Share

Kabanata 7

Game of Love

Mint's POV

Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall.

"Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami.

Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

"Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma.

Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa at napakahalang ng bituka ng kung sino mang may gawa nito. Pinagkasya ang hubad n'yang katawan sa isang maleta, punong-puno s'ya ng pasa at ibat-ibang marka ng pangto-torture.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Nychaa at nagbuntonghininga.

"Ano pa ba? eh di maghahanap na naman ng bagong model," sabi naman ni Masu.

"Wag kayong mag-alala kung tungkol sa image model na ipapalit kay Regine, ako na ang bahala. Tutal no choice na din naman tayo, nag-email na ako at naghihintay na lang ng reply ng manager n'ya, s'ya 'yong sinasabi kong magiging huling bahara natin. Ang mas dapat nating asikasuhin ngayon ay malinis ang pangalan nitong Mall. Sigurado akong susugod ang mga media dito para magtanong lalo na't nakapirma na si Regine ng kontrata sa 'tin," mahabang paliwanag ko sa kanila para kahit papaano'y kumalma sila.

"Ako na ang bahalang humarap sa mga reporters para ipaliwanag na walang kinalaman ang Mall sa pagkamatay ni Regine," sambit ni Kim na medyo kumalma na.

"Wag na kayong masyadong mag-alala, wala naman tayong kasalanan dito eh. Pormal na lang akong pupunta sa pamilya ni Regine para makiramay," sabi naman ni Nychaa.

"Asikasuhin mo na ang paghahanap ng bagong image model Mint. Kami na nila Kim ang bahala sa iba pa," sabi naman ni Masu na sinang-ayunan ko na lang. Pagkatapos ay isa-isa na silang lumabas.

Sinadya ko talagang hintayin silang umalis at magpaiwan dahil gusto kong makausap si Barry, may gusto kasi akong linawin sa kanya.

"Barry, tingin mo? Ano talaga ang totoong nangyari kay Regine?" tanong ko kaagad kay Barry pag-alis nila. Ayaw ko mang isipin pero may isang pangalan ng tao na paulit-ulit kong naiisip na pwedeng gumawa nito.

"Bakit, ano bang iniisip mo Mint?"

"Ayaw ko mang sabihin pero kanina pa tumatakbo sa isip ko si Chad."

"Pwede ba Mint, matagal ng patay si Chad. Nakita natin ang bangkay n'ya, hindi ba?"

"Nakita natin, pero sunog ito at halos hindi na makilala. Hindi ka ba nagtataka sa mga nangyayari? Pang-anim na ito sa dapat na magiging model natin, pero ano bigla na lang namamatay? Walang bakas ng killer, walang ebidensya." Napaka-imposible na kasi ng mga nangyayari, napakahirap isipin na coincidence lang dahil pang-anim na si Regine sa mga modelo na magiging image model dapat ng Kugimiya Mall pero lahat ay bigla na lang namamatay. Pakiramdam ko may hindi tama na nangyayari.

"Napa-praning ka lang Mint, wala na si Chad. Saka pwede bang huwag mo nang ibalik ang nakaraan, matagal nang tapos 'yon."

"Paano kung buhay s'ya?"

"Hindi na mabubuhay ang namatay na," sabi ni Barry pagkatapos ay nilayasan na n'ya ako. Tingin ko talaga may hindi tama dito, kinukutuban kasi ako ng masama at huwag naman sanang tumama ang kutob ko na si Chad ang nasa likod sa lahat ng krimen na 'to.

*******************

Bumili muna ako ng isang bucket ng san mig apple bago ako nagpasyang umuwi. Naguguluhan pa rin kasi ako sa mga nangyayari, gusto ko na lang uminom.

Natanaw ko na ang Happy House Village, dito kami nakatira lahat sama-sama sa iisang bahay.

Pagpasok ko, lahat sila ay nasa malaking salas ng bahay. Nakita ko sina Kim at Mark, nakakandong si Kim kay Mark. Si Nychaa naman nasa mahabang sofa, nakapatong ang mga paa kay Masu. Noon pa man magkakasama na kami sa iisang bahay. Naalala ko no'ng college kami, ako, sina Nychaa at Kim, mayro'n pang isa pero ayaw na ayaw nilang nababanggit ang pangalan n'ya, sa Happy House Apartment naman kami magkakasama no'n. At ngayon ngang mag-asawa na sina Mark at Kim, sina Nychaa at Masu ay live-in partner na, napagpasyahan pa rin namin na magsama-sama sa iisang bahay at ako, ito forever single na yata.

Tanggap ko naman sa sarili ko na magiging matandang dalaga na ako, hindi na yata titibok muli 'tong puso ko. Umiling na lang ako at pumasok sa loob.  Sumalampak ako sa sahig at nag-umpisang uminom, ang sasakit kasi nila sa mata.

