Share

Love Ring

"A what?!"

Mindy explained everything to Ryanne about the ring.

"So your telling me that this ring has a power to make someone fall inlove with you?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Ryanne kay Mindy.

"Yes, parang ganun na nga," si Mindy.

"Whoa! That's....insane!" She look amazed.

"Well..." sabay kibit ng balikat ni Mindy "what more can I say. It's really insane!"

"Where did you get it though? I mean the ring?" Ryanne asked curiously.

"It's from my lola. If you're going to ask me why my lola have that kind of ring, well...she's a witch." sabi ni Mindy na parang wala lang.

"Wait, your lola is a witch?" Di makapaniwalang tanong ni Ryanne sa kanya.

"Uh huh! That's right!"

"Are you a witch too?" medyo nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya.

Iniling ni Mindy ang kanyang ulo "Unfortunately, I am not, yet." she winked on Ryanne.

Ryanne scoffed. Nakikinig lang ako sa kanila.

"So bakit ayaw matanggal nitong singsing sa daliri ko?" tanong ulit ni Ryanne kay Mindy. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga bleachers dito sa field.

"Once na sinuot mo kasi yan di na matatanggal. But don't worry everything has an expiration naman eh."

"So kelangan ko pang hintayin yung expiration date? At kelan naman yun?" sunod sunod na tanong ni Ryanne.

"Oo at di ko alam kung kelan, okay."

"What will happen Minds?" tanong ko naman sa kanya "Anong mangyayari now that the ring is in someone else's finger?"

"Honestly, I don't know..." she combed her hair using her hand.

"This ring can make someone likes someone, right?" Mindy and I both nodded "So, does this mean magkakagusto ako sayo?" seryoso siyang nakatingin sa akin. Binaling ko naman ang paningin ko kay Mindy just waiting for her to answer. Napatingin din siya sakin.

"Wala naman kasi pinipili yung love ring. Kahit kanino mo ipasuot, kahit na di mo pa gusto yung taong nakasuot nun tatalab at tatalab talaga yan." she answered.

"So, it's a yes? Magkakagusto siya sakin?" I asked Mindy.

"Maybe? Yes?" Nagkibit balikat na lamang siya.

I saw Ryanne smirk. I don't know kung ano ibig sabihin nun but I'm pretty sure na hindi ko magugustuhan kung ano man yung nasa isip o pinaplano niya.

"C'mon, Gov. Samahan mo ko."  yaya sakin ni Ryanne as she grabbed me sa mismong kamay ko.

Nakaramdam ako ng static nung hinawakan niya yung kamay ko kaya bahagya akong napaigtad.

"Wait, saan?" Tanong ko sa kanya habang papalapit kami sa Teacher namin na kakarating lang. Hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Ma'am, C.R lang po kami..." paalam niya sa Teacher namin.

"Sabay talaga kayong dalawa?" palipat lipat yung tingin ng Teacher namin samin. Tinangoan lang siya ni Ryanne habang ako naman pilit na ngumiti kay Ma'am.

"Bumalik kayo agad!" di na pinatapos ni Ryanne yung sinabi ng teacher namin at agad na akong hinatak papalayo sa field. Lumingon pa ako kay Mindy. Ang loko ngising ngisi tapos nagwink pa! Sinenyasan ko siya na sumunod samin. Ang bakla nagwave lang sakin saka natawa. Baliw talaga. Malalagot ka talaga sakin mindy. Makikita mo pagbalik ko.

Nabaling naman ang paningin ko sa likod ni Ryanne. Bat naman ako dadalhin sa C.R ng babaeng to? Hayss...

"Anong gagawin natin sa C.R?" She looked over her shoulder while smiling sweetly "Jingle."

I scoffed "Kailangan kasama ako?" medyo badtrip kung tanong. Kasi naman eh. Iihi pala siya isasama pa ako.

"Yes, Gov! I need you to be there."

"At bakit?" Sabay hatak ko sa kamay ko na hawak niya. I crossed my arms the moment na nakawala na yung kamay ko sa pagkakahawak niya "Nasa akin ba yung toilet bowl at kailangan isama mo pa ako?"

Pinakita niya sakin yung kamay niya na may singsing "I need you to take this off for me!" saka kinuha ulit yung braso ko at agad akong hinatak papuntang C.R.

"Pakibilisan po! Magalit pa satin si Ma'am Golez eh." lumabas na siya ng cubicle na di inaalis ang paningin sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin saka napabuntong ng hininga.

Pinaandar niya yung gripo saka hinugasan ang mga kamay niya. Napalingon naman ako sa kanya saka bumaba yung tingin ko dun sa singsing. Humarap na ako sa kanya at nilagay yung mga kamay ko dun sa kamay niya saka dahan dahan na minamasahe yung mga daliri niya especially yung daliri kung nasaan ang singsing.

Kahit siguro anong sabon o basa ng tubig tong singsing di pa rin to matatanggal sa daliri niya.

Naramdaman ko naman na parang nakatingin siya sakin kaya nagsalita na ako.

"We're wasting our time here, you know." sabi ko sabay tingin sa kanya.

Gotcha! Nakatingin nga. Agad naman siyang napaiwas ng tingin sakin. Binitawan ko na rin yung kamay niya saka pinunasan yung kamay ko ng paper towel.

"Di na matatanggal yan. Sinuot-suot mo pa kasi eh." I mumbled the last sentence na sinabi ko.

"What did you say?"

"Ha?" Nagmaang maangan naman ako sa kanya "May sinabi ba ako?" Umirap lang siya ng mata niya sakin.

"So, who's the lucky guy?" She asked as she leaned her back in the sink.

Napatingin ako sa kanya. Nakipagtitigan siya sakin.

"Cedric..." tanging sagot ko.

"Cedric? As in Cedric Dela Cruz?

"Siya nga!" iwas pa rin ako ng tingin sa kanya.

She laughed a bit which cause me to looked at her.

"Anong nakakatawa?" She shrugged her shoulders "I just find it funny, I mean...this ring was supposedly meant for Cedric but guess what happened? Napunta yun sa girlfriend niya" napakunot naman ako ng noo. Anong girlfriend na pinagsasabi nito. Unti unti naman napalaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Wait, what?

"Good thing ako nakasuot ng singsing." Sabi niya habang tinititigan ang singsing na parang namamangha.

"Boyfriend mo si Cedric?" Ang alam ko kasi single si Cedric ganun din tong babaeng to. Wait? Kailan naman naging sila? Alam kaya ni Mindy yung tungkol sa kanilang dalawa? Malabo na alam ni mindy kasi kung alam niya di niya ako ipupush about sa singsing. Tama.

"Mismo!"

"Akala ko ba single siya?"

"Yes, Gov! He's single like what? 3 days ago?" medyo natawa naman siya dun.

So bago pa lang sila.

"I-I...didn't know."

"I figured," she came closer to me "but don't worry di naman ako galit sayo eh."

Gaya ng dati, napaiwas ulit ako ng tingin "Isa pa...as long as nasa akin yung singsing, I have nothing to worry about." she winked at me saka ako hinatak palabas ng C.R pabalik ng field.

Bigla naman siya napatigil sa paglalakad saka humarap sakin habang hawak pa din ang kamay ko.

"One more thing..." lumapit na naman siya sakin, sobrang lapit na napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Tinitigan niya ako ng matiim sa mata then gave me a sly smile.

"Nevermind, Gov!"  she said saka naglakad ulit. Hatak hatak pa rin niya ako.

Ano naman kaya yun?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status