Share

Chapter 44 – The Lion and the Cubs

Magtatanghali na nang makarating kami sa mainland. Pagbaba namin sa pantalan, natanaw ko agad ang pamilyar na itim na Audi at ang may-ari nitong akala mo ay nagshu-shooting ng commercial dahil sa porma.

"What's up, Villanueva?" Bati ni Justin kay Xander na umayos ng tayo pagkakita sa aming papalapit.

Nakasuot ito ng puting t-shirt na napapatungan ng itim na hooded jacket. Tinernuhan niya iyon ng fit denim jeans at itim na military boots. Kinumpleto pa ng suot niyang dark shades ang get-up niya. Para talaga siyang mag-po-photoshoot kung hindi mo lang mapapansin ang baril na nakasuksok sa kanyang kaliwang tagiliran.

"Sinundo ko na kayo para sabay-sabay na tayong pumunta dun." Aniya at napansin si Alexander. "Santiago." Matipid nyang bati rito.

Tinanguan lang sya nito.

"Dala ko 'yung private helicopter ni Dos. Naka-park sa helipad ng hotel." Aniya.

Oo nga pala. Marunong sya magpalipad ng helicopter at eroplano. May lisensiya din 'yon, eh.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status