Share

Chapter 2

 

What is Love?

“We’re sharing different pain, we’re both hurting. But at least, I’m not alone.”

 

I diverted my eyes away from him because I could feel my tears at the verge of peeking. He’s so cold that I was frozen by his words. I shouldn’t be affected like this because I spent two Decembers with cold feelings ever since my mother wasn’t here anymore.

It’s as if he was there for a long time and watching me from afar. Iyon ang nararamdaman ko. It’s as if he pulled the trigger and it explodes that it almost killed me.

What the hell I’m saying? Affected masyado Matti? Tiisin mo. Kailangan. Kung gusto mong tumagal, kailangan mong magtiis. Simula pa lang ‘to. Walang prinsepe ang mag-aahon sa ‘yo sa sakit. Wala.

“Kaano-ano po kayo ni Ms. Dela Torre?” hindi ko matingnan si Mrs. Concha – ang principal – nang nakangiti pa niyang tinanong si Axl.

“Her fiancé po.”

I heard her little gasp even Joyce’s. Nasa sapatos ko na lamang ang tingin ko.

“Fiance?” see? Kahit si Mrs. Concha, nagulat. At kahit hindi ako nakatingin kay Joyce ay ganoon din ang reaksyon niya. She’s reacting too much that it’s irritating me.

Naramdaman kong tumango si Axl sa tabi ko. Mukhang hindi pa maka-recover sa narinig si Mrs. Concha na napatagal bago magsimula sa pag-uusapan.

Minutes of sitting there listening to the principal and Axl’s conversation, I realized he’s really an upper class man. Ang galing niyang makipag-usap. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako fiancé dito. Mas nararamdaman ko pang anak niya ako.

Tahimik kaming pareho sa buong biyahe. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin mula pa kanina kahit pinagbuksan niya ako ng pinto. He also did the same.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-usbong ng kaba at hiya sa dibdib ko. Nakakahiya na nalaman ng principal ang kung anumang kalokohan ng pamilya ko dahil sa fixed marriage na ‘to. At hindi pa talaga ako nakakatungtong ng 18. Nakakahiya na sa dinami-dami ng pwedeng araw na susunduin niya ako, bakit sa panahon na ganito pa? Mukhang ayos din naman iyon para magkaroon siya ng dahilan na itakwil ako at umurong siya sa mangyayaring kasalan. That would be an immature reason pero pwede na din.

I love the silence. But today’s silence is an exception. Ngayong naiwan kaming dalawa sa kotse niya – na wala ang kaibigan ko, pakiramdam ko ay kinakain ako ng katahimikan. Sa lahat naman ng naging biyahe naming ni Tatay Hector ay hindi naman ako nailang na kasama siya. Madalas kaming tahimik lang. Hindi ko nga matandaan kung may naging pag-uusap kami ni Tatay Hector kapag hinahatid niya ako sa school. Kung meron man, sobrang dalang non. Kaya alam ko ang ganitong sitwasyon. I used to be in this kind of silence… o iba lang ngayon?

Ayaw kong ipagpilitan sa sarili ko na nahihiya ako sa naabutan niya sa school pero hindi ko mapigilan. Alam kong nahihiya ako dahil doon. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na natawag ako sa Principal’s Office at siya pa ang unang naging representative as my guardian. Isa pa ang sinabi niyang siya ang fiancé ko. Totoo man ‘yon ay hindi na dapat pa niya iyon binanggit. As if we won’t do things to stop this madness.

“Gutom ka na ba?” nagbuhol-buhol muna ang mga iniisip ko bago ko maproseso sa utak ko na nagsalita siya… at sa mahinahong paraan pa. When I looked at him, his eyes are fixed only to the road.

Kayang-kaya kong magsinungaling pero agad akong tinubuan ng hiya sa katawan. “Hmm.”

Sa mahina kong tugon na iyon ay napatingin siya sa akin. Nagkatinginan kami. Tinaasan ko siya ng parehong kilay, nagtataka sa paglingon niya. Why? How does it sounds ba? Masyado bang maarte?

“Okay. We’ll have dinner.” Tumango lang ako. Gustuhin ko man na umuwi, parang di ko din kayang sumabay kina Papa.

I can almost hear my breathing because of the silence between us. I feel like this is the longest ride I've had in life. When he said that we’ll be having our dinner, I thought we’ll go straight to his house or at least mine but his car stopped at the front of a fancy restaurant. Instead of asking him about it, hinayaan ko na lang. Ayaw kong magbukas ng usapan sa pagitan namin. Pakiramdam ko na ako lang din ang mapapahiya.

