Lahat kami ay nasa isang mahabang lamesa at sunod-sunod na nakahilera. Ngayon kasi namin mami-meet ang bagong image model ng Mall. Malaki ang pasasalamat nila kay Mark kasi tinulungan n'ya akong makapili ng modelo kung hindi namomroblema pa rin sila hanggang ngayon.
Wala akong ideya sa sinasabi ni Kim na huling baraha. Sabi kasi ni Kim may inihanda daw si Mint na huling baraha na siguradong hindi ko matatanggihan na maging model ng Mall. Bigla tuloy akong na-curious kung sino s'ya, hindi ko daw matatanggihan? Tsk! Asa sila, itong si Regine nga napilitan lang akong piliin na model para sa Mall para hindi na sila ma-stress eh kung may choice pa, hindi naman s'ya ang pipiliin ko.
"Sa wakas nakapili rin 'tong kumag na 'to." bulong ni Kim nang mahina kay Mint. Pero naririnig ko naman dahil katabi ko lang s'ya. Sumunod si Mint na katabi n'ya. Sa kabilang side naman sila Nychaa at Masu. Si Mark hindi namin kasama kasi busy na s'ya sa sweet shop business n'ya.
"Kaya nga eh," sabi ni Mint.
Sinabihan ko sila na manahimik dahil uumpisahan ko na ang pag-iinterview kay Regine. Alam naman nilang lahat na ako lang ang tanging pwedeng mag-interview kaya manahimik sila para hindi sila makasagabal.
"Thank you very much Mr. Kugimiya for choosing me as a new image model of Kugimiya Mall, isang malaking karangalan ito para sa 'kin." nagagalak na sabi ng model. Siya si Regine, s'ya ang sinasabi ni Mark na isang rising star model na umiingay ang pangalan sa industriya. Kita ko sa mata n'ya at ekspresyon sa mukha n'ya ang kasiyahan.
"Hindi mo na kailangan magsalita ng kung ano Ms. Regine, sagutin mo lang kung anong mga itatanong ko sa' yo. Isa pa, huwag kang magpasalamat. Ang gusto ko gawin mo nang maayos ang trabaho mo, naiintindihan mo ba?" sabi ko sa kanya. Ang daldal kasi, ang dami-dami pang sinasabi hindi ko naman hinihingi opinyon n'ya.
Dahil sa sinabi ko kay Regine, yumuko s'ya dahil medyo napahiya.
"Just do what I tell you."
"Y-yes sir."
"Turn around slowly." Nagtataka man pero sumunod na lang si Regine.
"Do you smoke?"
"No sir"
"Do you drink alcohol?"
"N-no sir"
"Are you sure? Ayaw ko ng sinungaling," madiin kong tanong sa kanya, habang tinitingnan ko s'yang maigi sa mata para malaman kung nagsisinungaling s'ya o hindi.
"Ah s-sir yes, pero hindi masyado."
"Do you have a boyfriend?"
"W-wala po."
"Well, siguraduhin mo lang dahil number one rule ng mga nagiging model namin ay bawal ang boyfriend, may asawa o may anak dahil nakakagulo lang ito sa trabaho. Ang gusto ko focus." Hindi pa rin ako gano'n kakumbinsido sa mga sagot ni Regine. Kaya naman ipapa-background check ko ang pagkatao n'ya, mahirap na. Ayaw kong masira ang image ng Mall nang dahil sa kanya.
"Y-yes sir."
"Lumapit ka dito."
Unti-unting lumapit si Regine papalapit sa 'min, nanginginig ang mga tuhod n'ya. Ang kaninang ngiti sa mukha n'ya napalitan ng takot.
"Open your mouth."
"Huh?"
"Ano, nabingi ka na!" Gusto ko lang naman kasi na makita ang ngipin n'ya.
"Barry, sobra naman na yata 'yang interview mo? Ano to, physical exam? Pati ngipin gusto mong tingnan kung may bulok, gano'n? Pati kaya hininga amuyin mo na rin kung bad breath," saway na bulong ni Kim sa'kin.
"Kailangan ba talagang gawin ni Regine 'yan?" dagdag na bulong ni Kim sa'kin.
"Shut up Kim!" pabulong pero may diing sagot ko kay Kim.
"Sabi ko nga eh, shut up na ako" Nakagat na lang ni Kim ang pang-ibabang labi at tumahimik na. Akala ko sasagot pa eh, makakatikim na talaga s'ya.
"Tapos na ang interview, nawalan na ako ng gana!" inismiran ko si Kim at muling tumingin kay Regine.
"Ms. Regine, sila nang bahalang magpaliwanag sa' yo ng mga dapat mong malaman," sabi ko at hindi ko na sila ulit nilingon pa. Bahala na sila d'yan, nawalan na ako ng gana.
"Napakatopakin talaga, tsk!" narinig ko pang bulong ni Kim bago ako tuluyang nakalabas.
*******************
Dumiretso na ako umuwi ng bahay, nawalan na kasi talaga ako ng gana. May isang oras din ang byahe pauwi ng bahay magmula sa Mall. Natatanaw ko na ang malaking signboard ng Happy House Village, ibig sabihin malapit na akong makauwi.