"Tsk! Pasintabi naman sa single oh, baka naman!" mariing sabi ko, kasi baka naman mahiya sila sa 'kin, hindi ba? Kahit pa'no, ang babastos eh pero tinawanan lang nila ako.

"Ang usapan  manonood tayo ng horror? Bakit naglalandian kayo d'yan? Ano to horrorutan?" dugtong ko pa pero lalo lang nila akong tinawanan tsk! Kainis.

"Bitter mo Mint, minsan kasi try mo mag-jowa para hindi mapait 'yang lovelife mo," anas ng nakangiting si Kim sa 'kin.

Simula pa lamang ng mga bata, magkakaibigan na kami kaya nga hindi kami mapaghiwa-hiwalay kaya naman simula kinder, elementary, highschool at college ay magkakasama na kami, at ito nga ngayong may kanya-kanya ng buhay at naging successful na kami napagpasyahan namin na magsama-sama pa rin at kahit pa na magkaro'n ng sariling pamilya, walang iwanan. Saklap lang ng buhay ko, magiging forever single na yata ako.

Itong Happy House Village ay pagmamay-ari ni Barry at dahil nga kill joy si Barry at gusto lagi ay mapag-isa humiwalay s'ya sa 'min, nando'n s'ya sa katapat na bahay mag-isa lang s'ya do'n walang kakulay-kulay ang buhay. Bukod dito mayro'n pang kalapit na bahay five meters lang ang layo, ang sabi kamag-anak din nila ang may-ari nito.

"Teka nga, Nychaa, Masu napuntahan n'yo na ba ang pamilya ni Regine?" pag-iiba ko ng tanong sa kanila kasi malamang pagkaisahan na naman nila ako.

"Oo, pagka-alis namin sa Mall dumiretso kami ni Masu sa pamilya ni Regine para makiramay," sabi ni Nychaa.

"Nagpasalamat ang pamilya n'ya sa pakikiramay natin, ang sabi ng Mommy n'ya napakabait daw ni Regine kaya hindi nila lubos maisip kung sino ang gagawa ng karumal-dumal na krimen sa anak n'ya " paliwanag naman ni Masu.

"Nakita rin namin dun si SPO1 Danika at SPO2 Alan, sila ang may hawak ng kaso ni Regine," sabi ni Nychaa.

"Di ba Kim malayong kamag-anak n'yo si SPO1 Danika?" dugtong pa ni Nychaa.

"Oo, pero hindi kami gano'n ka-close. Sa pagkaka-alam ko lang magaling s'yang police," sagot ni Kim.

" By the way Kim, kamusta? Nakausap mo na ba ang mga reporters?" baling na tanong ko kay Kim.

"Naipaliwanag ko na sa kanila na walang kinalaman ang Mall sa pagkamatay ni Regine, naliwanagan naman sila ng maayos. Wala na tayong problema, ititigil na nila ang imbestigasyon sa Mall," sagot ni Kim sa tanong ko.

"Teka Mint maiba tayo, pwede mo na bang sabihin sa 'min kung sino 'yong pinagmamalaki mong model?" curious na tanong ni Kim. Bumitaw s'ya sa pagkakayakap ni Mark at naupo rin sa sahig. Gano'n din ang ginawa ng iba, umikot sila ng isang bilog sa sahig.

"Ano na? Sabihin mo na?" sabi naman ni Nychaa.

"Sigurado ba kayo, gusto n'yo talagang malaman?" paniniguro kong tanong sa kanila.

Malamang kasi kapag nalaman nila kung sino 'yong sinasabi kong huling baraha baka isumpa nila ako.

"Oo nga, sino ba kasi?" sabi naman ni Mark.

Lahat sila na cu-curious na.

"Actually, kaka-send ko pa lang ng email sa manager n'ya at hindi ko sure kung tatanggapin nila ang offer natin sa kanila," totoo naman hindi ko pa naman kasi sure, wala pa naman kasing nagre-reply sa email ko.

"Sabihin mo na kasi Mint kung sino, pabitin ka pa eh!" naiinis na sabi ni Masu.

Paano, paputol-putol ang sinasabi ko. Nagbuntonghininga muna ako nang malalim bago ulit nagsalita.

"Si---"

"Sino ba kasi! Put* naman eh!" sigaw na ni Kim na halatang napipikon na dahil sa pambibitin na ginagawa 'ko. Muli akong nag hithitbuga ng hangin para magkaro'n ng lakas ng loob na masabi sa kanila.

"Si Yumi! Ano? Happy na kayo!"

Bahala sila d'yan pinipilit nila akong sabihin eh.