He’s really a lawyer. The way he talked to our principal earlier, he naturally shows his charm. Kahit yukong-yuko ako kanina, alam kong hinahangaan na siya ng maarteng Joyce na ‘yon. Ngumanga na lang siya kasi hindi naman siya papatulan ni Axl. While thinking of that, I automatically looked at him. I remember the night of our supposedly engagement party. Sobrang lasing siya non na nakaya niyang mag-eskandalo. Nakakapagtaka lang na kung gaano siya kalamig tingnan kanina ay hindi na ganoon ngayon.

“Let’s go?” natauhan lang ako na nasa harap ko na pala siya. Bahagyang nanlaki ang mata ko, napakurap-kurap. Ito yata ang unang pagkakataon na tiningnan niya ako nang hindi nakakunot ang noo. Maaliwalas ang mukha. Pero hindi nabura non ang first impression ko sa kaniya.

Sa gulat ay bahagyang umawang ang labi ko. Iniwas ko muna ang tingin sa kaniya bago ako lumunok. Kung bakit ako lumunok ay hindi ko din alam. Nauna akong maglakad sa kaniya pero naunahan niya akong buksan ang pinto. Nang tingnan ko siya ay kalmado lang siya… nakangiti pa.

I find him weird tonight. Lalo na nang magkatitigan kami matapos niyang umorder ng pagkain namin.

“What?” Inis na saad ko sa kaniya.

“Why? Am I not allowed to stare at my future wife?” his voice gives me chills. Pero syempre hindi ko pinahalata. He’s intimidating even with that smirk on his lips.

“Future wife, my ass.” I said without looking at him. I heard him laugh a bit.

“Yeah,” tumatangong saad niya saka umusod pauna – palapit sa akin. “Future wife, my ass.” His smirk suddenly faded.

Matiim siyang tumitig sa akin, ganoon din ako sa kaniya. Ito ‘yung oras na alam kong parehas kaming may gustong sabihin sa isa’t-isa.

“What will you get if this marriage happens?” seryosong saad niya. Nakapatong ang parehong braso niya sa ibabaw ng lamesa habang magkadaop ang dalawang kamay. Katulad niya ay kalmado lang din ako. Itinatago ang kabadong pakiramdam.

“Wala.”

“So… okay lang na hindi ito matuloy kung ganoon?” Oo naman. Oo na oo. Kahit sabik akong sabihin sa kaniya iyon ay pinanatili ko pa din ang pagiging kalmado ko.

“Of course.” He sighed and slowly nodded his head. Nawala ang pagiging seryoso niya. Tila para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa naging reaksyon niya.

“Good.” Tumatangong saad niya saka ako binigyan ng ngiti na ikinakunot ng noo ko. Dapat ko na bang simulang isipin na moody siyang tao? Kanina ay ang pangit ng dating niya sa school hanggang sa naging mahinahon tapos naging seryoso at… ngayon ay nagiging ayos na naman ang mood niya. “I want to make sure that we’re on the same page right now. I don’t want to be caged at this situation.”

I understandingly nod my head. “We’re on the same page.” I assured him.

Nang mai-serve na ang pagkain na inorder niya ay inumpisahan na namin iyong lantakan.

“I didn’t know you’re a troublemaker.” With knitted forehead, I looked at him. The smirk is visible in his lips, but he seems just teasing me about it. Hindi kagaya kanina na parang iritado siya. “You look too..” pinutol niya ang dapat na sasabihin niya.

“What?” nakataas ang isang kilay na inangat ko ang noo sa kaniya.

“Prim and proper?” Hindi pa mukhang sigurado. “You look as a top student. Afraid to get late at school or even disobey just one rule. Masyado kang masunurin na kahit kagustuhan ng Papa mo, susundin mo. Kaya nang makatanggap ako ng tawag galing kay Manong Hector ay nagulat ako.”

“Ha?” he shrugged. Nakakapagtaka. “Bakit may number ka ni tatay Hector?”

“Baka hiningi ng aso ko?” I almost rolled my eyes at him. I can’t believe it or he’s just too unbelievable. Hindi ko aakalain na ganito pala siya ka-fc. Nakukuha na niyang maglapag ng joke. Parang hindi niya ako sinasamaan ng tingin noon. Parang hindi siya nagalit ah.

