Share

What is Love
What is Love
Author: Ukiyoto Publishing

Prologue

 

 

"MA, WHAT IS LOVE?"

Napatingin agad sa akin si Mama, nakakunot ang noo.

"Matti, where did you get that question?" Although she looked back at her papers, I know her attention is on me.

"Is that your assignment, Matti?"

"Hindi po."

"Saan mo nabasa iyong tanong?" Nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay tiningnan niya ako, nakataas ang kilay senyales na hinihintay niya ang kasagutan ko. Tumungo na lang ako at niyakap ang paborito kong teddy bear. Nahihiya na ako magtanong. Ito ang unang beses na nagtanong ako kay Mama ng tungkol doon.

Tinanong ko na iyon kay Papa, ang sabi niya: "Love is happiness." Madami pa siyang pinaliwanag pero iyon lang talaga ang naintindihan ko. Hindi ko alam kung bakit interesado akong malaman ang bagay na iyon. Siguro dahil palagi ko iyong naririnig sa mga high school students na napapadaan sa school namin. Sa loob kasi ng Campus ay magkasama ang Elementary at ang High School, only to be separated by a huge wide wall.

Nang tumunghay ako para tingnan si Mama ay nakaalis na ang salamin niya sa mata at matamang nakatingin sa akin. Akala ko ay hindi na niya papansinin ang tanong ko pero nakakagulat na itinigil niya ang ginagawa niya dahil sa akin.

"How old are you again, Matti?" Nakikita ko ang ngiti sa labi niya. Ngunit di ko alam kung para saan iyon.

"8 po." I was about to say 7 kasi nasanay ako, and almost forgot that I celebrated my 8th birthday last month.

"And you're interested about love already?"

"Bakit Mama? Bawal ko pa po ba malaman iyon? Pang-adults lang po ba iyon? Pero sinagot naman ni Papa." Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Sinagot ng Papa mo?" Tumango lamang ako. "And what did he answer?"

"Love is happiness daw po." She smiled while looking at me. Bata pa ako pero alam ko kung kailan masaya o hindi si Mama. Malungkot ang ngiti niya ngayon.

"Liar."

"Hindi po ako nagsisinungaling." Itinaas ko pa ang kamay ko kay Mama. Hindi talaga ako nagsisinungaling. Iyon talaga ang sinabi sa akin ni Papa.

Ngumiti ulit si Mama saka inabot ang pisngi ko. Hinaplos niya iyon katulad ng mga ginagawa niya sa akin bago ako matulog sa gabi.

"I'm not talking about you, anak." Mahinang saad niya. "What do you want to hear ba? Nasagot na naman pala ni Papa mo ang tanong mo eh. Isn't it enough already?"

"I thought love has a wide range of definitions Mama?"

"Yes it is. Pero hindi mo mauunawaan ang pag-ibig sa isang araw lang anak. It takes a lot of time before you finally know what love is." Napanguso ako.

"So, hindi ko pa po siya maiintindihan ngayon?"

"Someday, anak."

"When I grew up?"

"Yes." I pouted even more.

"Why? Bakit po matatanda lang ang kailangang makaalam ng lahat? Bakit po bawal pa po namin malaman?"

Once again, I saw her sad smile.

"Come here." Maingat niya akong inalalayan makababa sa upuan saka kinandong sa kanyang hita. Nakasandal ako sa kanya habang yakap-yakap ako.

The sky is already turning even darker. Malamig ang simoy ng hangin habang nandito kami ni Mama sa garden.

Kahit alam kong busy siya, hinahayaan niya lang akong panoorin siya. Kahit alam niyang magiging distraction ako sa kanya, hinahayaan niya lamang akong guluhin siya. I thought that was love.

"When you grow up, there will be times that you'll just wish of coming back as a kid."

"Po?" Nagtatakang tanong ko kay Mama. "Gustong-gusto ko na nga pong tumanda kasi ang dami kong bawal gawin. Tapos ang konti lang po ang pwede kong malaman." Mahina siyang natawa bago ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.

"I can't tell you what love is. Because there is no exact definition of love. It's always hidden in the heart of everyone. Nailalabas sa salita, naipaparamdam sa gawa. Sometimes, it's confusing. Because just like how complicated life is, we love despite the uncertainties."

"Wala po akong maintindihan." Napapakunot na lamang ako ng noo. "Pakiramdam ko po, mano-nosebleed na ako Mama." Natawa siya sa sinabi ko.

"That's what I'm talking about anak. You can't just know everything today. Everything takes time. And by the time you'd found out what love is, ako ang una mong sasabihan."

I look up to her and saw her smile. I smiled back at her. Gumalaw ako paharap sa kanya para bigyan siya ng yakap. Nakapatong ang pisngi ko balikat niya at kitang-kita ko ang silver necklace with a pendant of crescent moon na nakasabit sa leeg niya.

