Share

Chapter 9 – The God of Poetry, Apollo

I kept on running. I tried to fly, but I only succeeded in jumping high before falling again. The rice field seemed to go on forever and they were still in pursuit, then I arrived at a wide yard in front of an old grim-looking wooden house. I went inside and descended a stair. Yes, descended.

A smell of something burning welcomed me upon reaching the foot of the stair. I looked around. I saw a four poster bed in the middle of the room. There was a wooden cabinet next to it and a side table on the other side of the bed. I saw a revolver on the table. The room was familiar as if I had been there before.

Then I heard a gunshot and the scream of a woman. I turned around, but no one’s there. I could only see smoke. Then someone whispered my name directly in my right ear, “Anicka…”

Dala ng pagkabigla, napabalikwas ako ng gising mula sa mesang kinayuyukyukan ng ulo ko at awtomatikong lumipad ang kaliwang kamay ko. Subalit bago pa man lumagpak iyon sa mukha ng pangahas, naipilipit nya na iyon sa likuran ko.

“Agh! Aray!” Langya! Ang sakit, ha! “Ano ba, Torralba?!”

“Nagsasalita ka na nga ng tulog, nananapak ka pa!” Ganting sigaw naman ng walang modo. Kung may iba pa marahil na natutulog sa mansiyon bukod sa aming tatlo, malamang nagising na sila sa lakas ng boses namin.

“Pwede bang bitiwan mo na ako? Masakit na!”

Binitiwan naman niya ako, pero hindi pa nga ako nakakahuma nang buhatin niya ako at ihiga sa kama. Pinilit kong kumawala, pero anong laban ko sa lakas ng damuhong ‘to?

“Get off me,” madiin kong sabi.

Ngunit sa halip na sundin ako, hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Namumuro na talaga siya.

He didn’t say anything. He just stared at me. His dark eyes, dark, dark eyes were so mesmerizing like the beautiful night sky.

I started to relax. It was a technique to get free from Chinese handcuffs. I hoped it would work with the sun god.

“You told me back then that everyone has only one end in this line of job: either live or die.”

My heart started hammering in my chest. Sana hindi niya marinig.

“But I have told myself even before I choose this job that I have to live for the woman I pledged to protect.”

Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang ‘yon. Anong ibig niyang sabihin? Sinong tinutukoy niya? Wala naman akong alam na girlfriend niya, ah. Kung meron man…pero wala nga. Pakialam ko ba naman kasi sa lovelife niya.

“Do you love my poetry?”

Kumunot ang noo ko. Poetry?

Bigla itong tumawa. Ay, gaguhan lang pala.

Itinulak ko siya ng malakas. “Ungas ka talaga!”

Umalis naman na siya sa pagkakadagan sa akin at nahiga sa tabi ko. Tawa lang siya ng tawa. Walangya talaga.

Bumangon ako at pinulot ang isang unan tsaka inihampas sa kanya. “Ihipan ka sana ng masamang hangin! Bwisit!” At inis na ibinato ko sa mukha niya ang unan. Unggoy talaga ang Apollong ‘yan.

Asar na bumalik ako sa kinauupuan ko kanina kung saan ko nakatulugan ang mga dokumentong ukol sa kaso. Binuksan ko ang laptop ko kung nasaan ang soft copies ng mga larawan ng limang bangkay. Muli kong tinignan ang larawan ng pulitiko nang maalala ko si Justin.

Bagaman nagpapalitan kami ng death threats ng harap-harapan, hindi ko rin maiwasang mag-alala. Bukod kay Apollo, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa kasong iyon. Ano kayang nangyari sa mokong na ‘yun?

“The pictures are edited, aren’t they?” Umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko si Apollo. Seryoso na muli ang ekspresyon nito, pero bakas pa rin sa mga mata niya ang labis na kasiyahan niya kanina.

Tumango ako, inalis sa isip si Justin dahil baka maglakbay na naman ang utak ko kung saan ng hindi inaasahan.

I knew what was missing in the pictures, but I wouldn’t tell anyone yet that I knew about it. Dahil kung totoong itinatago iyon ng Singko sa amin, gusto kong imbestigahan kung bakit.

Apollo picked the ring under the mess of papers. Hiniling ni Xander na kunin iyon, pero sabi ko, pag-aaralan ko muna bago ko i-tu-turn over sa deductive members.

“What do the inscriptions say?” Pinakatitigan niya ang maliliit na nakasulat sa loob ng singsing.

Iniabot ko sa kanya ang papel na pinagsulatan ko ng nabasa ko sa singsing. Makahulugang tingin ang ibinigay nya sa akin matapos niyang mabasa ang isinulat ko roon.

“Kung alam ni Justin ang nakasulat dito, siguro hindi na nya ‘to binanggit kay Xander,” aniya.

Umiling ako. “Kahit malaman niya, alam kong ibibigay niya pa rin ‘to kay Xander. Pangarap ng mokong na ‘yun na mawala kami sa top, eh.”

He smirked. “I know, pero hindi naman niya ‘ata gagamitin ang mga ganitong bagay laban sa isa man sa inyo.”

“I know. I’m just joking.”

OA na pinanglakihan niya ako ng mata. “Nag-joke ka pala.”

Inirapan ko na lang siya. “Anyway, I knew how Justin works. He loves taking the investigation all by himself at gustung-gusto rin niyang napapatunayang tama ang instincts niya. Pero, alam niya ang ginagawa niya. Kaya tiwala ako sa anumang pina-plano ni Justin.”

Saglit na katahimikan ang dumaan na siya rin ang bumasag. “Do you trust me, Nyx?”

I was caught off-guard by the question. Justin asked me that very question just this afternoon.

Do I trust Apollo?

“Ang kalandian mo? Hindi. Ang pagtrabaho mo? Uhm…Oo, kahit papano.”

The guy smiled. That one-billion dollar smile. ‘Yung hindi paloko. ‘Yung sincere.

He took my pen and wrote something on a clean paper. He handed it to me before going out of my room. Ngayon ko lang napansin na sa terrace pala siya dumaan.

Tinignan ko ang sinulat niya.

Cryptogram key number 18

I frowned. Anong kalokohan na naman ‘to? I tried to remember the cryptogram key number 18 that we use to decipher codes.

It was the poem “How do I Love Thee” by Elizabeth Browning.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status