“Funny.” I fake a smile which made him chuckle.

“Hiningi ko.” I just nodded. Gusto ko talagang malaman kung bakit kailangan pa niyang hingin pero napagtanto kong wala din akong karapatang malaman. Tatay Hector is our driver, kaya siguro nakakapagtaka na para saan ang pagkuha niya non. Pero teka… tiningnan ko siya.

“Ikaw ang tinawagan niya?” tumango siya. “Bakit?” sinalamin ng mukha niya ang pagtataka sa mukha ko.

“Anong bakit?”

“Bakit ikaw ang tinawagan niya? At bakit siya ang tumawag? Narinig ko si Mrs. Concha na kausap ang secretary ni tita Eleanor kaya akala ko…” nagkibit-balikat siya habang bahagyang nakakunot ang noo sa pag-iisip.

“Siguro sila ang unang tinawagan since Manong Hector told me that Sir Dela Torre needs me in your school.” Parang sinaksak ang dibdib ko sa sinabi niya. So my father had the idea about this. Alam kong hindi niya ikakatuwa ang ganitong pangyayari dahil hindi naman siya sanay na ipinapatawag sa school dahil sa isang kahihiyan pero hindi ko inaasahang kaya niyang ipasa sa iba ang responsibilidad niya bilang ama sa akin.

Habang hinihintay ang pagdating niya kanina, aaminin ko na kahit magalit siya ay ayos lang. Simula nang namatay si Mama ay sobrang dalang niya na magpakita sa school ko kahit mga awards ang ipupunta niya. Para siyang allergic sa school na pinapasukan ko na kahit ang magpakita sa akin sa recognition day ay hindi niya ginawa. Inaasahan ko na papasok siya sa Principal’s Office na nag-uusok ang ilong dahil sa galit. Tanggap ko pa iyon. Well, why do I even expect for that to happen? Kahit naman noong nandito pa lang si Mama ay hindi naman siya gaanong kadalas na sumasama sa amin maliban na lang kung pipilitin siya ni Mama.

“Are you okay?” he seems to notice my tears so I nod my head. Kung magaling man siyang kumilatis ng mga tao ay alam kong alam niya na hindi ako okay.

Mabuti na lamang at hindi na ulit siya nagtanong. Mabuti na lang at naramdaman niyang kailangan ko ng katahimikan dahil pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay nag-aya na siyang umuwi. Madilim na sa labas nang umalis kami doon. Katulad kanina ay sa labas lamang ako nakatingin.

Bumuntong-hininga ako. Kahit ayaw ko nang isipin ang bagay na iyon ay nakakahanap pa din iyon ng paraan para magsumiksik sa isip ko. Dahil nang bahagyang tumigil ang sasakyan nang nag-stop ang traffic light ay saktuhan na sa tapat ng isang university kami napatigil. May isang mag-ama na lumiban. Naiyak ang isang dalaga na may hawak ng papel at sa tingin ko ay iyon ang dahilan ng pag-iyak niya. Ang lalaki ay naka-akbay sa kaniya habang tinatapik ang braso, comforting her.

Pinilit kong lunukin ang kung anumang bagay na nakabara sa lalamunan ko. Nakakainis. Ilang taon akong nagtitiis at nagpipigil. Pero kahit ilang dekada pa yata ang magdaan ay alam kong mahirap tanggapin na hindi katulad ng pagmamahal na meron ang ina ko para sa akin ang pagmamahal na meron si Papa.

Mama, you said Papa loves me. I always remember how sure you were that day when you told me how much Papa loves me but I guess you’re just blinded by your love for him that you mistaken what thing he has for me. Maybe just like the reason why he married you – he kept me because I’m just his responsibility.

Nakatawid na sa kabilang kalsada ang mag-ama pero nakasunod pa din ang tingin ko sa kanila. When you see things that are hard to reach, the feelings are painful for you to bear.

Dahil nakasunod pa din ang tingin ko sa mag-ama ay aksidenteng nagkatinginan kami ni Axl. Kanina pa ba siyang nakatingin? Agad akong napaiwas sa mga mata niya. Within that seconds I saw him staring at me, I already know what’s with his eyes.

He pity me.

Nang magsimula ulit siyang magmaneho ay gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na ‘wag na niya muna akong iuwi. Nahihiya ako kaya hindi ko magawa. Ayaw kong magkaroon din siya ng responsibilidad sa akin. Ayaw ko siyang bigyan ng rason para mapilitan na makasama ako.

