Share

Kabanata 6

Muling pinagmasdan ni Mark ang nakahigang dalaga sa kama. Tulog na tulog pa rin ito. Marahil nakaramdam ito ng ginhawa matapos mapunasan at magamot ang brasong may sugat. Pinalitan din niya ang suot nitong damit na maraming bahid ng dugo at putik. Kinumutan niya ito at tahimik na lumabas sa silid. Batid niya ang naranasan nito, kaya hahayaan muna niya itong makapagpahinga.

Pumunta si Mark sa kusina. Magluluto muna siya, para kapag nagising ang dalaga mayroon itong kakainin. Tiningnan niya ang laman ng kanyang ref. May nakita siyang beef, chicken at mga veggies. Kaya naisip niyang gumawa ng ilang putahe mula rito. Mabilis niyang iginayak ang kanyang mga kailangan at nagsimula ng magluto. 

Sa silid...

"Ang bango..." Nagising si Alyssa nang maamoy niya ang mabangong aroma na iyon.

"Chicken noodle soup..." Agad siyang bumangon. Amoy kasi iyon ang paborito niyang pagkain. Napangiti siya nang maramdaman niyang kumulo ang kanyang sikmura. Pagbaling niya sa kanyang paligid, nagulat siya sa kanyang nakita.

"Nasaan na naman ako?" Isang simple but cozy na silid ang tumambad sa kanya na dapat ay kagubatan. Iyon kasi ang natatandaan niya bago siya mawalan ng malay. Napatingin siya sa kanyang braso. Her wound has been taken cared of. At naiba rin ang suot niyang damit. 

Naramdaman ni Alyssa na hindi siya nag-iisa roon. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng silid at pinakinggang maigi kung saan nanggagaling ang ingay na kanyang narinig. Nakarating siya sa kusina. Doon nagmumula ang amoy ng mabangong chicken noodle soup. Isang nakatalikod na lalaki ang kanyang nakita na abala sa pagluluto. Pinagmasdan ito ni Alyssa at batay sa kilos nito alam niyang marunong itong magluto. 

"Gising ka na pala." Biglang lumingon ang lalaki sa kanyang direksyon. Nakangiti ito, showing his right dimple. Alyssa was indeed in a state of shock. Hindi kasi niya akalain na ang lalaki sa harapan niya is the same guy at the beach. 

"Halika. Kumain ka muna." Sabi nito. Alyssa just nodded and sit at once in front of the dining table. May nakahain nang pagkain sa lamesa. A saucy beef brocolli and vegetable salad. Naglagay ito ng chicken noodle soup sa dalawang bowl. Pagkatapos ay inihain sa kanya ang isa habang ang isa naman ay para dito. Naupo ito opposite to her seat.

"How's your arm? Makirot pa rin ba?" Pag-uumpisa nito ng usapan sa pagitan nilang dalawa habang kumakain.

"Just a bit." Sagot ni Alyssa habang abala sa pagkain. Tinikman niya ang beef brocolli at vegetable salad. "It taste good." Tumatangong sabi niya rito while chewing the food on her mouth. Parang luto ng isang professional chef ang mga pagkaing nakahain. 

"Thanks for the compliment." Pinagmasdan ni Mark ang dalaga. Magana nitong kinain ang kanyang mga niluto which is hard to believe at first. Dahil batid niyang conscious din ito sa balingkinitan nitong katawan. Just like any other woman. Pero mali pala siya. The lady infront of him was an exception. 

"Gosh! The food was great." Narinig niyang sabi ng dalaga pagkalipas ng ilang saglit. Naubos nito ang lahat ng pagkain na inihain niya. Pagkatapos ay napaburp itong bigla.

"Oops! sorry..." Nahihiyang sabi ni Alyssa.

Napahalakhak na lang si Mark.   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status