"Nasaan si Alyssa?"
"First Young Master, ganito po kasi.." Detalyadong isinalaysay ni Jaycee ang buong insidente sa First Young Master. Siya na ang gumawa nito dahil batid niyang magiging emosyonal si Laura kung ito ang magsasalaysay ng buong pangyayari. Mataman namang nakinig ang First Young Master kanyang mga sinabi.
"First Young Master.." Lumapit si Chris, isa sa mga bodyguard nito. May ibinulong ito saglit at may iniabot na isang USB. Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.
"Here is the copy of the CCTV footage. Jaycee, ikaw na ang magcheck n'yan."
"Yes, First Young Master."
Pagkaabot sa USB, agad nang tumalima si Jaycee sa ipinapagawa sa kanya. Naiwan naman si Laura na tahimik na nakaupo sa sofa. Batid ng First Young Master na malalim ang iniisip ng dalaga kaya hindi nito namalayang lumapit siya at naupo sa tabi nito.
"Laura..." Tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya.
"Kyle...I'm..." Bago pa man matapos ni Laura ang kanyang sasabihin, agad na siyang niyakap nito.
"Shh..." Sabi nito habang tinatapik ang kanyang likod. "It's not your fault. So don't blame yourself." Napahagulgol na nang tuluyan si Laura ng marinig niya ang sinabi nito. Sinisisi kasi niya ang sarili sa nangyari kay Alyssa.
"Shh...Honey, don't worry. Everything will be alright." Hearing those words from First Young Master Kyle makes Laura feel calm and relieve. Iyon lang naman ang gusto niyang marinig for now. Assurance na mabibigyang solusyon ang pangyayaring iyon.
"Thanks, honey." Bulong ni Laura sa First Young Master. "Sorry, nabasa ko na ang shirt mo."
"It's okay." Tugon naman nito at hinalikan siya sa labi. Pagkatapos ay mahigpit muli siya nitong niyakap.
Laura and First Young Master Kyle have been secretly married for almost a year ago. Only family members and close friends knew this. Privacy matters to them. Kaya ayaw muna nila itong isa publiko.
Sa loob ng kagubatan...
Nilingon ni Alyssa ang direksyong pinanggalingan, nang masigurong walang sumusunod sa kanya dahan-dahan siyang huminto sa pagtakbo. Nakaramdam na kasi siya ng hingal at muli'y pamamanhid ng braso. Sinuyod niya ng tingin ang kanyang paligid. Kagubatan. Ang parte ng isla na kanyang kinaroroonan sa ngayon.
"Kailangang makaalis ako dito." Determinadong sabi ni Alyssa sa kanyang sarili. Nang makabawi ng lakas, nagsimula na siyang maglakad. Isang direksyon lang ang kanyang tinahak.
Pagkalipas ng isang oras na paglalakad, pagkauhaw naman ang kanyang naramdaman. Tuyong tuyo na ang kanyang lalamunan at labi. Kailangang makahanap siya ng tubig. Patuloy lang siya sa paglalakad, nagbabakasakaling sa bandang unahan ay may makita siyang ilog.
Ilang saglit pa, nakaramdam na pagkahilo si Alyssa. Naging blurred na ang paligid sa kanyang paningin at unti-unti pa'y naging itim.
Sa di kalayuan, natanaw na ni Mark ang dalaga. Napansin niyang may kakaiba sa paglalakad nito. Kaya't binilisan niya ang kanyang pagtakbo at tama nga ang kanyang hinala. Nawalan ng malay ang dalaga. At bago pa man sumayad ang katawan nito sa lupa, nasalo na niya ito.
Mark carries Alyssa in a bridal style to his cabin. Inihiga niya ito sa kanyang kama. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang bimpo at plangganang may maligamgam na tubig. Pinunasan ni Mark ang dalaga. Habang ginagawa niya ito, napansin niyang may bahid ng dugo ang braso nito kaya curious niya itong tiningnan. Dahan-dahan niyang inilihis ang damit sa braso nito at nakita niyang may sugat. Agad niyang kinuha ang kanyang first aid kit at ginamot ito.