Nakatitig ako sa bahay. Hindi ako makalabas ng sasakyan niya. Puno ng liwanag ang bahay namin. Nakakabulag kung papasukin. Ngunit ang tunay na nakatira lamang dito ang makakaalam nang kung gaano kadilim ang nasa likod na nakakabulag na liwanag sa labas ng bahay.

Nakakapagtaka na hinayaan ako ni Axl na manatili sa sasakyan niya kahit patay na ang makina nito at alam niyang dapat na bumaba na ako. Hinayaan niya lamang akong panoorin ang bahay namin. Wala siyang sinabi. Hindi niya rin ako kinibo.

Inangat ko ang phone mula sa hita ko. Alas-otso na ng gabi. Pero wala man lang naliligaw na missed calls sa screen ng phone ko. Kahit ilang beses kong sabihin na wala akong aasahan sa ama ko ay isa pa rin akong anak na naghahanap ng kalinga niya kaya magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko tinataliwas ang mga iniisip ko kay Papa. Oo, nagagalit ako sa kaniya pero umaasa akong sana hindi totoo ang mga iniisip ko na hindi niya talaga ako mahal.

“Pwede bang…” paglingon ko kay Axl ay inangat niya din ang tingin niya sa akin mula sa pagkakayuko sa steering wheel. Bigla akong na-guilty. Madilim sa loob ng sasakyan kaya hindi ko kaagad nakita ang hitsura niya. “Uhh… wala pala. Pasensya na. Bababa na ako.”

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakababa sa hita habang pinaglalaban ang mga daliri ko. Hawak ko din ang phone ko kaya naman pati iyon ay parang nakikipaglaban sa mga daliri ko. Ngumiti ako para magpaalam.

“Ayos ka na ba?” nagulat ako sa tanong niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “You can stay here for a minute if you’re not. ‘wag mong pilitin kung hindi mo pa kaya.”

Umiling ako at pinilit tumawa. “Pasensya na. Bababa na ako.” Naabutan kong tumango siya kasabay ng pagbukas ko ng pinto. Pagkasara ko noon ay bumukas naman ang bintana nito. Sumilip ako dahil sumilip din siya.

“Mapapagalitan ka ba? Pwede akong pumasok at sabihing ako ang nagsundo sa ‘yo.”

It’s weird but I like the idea of my father scolding me because I went home late. I smiled sadly by that thought.

“Ikaw ang pinatawag niya kay Tatay Hector diba? I’m sure he knows I’m with you.” Besides, he’ll be happy if he learnt we’re together. Thinking we’re beginning to know each other. Tumango siya sa sinabi ko.

“Pumasok ka na. Aalis na ako.” Ako naman ang tumango saka tumalikod. Humakbang ako papuntang gate. Binuksan iyon ng guard. Lipad ang isip ko nang nginitian ako ng guard. Nataranta ako nang marinig kong binuhay na ni Axl ang makina ng kotse niya, senyales na paalis na siya.

Mabilis pa yata sa alas-kwatro ang pag-ikot ko at paglapit ulit sa kaniya. As soon as I came to his car, the windows went down and his confused face show up.

“Ayoko pa palang pumasok.”

“SAAN mo ba gustong pumunta sa oras na ‘to? Sa mall?” nakangiwing umiling ako.

“I hate shopping.” Gumuhit ng bilog ang labi niya sa sinabi ko.

“Oh. Ikaw lang yata ang babaeng nakilala ko na ayaw ng shopping. Most of the girls I know, hindi mabubuhay ng isang buwan kapag hindi nakakapasok ng mall.”

Hindi ako umimik. Nag-iisip ako kung saan ba kami pwedeng pumunta. Gusto ko sana sa bar pero wala pa ako sa legal age at pakiramdam ko hindi din ako hahayaan ni Axl na doon magpunta. Tingin ko ay hindi siya yung tipo na mag-aalaga ng babae sa bar. Strict kuya kumbaga.

Kanina pa din siya tahimik. Magsasalita lang siya kapag itatanong niya kung saan ko gustong pumunta. Natatakot ako na baka basta na lamang niyang itigil ang sasakyan at itapon ako sa labas sa inis. Nakakailang tanong na kasi siya pero wala akong matinong maisagot. Hindi naman ako mahilig gumala lalo’t gabi. Ngunit kalmado pa din naman siya. O baka pinipilit niya lang na maging kalmado para hindi niya ako masaktan.