"Who gave you this Mama?" Pinagmasdan niya din ang hinawakan ko.

"From someone I love." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"From Dad?" Siguro dahil bata ako ay naniwala akong nag ningning ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. She just smiled without answering my question. "Ma?"

"Hmm?" Nasa malayo na ang tingin niya ngayon.

"Can we watch the moon tonight?"

"Of course." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Mama?"

"Hmm?"

"Does love hurt?" Hindi siya nakangiti pero alam kong nagbago ang itsura ni Mama. Unti-unti niya akong tiningnan.

"What if it does?"

"Ayoko na magmahal." Sumimangot ako.

"So hindi mo na ako mamahalin?" Nagulat ako at umalis sa pagkakasandal sa kaniya. Agad akong umiling.

"Hindi pala Mama. Okay lang ako masaktan basta mamahalin pa din kita." She smiled and kissed my forehead.

"Ang bata-bata mo pa, Matti."

"Sorry Mama."

"It's fine. I like it better this way." Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at isinandal ulit ang pisngi ko sa balikat niya. I really like it. Being hugged by my mother. Being inside her arms in the cold night.

"May tatapusin ka pa po ba, Mama? Aakyat na lamang po ako sa kwarto para hindi na po ako makagulo."

"No. Stay here anak. I want you to stay here."

Because of the comforting feeling her embrace gave me, I fell asleep. But I know that before I closed my eyes, I saw her tears fall down to her cheeks while hugging me. Tama si Mama. Maiintindihan mo lamang ang mga bagay kapag natanda ka na. It's confusing. It's complicated.

Masarap sanang tumanda kaso ang hirap pala. Ang sakit mag-matured. Maturity requires acceptance from everything. And there are times that I just don't want to accept some things but I have to. It has to be accepted.

Kinapa ko ang kwintas sa leeg ko. Huminga ako ng malalim nang madatnan ko sa sala sina Euriel at Iris na masayang kakwentuhan ni Papa. They are laughing. Moment that I never shared with my father.

I thought I'd already accepted it. But I'm still learning it step by step. Ang hirap tanggapin na lamang basta. One minute, I had the best thing in the world. I feel like everything is in the right places. Then suddenly, inagaw ng mundo sa akin si Mama. And the next thing I know, my father married another woman... months after my mother's death.

Tinanggap ko... or that's just what I want to believe in.

At dahil nahihirapan akong tanggapin ang nangyari, pinilit kong magbigay ng respeto. If I want to earn it, I should be the one to give it first.

Acceptance is hard to claim, so I showed my kindness instead. Iyon muna ang kaya kong ibigay sa ngayon. Ilang taon na din pero sabi nga ni Mama, everything takes time. Hindi dapat minamadali. I have to take things slowly.

I'm just standing there for a few minutes before I decided to show up.

"Aalis na po ako." Biglang nalusaw ang ingay ng tawanan nila.

I looked at my step siblings and gave them a small smile which they shyly returned. Nagmano ako kay Papa.

"Let's eat."

Hindi niya ba ako narinig? Aalis na ako. Pero sa halip na magalit pa sa kaniya ay huminga ako ng malalim. Hindi ko man maamin pero nagtanim ako ng galit kay Papa. Hindi nga lang halata. I know that he asked my permission before if I agree with his new marriage. I wanted to say no but my mother's words are ringing inside my head.

Keep your family happy. Whatever their decision will be, always in favour with them. Always understand.

"Hindi na po. May usapan po kasi kami ng kaibigan ko na sabay magbreakfast sa cafeteria." Magalang kong sagot. I looked away when I witnessed how his smile fell. "Sige po."

Hindi ako lumingon pabalik. Dire-diretso ako sa garahe ng sasakyan at magpaalam sa isang driver na magpapahatid na ako.

Nang makaupo na ako sa backseat ay isinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit. Pinipigil ko ang nagbabadyang paghikbi dahil maririnig ako ng driver. Nang makaalis kami sa bahay ay agad na tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang panyo sa bag, tinanggal sa pagkakatupi nito at malawak na itinakip iyon sa aking mukha.

I am mad. But I am more sad. Love is happiness, ika niya. Kaya kung doon siya masaya, ay hindi ko siya pipigilan. Kung ikasasaya niya at ikalulungkot ko, okay lang. I'm willing to endure the sadness. Nakaya nga ni Mama, ako pa ba?

