew.” Sabi ko habang nakalebel ang mukha sa kanila, ang mga labi ko ay nakaangat ang magkabilang dulo.

“Ba’t pati ako?”

My lips formed a grim line at unti-unti akong tumayo ngunit kasabay noon ay ang sadya kong pagsiko sa may tagiliran niya. Narinig ko ang pagdaing niya. “Oo na, oo na! Papakyawin na namin ‘yan.” Sumusuko niyang sambit.

“Yehey!” Nagdiwang ang tatlong bata nang marinig ang sinabi ni Andrew.

Bahaya muli akong yumuko upang lumebel sa kanila. “Narinig niyo ba ‘yon? Pwede niyo munang ilapag ang mga paninda niyo at maglaro muna kayo habang inaayos namin ni kuya ang camera para sa interview pero balik din kayo mamaya ha?.” Bibo kong pagsasalita habang nakangiti.

Masigla silang tumango bago nagtatakbuhang nilapag ang mga paninda sa harapan ng isang maliit na tindahan na sa tingin ko ay kakilala nila. “Manang Lydia, makikilapag lang po!” Narinig kong sambit nila, halatang sabik sa paglalaro matapos ang nakapapagod na pagbebenta. Mahahalata mo iyon kalakip ng kasiyahan sa mga mata nila. Tumakbo sila papunta sa mga kasamahan nila sa ‘di kalayuan. Kung hindi pa ako tinawag ni Andrew ay hindi pa mawawaglit sa kanila ang tingin ko.

We sat on the chairs in front of a stall with famous brand on it just beside where we met them. Nagsimula siyang I-set-up ang kanyang camera habang ako ay naghahanda para sa mga possible questions na itatanong ko sa kanya pero malaki ang chance na puro follow-up questions lang naman ang mangyayari.

"Magkano ang kinikita niyo sa isang araw?" Mahinahon kong tanong kay Junjun nang bumalik sila galing sa saglit na pqglalaro. Ang napili naming puwesto ng shoot ay sa isang mini stairs ng isang establishment kung saan makikita sa may bandang likod ang sentro ng palengke.

"Depende po sa araw, minsang singkwenta, isangdaan, minsan po wala." Normal niyang pagkakasagot, malayo ang tingin sa kalsada habang sumasagot.

"Anong ginagawa mo pag wala kang napagbentahan?" I just continued with the flow. Paunti-unti ko siyang tinatanong.

"Uuwi nalang po." Medyo malungkot ang pagkakasabi niya.

"Pa'no 'yon, hindi ka ba pinapagalitan ng 'pag wala kang napagbentahan?"

"Pinapagalitan po. Madalas dinidisiplina rin po." He answered innocently. Bahagyang nanliit naman ang mga mata ko sa tinuran niya. This is the chance I've been waiting for to open the topic about her abusive guardian.

"Sino ang nagdidisiplina sa iyo?" Nakaabang ako sa susunod niyang sasabihin.

"Si tita." Nagkatinginan kami ni Andrew nang makuha ang nais naming sagot.

"Ano ang ginagawa niya sa inyo kapag dinidisiplina?" I slightly moved my head towards his side, giving my full attention to him.

"Pinapalo po tapos hindi papakainin kapag kaunti lang ang naibigay namin. Minsan sa labas din po niya kami pinapatulog o kaya ay pilit po kaming pagbebentahin ulit." My lips parted to what he said. Now that I am hearing those wprds straight from this child's mouth, my blood boil with rage ngunit pinilit kong maging kalmado ang aking kompostura hanggat maaari.

"Ito bang tita niyo na ito ay kamag-anak niyo o kaano-ano?" Nakakunot na ang noo ko habang nagtatanong nito sa kanya.

Umiling siya. Nakatingin na sa akin, parang naiiyak ang mata, nangungusap at humihingi ng tulong sa akin. "H-hindi po. Dati lang pong kasamahan ni mama sa trabaho."

"Nasaan ang mama niyo? Ni minsan ba ay sinabi o sinumbong niyo sa kanya ang ginagawa sa inyo ng tita niyo?" Sa puntong ito ay hindi ko na napigilang mabahala.

Nagsimula nang mag-unahan pababa ang mga luha niya at sa huli ay hindi na napigilang humagulgol pero agad din naman niya iyong pinunasan nang mariin gamit ang maliliit na braso.

"A-ayaw po niya kaming ipakausap kay mama." Nahihirapan niyang sambit habang ako naman ay hinahaplos nang pataas at pababa ang likuran niya bilang pag-alo.

"'Yong mga kapitbahay o kakilala niyo, hindi ba kayo humingi ng tulong sa kanila?"

Umiling muli siya. Ang mga mata ay mugto at nakatingin na sa magkasalop niyang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya. "Mas lalo lang niya po kaming sasaktan, lalo na ang mga kapatid ko bata pa."

My heart sank at what he said. Huminga akong malalim habang may mga malalamlam na matang tumingin sa musmos. Right after this, we will make sure that these children will be free from the hands of that woman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status