“Ikaw ba? May gusto ka bang pumuntahan?” when I turned to look at him, I saw how sad his smile is. Napakagat ako ng labi sa kuryosidad. “Doon na lang tayo.”

Nilingon niya ako saka umiling at ibinalik ang mata sa daan. Sa sandaling iyon ay nakita ko na malungkot siya. Bakit? Anong lugar ba ang gusto niyang puntahan?

“Bakit?” umiling lang ulit siya.

Tumango ako at hindi na siya ulit tinanong. Kung ayaw niyang sabihin ay wala naman ako sa lugar na pilitin siya dahil una sa lahat ay hindi ko gawain ang mamilit.

Pero wala kaming pupuntahan kung lilibutin lang namin ang buong village. Kaya hinarap ko siya ulit. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

“Tara na lang doon,” nginuso ko ang daan. Napakunot siya ng noo.

“Saan?”

“Sa gusto mong puntahan.” I don’t know where this curiosity came from. Wala pa siyang sinasabi na lugar at dahilan kung bakit kahit gusto niyang pumunta doon ay parang bawal – gusto ko na agad siyang pilitin. Maybe when you don’t know things, it makes you excited.

“Wala naman akong gustong puntahan.” Napasandal ako sa upuan.

I realized maybe he’s too exhausted and tired that’s why he wants nowhere to go right now. Baka masyado na akong abala, hindi niya lang sinasabi.

“Ah sige uuwi na lang ako.” That made him look at me with a frown. I blinked. How did I say it ba? Napa-arte ba? “I mean, gabi na. Baka may kailangan ka pang gawin. Nakakaistorbo na ako.”

“I have nothing to do actually-“

“Liar.” I whispered then looked outside. If he’s just saying that not to embarrass me, that won’t work. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsisinungaling. I tried to think deeply about my sudden behaviour. Ayokong nang dahil lang sa pakiramdam ko nanagsisinungaling siya sa akin ay magkakaganito na ako sa kaniya. I don’t wanna act immature.

Lumingon ako sa kaniya saka ngumiti.

“I’m not lying.” May pagtatantiya na saad niya.

“Don’t mind me.” Nahihiyang saad ko sa kaniya. Nakakapagtaka na kahit nahihiya ako ay magaan naman ang loob ko. Hindi katulad noong nagdinner sila sa bahay. Hindi na siya parang napipilitan lang. “Can we talk about it now?”

“Ang alin?” he confusingly asked.

“The engagement?” that made him face frown for more.

“Why? I thought you’re not agree to this set up?” parang matutulala ako nang makita kong parang nagliyab ang mata niya. It’s not my intention to pull the trigger. Is marriage a curse to him?

“Wala naman akong sinabing gusto kong ituloy…” iniwas ko sa kaniya ang tingin. Hindi sa natatakot ako pero dahil lalaki siya ay alam kong hindi ko dapat sya ginagalit.

“What about it?” He’s back at it again now. Muntik ko na siyang irapan. Ang bilis niyang mawala sa mood. Dahil lang sa usapang kasal.

“Wala. Nevermind.” I scoff inwardly. Hindi ko na sinubukan pang lumingon sa kaniya ulit.

Napansin ko na lang na ibang daan na pala ang tinatahak namin. With a smirk, I looked at him. Tumingin din siya sa akin pero wala namang emosyon ang kaniyang mukha.

“I’ll bring you to a place where I belong. Reason why can’t I marry you.” Sandali akong natigilan sa tono na ginamit niya. Walang bahid ng kung anong emosyon iyon. Matigas at matiim ang pagkakabigkas.

I already had the idea what I’m going to discover tonight. Kung saan man niya ako dadalhin ay nakikiramdam ang puso ko. At alam kong may posibilidad na totoo at maaaring iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw niyang maikasal. This is the most possible reason I know. At kung magiging tama ang kutob ko, mas nalakas ang loob kong hindi sumang-ayon sa kasunduang ito.

Kahit palagi naman kaming tahimik sa biyahe ay kakaiba ang katahimikan ngayon. Ramdam kong kinakabahan siya. Kanina ko pang napapansin ang pagbuntong-hininga niya. Mahigpit din ang kapit niya sa steering wheel ng kotse.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nakita. With his big hands holding tight to the steering wheel, I can clearly see the silver ring in his left ring finger. Kung ganoon, tama nga ang nasa isip ko? Kung tama ako, bakit parang hindi alam ng mga magulang niya kung makatulak ang mga ito sa kasal?