Pero lalo pang nadagdagan ang luha sa mata ko nang maalala si Mama. Sinong niloloko ko? I'm never as strong as my mom. Kung siya, kinaya niya ang pagpapakasal sa kaniya ni Papa kahit hindi naman siya nito mahal, ako hindi. Kaya siguro madali lang kay Papa na mag-asawa ulit kasi hindi naman talaga niya minahal si Mama. Namatay siya nang walang ibang hiniling kung hindi ang kasiyahan ni Papa. Sobrang mahal niya si Papa. Naalala ko kung paano ko narinig ang iyak niya habang sinasabi kay Papa na kung saan siya masaya ay iyon ang gawin niya kapag nawala na si Mama. If his happiness is not because of her, she's so willing to give him the happy life even if it means without her.

Ang selfless ng pagmamahal ni Mama. But I don't want that for my own love life. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa kanila ni Papa. At ayaw kong iparanas sa anak ko ang sakit na dadalhin niya sa paglaki kapag naulit muli ang kung anumang nangyari sa mga magulang ko.

Inhale, Exhale. Ginawa ko iyon nang ilang segundo bago tinuyo ang luha ko at ibinalik ang panyo sa bag ko.

Nang nasa tapat na ng campus ang sasakyan ay maayos na ulit ako.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Tatay Hector. I smiled at him, genuine this time.

"Halata po ba?" Hindi siya sumagot bagkus ay may kinuha siya sa shotgun seat na paper bag saka inabot sa akin. Nagtatakang kinuha ko iyon.

"Masyadong malayo yata nalakbay ng pag-iisip mo. Hindi mo na namalayan na itinigil ko ang sasakyan kanina." Parang gusto na namang bumagsak ng luha ko nang makitang binilhan niya ako ng pagkain. "Alam kong hindi ka pa nakain. Pumasok ka na para may oras ka pa para makakain."

Sinikap kong maabot siya at mayakap mula sa likuran. He's a few older than my father. Alam kong may pamilya din siya sa probinsiya. And I'm hoping na makapiling niya na ulit sila. Mas deserve niya na makasama ang pamilya niya.

Malungkot mag-isa.

Malungkot mawalay sa taong mahal mo.

"Salamat, Tatay Hector."

"Tama na." Saad niya habang hinahagod ang braso kong nakayakap sa kaniya. "Mapula na ang mata mo. Baka mahalata ka pa ng teacher mo."

Dahan-dahan akong lumayo at tumango sa kaniya. Sinenyasan niya akong lumabas na kaya ayun na ang ginawa ko. Pagbaba ko ng sasakyan ay narinig ko ang sigaw ng kaibigan ko.

Si Dessa.

Nakangiti akong lumapit. Naglaho ang ngiti niya nang makalapit na ako ng tuluyan. Ibinuka niya ang bibig pero tinikom ulit. Alam kong gusto niya akong tanungin pero pinili niyang manahimik at akbayan ako. As if she never knew that I break down. As if she never knew that I'm hurting. That's what I want, anyway.

"Tatay Hector bought me this." Itinaas ko ang supot na dala ko. "Kainin natin?"

"Gora ako be! Let's go!" Dumiretso kami sa Cafeteria saka nilantakan ang pagkaing binili ni Tatay Hector para sa akin.

"Tuloy ba daw ang engagement mo doon sa mayamang tagapagmana ng MAV Firm?" Siguro napansin ni Dessa ang pagiging tahimik ko kaya nilapitan na niya ako. Gusto ko talaga mapag-isa pero ayos lang din na nandito siya. At least, kahit alam kong pwede akong maiwan mag-isa, hindi niya ako pababayaan na mapunta sa ganoong sitwasyon.

"Oo daw."

"Ayaw mo?" Tumingin ako sa kaniya. She's wearing that sad pout but I know she never pity me. "Kasi pwede naman nating gawan ng paraan."

"It's fine." I looked away. "My mother stayed even though she know he's not happy with her. Kaya ko 'ding gawin iyon sa lalaking ipapakasal sa akin. No feelings involve din naman."

"Aren't you tired of getting used to everything?" She suddenly asked. And I thought I couldn't answer that question. Unknowingly, my lips had its way of telling her my answer.

"Tired no more. I'm numb."

“Akala ko ba ayaw mong matulad sa nangyari sa magulang mo?” mahinang tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. Iyon nga din ang akala ko. Hirap talaga kalaban ng taong mahal mo.

 

Weeks after that, napagpasyahan na ni Papa at ng kasosyo ni Tita Eleanor –ang bagong asawa ni Papa - sa business na ipakilala ako sa lalaking anak nito. Papa is a disciple of politics while Tita Eleanor is a descendant of business. Parehong busy pero madalas ko silang nakikita na magkasama, unlike his relationship with my mom.

Gusto kong isipin na maiintindihan ko din ang kagustuhan ni Papa. Gusto kong isipin na balang-araw ay mababasa niya yung hinanakit ko sa kaniya. Pero nakakapagod mag-isip. Sa sobrang nakakapagod, I just stopped.