"Si Yumi?" gulat na gulat silang lahat.

"Oo nga si Yumi, paulit-ulit tayo!"

"Are you out of your mind? Bakit si Yumi? Hindi ako papayag!" galit na sabi ni Kim. Ito na nga ba ang sinasabi ko, lagot ako! Napatayo na si Kim nang dahil dito.

"Hindi ako papayag na s'ya ang maging bagong image model ng Mall. Baka mamaya do'n pa s'ya magkalat ng kalandian n'ya," dugtong pa ni Kim. Kanina, pinipilit nila na sabihin ko kung sino ang model na napupusuan kong maging image model ng Mall. Ngayong sinabi ko naman, nagagalit sila sa 'kin.

"Kim! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo! Kaibigan natin si Yumi!" hindi na napigilan ni Nychaa ang hindi sumabat. Alam kong nasasaktan s'ya dahil sa sinabi ni Kim kay Yumi lalo na't may pinagsamahan kami.

"Kaibigan? May kaibigan bang traydor?"

"Tang*na naman Kim, matagal na 'yon eh. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang natin ang nakaraan!" napuno na ako kay Kim kasi naghi-histerical na s'ya, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig n'ya. Hindi n'ya na naisip ang mga dating pinagsamahan namin.

Napuno na ng tensyon ang buong paligid. Samantalang sina Mark at Masu mas pinili na lang na makinig at manood na lang sa 'min.

"Kalimutan? Nagpapatawa ka ba? Nakikita mo ba si Barry? Hanggang ngayon nagdurusa s'ya dahil sa babae na 'yon! Tapos sasabihin mo, kalimutan ang lahat!" napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ni Kim. Sa isang banda ay may tama s'ya, maski ako ay naaawa sa sitwasyon ni Barry ngayon.

"Kim, Mint, ano ba? Kumalma kayo. Kailangan bang magsigawan tayo dito?" awat sa 'min ni Nychaa pumagitna s'ya sa 'min ni Kim.

"Ayaw ko! Basta ayaw ko, hindi ako papayag!"

"Love, may point naman si Mint eh, baka ito na ang pagkakataon para mabigyan ng closure ang lahat. Hindi naman natin alam ang buong kwento," nakisali na si Mark sa usapan namin dahil masyado ng napupuno ng tensyon ang buong paligid. Tumayo si Mark at pinakalma si Kim.

"Kung iisipin natin Kim, maraming naitulong si Yumi sa 'tin. Huwag mong kalimutan nang dahil sa kanya ay naka-graduate tayo sa college," paliwanag naman ni Nychaa. Bigla ko tuloy naalala 7 years ago kung hindi dahil kay Yumi ay hindi kami makaka-graduate sa college.

"So! Ano? Pinagtutulungan n'yo ako! Paano naman si Barry? Paano kapag nagkita ulit sila? Masasaktan na naman s'ya! Guguho na naman ang mundo n'ya! Maawa naman kayo kay Barry."

"Tulad ng sinabi ko kanina Kim, past is past. Gagawin natin 'to para sa trabaho, para sa Mall. Be professional naman, wala ng ibang model na magiging perpekto para sa Mall kung hindi si Yumi lang, gusto mo bang bumagsak ang Mall?" pilit kong pinaliliwanagan si Kim.

"Hindi ko alam kung anong ginawa sa inyo ni Yumi at hanggang ngayon pinagtatanggol n'yo pa rin s'ya. Nalason na ba ang mga utak n'yo?"

"Kung mayro'n mang may nakakakilala ng lubos dito kay Yumi, Kim ikaw 'yon. Kayo ang laging magkasama hindi ba? Hindi nga kayo mapaghiwalay."

"Bakit ikaw Mint? Napatawad mo na ba s'ya? Napatawad mo na ba si Yumi? Hindi ba nilandi n'ya si Mario? Kahit alam n'ya na gusto mo si Mario!"

This time na-speechless na 'ko. Wala akong masabi, tumusok lahat sa dibdib ko ang sinabi ni Kim. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa ulo. Bigla akong nagduda sa sarili ko at naitanong kung handa na ba talaga akong muling makita si Yumi makalipas ang pitong taon?

"Kim, enough" inawat na ni Nychaa si Kim dahil alam n'yang nasukol na ako at wala ng balak na sumagot pa.

"Ewan ko sa inyo, magsama-sama kayo!" sabi ni Kim at nag-walk out. Kami namang lahat ay naiwang tulala.

Nagpasya na rin akong pumasok na sa kwarto ko at matulog na lang, nawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko may mabigat na bato na nakapatong sa dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos. Kailan ba matatapos ang lahat ng sakit na pinagdaraanan namin? Kailan ba kami totoong magiging masaya?

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status