Hindi ko kaagad naialis ang tingin sa kaniyang kamay kaya hindi ko namalayang nakatigil na pala ang sasakyan. Kung hindi pa niya tinawag ang pangalan ko ay hindi ko pa malalaman na nandito na pala kami. Bago ko pa masalubong ang tingin niya, bumaba agad ako ng sasakyan. I adjusted myself from this place. It’s still part of Manila, I guess.

Sa tapat ay ang malaking bahay. Katulad ng amin ay maliwanag din ito mula sa labas. Ang pinagkaiba lamang ay ang pakiramdam na meron ako ditto. This feels like home, unlike our house.

“Matti.” Lumingon ako sa kaniya. Hinarap ko siya saka pinakatitigan sa mata.

“Kasal ka?”

Nakakalungkot. Hindi ako ang nasa kalagayan niya pero nararamdaman ko ang sakit niya. Mahirap makulong sa hawla na pag-aari ng iyong magulang. Naiintindihan ko ang hangarin nila ngunit hindi lahat ng kahilingan nila ay dapat ang anak ang magbabayad. Sa pagkakataong ito ay kaya kong sumbatan ang ama ko kung matutulungan ko siya.

Naalala ko si Mama. Ngunit mas naisip ko si Papa. Their marriage is just for business integration. People seems fond of their marriage because they looks so happy. Ang hindi nila alam ay nakulong lamang si Papa sa isang desisyon. He has no choice but to marry my mother. She’s his first love and then suddenly he fell out of love. Nang may bago na si Papa, saka naman nabuntis si Mama. At dahil magka-sosyo ang mga magulang nila sa negosyo at idagdag ang pagdadalang-tao ni Mama, hindi na nakatakas si Papa.

And seeing Axl here, standing at his wife’s house reminds me of my father. Paano pag ikinasal kami ni Axl? Parang history repeat itself lang? Mahal na mahal ni Mama si Papa, pero may mahal itong iba. Nasasaktan ako para kay Axl na nito ko lang nakilala. Samantalang ngayon ko lang napagtanto na masakit pala kay Papa ang makulong sa taong hindi na niya mahal na matagal ko nang nakakasama.

Ang sarap niyang sapakin nang bahagya siyang tumawa. Anong nakakatawa?

“How do you say I’m married?” bumaba ang tingin ko sa kamay niya kaya napatingin siya dito. Inangat niya iyon katapat ng mukha ko. He smirked. “You sound so sure.”

“Bakit? Hindi ba ‘yan wedding ring?” Oh! Don’t tell me hindi yan wedding ring?

“Axl?”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa labas ng gate ay nakatayo ang isang matangkad at balingkinitan na babaeng nakasuot ng pair of night pajama. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng pagtulog. Napahakbang ako paatras ng isang beses nang tingnan niya ako. Mukha siyang mataray.

“Luna.” Namamalat ang boses na tawag ni Axl sa babae. Sa kaniya napunta ang tingin nito. “Lu-“

“Why are you here?” naglakad palapit si Axl sa babae kaya lalo akong gumilid sa sasakyan para hindi maging harang sa kanila. Nagulat ako nang ilayo niya ang braso nang akmang hahawakan ito ni Axl.

“Luna…”

“Haven’t I made it clear that I don’t want to see you ever again? The last time I check, nakakaintindi ka pa naman ng English.” Napakurap-kurap ako. The last thing I want to witness is this situation right now. “At nagsama ka pa ng…” bigla akong nanliit nang tumama na naman sa akin ang tingin niya. “Ang bata ng bago mo ah.”

“Luna,” malalim ang boses na agaw pansin ni Axl sa kaniya. “Hindi siya kasali dito-”

“Hindi nga ba?”

“Hindi-”

“At hindi rin ako tanga.” This time, napalunok na ako. Kailangan ko na ba pumasok sa sasakyan? Sa tingin ko oo pero hindi makagalaw ang paa ko.

“Kahit ginawa mo sa akin ang ibinibintang mo sa akin, hindi ko magagawa iyon. Alam mo ‘yan.” Ang mataray na mukha ng babae ay nilamon ng lungkot. Nangilid ang luha sa mata niya pero pinipilit niyang magmukhang matapang. She has the image of my mother, except that fierce look.

