Share

Kabanata 84

Game of Love

Habang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito.

" Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.

Hanggang sa...

" J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status