Muling pinagmasdan ni Mark ang nakahigang dalaga sa kama. Tulog na tulog pa rin ito. Marahil nakaramdam ito ng ginhawa matapos mapunasan at magamot ang brasong may sugat. Pinalitan din niya ang suot nitong damit na maraming bahid ng dugo at putik. Kinumutan niya ito at tahimik na lumabas sa silid. Batid niya ang naranasan nito, kaya hahayaan muna niya itong makapagpahinga. Pumunta si Mark sa kusina. Magluluto muna siya, para kapag nagising ang dalaga mayroon itong kakainin. Tiningnan niya ang laman ng kanyang ref. May nakita siyang beef, chicken at mga veggies. Kaya naisip niyang gumawa ng ilang putahe mula rito. Mabilis niyang iginayak ang kanyang mga kailangan at nagsimula ng magluto. Sa silid... "Ang bango..." Nagising si Alyssa nang maamoy niya ang mabangong aroma na iyon. "Chicken noodle soup..." Agad siyang bumangon. Amoy kasi iyon ang paborito niyang pagkain. Napangiti siya nang maramdaman niyang kumulo ang kanyang sikmura. Pagbaling niya sa kanyang paligid, nagulat siya sa
"Ahem..." Umubo nang bahagya si Alyssa para makuha niya ang atensyon ni Mark. Abala kasi ito sa pagliligpit sa kusina. Nais niya itong tulungan kanina ngunit ayaw naman nito. "Yes. Do you need anything?" Lumingon ito sa direksyon niya. "Can I borrow your telephone or cellphone for a minute?" "Sure, you can. Pumunta ka sa attic, nandoon ang telepono at cellphone ko. Doon ka na rin tumawag. Mahina kasi ang signal dito sa baba." "Okay. Thanks." Nagmamadaling tumalima si Alyssa. Pagdating niya sa attic, na-amaze siya sa kanyang nakita. Isa pala iyong opisina. Kumpleto ang kagamitan sa loob. Mayroong computer, telepono atbp. Natanaw niya ang cellphone ng binata sa ibabaw ng study table. Kinuha niya ito at agad na nagdial. Laking tuwa niya nang magring ang kabilang linya. "Hello." "Jaycee..." "Young miss?" "Yes. Ako nga ito." Sa silid ng hotel... Abala sa magchecheck ng CCTV footage si Jaycee. Lahat ng kuha roon ay mataman niyang pinapanood at inaalisa, nang biglang tumunog ang
"Wow! Ang ganda naman dito." Nakangiting sabi ni Alyssa. Naglalakihan at naggagandahang bulaklak ng sunflower kasi ang bumungad sa kanya pagkalabas niya sa veranda. Natanaw na niya ito kanila sa attic while talking to Jaycee. So, she made a mental note na pupuntahan niya ito right after their conversation. "Talagang maganda..." Narinig niyang tugon sa kanyang sinabi. Napalingon si Alyssa sa kanyang likuran. Si Mark pala ang nagsalita. "You want some tea?" Tanong nito habang papalapit sa kanya. May dala itong dalawang tasa. Hindi pa man siya nakakasagot ay iniabot na nito sa kanya ang isa while taking a sip on the other cup. Naamoy ni Alyssa ang tsaa. It was a chamomile tea. She take a sip and soon the calming effect of it reach her senses. "And relaxing too." Nakangiting sabi ni Alyssa habang nakatanaw sa magandang tanawin. Ang mga bulaklak ng sunflower ay parang sumasayaw habang ito ay iniihip ng hangin. "Yeah." A moment of silence pass through them. Naupo si Alyssa sa upuan
"What the..." Gulat na nasabi ni Alyssa nang bigla siyang hilahin ni Mark papasok sa loob ng cabin. At bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay sinenyasan na siya nito na huwag siyang maingay. Nakita niyang lumapit si Mark sa tabi ng bintana. Hinawi nito nang bahagya ang kurtina para makita kung ano o sino ang nasa labas. "Sila ang dumukot sa akin." Mahinang sabi ni Alyssa kay Mark, habang matamang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi niya maaaring makalimutan ang mga itsurang iyon. "Are you sure?" "Yes." Mariing sagot ni Alyssa. Hinila ni Mark ang isang drawer at may kinuha doon. "Here, take this." Inabot nito sa kanya ang isang baril. "For protection in case you'll need it." "Okay." "Sa likuran tayo dumaan." Mabilis silang naglakad papunta sa back door. Sinenyasan siya ni Mark na ito muna ang mauunang lumabas para icheck kung makakaraan sila doon. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Tiningnan muna nito ang paligid at nang makumpirmang safe naman, mabilis na iton