Bagay sila. It’s just confusing why are they like this.

“Umalis ka na.” matigas na saad ni Luna – o Ate Luna.

“Luna.” Kung kanina ay pakiramdam ko ay pagod na si Axl, ngayon ay sigurado na ako. “Kailangan nating mag-usap. Hindi naman pwedeng palagi mo akong iiwasan-“

“Kailangan.” Determinadong sagot ni Luna. “Walang mag-EX ang normal lang na nag-uusap-“

“Tayo pa din-“

“Hindi na.” Sa tigas ng boses ni Luna ay natahimik na lang si Axl.

“Alam mong babalik pa din ako dito diba? Ikaw lang ang mapapagod sa pagpapabalik-balik ko.” Hindi makatingin si Luna sa mata ni Axl. I can see that they both love each other. What’s holding her back?

“Ikaw lang ang mapapagod Axl, hindi ako. Ilang beses ka na nga bang pabalik-balik dito? Wag kang magpakita ng pagiging desperado lalo na’t…” tumingin na naman siya sa akin “may kasama kang bata.”

Nang tumalikod ang babae ay napakagat ang labi ko. Ako ang kinabahan sa ginawang pagpigil sa kaniya ni Axl sa pagpasok sa loob. Iritado nitong tinanggal ang kamay ng lalaki sa kaniyang braso.

“Bakit ba ang kulit mo?”

“I love you,” nahihirapang sagot ni Axl na nagpalaki ng mata ko.

Sa pag-ihip ng hangin ay nadala nito ang maliliit na buhok sa mukha ko. Ginawa ko iyong dahilan para gumalaw. Pumaling ako sa kaliwa saka inayos ang aking buhok. Hindi ko na hinayaan ang sarili kong panoorin sila. Wala dapat ako sa ganitong sitwasyon. Hindi dapat ako kasali dito.

“Hindi na kita mahal.”

With what she said, another memories came flashing back at my head.

“Hindi na kita mahal.” Nabitawan ko ang papel na hawak ko nang marinig ko iyon na sinabi ni Papa kay Mama. Agad kong umalis sa hamba ng pintuan. Bumalik ako sa dining area at doon na lang sila hinintay. Inaasahan kong pagbalik nila ay ayos na ulit sila. Dahil kapag nag-aaway sila ay alam kong mabilis silang nagkaka-ayos ulit. Ganoon nila kamahal ang isa’t-isa.

Nang narinig ko ang yabag ay sasalubungin ko na sana sila ng ngiti at ng yakap. Ngunit si Mama lamang ang lumabas. Bahagyang umawang ang labi niya nang mapagtantong nandoon na ako. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pugtong mata.

I thought everything can be solved. Ang dami kong pinaniniwalaan noong bata ako. Palaging positibo sa buhay. After that day, I learned that there are some things in life you can’t control. And there are some things you can have, but you can't call your own.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang emosyon ko dahil napahikbi ako.

“Matti?” inignora ko ang tawag ni Axl. Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat.

As soon as I closed the door beside me, I cried the sudden pain. Hindi ko pinansin ang pagbubukas ng pinto ng driver seat. Hindi ko pinansin ang pagpasok niya. Ang tanging nasa isip ko ay mailabas ko ang mga luha ko. Nakakapagod umiyak pero vitamins ko na ito.

Naramdaman kong gumalaw na ang sasakyan senyales na paalis na kami. Nakatabon lamang ang mukha ko sa mga palad ko. Nang mahimasmasan ako ay sa bintana lamang ako nakapaling. Parang tanga, Matti. Ano iyon? Nagpapasikat ka ba? Sa harapan pa ng nag-aaway na couple?

Hindi pa man nakakahinto ng tuluyan ang sasakyan ay binuksan ko na ang pinto. Nakakuha tuloy ako ng mahinang mura galing sa kaniya. Nagmamadali talaga ako dahil gusto ko na siyang takasan. Nahihiya na naman ako.

“Matti.” Nagbuga muna ako ng hininga bago humarap sa kaniya. Nasa labas na din siya ng sasakyan. Hinintay ko siyang magsalita. Nakatitig lang siya. Yumuko saka tumingin ulit sa akin. “You’re not alone.”

“Ha?”

“It’s okay if you’re hurting…” I slowly nodded my head once it hit me. “At least, you’re not alone.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status