Bago tuluyang makauwi sa bahay, may madaraanang playground. Sinadya ko talaga itong ipagawa, hindi ko alam kung bakit.
"Secret garden playground," mahina kong bulong nang madaan ako sa playground, bakit nga ba ito ang ipinangalan ko?
"Because you miss her so much," anang ng isang boses sa isip ko na kaagad naman akong umiling para mawala ito.
Pagdating ko sa bahay, kaagad kong ipinark ang kotse at pumasok sa loob. Kumuha ako ng isang bote ng beer. Dumiretso ako sa terrace at dito nagsimulang uminom habang nakatanaw sa malayo.
Nakita ko ang kaha ng laruang sigarilyo sa ibabaw ng lamesa. Isa pa 'to, pitong taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin matapon-tapon. Ang sabi ko sa sarili ko, tama na. Kailangan ko na s'yang kalimutan, pero bakit ganito? Pilit ko s'yang inaalis sa isip ko, pero paulit-ulit naman s'yang sumisiksik dito sa puso ko. Ito na naman ako binabalik-balikan ang nakaraan.
*********Flashback****************
"Do you smoke? "
"Kanina ka pa d'yan? Ang kulit mo talaga Manang. Sabi ko sa 'yo huwag ka na tatambay dito, hindi ba? "
"Hindi kasi ako makapag-review, ang ingay nila Kim. So, naninigarilyo ka nga?
"Obvious ba? Kapal na nga ng salamin mo bulag ka pa!"
"Masama 'yan sa kalusugan, teka! May kukuhanin ako, hintayin mo 'ko." Saglit s'yang nawala at pagbalik n'ya may dala s'yang laruan na sigarilyo.
"Ano 'to?"
"Bulag ka ba? Eh di laruang sigarilyo."
"Ano namang gagawin ko dito?"
"Masama ang paninigarilyo, kaya imbis na mag-smoke ka 'yan na lang ang ipalit mo."
*********End of Flashback***********
"Yumi," bulong ng isip ko na paulit-ulit. Bwisit, bakit ba hindi ko s'ya makalimutan? Nag hithitbuga ako ng hangin at ininom ang natitirang beer pagkatapos ay inihagis ko ito sa baba ng terrace. Nagkalat ang bubog pero hindi ko na pinansin.
Dumiretso ako sa kwarto ko, gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod na ako at wasak na wasak na ang puso ko. Gusto ko na lang matulog, baka sakali sa pagtulog ko hindi ko na s'ya makita do'n. Kahit sandali magkaro'n ako ng katahimikan.
**************************************
Game of Love Mint's POV Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall. "Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami. Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. "Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma. Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa a
Game of Love Kim's POV Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya. Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin. Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture. "Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love Yumi's POV Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin. "Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin. "Ano?" "About sa new contract mo." Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi. "Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?" "Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model." "Model
Game of Love Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Game of Love Mario's POV Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya. Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugto
Game of Love Katulad ng usapan, nauna ng bumalik ng Pilipinas si Mario at ngayon naman pasunod na sina Yumi at Kevin. Nasa loob s'ya ng kwarto at nag-iimpake ng mga gamit habang pinagmamasdan s'ya ng kambal madaling araw kasi ang flight nila ni Kevin. "Mamamee, are you going back to the Philippines now?" tanong ni Naya kay Yumi. "Yes Baby Bunny pero don't worry after one or two weeks susunod naman kayo nila Lola n'yo eh." Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Naya. "Huwag ka nang masyadong mag-alala Mommy habang wala ka, akong bahala kay Naya at Lola. I can take care of them, hindi ko sila pababayaan," ang sabi naman ni Junior. "Big boy na talaga ang Baby Bear ko, halika nga rito pa-hug ako," sabi ni Yumi at mahigpit na niyakap si Junior. "Paano naman ato? Hindi mo ba ato love," naka-pout na sabi ni Naya kaya naman biglang n
Game of Love "Hey! Did you see them?" sigaw na tanong ni Mint habang nakahiga sa mahabang sofa. Naglalaro s'ya ng online games, narinig n'ya kasi ang usapan nila Kim kaya naman iniwanan n'ya ang phone n'ya at nakichismis sa kanila. Pag-uwi kasi ni Yumi, sinabi n'ya ang nangyari tungkol sa secret garden. "I told you naman, hindi ba? Avoid those varsity guys, ang kulit mo," sermon ni Kim kay Yumi. "Hindi ko rin naman alam na makikita ko sila eh, saka ano ba 'yong sinasabi nilang territory?" curious na tanong ni Yumi. "Sa University kasi maraming gang at 'yong secret garden, isa sa mga hide out ng varsity guys," paliwanag ni Nychaa. "Teka Yumi, may nakakita ba sa 'yo no'ng pumasok ka sa secret garden?" tanong naman ni Mint. "Hindi ko sure eh." "Wish mo lang na walang nakakita sa 'yo, lagot ka talaga," sabi naman ni Mint.