"Tsk! Tsk! Nandito lang pala ang hinahanap natin." Napalingon si Mark nang marinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na siya nabigla nang makita niya ang tatlo sa mga kidnapper na humahanap kay Alyssa. "Kapag sinusuwerte ka nga naman." Nakangising sabi ng isa sa mga ito. "Matutuwa sa atin si Boss n'yan." "Tama. Lalo na kapag nahanap din natin iyong magandang babae." "Tara na. Isama na natin 'yan." Lumapit ang tatlong kidnapper kay Mark at akmang hahawakan siya. Ngunit bago pa nila ito nagawa, nagpakawala na nang tig-isang suntok si Mark para sa mga ito. "Aba't..." Nabiglang sabi ng isa sa mga kidnapper. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng binata. Sinamantala naman ni Mark ang pagkakataong iyon. Muli niyang inundayan nang tig-iisa pang suntok ang dalawang kidnapper na malapit sa kanya. "Napipikon na ako sa isang ito, ha!" Sabi ng pangatlong kidnapper. Kinuha nito ang nakasukbit na baril sa tagiliran at itinutok kay Mark na abalang sumusuntok sa dalawang kidnappe
"Freeze..." "Drop your guns." Agad na napalingon si Alyssa nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Boses kasi iyon ni Jaycee. Nakita niyang papalapit na ito sa kanila at may kasama pang isang dosenang bodyguard na pamilyar din ang mga mukha sa kanya. Mga bodyguard kasi ito ng kanyang mga kapatid. "Subukan mo lang hindi sumunod." Narinig pa ni Alyssa na banta ni Chris, isa sa bodyguard ng kanyang Kuya Kyle sa lalaking nakashades. Pumalag kasi ito at balak pang manlaban ngunit wala rin namang nagawa kinalaunan. Nang matiyak ni Mark na kakilala ni Alyssa ang mga dumating, agad na niyang ibinaba ang kanyang baril at dahan-dahang binitiwan ang baywang ng dalaga. Hindi siya umalis sa tabi nito bagkus ay nanatili pang mas alerto sa mga maaari pang mangyari sa paligid. "Alyssa..." Narinig ni Mark na may tumawag sa dalaga. Pareho silang napalingon dito. "Ate." Isang magandang babae ang tinawag nitong ate. Tumatakbo itong papalapit at agad na niyakap si Alyssa. Kasunod nito ang
Sinag ng haring araw at mahalumigmig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana. Ito ang gumising kay Alyssa mula sa mahimbing na pagkakatulog. Alas otso na ng umaga ayon sa suot niyang wristwatch. Mabilis siyang bumangon at balak pa sanang magstretching nang bigla siyang napatigil. Nakaramdam kasi siya ng kirot sa kanyang braso. Napatingin siya dito. Ang gasang nakabalot dito ay may bahid na ng dugo. "Dalawang araw palang kasi ang nakalilipas magmula nang marescue ka." Naisip ni Alyssa. Kaya medyo sariwa pa nga ang sugat niya sa braso. Hindi na niya itinuloy ang balak gawin, sa halip ay nagtungo na lang siya sa kanilang veranda. Napangiti siya pagdating niya roon. Ang buong veranda nila ay natatamnan ng mga sunflower. Kay ganda nitong pagmasdan dahil para itong nagsasayawan sa ihip ng hangin. Bigla niyang naalala ang Verdes Island. Partikular ang veranda ng cabin. Ganitong-ganito din kasi ang tanawing makikita mo. "Kaya pala parang pamilyar ang ganitong view sa akin." Narealiz
"Morning, guys!" Bungad ni Mark sa mga tao sa reception area. "Sir Mark, good morning po." "Long time no see po." "Medyo naging busy lang last week. Available ba 'yong favorite spot ko?" "Always available, sir." "Ang lakas ko talaga sa inyo. By the way, did you see Third Young Master Dave today?" "Not yet, sir. But he'll be here any minute. May VIP po kasing darating." "Okay, just inform me na lang kapag dumating na siya." "Noted, Sir Mark." Araneta Shooting Range. Ito ang pinakamalaking shooting range sa bansa. It was owned by Araneta Group of Companies and managed by Third Young Master Dave. Madalas dito si Mark. Lalo na kapag may extra time siya. While walking to his favorite spot sa shooting range, napatingin si Mark sa kanyang right side. Isang pamilyar na pigura ang kanyang nakita. Napangiti siya. "Alyssa Araneta." Pinagmasdan muna ni Mark ang dalaga. Na-amaze siya sa bawat kilos nito. Kitang-kita kasi sa tindig at porma ng dalaga na alam nito ang ginagawa. Ang bawa