"Call me kapag medyo out of the border line na talaga ang ipapagawa sayo ha." Napakunot ang noo ko nang ayusin ni Dessa ang phone niya. Magka-video call kami gaya ng paalala niya sa akin kanina bago kami magkawalay pauwi. Nakita ko ang lugar kung nasaan siya.

"Naglalaba ka ba?"

"Yas!" Sigaw niya dahil malayo ang palanggana na ginagamit niya.

"Saan nakapatong ang phone mo?"

"Sa poso?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Gaga ka! Kapag ito nalaglag at nabasa, wala ka nang gagamitin. Papatayin ko na 'to. Tapusin mo muna-"

"Saglit!" Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa bangkito na ginagamit niya sa paglalaba saka kinuha ang kaniyang cellphone.

"Magtetext ka ha! Kung hindi ako maka-reply ibig sabihin non ay nagpapaload pa ako."

"I told you I'm fine, Dessa. Can you stop thinking about me?"

"And can you stop stopping me from worrying about you? Hindi lang ikaw ang may puso sa ating dalawa okay?" I sighed and nodded my head to my best friend.

Magkaiba kami. Mayaman kami, sila hindi. May katulong kami, sa kanila ay siya ang lahat gumagawa ng gawaing bahay. May pera kami, sila hirap makakuha. Nakukuha ko ang luho ko, sila pahirapan pa. Higit sa lahat, masaya sila, ako... okay lang.

That's fine. I'm glad I met her. She's like the proportion of balance in my life. Without her, I don't think I'm sane.

"Wag mong kakalimutan! Tatawagan mo ako ha, mayaman ka naman." Hindi ko iyon pinansin bagkus tinanong ko siya kung pwede siyang mag-overnight bukas dito sa amin. Miss ko na ulit nang may kasama sa kwarto.

"Sige! Magpapaalam lamang ako kay Inay at kay Tatay. Pihado mag-isa din ako bukas dito ng gabi." I smiled because of that.

At least for now I have a reason to smile. I'm wearing my prepared smile until I'm inside the hall where the party is being held. I appreciate all the efforts they've done to this engagement. If it was the engagement I'm dreaming of and I'm marrying someone who taught me what love is, more than smiling pa ang appreciation ko.

"Vergara!" Nag-angat ako sa dalawang taong papalapit sa akin. Just like how noble people are being described in fiction books, they are stunning with their royal gown and suit.

"Dela Torre." Nakangiting saad ng matandang lalaki kay Papa. May pinag-usapan silang hindi ko naiintindihan pero nagsumikap akong ngumiti.

"By the way, this is Maria Teresa Fatima, my daughter. Matti, this is Mr. Axel Vergara."

"Nice to meet you, hija." Nakipagkamay ako at galak na ngumiti sa kaniya.

"Nice to meet you po." Magalang kong saad.

"The last time I saw you was..." nag-isip ang matanda, sa huli ay natawa na lang. "I couldn't remember."

"Probably my mom's 40th birthday." I said while smiling.

Natahimik sila. Walang masama sa sinabi ko pero alam ko kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Hindi ko na pinansin iyon. Hindi ko na din tiningnan ang reaksyon ni Papa. I'm just hoping he won't get mad at me later. Ayaw kong masira ang gabi nila just by mentioning my mom. And that idea – my mother’s name being a destroyer of their night bring the pain back.

"That was two years ago, Sir." Ngumiti ulit ako. "How are you po?" Dahil sa tanong ko ay nakabawi siya ng ngiti. Nagtanong lang silang mag-asawa tungkol sa school ko bago sila nag-usap nina Papa at Tita Eleanor.

I was sitting at an empty table, looking at my empty glass. So this is the feeling of being engaged to someone I haven't met. Just like the table and the glass, I feel empty.

"I'm not stupid Mom! Dad!" With the sad ambiance and less interest, I looked to the side to see what's going on. I saw a man who looks obviously drunk by the way he acts and how he wears his polo. "I am your son, not some things you can sell every time you want money!"

I looked away, the same time I saw a waiter. I asked for water and immediately sipped from it.

"We both know it won't work! You keep saying I'm bastard right? Yes! This is your bastard son, Dad! And I won't do this marriage! Mamamatay na lang ako!"

Nang tiningnan ko ulit sila ay naglalakad na palayo ang lalaki. Nakasapo sa noo si Mrs. Vergara. Si Mr. Vergara ay halatang galit na galit. May lumapit sa kanila para pakalmahin si Mrs. Vergara. Gusto ko din sana siyang aluin at tulungan dahil nararamdaman kong nahihirapan siyang huminga.

Tuluyan na akong napatayo nang nabuwal ito sa pagkakatayo. Narinig ko ang sigaw ni Mr. Vergara at agad na sinugod ang asawa sa ospital.

What a night. My supposedly fiancè caused a scene and walked out. Without even meeting me. And worst, his mom is in the hospital.

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status