Share

Chapter 36

 

What is Love?

“Love tests”

 

Warning: Mature Scenes and Foul Language may be encountered at this chapter. If you find it disturbing, please skip this one.

 

Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya hindi ko kayang panoorin lang ang panghuhusga sa kaniya ni Tita Tatiana. Hindi ko napigilang itulak ang magandang babae.

Nanlalaki ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakahulog nito. Kanina ko pa siyang napapansin na dinuduro niya si Adi. At ayaw kong minamaliit ng kahit na sino ang kapatid ko.

“How dare you,” matigas ang pagkakabigkas nito.

“Mommy?” ang inosenteng boses na iyon ni Tony - ang isa ko pang kapatid - ang umalingawngaw sa buong sala.

Sa tapat ng pinto ay nandoon si Mommy at Daddy, parehas nakakunot ang noo dahil sa nasaksihan.

Malugod na lumapit si Tony. Maingay ang pagkalansing ng mga medalya na nakasabit sa leeg niya sa pagtakbo niya.

“Mommy, ano pong ginagawa niyo sa sahig? Naglalaro po ba kayo nina Kuya?” Tinulungan niya ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status